· 

Masasalubong Ba Natin Ang Panginoon ng Tanging Paghihintay Lamang Sa Kanya na Bumaba Kasama ng Mga Ulap?

 

Ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing natutupad na, at ang ilan ay tinanggap na ang Panginoon. Ngunit bakit ka pa din nananatiling nakatingala sa langit, naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon?

 

Sa katunayan, sa pamamagitan ng maingat na pag-aaral ng Bibliya, madaling makita na maraming mga sipi sa Bibliya na nagpopropesiya sa pagbabalik ng Panginoon tulad ng "Narito, Ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15), "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6), "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko" (Pahayag 3:20). Kung ang Panginoon ay dumating sa mga ulap, pagkatapos ay makikita Siya ng lahat. Paano ang propesiya na "pumaparitong gaya ng magnanakaw" ay matutupad? Nangangailang sa sinoman na sumigaw "Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya"? Kailangan bang tumayo ang Panginoon sa pintuan, at kumatok? Ipinakikita sa atin ng katotohanan na bukod sa mga propesiya tungkol sa pagbaba ng Panginoon kasama ng mga ulap, mayroong mga propesiya tungkol sa Kanyang lihim na pagbaba. Ang Panginoon ay tapat, at ang Kanyang mga salita ay hindi kailanman mabibigo. Kaya kung panghahawakan lamang natin ang mga propesiya ng Panginoon na bumababa ng mga ulap at binabalewala ang mga propesiya ng Kanyang lihim na pagbaba, kung gayon maaari ba nating masalubong ang Panginoon? Nais mo bang malaman ang higit pa tungkol sa misteryo ng pagbabalik ng Panginoon upang salubungin ang Panginoon? 

 

Paano ba Talaga Darating ang Panginoon

 

_________________________________________________

 

Rekomendasyon: Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon

Write a comment

Comments: 0