· 

Ikaw Ba’y Nabuhay na?

Ikaw Ba’y Nabuhay na?

 

Kapag nakamit mo na ang pagsasabuhay ng normal na pagkatao, at nagawa ka nang perpekto, bagaman hindi mo magagawang magsalita ng propesiya, ni anumang misteryo, ang larawan ng isang tao ang isasabuhay at ibubunyag mo. Nilikha ng Diyos ang tao, pagkatapos ay ginawang tiwali ni Satanas ang tao, at ginawang “mga patay na katawan” ng katiwaliang ito ang mga tao—at kaya, matapos kang magbago, magiging iba ka sa mga patay na katawang ito. Ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga espiritu ng mga tao at pinangyayari na sila’y ipanganak muli, at kapag ipinanganak muli ang mga espiritu ng mga tao, sila ay mangangabuhay muli. Ang pagbanggit ng “patay” ay tumutukoy sa mga walang espiritung bangkay, sa mga taong kung saan ang kanilang espiritu ay namatay na. Kapag binigyang buhay ang mga espiritu ng mga tao, nabubuhay silang muli. Ang mga santo na pinag-usapan noon ay tumutukoy sa mga tao na nabuhay na, ang mga nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas ngunit dinaig si Satanas. Napagtiisan na ng piniling bayan ng Tsina ang malupit at di-makataong pag-uusig at panlilinlang ng malaking pulang dragon, na naiwan na silang napinsala ang pag-iisip at walang katiting na lakas ng loob upang mabuhay. Kaya, dapat magsimula ang pagpukaw ng kanilang mga espiritu sa kanilang diwa: Unti-unti, dapat pukawin ang kanilang espiritu sa kanilang diwa. Kapag, isang araw, ay nabuhay na sila, wala nang magiging mga sagabal pa, at lahat ay magpapatuloy nang maayos. Sa ngayon, nananatili itong hindi makakamtan. Ang pagsasabuhay ng karamihan sa mga tao ay naglalaman nang labis na pakiramdam ng kamatayan, nababalot sila ng aura ng kamatayan, at napakarami nilang kakulangan. May dalang kamatayan ang mga salita ng ilang tao, may dalang kamatayan ang kanilang pagkilos, at kamatayan ang halos lahat ng kanilang pagsasabuhay. Kung magpapatotoo ngayon sa publiko ang mga tao tungkol sa Diyos, ang gawaing ito ay mabibigo kung gayon, dahil kailangan muna silang ganap na mabuhay muli, at masyadong marami ang patay sa gitna ninyo. Ngayon, nagtatanong ang ilang tao kung bakit hindi nagpapakita ng ilang tanda at himala ang Diyos upang mabilis Niyang maipapalaganap ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil. Hindi maaaring magpatotoo ang patay tungkol sa Diyos; ang buhay lamang ang maaari, ngunit karamihan sa mga tao ngayon ay patay, masyadong marami sa kanila ang namumuhay sa kulungan ng kamatayan, namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, at hindi kayang magtagumpay—kaya paano sila makakapagpatotoo tungkol sa Diyos? Paano nila maipapalaganap ang gawain ng ebanghelyo?

 

Ang mga namumuhay sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman ay ang mga namumuhay sa gitna ng kamatayan, sila ang mga sinapian ni Satanas. Kung hindi iniligtas, hinatulan at kinastigo ng Diyos, bigo ang mga taong makatakas sa impluwensya ng kamatayan, at hindi sila maaaring maging buhay. Hindi maaaring magpatotoo ang mga patay na ito tungkol sa Diyos, ni hindi rin sila maaaring gamitin ng Diyos, mas lalong hindi ang makapasok sa kaharian. Nais ng Diyos ang patotoo ng buhay, hindi ng patay, at hinihiling Niya na gumawa para sa Kanya ang buhay, hindi ang patay. “Ang patay” ay ang mga sumasalungat at naghihimagsik sa Diyos, sila ang mga manhid sa espiritu at hindi nauunawaan ang mga salita ng Diyos, sila ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan at wala kahit katiting na katapatan sa Diyos, at sila ang mga namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas at pinagsasamantalahan ni Satanas. Ipinapakita ng mga patay ang kanilang sarili sa paninindigan sa pagsalungat sa katotohanan, sa paghihimagsik sa Diyos, at sa pagiging mababa, kasuklam-suklam, masamang-budhi, malupit, mapanlinlang, at mapanira. Kahit na kinakain at iniinom ng mga naturang tao ang mga salita ng Diyos, hindi nila kayang isabuhay ang mga salita ng Diyos; nabubuhay sila, nguni’t sila ang mga lumalakad na patay, sila ang mga humihingang bangkay. Lubos na walang kakayahang pasayahin ng mga patay ang Diyos, mas lalong hindi ang ganap na makasusunod sa Kanya. Kaya lang nilang linlangin Siya, lumapastangan laban sa Kanya at ipagkanulo Siya, at ang lahat ng kanilang isinasabuhay ay nagbubunyag sa kalikasan ni Satanas. Kung nais ng mga tao na maging buhay na nilalang, at magpatotoo sa Diyos, at sang-ayunan ng Diyos, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, dapat silang magpasakop nang malugod sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at dapat nilang tanggapin nang malugod ang pagtatabas at pakikitungo ng Diyos. Saka lamang nila magagawang isagawa ang lahat ng katotohanang hiningi ng Diyos, at saka lamang nila makakamtan ang pagliligtas ng Diyos, at magiging tunay na mga buhay na nilalang. Inililigtas ng Diyos ang mga buhay, nahatulan at nakastigo na sila ng Diyos, handa nilang italaga ang kanilang mga sarili at masaya silang mag-alay ng kanilang mga buhay sa Diyos, at malugod nilang maihahandog ang kanilang buong buhay sa Diyos. Tanging kapag nakapagpatotoo ang mga buhay tungkol sa Diyos saka lamang magagawang hiyain si Satanas, ang mga buhay lang ang makakapagpalaganap sa ebanghelyong gawain ng Diyos, ang mga buhay lang ang kaayon ng puso ng Diyos, at ang mga buhay lang ang mga tunay na tao. Sa simula, ang taong nilikha ng Diyos ay buhay, nguni’t dahil sa pagtitiwali ni Satanas, namumuhay ang tao sa gitna ng kamatayan, at namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, kaya naging mga patay na walang espiritu ang mga taong ito, naging mga kaaway sila na sumasalungat sa Diyos, naging mga kasangkapan na sila ni Satanas, at naging mga bihag na sila ni Satanas. Naging patay na ang lahat ng buhay na taong nilikha ng Diyos, kaya nawala na sa Diyos ang Kanyang patotoo, at nawala na sa Kanya ang sangkatauhan, na Kanyang nilikha at ang tanging bagay na mayroon ng Kanyang hininga. Kung babawiin ng Diyos ang Kanyang patotoo, at babawiin ang yaong mga nilikha ng Kanyang sariling kamay subali’t nabihag na ni Satanas, kailangan Niyang buhayin silang muli kung ganon upang sila ay maging mga buhay na nilalang, at kailangan Niya silang bawiin upang mamuhay sila sa Kanyang liwanag. Ang mga patay ay yaong mga walang espiritu, yaong mga manhid sa sukdulan, at yaong mga sumasalungat sa Diyos. Bukod dito, sila ang mga hindi nakakakilala sa Diyos. Wala kahit na katiting na intensyon na sumunod sa Diyos ang mga taong ito, naghihimagsik lamang sila sa Kanya at sinasalungat Siya, at wala kahit na katiting na katapatan. Ang mga buhay ay yaong mga espiritung napanganak na muli, na alam sumunod sa Diyos, at yaong mga tapat sa Diyos. Pag-aari sila ng katotohanan, at ng patotoo, at ang mga tao lang na ito ang nakalulugod sa Diyos sa Kanyang tahanan. Inililigtas ng Diyos yaong mga kayang mabuhay, na makikita ang pagliligtas ng Diyos, na kayang maging tapat sa Diyos, at handang hanapin ang Diyos. Inililigtas Niya yaong mga naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at naniniwala sa Kanyang pagpapakita. Kayang mabuhay ng ilang tao, at ang ilan ay hindi; nakasalalay ito sa kung kayang maligtas o hindi ang kanilang kalikasan. Maraming tao ang nakarinig na nang marami sa mga salita ng Diyos ngunit hindi nauunawaan ang kalooban ng Diyos, narinig na nila ang maraming salita ng Diyos ngunit wala pa ring kakayahang ilagay sa pagsasagawa ang mga ito, wala silang kakayahang isabuhay ang anumang katotohanan at sadyang hinahadlangan din ang gawain ng Diyos. Wala silang kakayahang gumawa ng anumang gawain para sa Diyos, hindi nila kayang magtalaga ng anumang bagay sa Kanya, at palihim din nilang ginugugol ang salapi ng iglesia, at kumakain nang libre sa tahanan ng Diyos. Patay ang mga taong ito, at hindi sila maliligtas. Inililigtas ng Diyos ang lahat ng nasa piling ng Kanyang gawain. Subalit may bahagi sa kanila ang hindi makakatanggap ng Kanyang pagliligtas; maliit na bilang lang ang makakatanggap ng Kanyang pagliligtas, dahil masyado nang patay ang karamihan sa mga tao, masyado na silang patay na hindi na sila maaari pang iligtas, ganap silang napagsamantalahan na ni Satanas, at sa kalikasan, ay sobrang sama ng kanilang budhi. Hindi rin ganap na nagawang sumunod sa Diyos ng maliit na bilang ng mga taong iyon. Hindi sila yaong mga lubos na naging tapat sa Diyos mula sa simula, o sukdulang nagmahal na sa Diyos mula sa simula; sa halip, naging masunurin na sila sa Diyos dahil sa Kanyang gawain ng panlulupig, nakikita nila ang Diyos dahil sa Kanyang kataas-taasang pagmamahal, may mga pagbabago sa kanilang disposisyon dahil sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at nakikilala nila ang Diyos dahil sa Kanyang gawain na parehong tunay at normal. Kung wala ang gawaing ito ng Diyos, kahit gaano pa kabuti ang mga taong ito, na kay Satanas pa rin sila, nasa kamatayan pa rin sila, patay pa rin sila. Iyon, ngayon, ay ang kayang tanggapin ng mga taong ito sa pagliligtas ng Diyos sa kadahilanang handa silang makipagtulungan sa Diyos.

 

Dahil sa kanilang katapatan sa Diyos, makakamit ng Diyos ang mga buhay at mabubuhay sa piling ng Kanyang mga pangako, at dahil sa kanilang pagsalungat sa Diyos, kamumuhian at itatakwil ng Diyos ang mga patay at mamumuhay sa gitna ng Kanyang kaparusahan at mga sumpa. Sadyang ganito ang matuwid na disposisyon ng Diyos at hindi mababago ng sinumang tao. Dahil sa kanilang sariling paghahangad, tumatanggap ang mga tao ng pagsang-ayon ng Diyos at namumuhay sa liwanag; dahil sa kanilang mga tusong pakana, isinusumpa ng Diyos ang mga tao at nahuhulog sa gitna ng kaparusahan; dahil sa kanilang masamang gawain, pinarurusahan ng Diyos ang mga tao; at dahil sa kanilang paghahangad at katapatan, tumatanggap ang mga tao ng pagpapala ng Diyos. Matuwid ang Diyos: Pinagpapala Niya ang mga buhay, at isinusumpa ang mga patay, upang sila ay laging nasa gitna ng kamatayan, at hindi kailanman mamumuhay sa liwanag ng Diyos. Dadalhin ng Diyos ang mga buhay sa Kanyang kaharian, dadalhin Niya ang mga buhay sa Kanyang mga pagpapala upang makapiling Siya magpakailanman. Hahatawin Niya ang mga patay sa walang hanggang kamatayan; sila ang layon ng Kanyang pagwasak, at laging mapapabilang kay Satanas. Walang tinatrato ang Diyos nang hindi makatarungan. Siguradong mananatili sa tahanan ng Diyos ang lahat ng tunay na naghahangad sa Diyos, at ang lahat ng suwail at hindi kaayon sa Diyos ay tiyak na mananahan sa gitna ng Kanyang kaparusahan. Marahil, hindi ka sigurado tungkol sa gawain ng Diyos sa katawang-tao—ngunit balang araw, hindi ang katawang-tao ng Diyos ang direktang magsasaayos sa katapusan ng tao; sa halip, ang Kanyang Espiritu ang magsasaayos sa hantungan ng tao, at sa panahong iyon malalaman ng mga tao na iisa ang katawang-tao ng Diyos at ang Kanyang Espiritu, na hindi kayang magkamali ng Kanyang katawang-tao at mas lalong hindi kayang magkamali ng Kanyang Espiritu. Sa huli, siguradong dadalhin Niya sa Kanyang kaharian ang mga nabuhayi, walang labis kahit isa, ni walang kulang kahit isa, at itatapon Niya sa yungib ni Satanas ang mga patay na hindi na nabuhay.