· 

Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas

Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas

 

Kayo ngayon ay nasa huling bahagi ng landas, at ito ay isang kritikal na bahagi nito. Marahil ay nabata mo ang di-kakaunting pagdurusa, gumawa ng napakaraming gawain, nilakbay ang maraming daan, at nakinig sa maraming sermon, at hindi naging madali na magawa ito hanggang sa ngayon. Kung hindi mo matitiis ang pagdurusa na nasa harap mo at kung magpapatuloy ka kagaya nang ginawa mo noong nakaraan, kung gayon hindi ka maaaring gawing perpekto. Ito ay hindi para takutin ka—ito ay isang katunayan. Pagkatapos sumailalim ni Pedro sa di-kakaunting gawain ng Diyos, nagkamit siya ng ilang kabatiran at ng napakaraming pagkilatis. Naunawaan din niya ang di-kakaunting prinsipyo ng paglilingkod, at kinalaunan ay nagawa niyang ganap na magtalaga sa kung ano ang ipinagkatiwala sa kanya ni Jesus. Ang malaking pagpipino na kanyang tinanggap ay karamihan dahil sa mga bagay na kanyang ginawa, naramdaman niya na marami siyang pagkakautang sa Diyos at hindi niya kailanman magagawa na makabawi sa Kanya, at kinilala niya na ang sangkatauhan ay masyadong tiwali, kaya nagkaroon siya ng nababagabag na konsiyensya. Si Jesus ay maraming bagay na ang nasabi sa kanya at sa panahong iyon mayroon lamang siyang kaunting pagkaunawa. May mga pagkakataon na nakabuo pa rin siya ng paglaban at pagiging mapanghimagsik. Pagkatapos mapako si Jesus sa krus, nagkaroon din siya sa wakas ng kaunting pagkamulat at nadama na siya talaga ang dapat sisihin. Sa bandang huli umabot ito sa isang punto kung saan siya ay hindi tumatanggap ng anumang ideya na mayroon siya na hindi tama. Alam na alam niya ang kanyang sariling kalagayan, at alam na alam din niya ang kabanalan ng Panginoon. Bilang resulta, isang puso ng pag-ibig para sa Panginoon ang yumabong sa kanya nang higit pa, at lalong nagtuon pa siya ng pansin sa kanyang buhay. Dahil dito ay nagdanas siya ng malalaking paghihirap, at bagama’t may mga pagkakataon na parang mayroon siyang malalang karamdaman at mistula pang nasa pintuan na ng kamatayan, pagkatapos pinuhin sa ganitong paraan nang maraming beses, nagkaroon siya ng mas maraming pagkaunawa sa kanyang sarili, at sa ganitong paraan lamang niya napaunlad ang tunay na pag-ibig para sa Panginoon. Maaaring sabihin na ang kanyang buong buhay ay ginugol sa pagpipino at higit sa rito, ay ginugol sa pagkastigo. Ang kanyang karanasan ay naiiba mula sa karanasan ng sinumang iba pang tao, at nilampasan ng kanyang pag-ibig ang sa sinuman na hindi naging perpekto. Ang dahilan kung bakit siya pinili bilang isang huwaran ay dahil sa naranasan niya ang pinakamatinding paghihirap sa habang buhay niya at ang kanyang mga karanasan ay ang pinakamatagumpay. Kung nagagawa ninyo talagang lakaran ang huling bahagi ng landas kagaya lang ni Pedro, kung gayon walang sinumang nilalang ang makaaagaw sa inyong mga pagpapala.

 

Si Pedro ay isang tao na mayroong konsiyensya, at sa gayong uri ng pagkatao, nang siya ay sumusunod pa lamang kay Jesus, wala siyang magagawa kundi ang magkaroon ng maraming pagsalungat at mapanghimagsik na ideya. Ngunit habang siya ay sumusunod kay Jesus, hindi niya sineryoso ang mga bagay na ito, at naniwala siya na ang mga tao ay dapat maging ganoon. Kaya, noong una hindi siya nakadama ng anumang paninisi, ni siya ay pinakitunguhan man. Hindi seryoso si Jesus tungkol sa mga reaksyong iyon na taglay ni Pedro, ni inisip Niya ang mga iyon. Nagpatuloy lamang Siya sa gawain na dapat Niyang gawin. Hindi Niya kailanman hinanapan ng mali si Pedro at ang iba pa. Maaari mong sabihing: “Posible kaya na hindi alam ni Jesus ang tungkol sa mga ideyang ito na kanilang tinugunan?” Hindi naman! Ito ay dahil naunawaan Niya talaga si Pedro—maaaring sabihin na mayroong Siyang malaking pagkaunawa ukol sa kanya—na hindi Siya nagsagawa ng anumang mga pagtutuwid laban kay Pedro. Kinasuklaman Niya ang sangkatauhan subalit nahahabag din Siya sa kanila. Hindi ba maraming tao sa gitna ninyo ngayon ang lumalaban kagaya lamang ni Pablo, at nagtataglay ng maraming pagkaunawa kagaya lang ng ginawa ni Pedro sa Panginoong Jesus sa panahong iyon? Sinasabi Ko sa iyo, mas makabubuting huwag kang maniwala masyado sa iyong ikatlong pandama. Ang iyong pakiramdam ay hindi maasahan at lubos na winasak ng pagtitiwali ni Satanas matagal na panahon na ang nakakaraan. Iniisip mo ba na ang iyong pakiramdam ay lubos na perpekto? Nilabanan ni Pablo si Jesus nang maraming beses ngunit si Jesus ay hindi nagkaroon ng anumang reaksyon. Posible bang nagawa ni Jesus na pagalingin ang maysakit at magpalayas ng mga demonyo, ngunit hindi Niya nagawang patalsikin ang “demonyo” kay Pablo? Bakit ba noon lamang pagkatapos nabuhay na muli si Jesus at umakyat sa langit, habang nagpatuloy na basta na lamang inaaresto ni Pablo ang mga disipulo ni Jesus, na si Jesus sa bandang huli ay nagpakita sa kanya sa daan ng Damasco, at pinabagsak siya? Posible ba na ang Panginoong Jesus ay tumugon nang napakabagal? O ito ay dahil hindi Siya nagkaroon ng anumang awtoridad sa katawang-tao? Iniisip mo ba na kapag ikaw ay lihim na mapanira at lumalaban sa Aking likuran, hindi Ko alam? Iniisip mo ba na ang maliliit na piraso ng kaliwanagan na taglay mo mula sa Banal na Espiritu ay maaaring gamitin upang labanan Ako? Nang si Pedro ay hindi pa magulang ang isip, bumuo siya ng napakaraming mga ideya ukol kay Jesus, kaya bakit hindi siya sinisi? Sa ngayon, maraming tao ang gumagawa ng mga bagay nang hindi sinisisi, at maging kapag malinaw silang sinabihan na ang paggawa ng gayon ay hindi tama, hindi sila nakikinig. Hindi ba iyan ganap na dahil lahat sa pagiging mapanghimagsik ng tao? Marami na Akong sinabi ngayon, ngunit kulang ka pa rin maging ng isang maliit na piraso ng pagdama ng konsiyensya, kaya paano mo malalakaran ang huling bahagi ng landas hanggang sa dulo nito? Hindi mo ba nadadama na ito ay isang napakalaking usapin?

 

Pagkatapos lupigin ang mga tao nagagawa nilang sumunod sa pagsasaayos ng Diyos; nagagawa nilang umasa sa kanilang pananampalataya at sa kanilang kahandaan na ibigin ang Diyos upang sundin Siya. Kaya paano malalakaran ang huling bahagi ng landas? Sa iyong mga araw ng pagdanas ng kapighatian dapat mong matagalan ang lahat ng kahirapan, at dapat kang magkaroon ng kahandaan na magdusa; tanging sa paraang ito mo malalakaran nang husto ang huling bahaging ito ng landas. Iniisip mo ba na ganoon lang kadaling tahakin ang bahaging ito ng landas? Dapat mong malaman kung anong tungkulin ang dapat mong tuparin, dapat ninyong dagdagan ang inyong kakayahan at sangkapan ang inyong mga sarili na may sapat na katotohanan. Hindi ito gawain ng isa o dalawang araw—hindi ito ganoon kadali kagaya ng iyong iniisip! Ang paglakad sa huling bahagi ng landas ay nakasalalay sa kung anong uri ng pananampalataya at kahandaan ang talagang mayroon ka. Marahil ay hindi mo makikita ang Banal na Espiritu na gumagawa sa iyo, o marahil ay hindi mo nagagawang matuklasan ang gawain ng Banal na Espiritu sa iglesia, kaya ikaw ay negatibo at bigo, at puno ng kawalan ng pag-asa para sa daan na darating. Partikular na, yaong mga dating dakilang mga mandirigma ay bumagsak lahat--hindi ba ang lahat ng ito ay isang bigwas sa iyo? Paano mo dapat tingnan ang mga bagay na ito? Mayroon ka bang pananampalataya o wala? Ganap mo bang nauunawaan ang kasalukuyang gawain, o hindi? Ang mga bagay na ito ay maaaring tumukoy kung makakayanan mong lakaran nang husto ang huling bahagi ng landas.

 

Bakit sinasabi na kayo ngayon ay nasa huling bahagi ng landas? Ito ay dahil naunawaan ninyo ang lahat ng bagay na dapat ninyong maunawaan, at sinabi Ko sa inyo ang lahat ng bagay na dapat makamit ng mga tao. Sinabi Ko sa inyo ang lahat ng bagay na ipinagkatiwala sa inyo. Kaya, ang inyong nilalakaran ngayon ay ang huling bahagi ng landas na pinangungunahan Ko. Kinakailangan Ko lamang na maabot ninyo ang kakayahan na mamuhay nang nagsasarili, na kahit kailan ka man magkakaroon palagi ng daan na tatahakin, dagdagan mo ang iyong kakayahan gaya nang dati, basahing mabuti ang mga salita ng Diyos, at magkaroon ng wastong pamumuhay ng tao. Ikaw ay Aking inaakay ngayon na mabuhay sa ganitong paraan, ngunit sa hinaharap kapag hindi na Kita inaakay, mabubuhay ka pa rin ba sa ganitong paraan? Makapagpapatuloy ka ba? Ito ang naging karanasan ni Pedro. Nang pinangunahan Siya ni Jesus, wala siyang pagkaunawa; siya ay palaging walang iniintindi kagaya ng isang bata, at hindi siya seryoso tungkol sa mga bagay na kanyang ginawa. Pagkatapos lamang umalis ni Jesus saka niya sinimulan ang kanyang wastong pamumuhay bilang tao. Ang kanyang makahulugang buhay ay nagsimula lamang nang si Jesus ay umalis. Bagama’t taglay niya ang ilang katuwiran ng normal na pagkatao at kung ano ang dapat taglayin ng isang normal na tao, ang kanyang tunay na karanasan at paghahangad ay hindi nagsimulang muli hanggang si Jesus ay umalis. Kamusta na ang mga bagay para sa inyo sa sandaling ito? Ikaw ngayon ay pinangungunahan Ko na sa ganitong paraan at iniisip mo na ito ay mahusay. Walang mga kapaligiran at mga pagsubok na darating sa iyo, ngunit sa ganitong paraan walang paraan kung paano makikita kung anong uri ng tayog ang totoo mong taglay, ni mayroong paraan kung paano makikita kung ikaw ay tunay na isang tao na hinahangad ang katotohanan. Sinasabi mo sa iyong bibig na nauunawaan mo ang iyong sariling kakanyahan, ngunit ng mga ito ay hungkag na mga salita. Kalaunan, kapag ang mga katotohanan ay dumating sa iyo, saka pa lamang mapatutunayan ang iyong pagkaunawa. Bagamat mayroon ka na ngayong ganitong uri ng pagkaunawa: “Nauunawaan ko na ang aking laman ay napakatiwali, at ang kakanyahan ng laman ng mga tao ay upang maghimagsik at lumaban sa Diyos. Ang magawang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay lahat ng Kanyang pagtataas. Naunawaan ko na ngayon iyon, at ako ay nakahandang tumbasan ang pag-ibig ng Diyos,” na madaling sabihin, kalaunan kapag ang kapighatian, mga pagsubok, at pagdurusa ay dumating sa iyo, hindi magiging madaling sumailalim sa mga ito. Sinusundan ninyo ang ganitong paraan araw-araw, ngunit hindi pa rin ninyo magawang ipagpatuloy ang inyong karanasan. Magiging mas malala pa ito kung pababayaan Ko kayo at hindi mag-uukol ng anumang pansin sa inyo; karamihan sa mga tao ay babagsak at magiging isang haligi ng asin, isang simbolo ng kahihiyan. Ang lahat ng ito ay talagang posible. Hindi ka ba nag-aalala at nababalisa tungkol dito? Sumailalim si Pedro sa ganyang uri ng kapaligiran at naranasan ang ganyang uri ng pagdurusa, ngunit siya ay nakapanindigan pa rin. Kung ang kapaligiran na iyon ay dinala sa iyo, magagawa mo bang manindigan? Ang mga bagay na sinabi ni Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa habang Siya ay nasa lupa ang nagbigay kay Pedro ng isang saligan, at mula sa saligang ito na nilakaran niya ang kanyang landas kinalaunan. Maaabot ba ninyo ang gayong antas? Ang mga landas na iyong nilakaran noong una at ang mga katotohanan na iyong naunawaan—maaari bang maging saligan mo ang mga ito para makapanindigan sa hinaharap? Maaari bang maging pangitain mo ang mga ito para makapanindigan sa kinalaunan? Sasabihin Ko sa inyo ang katotohanan—maaaring sabihin ng isa na ang kasalukuyang nauunawaan ng mga tao ay mga doktrinang lahat. Ito ay dahil sa kung ano ang kanilang nauunawaan ay hindi ang lahat ng bagay na kanilang pinagdaanan. Na nagagawa mong makapagpatuloy hanggang sa ngayon ay dahil lahat sa pangunguna ng bagong liwanag. Hindi dahil sa ang iyong tayog ay nakarating sa isang partikular na antas, ngunit ang Aking mga salita ang nanguna sa iyo hanggang sa kasalukuyan; hindi dahil sa mayroon kang malaking pananampalataya, kundi dahil sa karunungan ng Aking mga salita, wala kang magagawa kundi ang sumunod hanggang sa ngayon. Kung hindi Ako magsasalita ngayon, kung hindi bibigkasin ng Aking tinig, hindi ka makapagpapatuloy at kaagad na hihinto sa pagkilos nang pasulong. Hindi ba ito ang inyong totoong tayog? Wala kayong ideya kung mula sa aling mga aspeto papasok at sa aling mga aspeto babawi para sa inyong kakulangan. Hindi ninyo nauunawaan kung paano isabuhay ang isang makabuluhang buhay ng tao, kung paano tumbasan ang pag-ibig ng Diyos, o maging isang malakas at matunog na saksi. Hindi ninyo matatamo ang mga bagay na ito sa anumang paraan! Kayo ay kapwa tamad at hangal! Ang tanging magagawa ninyo ay ang sandalan ang isang bagay, at ang inyong sinasandalan ay bagong liwanag, at ang Isa na nasa harapan ninyo na nangunguna sa inyo. Kaya mo nagagawang makapamalagi hanggang sa kasalukuyan ay dahil lahat sa pananalig sa bagong liwanag at ang pinakabagong mga pagbigkas. Hindi ninyo kagaya si Pedro, na mahusay sa paghahanap ng tunay na daan, o kagaya ni Job, na nagawang matapat na sambahin si Jehova at naniniwala na Siya ang Diyos kahit na gaano man siya sinubok ni Jehova, at kung siya ay pinagpala man Niya o hindi. Kaya mo bang gawin iyon? Paano kayo nilupig? Ang isang aspeto ay paghatol, pagkastigo, at sumpa, at ang isa pang aspeto ay ang mga misteryo na lumulupig sa inyo. Kayong lahat ay parang mga asno. Kung ang Aking sinasalita ay hindi pa ganoon katayog, kung walang anumang mga misteryo, kung gayon hindi kayo maaaring lupigin. Kung ito ay isang taong nangangaral at palagi nilang ipinangangaral ang tungkol sa parehong mga bagay sa loob ng ilang panahon, aabutin ito ng hindi kukulangin sa dalawang taon para kayong lahat ay tumakbo, at hindi ninyo magagawang magpatuloy. Hindi ninyo alam kung paano pumunta sa malalim, ni hindi ninyo nauunawaan kung paano hangarin ang katotohanan o ang daan ng buhay. Ang tangi ninyong nauunawaan ay ang pagtanggap ng isang bagay na naiiba, kagaya ng pakikinig sa mga misteryo o mga pangitain, o pakikinig sa kung paano dating gumagawa ang Diyos, o pakikinig sa mga karanasan ni Pedro, o ang nasa likuran ng pagkakapako sa krus ni Jesus…. Nakahanda lamang kayong makinig sa mga bagay na ito, at habang lalo kayong nakikinig kayo ay lalong mas sumisigla. Nakikinig kayo sa lahat ng ito upang itaboy ang inyong kalungkutan at pagkabagot! Ang inyong mga buhay ay tinutustusang lahat ng naiibang mga bagay na ito. Iniisip mo ba na nakarating ka dito ngayon sa pamamagitan ng iyong sariling pananampalataya? Hindi ba ito ang hamak, nakahahabag na maliit na piraso ng tayog na inyong tinataglay? Nasaan ang inyong karangalan? Nasaan ang inyong pagkatao? Taglay ba ninyo ang buhay ng tao? Ilan ba sa mga elemento ang taglay ninyo sa pagiging perpekto? Hindi ba ang katotohanan ang sinasabi Ko? Nagsasalita Ako at gumagawa sa ganitong paraan ngunit ni hindi pa rin kayo nag-uukol ng pansin. Habang kayo ay sumusunod, nanonood din kayo. Palagi ninyong pinananatili ang isang hitsura ng pagwawalang-bahala, at palagi kayong pinipilit. Sa ganitong paraan lahat kayo nagpapatuloy. Ang kabuuan nito ay naging pagkastigo, pagpipino, at pagtutuwid na nanguna sa inyo hanggang sa kasalukuyan. Kung ang ilang sermon lamang sana sa pagpasok sa buhay ang ipinangaral, hindi ba lahat kayo ay nakabitaw matagal na panahon na ang nakararaan? Ang bawat isa sa inyo ay naging mas magagalitin kaysa sa sumunod na isa; sa katunayan, wala kayong laman kundi maruming tubig! Naunawaan mo ang ilang misteryo, at naunawaan mo ang ilang bagay na hindi naunawaan ng mga tao noong una, kaya bahagya ka pa lamang nakararating hanggang ngayon. Wala kayong dahilan para hindi sumunod, kaya kapapatibay pa lamang sa inyo at nakiayon sa ginagawa ng karamihan. Ito lamang ang kalalabasan na natamo sa pamamagitan ng Aking mga salita, ngunit tiyak na hindi ninyo ito sariling gawa. Wala kayong maipagmamalaki. Kaya, sa yugtong ito ng gawain kayo ay pinangunahan hanggang sa kasalukuyan pangunahin na sa pamamagitan ng mga salita. Kung hindi, sino sa inyo ang makakayang sumunod? Sino ang makararating hanggang sa kasalukuyan? Sa simula pa lamang gusto na ninyong umalis sa unang posibleng sandali, ngunit hindi kayo nangahas; hindi ninyo taglay ang lakas ng loob. Hanggang sa kasalukuyan, sumusunod kayo nang pabantulot.

 

Pagkatapos lamang na ipinako si Jesus sa krus at umalis saka sinimulan ni Pedro na tahakin ang kanyang sariling daan, sinimulang lakaran ang landas na dapat niyang tahakin; nagsimula lamang siyang sangkapan pagkatapos niyang makita ang kanyang sariling kawalang-kakayahan at mga pagkukulang. Nakita niya na masyadong kaunti ang kanyang pag-ibig para sa Diyos at ang kanyang kahandaang magdusa ay hindi sapat, na wala siyang anumang kabatiran at na ang kanyang katuwiran ay kulang. Nakita niya na maraming bagay sa kanya ay hindi naaayon sa kalooban ni Jesus, at na maraming bagay na mapanghimagsik at lumalaban at marami na nakahalo sa kalooban ng tao. Pagkatapos lamang noon saka siya nagkaroon ng pagpasok sa bawat aspeto. Nang siya ay pinangungunahan ni Jesus, Kanyang inilantad ang kanyang kalagayan at umamin dito si Pedro at sumang-ayon kaagad, ngunit hindi siya nagkaroon ng tunay na pagkaunawa hanggang pagkatapos noon. Ito ay dahil sa panahong iyon, hindi pa siya nagkaroon ng anumang karanasan, at ni hindi pa niya talaga alam ang kanyang sariling tayog. Na ang ibig sabihin, gumagamit na lamang Ako ngayon ng mga salita upang pangunahan kayo, at imposible na gawin kayong perpekto sa loob ng maikling panahon, at magagawa lamang ninyong maunawaan at malaman ang katotohanan. Ito ay dahil ang paglupig sa iyo at ang gawing kumbinsido sa inyong mga puso ay ang kasaluluyang gawain, at pagkatapos lamang na ang mga tao ay lupigin saka magiging perpekto ang ilan sa kanila. Sa ngayon yaong mga pangitain at yaong mga katotohanan na iyong nauunawaan ay nagtatatag ng isang saligan para sa iyong mga karanasan sa hinaharap; sa hinaharap na kapighatian kayong lahat ay magkakaroon ng praktikal na karanasan ukol sa mga salitang ito. Kalaunan, kapag ang mga pagsubok ay dumating sa iyo at sasailalim ka sa kapighatian, iisipin mo ang mga salitang sinasabi mo sa kasalukuyan: Maging anumang kapighatian, mga pagsubok, o matitinding salot ang aking masagupa, dapat ko pa ring palugurin ang Diyos. Isipin ang tungkol sa karanasan ni Pedro, at isipin ang kay Job—ikaw ay magpapatibay ng mga salita sa kasalukuyan. Tanging sa ganitong paraan ang iyong pananampalataya ay magiging inspirasyon. Sa panahong iyon, sinabi ni Pedro na hindi siya karapat-dapat na tumanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, at pagkatapos noon magiging handa ka na ring ipakita sa mga tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa pamamagitan mo. Ikaw ay magiging handang-handa na tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo, at aaliwin ka ng Kanyang paghatol, pagkastigo, at sumpa. Sa kasalukuyan, hindi ka basta maaaring sangkapan ng katotohanan. Hindi lamang sa hindi mo magagawang manindigan sa hinaharap, ngunit baka hindi mo makakaya na ipagpatuloy ang kasalukuyang gawain. Sa ganitong paraan, hindi ba ikaw ang magiging pakay ng pag-aalis at kaparusahan? Sa ngayon wala pang anumang mga katunayan ang dumating sa iyo, at ikaw ay tinustusan Ko sa alinmang mga aspeto na kulang ka; Ako ay nagsasalita mula sa bawat aspeto. Hindi pa talaga kayo nagtiis ng maraming pagdurusa; tinanggap lamang ninyo kung ano ang nakahanda na, hindi pa kayo nagbayad ng anumang uri ng halaga, at lalo pang hindi ninyo taglay ang inyong sariling tunay na mga karanasan at mga pananaw. Kaya, kung ano ang inyong nauunawaan ay hindi ang inyong tunay na mga tayog. Kayo ay limitado lamang sa pagkaunawa, kaalaman, at paningin, ngunit hindi pa kayo nagkamit ng gaanong ani. Kung hindi Ko kailanman kayo pinag-ukulan ng pansin bagkus pinadaan sa mga karanasan sa inyong sariling tahanan, maaaring ginawa na ninyo ang inyong pagtakas pabalik sa malaking mundo matagal na panahon na ang nakararaan. Ang daan na inyong lalakaran sa hinaharap ay magiging isang daanan ng pagdurusa, at kung ang kasalukuyang landas ay malalakaran ninyo nang mabuti, kapag sumailalim kayo sa mas malaking kapighatian kinalaunan, magkakaroon kayo ng patotoo. Kung nauunawaan mo ang kahalagahan ng buhay ng tao, at tinahak ang tamang landas ng buhay ng tao, at kung sa hinaharap, hindi alintana paano man tratuhin ka ng Diyos, pasasakop ka sa Kanyang mga panukala nang walang anumang reklamo o mga pagpipilian, at hindi ka magkakaroon ng anumang mga kinakailangan ng Diyos, sa ganitong paraan, magiging isa kang tao na may halaga. Sa ngayon hindi ka pa sumasailalim sa kapighatian, kaya makasusunod ka sa anumang bagay. Sinasabi mo na paano man nangunguna ang Diyos ay mainam, at pasasakop ka sa lahat ng Kanyang mga panukala! Kinakastigo o sinusumpa ka man ng Diyos, ikaw ay magiging handa na mapalugod Siya. Sa pagsasabi ng gayon, kung ano ang iyong sinasabi ngayon ay hindi kinakailangang kumatawan sa iyong tayog. Kung ano ang nahahandang gawin mo ngayon ay hindi mapapakita na kaya mong sumunod hanggang sa wakas. Kapag ang malalaking kapighatian ay dumating sa iyo o kapag ikaw ay sumailalim sa ilang pag-uusig o pamimilit, o mas malalaking pagsubok, hindi mo magagawang sabihin ang mga salitang iyon. Kung matataglay mo ang gayong uri ng pagkaunawa noon at nakapaninindigan ka, tanging ito ang iyong magiging tayog. Ano ang nakakatulad ni Pedro sa panahong iyon? Kanyang sinabi: “Panginoon, isasakripisyo ko ang aking buhay para sa Iyo. Kung loloobin Mong ako ay mamatay, ako ay mamamatay!” Sa gayong paraan din siya nanalangin sa panahong iyon, at sinabi din niya: “Kahit hindi Ka man ibigin ng iba, dapat akong umibig sa Iyo hanggang sa wakas. Ako ay susunod sa Iyo sa lahat ng pagkakataon.” Yaon ang kanyang sinabi sa panahong iyon, ngunit sa sandaling ang mga pagsubok ay dumating sa kanya, siya ay gumuho at nanangis. Alam ninyong lahat na makaitlong ikinaila ni Pedro ang Panginoon, tama? Napakaraming tao ang magsisiiyak at magpapahayag ng kahinaan ng tao kapag ang mga pagsubok ay dumating sa kanila. Hindi ikaw ang panginoon ng iyong sarili. Sa ganito, hindi mo mapipigil ang iyong sarili. Marahil sa kasalukuyan ay gumagawa ka nang husto, ngunit iyon ay dahil mayroong kang isang angkop na kapaligiran. Kung yaon ay magbabago bukas, ipakikita mo ang iyong karuwagan at kawalan ng kakayahan, at ipakikita mo rin ang iyong pagiging kasuklam-suklam at kawalang kabuluhan. Ang iyong “pagiging lalaki” ay matagal na panahon nang nawasak, at may mga pagkakataon na ikaw ay susuko pa at tatalikod. Ipinakikita nito na ang iyong naunawaan sa panahong iyon ay hindi ang iyong totoong tayog. Dapat tumingin ang isa sa totoong tayog ng isang tao upang makita kung iniibig nila talaga ang Diyos, kung nagagawa nila talagang magpasakop sa panukala ng Diyos, at kung nagagawa nilang ilaan ang lahat ng kanilang lakas sa pagtatamo ng kung ano ang kinakailangan ng Diyos at nakakapanatili pa ring nakatalaga sa Diyos at ibibigay kung ano ang pinakakarapat-dapat sa Diyos, mangahulugan man ito na isasakripisyo nila ang kanilang sariling buhay.

 

Dapat mong tandaan ang mga mga salitang ito ay sinalita na ngayon: Kinalaunan, sasailalim ka sa mas malaking kapighatian at mas malaking pagdurusa! Ang gawing perpekto ay hindi isang magaan o madaling bagay. Kahit paano dapat mong taglayin ang pananampalataya ni Job o marahil ay mas malaki pang pananampalataya kaysa kanya. Dapat mong malaman na ang mga pagsuboksa hinaharap ay magiging mas matindi kaysa sa mga pagsubok ni Job, at dapat ka pa ring sumailalim sa pangmatagalang pagkastigo. Ito ba ay isang simpleng bagay? Kung ang iyong kakayahan ay hindi mapapabuti, ang iyong kakayahan para sa pagkaunawa ay kulang, at ang iyong nalalaman ay kakaunti, kung gayon sa panahong iyon hindi ka magkakaroon ng anumang patotoo, bagkus ikaw ay magiging isang katatawanan, isang laruan para kay Satanas. Kung hindi ka makakapanatili sa mga pangitain ngayon, kung gayon wala kang saligan sa anumang paraan, at ikaw ay itatapon sa hinaharap! Ang bawat bahagi ng daan ay hindi madaling lakaran, kaya huwag mo itong babalewalain. Maingat mong timbangin ito ngayon at gumawa ng mga paghahanda kung paano lakaran nang tama ang pinakahuling bahagi ng landas. Ito ang landas na dapat tahakin sa hinaharap at dapat itong tahakin ng lahat ng tao. Hindi mo maaaring hayaan na ang kasalukuyang pagkaunawa na ito ay papasok sa isang tenga at lalabas sa kabila, at huwag mong isipin na ang Aking sinasabi sa iyo ay walang kabuluhang lahat. Darating ang araw na magagamit mo ang lahat ng ito sa mabuti—ang mga salita ay hindi maaaring sabihin nang walang kabuluhan. Ito ang oras para sangkapan ang iyong sarili; ito ang oras upang paghandaan ang daan para sa hinaharap. Dapat mong ihanda ang landas na iyong lalakaran kinalaunan; dapat kang mangamba at mabalisa tungkol sa kung paano ka makapanindigan kinalaunan at maghandang mabuti para sa iyong hinaharap na landas. Huwag maging matakaw at tamad! Dapat mo talagang gawin ang lahat ng iyong magagawa upang gawin ang pinakamahusay na paggamit sa iyong oras para makamit ang lahat ng iyong kailangan. Ibinibigay Ko sa iyo ang lahat upang ikaw ay makauunawa. Nakita ninyo sa inyong sariling mga mata na sa loob ng hindi bababa sa tatlong taon, nagsalita Ako ng maraming bagay at gumawa ng napakaraming gawain. Ang isang aspeto ng paggawa sa ganitong paraan ay dahil sa ang mga tao ay masyadong nagkukulang, at ang isa pang aspeto ay dahil sa ang panahon ay napakaigsi at hindi maaaring magkaroon ng karagdagang mga pag-antala. Batay sa paraan na iniisip mo ito, dapat munang makamit ng mga tao ang perpektong panloob na kalinawan bago maaari silang magpatotoo at magamit-hindi ba iyon masyadong mabagal? Kaya gaano katagal Ko kailangang samahan ka? Kung kakailanganin mo Akong samahan ka hanggang sa Ako ay matandang-matanda na, yaon ay magiging imposible! Sa pamamagitan ng pagsailalim sa mas malaking kapighatian, ang tunay na pagkaunawa sa loob ng lahat ng tao ay makakamit. Ito ay isang hakbang ng gawain. Sa oras na ganap mong maunawaan ang mga pangitain na ating pinagsamahan sa kasalukuyan at nakamit mo ang pagkakaroon ng dalisay na tayog, anumang mga kahirapan ang iyong madaanan sa hinaharap ay hindi ka mapagtatagumpayan—magagawa mong matagalan ang mga ito. Kapag natapos Ko ang huling hakbang ng gawaing ito at natapos Ko ang pagbigkas ng huling mga salita, sa hinaharap ay kakailanganin ng mga tao na lakaran ang sarili nilang landas. Tutuparin nito ang mga salita na Aking sinabi noong una: Ang Banal na Espiritu ay mayroong isang tagubilin para sa bawat isang tao, at gawain na gagawin sa bawat isang tao. Sa hinaharap, lalakaran ng lahat ang landas na dapat nilang tahakin, na pinangunahan ng Banal na Espiritu. Sino ang magmamalasakit para sa iba kapag sumasailalim sa kapighatian? Ang bawat isang indibidwal ay may kani-kanilang sariling pagdurusa, at ang bawat isa ay mayroong kanilang sariling tayog. Walang kaninumang tayog ang kagaya ng sa sinuman. Hindi pagmamalasakitan ng mga asawang lalaki ang kanilang mga asawang babae at hindi pagmamalasakitan ng mga magulang ang kanilang mga anak; walang sinuman ang makapagmamalasakit para sa sinuman. Hindi ito kagaya ngayon—ang pagmalasakitan at suporta sa isa’t isa ay posible pa rin. Iyon ang magiging isang panahon sa paglalantad ng bawat uri ng tao. Iyon ay, kapag sinaktan ng Diyos ang pastol, mangangalat ang mga tupa ng kawan, at sa panahong iyon hindi kayo magkakaroon ng tunay na tagapanguna. Magkakabaha-bahagi ang mga tao—hindi magiging kagaya ngayon, kung saan maaari kayong magkatipun-tipon bilang isang kongregasyon. Kalaunan, ipakikita niyaong mga hindi nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang kanilang tunay na kulay. Ipagbibili ng mga asawang lalaki ang kanilang mga asawang babae, ipagbibili ng mga asawang babae ang kanilang mga asawang lalaki, ipagbibili ng mga anak ang kanilang mga magulang, uusigin ng mga magulang ang kanilang mga anak—ang puso ng tao ay hindi mahuhulaan! Ang tanging magagawa ay para sa isa na panghawakan ang kung anong mayroon ang isa, at lakarang mabuti ang huling bahagi ng landas. Sa ngayon hindi ninyo ito malinaw na nakikita at masyadong maigsi ang naaabot ng pananaw ninyong lahat. Ang matagumpay na pagsasailalim sa hakbang na ito ng gawain ay hindi madaling bagay.

 

Ang panahon ng kapighatian ay hindi magiging mas matagal—ni hindi ito magiging isang taon. Kung magtatagal ito ng isang taon aantalain nito ang susunod na hakbang ng gawain, at ang tayog ng mga tao ay hindi magiging sapat. Kung ito ay magiging masyadong mahaba hindi nila ito matatagalan—may mga hangganan ang kanilang tayog. Pagkatapos maging ganap ang Aking sariling gawain, ang susunod na hakbang ay para sa mga tao na lakaran ang landas na dapat nilang lakaran. Dapat maunawan ng lahat kung anong landas ang dapat nilang lakaran—ito ay isang landas ng pagdurusa at isang proseso ng pagdurusa, ito rin ay isang landas ng pagpipino sa iyong kalooban na ibigin ang Diyos. Aling mga katotohanan ang dapat mong pasukin, aling mga katotohanan ang dapat mong punan, paano ka dapat makaranas, at mula sa aling aspeto ka dapat pumasok—dapat mong maunawaan ang lahat ng bagay na ito. Dapat mong sangkapan ang iyong sarili ngayon. Kung maghihintay ka hanggang sa dumating ang kapighatian sa iyo, magiging huli na ang lahat. Ang bawat isang tao ay dapat magtiis ng pasanin para sa kanilang sariling buhay; huwag palaging maghintay sa mga babala ng iba o para sa kanila na lagyan ng kulisap ang iyong tainga sa lahat ng oras. Napakarami na ng Aking sinabi ngunit hindi mo pa rin alam kung aling mga katotohanan ang dapat mong pasukin o isangkap sa iyong sarili. Ipinakikita nito na hindi ka pa nakagawa ng pagsisikap sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Hindi ka nagtitiis ng anumang pasanin para sa iyong sariling buhay sa anumang paraan—paano magiging maayos iyon? Hindi malinaw sa iyo kung ano ang papasukin mo, hindi mo nauunawaan and dapat mong maunawaan, at ikaw ay lubos na walang ingat tungkol sa kung anong hinaharap na landas ang dapat mong tahakin—hindi ka lamang ba maliliit na piraso ng labi? Para sa ano ka ba mainam? Ang inyong ginagawa sa ngayon ay pagtatayo at pagpapatag ng inyong sariling mga daan. Dapat mong malaman kung ano ang dapat na matamo ng mga tao at ang pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Dapat mong taglayin ang sumusunod na mga pagkaunawa: Maging anuman, bagama’t ako ay napakatiwali, dapat akong bumawi para sa mga depektong ito sa harap ng Diyos. Kung hindi pa sinabi sa akin ng Diyos, hindi ko naunawaan, ngunit ngayong sinabi Niya sa akin, yamang naunawaan kong dapat akong magmadali na makabawi rito, upang maisabuhay ang isang normal na pagkatao, at maisabuhay ang isang larawan na mapapalugod ang kalooban ng Diyos. Hindi man ako maaaring mabuhay sa paraang ginawa ni Pedro, kahit papaano dapat kong isabuhay ang isang normal na pagkatao, at sa paraang ito mapapalugod ko ang puso ng Diyos.

 

Ang huling bahagi ng landas na ito ay mula ngayon hanggang sa pagtatapos ng hinaharap na kapighatian. Ang bahaging ito ng daan ay kapag ang tunay na tayog ng mga tao ay nabunyag gayundin kung sila ay mayroong tunay na pananampalataya o wala. Yamang ang huling bahagi ng landas na ito ay magiging mas mahirap kaysa alinmang tinahak noong nakaraan, at ito ay magiging mas mabatong daan kaysa noong nakaraan, ito ay tinatawag na “ang huling bahagi ng landas.” Ang katotohanan ay hindi ito ang pinakahuling bahagi ng daan; ito ay dahil sa pagkatapos sumailalim sa malaking kapighatian, sasailalim ka sa gawaing pagpapalaganap ng ebanghelyo at magkakaroon ng bahagi ng mga tao na sasailalim sa gawain ng pagiging kinasangkapan. Kaya “ang huling bahagi ng landas” ay sinasabi lamang upang tukuyin ang kapighatian ng pagpipino sa mga tao at ang malupit na kapaligiran. Sa bahaging yaon ng daan sa nakaraan, personal Kong pinangungunahan ka hanggang sa iyong maligayang paglalakbay, Aking akay-akay ka upang turuan ka at sinusubuan ka ng pagkain. Bagama’t sumailalim ka sa pagkastigo at paghatol nang maraming beses, bahagyang paghampas lamang na inuulit ang mga ito sa iyo. Mangyari pa na yaon ay nagdulot sa iyong mga pananaw sa paniniwala sa Diyos na magbago nang kaunti; nagdulot din ito sa iyong disposisyon na tumatag nang bahagya, at nagtulot sa iyo na magkaroon ng kaunting pagkaunawa ukol sa Akin. Ngunit sinasabi Ko sa iyo ito, sa paglakad sa bahaging iyon ng landas, ang halaga o ang pagpapagal na itinumbas ng mga tao ay medyo kaunti—Ako ang nag-akay sa iyo hanggang sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa hindi Ko kinakailangan sa iyo na gumawa ng anuman at ang Aking mga kinakailangan sa iyo ay hindi ganoon kataas—tinulutan lamang kita na tanggapin kung ano ang mayroon na. Sa yugtong ito ng panahon naglaan Ako nang walang tigil para sa inyong mga pangangailangan, at hindi Ako bumanggit kailanman ng anumang di-makatuwirang mga kahilingan. Kayo ay nagdanas nang paulit-ulit na pagkastigo at hindi ninyo nakamit ang Aking orihinal na mga kinakailangan. Kayo ay umuurong at nangalulumbay, ngunit hindi Ko ito isinasaalang-alang sapagkat ito na ngayon ang panahon ng Aking personal na gawain at ang iyong “pagtatalaga” ay hindi Ko gaanong siniseryoso. Ngunit sa landas mula ngayon, hindi na Ako gagawa o magsasalita, at sa panahong iyon hindi Ko na kayo pananatilihin pa sa gayong nakababagot na paraan. Tutulutan Ko kayo na magkaroon ng sapat na mga aral na pag-aaralan, at hindi Ko ipatatanggap sa inyo kung ano ang mayroon na. Ang tunay na tayog na taglay ninyo sa kasalukuyan ay dapat na malantad. Naging mabunga man o hindi ang inyong mahabang mga taon ng pagsisikap ay makikita kung paano ninyo lalakaran ang huling bahaging ito ng landas. Noong nakaraan, inisip ninyo na ang paniniwala sa Diyos ay napakasimple, at iyon ay dahil sa ang Diyos ay hindi naging seryoso sa iyo. At paano naman ngayon? Iniisip ba ninyo na ang paniniwala sa Diyos ay simple? Nararamdaman pa rin ba ninyo na ang paniniwala sa Diyos ay kasing-saya at kasing-ligaya kagaya ng paglalaro ng mga bata sa lansangan? Totoo na kayo ay tupa, gayunman, dapat ninyong malakaran ang landas na dapat ninyong lakaran upang tumbasan ang biyaya ng Diyos, at upang lubos na makamit ang Diyos na inyong pinaniniwalaan. Huwag makipaglokohan sa inyong mga sarili—huwag linlangin ang inyong mga sarili! Kung mapagtatagumpayan mo ang bahaging ito ng landas, magagawa mong makita ang hindi pa nangyayari, ang maringal na tagpo ng paglaganap ng Aking ebanghelyo sa lahat ng dako sa kabuuan ng sansinukob, at tataglayin mo ang magandang kapalaran na maging Aking matalik na kaibigan, at upang ganapin ang iyong bahagi sa pagpapalawak ng Aking gawain sa buong sansinukob. Sa panahong iyon, patuloy mong lalakaran nang buong galak ang landas na dapat mong lakaran. Ang hinaharap ay magniningning nang walang hanggan, ngunit ang pangunahing bagay ngayon ay ang lakaran nang husto ang huling bahaging ito ng landas. Dapat kang maghangad, at maghanda para sa kung paano gagawin ito. Ito ang dapat mong gawin ngayon mismo—ito ay isang bagay na nangangailangan ng madaliang pagkilos ngayon!