· 

Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?

Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?

 

Maaari mo bang ipahayag ang disposisyon ng Diyos sa kapanahunan sa akmang wika na may kabuluhan sa kapanahunan? Sa pamamagitan ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, maaari mo bang detalyadong ilarawan ang disposisyon ng Diyos? Paano mo mailalarawan ito nang naaakma, naaangkop? Upang sa pamamagitan nito, maaaring matuto ang iba tungkol sa iyong mga karanasan. Paano mo ipapasa ang iyong mga nakikita at mga karanasan sa mga yaong nakakaawa, dukha, at tapat na relihiyosong mga mananampalataya na nagugutom at nauuhaw sa pagkamatuwid at naghihintay sa iyo upang akayin sila? Anong uri ng mga tao ang naghihintay sa iyo upang akayin sila? Naguguni-guni mo ba? Namamalayan mo ba ang pasanin na iyong binabalikat, ang iyong tagubilin, at ang iyong pananagutan? Nasaan ang iyong makasaysayang pagkaramdam ng misyon? Paano ka magsisilbi bilang isang mabuting panginoon para sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang dakilang pagkaramdam ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng bagay? Ito ba ang tunay na panginoon ng lahat ng nabubuhay na mga nilalang at lahat ng materyal sa mundo? Ano ang mga plano na mayroon ka para sa pagsulong ng susunod na hakbang ng gawain? Ilang tao ang naghihintay sa iyo upang ikaw ay maging kanilang pastol? Ang gawain mo ba ay mabigat? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nawawala, naghuhumiyaw sa kadiliman, “Nasaan ang daan?” Lubhang nananabik sila sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at pagwatak-watakin ang puwersa ng kadiliman na nang-api na sa mga tao sa loob ng maraming mga taon. Sino ang makaaalam kung gaanong kabalisa silang umaasa, at gaanong nananabik sila araw at gabi para rito? Ang mga taong ito na labis na naghihirap ay nananatiling nakabilanggo sa mga piitan ng kadiliman, walang pag-asang makawala, kahit sa araw na kumikislap ang liwanag; kailan sila hindi na luluha? Ang marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan ay tunay na nagdurusa sa gayong masamang kapalaran. Matagal na silang natalian ng walang-awang mga lubid at ng kasaysayan na hindi nabubuwag. Sino ang kahit minsan ang nakarinig na sa huni ng kanilang pagtaghoy? Sino ang kahit minsan ay nakakita na sa kanilang kaawa-awang itsura? Naisip mo ba kung gaano namighati at nabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga kapus-palad na nilason. Kahit na nanatili silang buhay hanggang sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal nang nilason ng masamang nilalang? Nakalimutan mo na bang isa ka sa mga biktima? Dala ng iyong pag-ibig sa Diyos, hindi ka ba handang magsikap upang iligtas ang mga yaong nanatiling buhay? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagsisikap upang gantihan ang Diyos na iniibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang sariling laman at dugo? Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan ng Diyos upang isabuhay ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang pagpapasya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at naglilingkod sa Diyos?