Ngayon ang mga sakuna tulad ng mga lindol, taggutom, at pagbaha ay palaging nangyayari. Sa pagharap sa mga sakunang ito, maraming tao ang nakakaramdam ng kawalang magawa at maaari lamang magpatuloy sa pagdarasal sa Diyos upang magkumpisal at magsisi, umaasa na makamit ang awa ng Diyos at proteksyon sa gitna ng mga sakuna at sa huli ay makaligtas. Ngunit ang ilan ay nalilito, "Bagaman tayo ay nagdarasal at nagkukumpisal sa Panginoon, madalas pa rin tayong nagsasabi ng mga kasinungalingan at nagkakasala. Ito ay malinaw na hindi totoong pagsisisi. Kaya paano natin makakamit ang awa ng Diyos? Paano natin mapipigilan ang pagkakasala at makamit ang tunay na pagsisisi?" Ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12- 13). "Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:48).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay." mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"
Mula rito, makikita natin na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, magsasalita pa rin Siya ng mga salita upang gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng sangkatauhan upang tayo ay ganap na makalaya sa mga kadena ng kasalanan at malinis at magbago. Tanging kung tatanggapin natin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, makatakas mula sa ating tiwaling disposisyon, at hindi na gumagawa ng kasalanan, maaari itong maging tunay na pagsisisi. At sa gayon lamang tayo maaaring magkaroon ng pagkakataon na maprotektahan ng Diyos sa gitna ng mga sakuna.
________________________________
Kung tunay lamang tayong nagsisisi ay maaari tayong maligtas ng Diyos at makapasok sa kaharian ng Diyos. Kung gayon, paano natin makakamit ang totoong pagsisisi?
Mangyaring basahin: Ano ang pagsisisi
Write a comment