Inihula ng Biblia, "At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas" (Isaias 2:2-3). Makikita dito mula sa propesiya na ito na sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw, gagawin Niyang lahat ang mga denominasyon bilang iisa. Ang mga taong taimtim na uhaw sa katotohanan, kahit saang bansa o denominasyon, ay babalik sa harap ng Diyos.
Ngayon ay bumalik na ang Diyos, at nagpahayag Siya ng milyun-milyong mga salita na nailathala sa Internet para sa mga tao mula sa lahat ng mga bansa at estado sa buhay upang suriin. Maraming mga taong nagmamahal sa katotohanan ang nakakakilala sa Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at lumabas sila sa kanilang sariling mga denominasyon at bumalik sa harap ng trono ng Diyos. Natutupad nito ang mga salita ng Diyos: "At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor" (Juan 10:16).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking pinili, na magsalita pa ng higit na maraming salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na umaayaw ang tao na isuko ang mga ito at kasabay nito ay nasusumpungang hindi maarok ang mga iyon, nguni’t nagbubunyi sa mga iyon, nang lalong higit pa. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa sangkatauhan nang sa gayon ay lalapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian na Aking pinasisinag at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t ang lahat ng mga tao ay lumalapit sa harapan Ko at makikita na kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, at na nakábábâ na rin Ako sa "Bundok ng mga Olivo" ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo bagkus ay bilang ang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay muli, at lumisan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at nagpakitang muli sa gitna ng mga tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba nang di-mabilang na mga kapanahunan noon, at Ako rin ang "sanggol" na tinalikdan ng mga Israelita nang di-mabilang na mga kapanahunan noon. Higit pa rito, Ako ang lubos-na-maluwalhating Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ng kasalukuyang kapanahunan! Hayaan ang lahat na lumapit sa harapan ng Aking trono at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at tumingin sa Aking mga gawa. Ito ay ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at ang rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaan ang bawa’t bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawa’t dila, bawa’t tao’y panatilihin ang pananampalataya sa Akin, at bawa’t tao ay magpasakop sa Akin!" mula sa "Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob"
________________________________
Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, pinamunuan ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan. Mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya at hanggang sa Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw, ano ang plano ng Diyos? Ano ang pangwakas na kahahantungan ng sangkatauhan? Dito sasabihin sa iyo ng mga salita ng Diyos ang lahat ng mga bagay. ——Ang Tatlong Yugto ng Gawain
Write a comment