· 

Ang mahahalagang kaibhan sa pagitan ng Diyos na nagkatawang-tao at ng mga taong ginagamit ng Diyos?

 

 

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

 

“Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa’t ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kaysa sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo’y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy” (Mateo 3:11).

 

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

 

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo ay ang katawang pinasukan ng Espiritu ng Diyos. Ang katawang ito ay hindi katulad ng sinumang taong may katawan. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng sinumang tao. Ang Kanyang normal na katauhan ang sumusuporta sa lahat ng Kanyang normal na mga gawain sa katawang-tao, samantalang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ito man ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang diwa ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang diwa ay yaong sa Diyos Mismo; ang diwa na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa Kanyang sariling kalooban. …

 

… Ang Diyos Mismo ay walang mga elemento ng pagsuway; ang Kanyang diwa ay mabuti. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ng lahat ng pag-ibig. Kahit nasa katawang-tao, ang Diyos ay hindi gumagawa ng anuman na sumusuway sa Diyos Ama. Kahit na sa paggugol ng pagsasakripisyo ng Kanyang buhay, Siya ay buong-pusong papayag at walang ibang pinipili. Ang Diyos ay walang mga elemento ng pagmamagaling at pagpapahalaga sa sarili, o kahit na kapalaluan at pagmamataas; Siya ay walang elemento ng kabuktutan. Lahat ng sumusuway sa Diyos ay nanggagaling kay Satanas; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Ang dahilan kung bakit ang tao ay may mga katangian na katulad ng kay Satanas ay dahil sa ang tao ay nagawa nang tiwali at kinilusan ni Satanas. Si Cristo ay hindi pa nagawang tiwali ni Satanas, kaya Siya ay mayroon lamang mga katangian ng Diyos at wala niyaong kay Satanas.

 

—mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Ang katawang-tao na ibinihis ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling katawang-tao ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang katawang-tao ay kataas-taasan, makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Ang katawang-tao na tulad nito ay may kakayahan lamang na gawin yaong matuwid at kapaki-pakinabang sa sangkatauhan, yaong banal, maluwalhati, at makapangyarihan, at walang kakayahang gumawa ng anumang lumalabag sa katotohanan o moralidad at katarungan, maging ng anumang bagay na nagkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay hindi nagagawang tiwali ni Satanas; ang Kanyang katawang-tao ay may naiibang diwa kaysa sa laman ng tao. Sapagka’t ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginagawang tiwali ni Satanas; hindi posibleng magawang tiwali ni Satanas ang katawang-tao ng Diyos. Sa gayon, sa kabila ng katunayang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tao lamang ang sinasakop, ginagamit, at binibitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagka’t kailanman ay hindi makakayanan ni Satanas na umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman makakalapit sa Diyos. Ngayon, dapat ninyong lahat maunawaan na ang sangkatauhan lamang, na siyang nagawang tiwali na ni Satanas, ang siyang nagkakanulo sa Akin, at na ang problemang ito ay palaging walang kaugnayan kay Cristo.

 

—mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Ang nagkatawang-taong Diyos ay may malaking kaibahan mula sa mga tao na ginagamit ng Diyos. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kayang gawin ang gawain ng pagka-Diyos, samantalang ang mga tao na ginagamit ng Diyos ay hindi. Sa simula ng bawat isang kapanahunan, ang Espiritu ng Diyos ay personal na nagsasalita upang ilunsad ang bagong kapanahunan at dalhin ang tao sa isang bagong simula. Kapag natapos na Siya sa pagsasalita, nagpapahiwatig ito na ang gawain ng Diyos sa loob ng Kanyang pagka-Diyos ay tapos na. Pagkatapos noon, ang mga tao ay sumusunod lahat sa pangunguna niyaong mga ginamit ng Diyos upang pumasok sa karanasan ng kanilang buhay.

 

—mula sa “Ang Mahalagang Kaibhan sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng mga Taong Ginagamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Kahit ang nagkatawang-taong Diyos ay nagtataglay ng normal na isipan ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nahahaluan ng pantaong kaisipan; isinasabalikat Niya ang gawain sa katauhan na may normal na isipan, sa ilalim ng patiunang-kundisyon na nagtataglay Siya ng pagkatao na may isipan, hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng normal na pag-iisip ng tao. Gaano man katayog ang mga kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nagdadala ng tatak ng pangangatwiran o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang gawain ay hindi binubuo ng isipan ng Kanyang katawang-tao, kundi direktang pagpapahayag ng maka-Diyos na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang ministeryo na kailangan Niyang tuparin, at wala rito ang anumang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, ang pagpapagaling sa maysakit, ang pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapako sa krus ay hindi mga produkto ng Kanyang pantaong isipan, hindi matatamo ng kahit sinong tao na may pantaong isipan. Gayundin, ang mapanlupig na gawain ngayon ay ang ministeryo na dapat magawa ng nagkatawang-taong Diyos, nguni’t hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito ang gawain na dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawain na walang kahit sinong tao ang may kaya.

 

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Sa kabuuan ng mga kapanahunan, ang mga tao na nagamit ng Diyos ay may kakayahang lahat ng normal na pag-iisip at katwiran. Alam nilang lahat ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Nagtataglay sila ng normal na mga ideya ng tao, at nasasangkapan sila ng lahat ng bagay na nararapat taglayin ng mga karaniwang tao. Karamihan sa kanila ay may pambihirang talento at likas na katalinuhan. Sa paggawa sa mga taong ito, ginagamit ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga talento, na mga kaloob na ibinigay sa kanila ng Diyos. Pinagsasama-sama ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga talento, ginagamit ang kanilang mga lakas sa paglilingkod sa Diyos. Gayunman, ang diwa ng Diyos ay malaya sa mga ideya at malaya sa mga iniisip, walang halong mga hangarin ng tao, at wala pa ng kung ano ang nakakasangkap sa mga normal na tao. Na ang ibig sabihin, hindi man lamang Niya nakasanayan ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Ganito ito kapag ang Diyos ng kasalukuyan ay dumarating sa lupa. Ang Kanyang gawain at Kanyang mga salita ay walang halong mga hangarin ng tao o pag-iisip ng tao, kundi ang mga ito ay tuwirang pagpapakita ng mga hangarin ng Espiritu, at gumagawa Siya nang tuwiran sa ngalan ng Diyos. Nangangahulugan ito na ang Espiritu ay tuwirang nagsasalita, iyon ay, ang pagka-Diyos ang tuwirang gumagawa ng gawain, nang walang humahalo sa kahit katiting na mga hangarin ng tao. Sa ibang salita, isinasakatawan ng nagkatawang-taong Diyos ang pagka-Diyos nang tuwiran, nang walang pantaong kaisipan o mga ideya, at walang pagkaunawa sa mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Kung ang pagka-Diyos lamang ang nasa paggawa (nangangahulugan na kung Diyos Mismo lamang ang nasa paggawa), walang magiging paraan para sa gawain ng Diyos na maisakatuparan sa lupa. Kaya kapag dumarating ang Diyos sa lupa, kailangan Niyang magkaroon ng isang maliit na bilang ng mga tao na ginagamit Niya upang gumawa sa loob ng sangkatauhan kasabay ng gawain na ginagawa ng Diyos sa pagka-Diyos. Sa ibang salita, gumagamit Siya ng gawain ng tao upang pagtibayin ang Kanyang pagka-Diyos na gawain. Kung hindi, walang magiging paraan para sa tao na tuwirang makipag-ugnayan sa pagka-Diyos na gawain.

 

—mula sa “Ang Mahalagang Kaibhan sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng mga Taong Ginagamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Ang gawain ng Diyos Mismo ay ang gawain ng Banal na Espiritu; ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay walang iba kundi ang Banal na Espiritu na nasa paggawa. Ang gawain ng mga tao na ginagamit ay gawain din ng Banal na Espiritu. Kaya lamang ang gawain ng Diyos ay ang ganap na pagpapahayag ng Banal na Espiritu, at wala iyong pagkakaiba, samantalang ang gawain ng mga tao na ginagamit ay may kahalong maraming bagay ng tao, at hindi ito ang tuwirang pagpapahayag ng Banal na Espiritu, lalong hindi ang ganap na pagpapahayag. … Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga taong ginagamit, ang kanilang mga kaloob at totoong kakayahan ay parehong gumaganap ng papel at hindi naisasantabi. Ang kanilang aktuwal na kakayahan ay laging ibinubuhos para maglingkod sa gawain. Masasabi na Siya ay gumagawa sa pamamagitan ng paggamit sa mga bagay na mayroon ang tao upang makamit ang mga bunga ng paggawa. Kaiba rito, ang gawain sa nagkatawang-taong laman ay para tuwirang ipahayag ang gawain ng Espiritu at hindi ito nahaluan ng isipan at mga iniisip ng tao, hindi naaabot ng mga kaloob ng tao, karanasan ng tao o ng likas na kalagayan ng tao.

 

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Ang Aking pananalita ay kumakatawan sa kung ano Ako, ngunit ang Aking sinasabi ay hindi maabot ng tao. Ang Aking sinasabi ay hindi ang nararanasan ng tao, at hindi ito isang bagay na makikita ng tao, hindi rin ito isang bagay na mahahawakan ng tao, sa halip ito ay kung ano Ako. May ilang tao na kinikilala lamang na ang Aking ibinabahagi ay kung ano ang Aking naranasan, ngunit hindi nila nakikilala na ito ay tuwirang pagpapahayag ng Espiritu. Mangyari pa, ang Aking sinasabi ay kung ano ang Aking naranasan. Ako ang siyang gumawa ng gawaing pamamahala sa loob ng anim na libong taon. Naranasan Ko ang lahat mula sa pasimula ng paglalang ng sangkatauhan hanggang ngayon; paano Ako hindi makapagsasalita tungkol dito? Pagdating sa kalikasan ng tao, nakita Ko na ito nang malinaw, at matagal na Akong nagmamasid dito; paanong hindi Ko magagawang magsalita tungkol dito nang malinaw? Dahil nakita Ko ang diwa ng tao nang malinaw, may kakayahan Akong kastiguhin ang tao at hatulan siya, sapagkat lahat ng tao ay nanggaling sa Akin ngunit ginawang tiwali ni Satanas. Siyempre, Ako ay may kakayahang magtasa ng gawain na Aking ginawa. Kahit ang gawaing ito ay hindi ginagawa ng Aking katawang-tao, ito ang tuwirang pagpapahayag ng Espiritu, at ito ang kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako. Samakatuwid, Ako ay may kakayahang ipahayag ito at gawin ang gawain na dapat kong gawin. Ang sinasabi ng tao ay ang naranasan nila. Ito ang nakita nila, ang maaabot ng mga isipan nila at ang mararamdaman ng kanilang mga pandama. Iyan ang kaya nilang ibahagi. Ang mga salita na sinabi ng nagkatawang-taong laman ng Diyos ay ang tuwirang pagpapahayag ng Espiritu at nagpapahayag ng gawain na nagawa ng Espiritu. Hindi ito naranasan o nakita ng katawang-tao, ngunit nagpapahayag pa rin ng kung ano Siya sapagkat ang diwa ng katawang-tao ay ang Espiritu, at ipinahahayag Niya ang gawain ng Espiritu. Kahit hindi ito makayang abutin ng katawang-tao, ito ay gawain na ginawa na ng Espiritu. Matapos ang pagkakatawang-tao, sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katawang-tao, binibigyang-kakayahan Niya ang mga tao na malaman kung ano ang Diyos at tinutulutan ang mga tao na makita ang disposisyon ng Diyos at ang gawain na nagawa Niya. Ang gawain ng tao ay nagbibigay-kakayahan sa mga tao na maging mas malinaw tungkol sa kung ano ang dapat nilang pasukin at kung ano ang dapat nilang maunawaan; kinapapalooban ito ng pangunguna sa mga tao tungo sa pag-unawa at pagdanas ng katotohanan. Ang gawain ng tao ay upang alalayan ang mga tao; ang gawain ng Diyos ay upang buksan ang mga bagong landas at magbukas ng mga bagong kapanahunan para sa sangkatauhan, at upang ibunyag sa mga tao yaong hindi alam ng mga nilalang, binibigyang-kakayahan sila na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang gawain ng Diyos ay ang pangunahan ang lahat ng sangkatauhan.

 

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isang tao na ginamit ng Diyos; dito, may malaking pagkakaiba. … Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, nagbubunyag ng mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang kaliwanagan na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa o kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o maibubunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, at ang tao ay may diwa ng tao. Kung tinitingnan ng tao ang mga salitang binigkas ng Diyos bilang simpleng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at ituturing ang mga salita ng mga apostol at mga propeta bilang mga salita na personal na binigkas ng Diyos, kung gayon ang tao ay mali.

 

—mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

Pinagmumulan: https://tl.kingdomsalvation.org/gods-incarnation-5.html

 

Write a comment

Comments: 0