· 

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Kumusta Ang Iyong Kaugnayan sa Diyos

 

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Kumusta Ang Iyong Kaugnayan sa Diyos

 

Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at pasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa sambahayan ng Diyos bilang siyang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaaayos ng Diyos. Nagagawa mong mapatahimik ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa bawat sandaling gumagawa ka ng anumang bagay; kahit na hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos, dapat mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at mga pananagutan sa abot ng iyong makakaya. Hindi pa masyadong huli upang hintayin na mabunyag sa iyo ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito. Kapag naging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, kung gayon magkakaroon ka rin ng isang normal na kaugnayan sa mga tao. Ang lahat ay itinatag sa saligan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagsasagawa alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, itama ang iyong mga pananaw, at huwag gumawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos o gumagambala sa iglesia. Huwag gumawa ng mga bagay na walang pakinabang sa mga buhay ng mga kapatid, huwag magsasalita ng mga bagay na hindi nakatutulong sa ibang mga tao, huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang mga bagay. Maging makatarungan at kagalang-galang kapag ginagawa ang lahat ng mga bagay at gawing kaaya-aya ang mga ito sa harap ng Diyos. Bagamat ang laman ay mahina paminsan-minsan, nagagawa mong ilakip ang pinakamataas na kahalagahan sa kapakinabangan ng sambahayan ng Diyos, huwag pag-imbutan ang iyong sariling mga pakinabang, at ipatupad ang pagkamakatuwiran. Kung makapagsasagawa ka sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.

 

Sa bawat pagkakataong gagawa ka ng anumang bagay, dapat mong siyasatin kung ang iyong mga pagganyak ay tama. Kung nagagawa mong kumilos alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Ito ang pinakamababang pamantayan. Kung, sa pagsisiyasat mo sa iyong mga pagganyak, lumabas yaong mga hindi tama, at kung magagawa mong talikuran ang mga ito at kikilos alinsunod sa mga salita ng Diyos, kung gayon ikaw ay magiging yaong nararapat sa harap ng Diyos, na magpapakita na ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, at na ang lahat ng iyong ginagawa ay para sa kapakanan ng Diyos, at hindi para sa sarili mo. Sa bawat pagkakataon na ikaw ay gumagawa o nagsasabi ng anumang bagay, dapat mong ilagay sa tama ang iyong puso, maging matuwid, at huwag pangunahan ng iyong mga damdamin, o kumilos alinsunod sa iyong sariling kalooban. Ito ang mga panuntunan kung saan iginagawi ng mga sumasampalataya ang kanilang mga sarili. Ang mga pagganyak at tayog ng isang tao ay maaaring ibunyag sa isang maliit na bagay, at kaya, para makapasok ang mga tao sa landas ukol sa pagiging ginawang perpekto ng Diyos, dapat muna nilang lutasin ang kanilang sariling mga pagganyak at ang kanilang kaugnayan sa Diyos. Kapag ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal saka ka lamang gagawing perpekto ng Diyos, at sa gayon lamang matatamo ang pakikitungo sa Diyos, pagpungos, disiplina, at kapinuhan ang ninanais na epekto ng mga ito. Na ang ibig sabihin, nagagawa ng mga taong taglayin ang Diyos sa kanilang mga puso, hindi hinahangad ang personal na mga pakinabang, hindi iniisip ang kanilang personal na kinabukasan (tumutukoy sa pag-iisip ng laman), ngunit sa halip binabata nila ang pagpasok sa buhay, ginagawa nila ang buong makakaya sa paghahanap sa katotohanan, at nagpapasakop sa gawain ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang mga layunin na iyong hinahangad ay tama, at ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Maaaring sabihin na ang pagsasaayos sa kaugnayan ng isa sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagpasok sa espirituwal na paglalakbay ng isa. Bagamat ang kapalaran ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos, at itinatalaga ng Diyos, at hindi mababago sa ganang mga sarili ng mga ito, kung ikaw ay maaaring gawing perpekto at kamtin ng Diyos ay nakasalalay sa kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal o hindi. Marahil ay mayroong mga bahagi sa iyo na mahina at masuwayin—ngunit hangga’t ang iyong pananaw ay tama at ang iyong mga pagganyak ay wasto, at hangga’t inilalagay mo sa tama ang iyong kaugnayan sa Diyos at ginawa itong normal, kung gayon ikaw ay karapat-dapat na gawing perpekto ng Diyos. Kung hindi mo taglay ang tamang kaugnayan sa Diyos, at kumikilos para sa kapakanan ng laman, o ng iyong sambahayan, kung gayon hindi alintana kung gaano ka man kasikap gumawa ang lahat ay mauuwi sa wala. Kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, kung gayon ang lahat ng iba pa ay magiging maayos. Wala ng ibang tinitingnan ang Diyos, ngunit tinitingnan lamang Niya kung ang iyong mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ay tama: kung sino ang iyong pinaniniwalaan, kung para sa kaninong kapakanan ka naniniwala, at bakit ka naniniwala. Kung nagagawa mong makita nang malinaw ang mga bagay na ito, at nagagawa mong ilagay sa tama ang iyong mga pananaw at pagsasagawa, kung gayon ang iyong buhay ay makagagawa ng pagsulong, at tiyak na magagawa mong pumasok sa tamang landas. Kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay hindi normal, at ang iyong mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ay lihis, hahadlangan ng mga ito ang lahat ng iba pa. Maging paano ka man naniniwala sa Diyos, hindi ka magkakamit ng anuman. Kung normal ang iyong kaugnayan sa Diyos saka ka lamang pagtitibayin ng Diyos kapag tinalikuran mo ang laman, manalangin, magdusa, magtiis, sumunod, tulungan ang iyong mga kapatid, maglaan ng mas marami pang pagsisikap sa Diyos, at iba pa. Kung mayroong bang halaga o kabuluhan ang isang bagay na iyong ginagawa ay nakasalalay sa kung ang iyong mga layunin ay tama at kung ang iyong mga pananaw ay tama. Sa kasalukuyan, ang paniniwala ng maraming mga tao sa Diyos ay kagaya lamang ng pagtingin sa isang orasan na ang kanilang ulo ay nakabaling sa isang panig—ang kanilang mga pananaw ay lihis. Ang lahat ay magiging mainam kung ang isang pambihirang tagumpay ay magagawa rito, ang lahat ay magiging maayos kung ito ay malulutas, samantalang ang lahat ay mauuwi sa wala kung ito ay hindi malulutas. Ang ilang mga tao ay gumagawi nang mainam sa harap Ko, ngunit sa likod Ko wala silang ibang ginagawa kundi ang lumaban. Ang mga ito ay masasama at mapanlinlang na mga pagpapakita at ang ganitong uri ng tao ay isang lingkod ni Satanas, sila ang karaniwang sagisag ni Satanas upang subukin ang Diyos. Ikaw ay isang angkop na tao lamang kung nagagawa mong magpasakop sa Aking gawain at sa Aking mga salita. Hangga’t nagagawa mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, hangga’t ang lahat ng iyong ginagawa ay kaaya-aya sa harap ng Diyos, ang lahat ng iyong ginagawa ay makatarungan at kagalang-galang, hangga’t hindi ka gumagawa ng kahiya-hiyang mga bagay, hindi gumagawa ng mga bagay na makapipinsala sa mga buhay ng mga tao, hangga’t ikaw ay nabubuhay sa liwanag, at hindi pinagsasamantalahan ni Satanas, kung gayon ang iyong kaugnayan sa Diyos ay mailalagay sa tama.

 

Sa paniniwala sa Diyos, ang iyong mga layunin at mga pananaw ay dapat mailagay sa tama; dapat kang magkaroon ng wastong pagkaunawa at tamang pagtrato sa mga salita ng Diyos, gawain ng Diyos, sa mga kapaligiran na isinaayos ng Diyos, sa tao na pinatototohanan ng Diyos, at sa praktikal na Diyos. Hindi ka dapat magsagawa alinsunod sa iyong personal na mga saloobin, o gumawa ng sariling maliliit na plano. Dapat mong magawang hangarin ang katotohanan sa lahat ng bagay at tumindig sa iyong kinalalagyan bilang isang nilikha ng Diyos at magpasakop sa lahat ng gawain ng Diyos. Kung gusto mong maghangad na gawing perpekto ng Diyos at pumasok sa tamang landas ng buhay, kung gayon ang iyong puso ay dapat palaging nabubuhay sa harap ng Diyos, huwag maging napakasama, huwag sundin si Satanas, huwag iiwanan si Satanas ng anumang mga pagkakataon upang gawin ang gawain nito, at huwag hahayaang kasangkapanin ka ni Satanas. Dapat mong ibigay nang lubos ang sarili mo sa Diyos at hayaang pamahalaan ka ng Diyos.

 

Nakahanda ka bang maging tagapaglingkod ni Satanas? Nakahanda ka bang pagsamantalahan ni Satanas? Naniniwala ka ba sa Diyos at hinahangad ang Diyos upang maaari ka Niyang gawing perpekto, o ito ay upang ikaw ay maging isang pagkakaiba sa gawain ng Diyos? Nakahanda ka bang makamit ng Diyos at isabuhay ang isang makahulugang buhay, o ikaw ay nakahandang isabuhay ang isang walang kabuluhan at hungkag na buhay? Nakahanda ka bang kasangkapanin ng Diyos, o pagsamantalahan ni Satanas? Nakahanda ka bang hayaang puspusin ka ng mga salita at katotohanan ng Diyos, o hayaang puspusin ka ng kasalanan at ni Satanas? Isaalang-alang at timbanging mabuti. Sa iyong araw-araw na pamumuhay, dapat mong maunawaan yaong mga salitang sinasabi mo at yaong mga bagay na iyong ginagawa na nagiging dahilan upang maging abnormal ang iyong kaugnayan sa Diyos, kung gayon ituwid ang iyong sarili at pumasok sa wastong paraan. Siyasatin ang iyong mga salita, ang iyong mga pagkilos, ang bawat hakbang mo, at ang iyong mga saloobin at mga ideya sa lahat ng mga pagkakataon. Unawain ang iyong tunay na kalagayan at pumasok sa landas ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa ganitong paraan ka lamang magkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagtimbang kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, magagawa mong maituwid ang iyong mga layunin, mauunawaan ang katuturan ng tao, at mauunawaan ang sarili mo; sa pamamagitan nito, magagawa mong makapasok sa totoong mga karanasan, tunay na itanggi ang sarili mo, at matamo ang kusang pagpapasakop. Sa gayong mga pamamaraan kagaya kapag nararanasan mo kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, magagawa mong makahanap ng mga pagkakataon na gawing perpekto ng Diyos, magagawa mong maunawaan ang maraming mga sitwasyon kung saan sa ilalim nito ay gumagawa ang Banal na Espiritu, at magagawa mong malinaw na makita ang maraming mga panlilinlang at mga pakikipagsabwatan ni Satanas. Sa pamamagitan lamang ng ganitong paraan ka maaaring gawing perpekto ng Diyos. Ilagay mo sa tama ang iyong kaugnayan sa Diyos upang isailalim ang sarili mo sa lahat ng mga kinakailangan ng Diyos. Ito ay upang lalo kang makapasok nang mas malalim sa totoong mga karanasan, at makamit ang mas marami pang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag isinasagawa mo ang pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kadalasan, makakamit mo ito sa pamamagitan ng pagtalikod sa laman at sa pamamagitan ng iyong totoong pakikipagtulungan sa Diyos. Dapat mong maunawaan na “kung wala ang isang nakikipagtulungang puso, mahirap tanggapin ang gawain ng Diyos; kung ang laman ay hindi nagdaranas ng mga kahirapan, walang mga pagpapala mula sa Diyos; kung ang espiritu ay hindi nagpupunyagi, si Satanas ay hindi mahihiya.” Kung ikaw ay nagsasagawa at malinaw na nauunawaan ang mga panuntunang ito, ang iyong pananaw sa paniniwala sa Diyos ay ilalagay sa tama. Sa inyong kasalukuyang mga pagsasagawa, dapat ninyong alisin ang pananaw na “ang paghahangad ng tinapay upang maibsan ang gutom,” dapat ninyong alisin ang pananaw na “ang lahat ay ginagawa ng Banal na Espiritu at hindi kayang makialam ang mga tao.” Iniisip lahat ng mga taong nagsasalita nang ganito, “Magagawa ng mga tao kung anuman ang makakakaya nilang gawin, at pagdating ng panahon gagawa ang Banal na Espiritu at hindi na kailangan ng mga tao na mapagtagumpayan ang laman, hindi na nila kailangang makipagtulungan, at kailangan lamang nila ang Banal na Espirtu para kilusan sila.” Ang mga pananaw na ito ay kakatwang lahat. Sa ilalim ng mga pangyayaring ito, hindi nagagawang gumawa ng Banal na Espiritu. Ito ang uri ng pananaw na nagiging isang malaking hadlang sa gawain ng Banal na Espiritu. Sa madalas na mga pagkakataon, ang gawain ng Banal na Espiritu ay natatamo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan. Kung walang pakikipagtulungan at pagbabago kung gayon ang pagnanais na baguhin ang disposisyon ng isa, pagkakamit sa gawain ng Banal na Espiritu, at pagkakamit sa pagliliwanag at pagpapalinaw mula sa Diyos ay pawang malabis na saloobin; ito ay tinatawag na “pagpapalugod sa sarili at pagpapatawad kay Satanas.” Ang mga taong kagaya nito at hindi nagtataglay ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Natagpuan mo ang maraming mga pagpapakita ni Satanas sa sarili mo, at sa iyong nakaraang mga pagkilos, napakaraming mga bagay ang sumasalungat sa mga kinakailangan ng Diyos. Nagagawa mo bang pabayaan ang mga ito ngayon? Kamtin ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, gumawa alinsunod sa mga layunin ng Diyos, maging isang bagong tao at magkaroon ng isang bagong buhay, huwag magbalik-tanaw sa dating mga pagsalangsang, huwag masyadong magdalamhati, manindigan ka at makipagtulungan sa Diyos, at tuparin ang mga tungkulin na dapat mong gampanan. Sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.

 

Kung tatanggapin mo ang mga salitang ito nang pasalita lamang pagkatapos basahin ang mga ito ngunit hindi kinilusan ang iyong puso, at hindi seryoso tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon pinatutunayan nito na hindi ka naglalakip ng halaga sa iyong kaugnayan sa Diyos, ang iyong mga pananaw ay hindi pa naitatama, ang iyong mga layunin ay hindi pa rin nakadirekta sa pagpapahintulot sa Diyos na kamtin ka, at pagpapahintulot sa kaluwalhatian ng Diyos, ngunit sa halip ay nakadirekta sa pagpapahintulot sa mga mga pakikipagsabwatan ni Satanas na manaig at para sa pagkakamit ng iyong personal na mga layunin. Ang ganitong uri ng mga tao ay mayroong hindi tamang mga layunin at mga pananaw lahat. Hindi alintana kung anuman ang sinabi ng Diyos o kung paano ito sinabi, sila ay walang interes at walang makikitang pagbabago. Hindi nakadadama ng anumang takot ang kanilang mga puso at hindi sila nahihiya. Ang ganitong uri ng tao ay isang nalilitong tao na walang espiritu. Sa bawat pagbigkas ng Diyos, pagkatapos mo itong mabasa at nagtamo ka ng pagkaunawa, dapat mo itong isagawa. Hindi alintana kung paano ka man dating nagsasagawa—marahil noong nakaraan ang iyong laman ay mahina, ikaw ay mapaghimagsik, at ikaw ay lumaban—ito ay hindi isang malaking bagay, at hindi nito mahahadlangan ang iyong buhay mula sa paglago sa kasalukuyan. Hangga’t nagagawa mong magkaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos sa kasalukuyan, kung gayon mayroong pag-asa. Kung sa bawat pagkakataon na binabasa mo ang mga salita ng Diyos, nagkakaroon ka ng mga pagbabago at hinahayaan ang mga taong makita na ang iyong buhay ay nagbago para sa ikabubuti, ipinakikita nito na mayroon kang isang normal na kaugnayan sa Diyos at na ito ay inilagay sa tama. Hindi tinatrato ng Diyos ang mga tao batay sa kanilang mga pagsalangsang. Hangga’t nagagawa mong huwag muling maghimagsik at huwag muling lumaban pagkatapos mong makaunawa at naunawaan, kung gayon ang Diyos ay magkakaroon pa rin ng habag sa iyo. Kung taglay mo ang pagkaunawang ito at ang kahandaan na hangarin ang maging perpekto ng Diyos, kug gayon ang iyong kalagayan sa presensiya ng Diyos ay magiging normal. Maging anuman ang iyong gagawin, isaalang-alang ang: Ano ang iisipin ng Diyos kapag ginawa ko ito? Paano ito makaaapekto sa mga kapatid? Siyasatin ang iyong mga layunin sa panalangin, pagsasamahan, pananalita, gawain, at pakikisalamuha sa mga tao, at siyasatin kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal o hindi. Kung hindi mo nagagawang makilala ang iyong mga layunin at mga saloobin, kung gayon ay wala kang pagtatangi, na nagpapatunay na kakaunti lamang ang iyong nalalaman sa katotohanan. Magkaroon ng isang malinaw na pagkaunawa sa lahat ng ginagawa ng Diyos, tingnan ang mga bagay alinsunod sa salita ng Diyos at tingnan ang mga bagay sa pamamagitan ng pagtayo sa panig ng Diyos. Sa ganitong paraan ang iyong mga pananaw ay magiging tama. Kung gayon, ang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay isang pinakapangunahin para sa bawat isang naniniwala sa Diyos; dapat itong tratuhin ng bawat isa bilang siyang pinakamahalagang gampanin at bilang kanilang pinakamalaking pangyayari sa buhay. Ang lahat ng iyong ginagawa ay dapat timbangin laban sa kung ikaw ay mayroong normal na kaugnayan sa Diyos o wala. Kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal at ang iyong mga layunin ay tama, gawin ito kung gayon. Upang mapanatili ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi ka maaaring matakot na maiwawala ang personal na mga pakinabang, hindi mo maaaring tulutan si Satanas na manaig, hindi mo maaaring tulutan si Satanas na mahawakan ka, at hindi mo maaaring tulutan si Satanas na gawin kang katatawanan. Ang gayong layunin ay isang pagpapakita na ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Hindi ito para sa laman, kundi bagkus para sa kapayapaan ng espiritu, ito ay para sa pagkakamit sa gawain ng Banal na Espiritu at para sa pagpapalugod sa kalooban ng Diyos. Kung ikaw ay papasok sa isang tamang kalagayan, dapat mong maitatag ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, dapat mong ilagay sa tama ang iyong pananaw ukol sa paniniwala sa Diyos. Ito ay upang tulutan ang Diyos na ikaw ay makamit, upang tulutan ang Diyos na ibunyag ang mga bunga ng Kanyang mga salita sa iyo, at upang lalo ka pang liwanagan at paliwanagin. Sa ganitong paraan ikaw ay makapapasok sa tamang paraan. Patuloy na kumain at uminom sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, pumasok sa kasalukuyang paraan ng gawain ng Banal na Espiritu, gumawa alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, huwag susundin ang makalumang mga pagsasagawa, huwag manghawak sa dating mga paraan sa paggawa ng mga bagay, at mabilis na pumasok sa paraan ng gawain sa kasalukuyan. Sa ganitong paraan ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging ganap na normal at papasok ka sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos.

 

Write a comment

Comments: 0