· 

Ano ang Kaligtasan | Pagliligtas ng Diyos

Karanasan sa buhay, Buhay sa Iglesia

 

Ano ang Kaligtasan | Pagliligtas ng Diyos

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bawat hakbang ng gawain ng Diyos—masasakit na salita man ito, o paghatol, o pagkastigo—ay ginagawang perpekto ang tao, at talagang angkop. Hindi kailanman nakagawa ng gawain ang Diyos sa lumipas na mga kapanahunan na kagaya nito; sa ngayon, gumagawa Siya sa inyong kalooban kaya napahalagahan ninyo ang Kanyang karunungan. Bagama’t nagtiis na kayo ng kaunting pagdurusa sa inyong kalooban, matatag at payapa ang inyong puso; inyong biyaya ang matamasa ang yugtong ito ng gawain ng Diyos. Anuman ang magagawa ninyong makamit sa hinaharap, lahat ng inyong nakikita sa gawain ng Diyos sa inyo sa ngayon ay pag-ibig. Kung hindi nararanasan ng tao ang paghatol at pagpipino ng Diyos, ang kanyang mga kilos at sigla ay laging mananatiling paimbabaw, at ang kanyang disposisyon ay laging mananatiling hindi nagbabago. Maibibilang ba ito na nakamit ka na ng Diyos? Sa ngayon, bagama’t matindi pa rin ang kayabangan at kapalaluan sa kalooban ng tao, mas matatag na ang disposisyon ng tao kaysa rati. Pinakikitunguhan ka ng Diyos upang iligtas ka, at bagama’t maaari kang makadama ng kaunting pasakit sa panahong iyon, darating ang araw na magkakaroon ng pagbabago sa iyong disposisyon. Sa oras na iyon, aalalahanin mo ang nakalipas at makikita mo kung gaano karunong ang gawain ng Diyos, at sa oras na iyon ay magagawa mong tunay na maunawaan ang kalooban ng Diyos” (“Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagbabasa ng siping ito ’di ko maiwasang isipin kung ga’no ’ko kayabang dati. May mga ’di mapigil akong pagnanasa, naghahangad ng katanyaga’t katayuan, at kinukumpara ang sarili sa iba. Wala ’kong wangis ng isang tao. Pagkaranas ng paghatol, pagkastigo’t pagdidisiplina ng salita ng Diyos, nagsimula akong maunawaan nang kanuti ang sataniko kong kalikasan. Nagsisi ako’t nasuklam sa sarili, at naging mas tapat at mapagkumbaba. Naramdaman ko talagang ang paghatol ng salita ng Diyos ang kaligtasan ng tao.

 

Isang taon matapos kong tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, naging lider ako ng iglesia. Dahil itinaas ako ng Diyos at pinagkatiwalaan ng mga kapaid, nagdasal ako sa Diyos, nagpasyang gagawin ang tungkulin ko’t susuklian ang pag-ibig Niya. Agad akong nababad sa gawain ng iglesia. Kapag nahihirapan ang ilan, naghahanap ako ng salita ng Diyos para matulungan sila, at kahit mababaw ang ’binahagi ko, may resulta naman. Sabi ng mga kapatid, nakatulong naman ang pagbabahagi ko. Dahil may ilang tagumpay ako sa tungkulin ko, binigyan pa ’ko ng gawain para sa iba-ibang iglesia. Nasabik ako dahil do’n. Lalo na nang makita kong mas mabilis akong umunawa ng salita ng Diyos, at pinuri ako ng lider, Talagang natuwa ako sa sarili ko. Akala ko nakita ako ng lider bilang isang taong may potensyal, isang talentong hindi maaaring mawala. Sa paglipas ng panahon, mas lalo akong naging mayabang, at akala ko, may realidad na ’ko ng katotohanan. ’Di na ’ko nagtuon sa pagkain ng mga salita ng Diyos, hindi ko na hinanap ang katotohanan pag may isyu. Laging mataas ang tingin ko sa sarili ko’t hinamak ko’ng mga kapatid. Nang nakita ko’ng ang ilan sa kanila’y pinipigil ng katiwalian nila’t ’di maayos na makagawa ng tungkulin, ‘tinigil ko’ng pagbabahagi ng katotohanan sa kanila, sa halip ay pinagalitan ko sila: “Umabot na sa ganitong punto’ng gawain ng Diyos, pero nagtatamasa pa rin kayo ng laman. ’Di ba kayo takot na mahulog sa sakuna’t maparusahan? Kung ’di niyo aayusin ang tungkulin niyo, aalisin kayo.” Nakita kong napigilan sila’t hindi na nila ’ko gustong makita. pero ’di ako nagnilay sa sarili, nagmaktol akong ’di nila hinahanap ang katotohanan.

 

’Di nagtagal, may lider na pumunta sa pagtitipon. Akala ko para ’yon sa i-promote ako. Pero nagulat ako nang sabihin niyang mababaw ang pagpasok ko sa buhay, na ’di nakakalutas sa problema’ng pagbabahagi ko, at ’di ako pwedeng mamahala para sa iba’t ibang iglesia. Nang marinig ko ’yon, talagang natigilan ako—nablangko ang isip ko. Ni hindi ko nga alam kung pa’no ako nakauwi. Ang naaalala ko lang, umiiyak ako, iniisip na: “Nagsumikap ako sa tungkulin ko, pero sa halip na umangat, lumubog ako. Ano na lang ang iisipin sa’kin ng mga kapatid? Mukhang ’di ko kaya yung malakihang gawain, pero pa’no ko mapapayagan ang sarili ko sa maliliit na tungkulin?” May ilang araw na hindi ako makakain o makatulog, babad ako sa lungkot. Nanalangin lang ako sa Diyos, hiniling kong liwanagan Niya ’ko para maunawaan ko’ng kalooban Niya. Pagkadasal, naging mas kalmado na ako’t nabasa ko’ng salita ng Diyos: “Sa inyong paghahangad, napakarami ninyong indibiduwal na mga pagkaunawa, pag-asam, at hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay para pakitunguhan ang inyong hangaring magkaroon ng katayuan at ang inyong maluluhong pagnanasa. Ang mga pag-asam, katayuan, at pagkaunawa ay pawang mga halimbawang kumakatawan sa napakasamang disposisyon. … Kayo ngayon ay mga alagad, at nagtamo na kayo ng kaunting pagkaunawa tungkol sa yugtong ito ng gawain. Gayunman, hindi pa rin ninyo naisasantabi ang inyong pagnanasa sa katayuan. Kapag mataas ang inyong katayuan naghahanap kayong mabuti, ngunit kapag mababa ang inyong katayuan hindi na kayo naghahanap. Palagi ninyong iniisip ang mga pagpapala ng katayuan. Bakit hindi maialis ng karamihan sa mga tao ang pagiging negatibo? Hindi kaya dahil palaging malabo ang mga maaasahan? … Habang mas naghahanap ka sa ganitong paraan, mas kakaunti ang napapala mo. Kapag mas matindi ang paghahangad ng isang tao sa katayuan, kailangan ay mas mahigpit siyang pakitunguhan at mas nararapat siyang sumailalim sa matinding pagpipino. Ang gayong klaseng mga tao ay walang kuwenta! Kailangan silang pakitunguhan at hatulan nang sapat upang lubusan nilang talikuran ang mga bagay na ito. Kung magpapatuloy kayo sa ganitong paraan hanggang sa huli, wala kayong mapapala. Yaong mga hindi naghahangad na matamo ang buhay ay hindi maaaring mabago, at yaong mga hindi nauuhaw sa katotohanan ay hindi matatamo ang katotohanan. Hindi ka nagtutuon sa paghahangad na matamo ang personal na pagbabago at pagpasok, kundi sa halip ay sa maluluhong pagnanasa at mga bagay na pumipigil sa iyong pagmamahal sa Diyos at humahadlang sa iyo na mapalapit sa Kanya. Mababago ka ba ng mga bagay na yaon? Madadala ka ba ng mga iyon papasok sa kaharian?” (“Bakit Ayaw Mong Maging Hambingan?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos ko ’yong mabasa, naunawaan ko’ng kalooban ng Diyos. Ginawa Niya’ng sitwasyong ’yon para pakitunguhan ang pagnanasa ko sa katayuan, para pagnilayan ang sarili ko’t tahakin ang tamang landas sa pagsunod sa katotohanan. Inisip ko kung ’yon bang mga paghahangad at sakripisyo ko sa pananampalataya’y para sa paghahangad ng katotohana’t paggawa ng tungkulin ng isang nilikha. Ang reyalidad, para lang ’yon masiyahan ang ambisyon kong mas mauna sa iba, at ’di para hanapin ang katotohanan! Kaya nang nagkaro’n ako ng posisyon, natuwa ako sa sarili ko’t ’di na nagtangkang umusad. Nang matanggal ako, bukod sa ’di ako nagnilay sa sarili, naging negatibo ako’t sinisi ang Diyos. Naisip ko pa ngang sumuko na lang at pagtaksilan Siya. Wala akong konsiyensiya’t katinuan, sakim at kasuklam-suklam. Pagprotekta ng Diyos ang pagkakatanggal ko. Dapat hinanap ko ang katotohanan para lutasin ang katiwalian ko. Nung sandaling natanto ko ’yon, lumapit ako sa Diyos at nanalangin. “Diyos ko, ayoko nang hanapin ang katayuan. Gusto kong magpasakop sa ’Yong pamamahala’t kaayusan, talagang hanapin ang katotohana’t tuparin ang tungkulin ko.” Nung mga sumunod na araw, nagtuon ako sa pagkain ng salita ng Diyos at pagninilay sa sarili, at nang nalantad uli ang kayabangan ko, nagdasal ako sa Diyos at tinalikdan ang sarili. Mas gumaan ang pakiramdam ko matapos akong magsagawa nang gano’n, at maayos na ’kong makipag-ugnayan sa mga kapatid.

 

Matapos ang ilang taon na ganito, napili uli akong maging lider ng iglesia. Hindi nagtagal, nakipagsanib ang iglesia namin sa isa pang iglesia, kaya kailangan uling pumili ng lider. Dahil do’n, muling nagpakita ang pagnanasa ko sa katayuan, talagang natakot akong mawalan ng posisyon. Sa pagtitipon kasama’ng mga lider ng ibang simbahan, nakita kong karaniwan lang ang pagbabahagi nila sa katotohanan, kaya naisip kong sigurado nang ako ang mapipiling maging pinuno. Para masiguro ang posisyon ko at mas marami’ng makakita kung ga’no ako kahusay, nag-alok ako na lutasin ang ilang isyu sa isang mas mahinang simbahan, nangako ako na lulutasin ko agad ang mga ’yon. Araw-araw akong naging abala sa pagtitipon, pagbabahagi’t paglutas sa mga problema, at sa pagbabahagi ko, sadya kong pinag-usapan kung paano ako gumawa dati, kung ano ba yung malalaki kong nakamit, at kung pa’no ako pinahalagahan ng mga lider noon. Sadya ko ring pinag-usapan yung tungkol sa kamalian sa gawain ng mga lider ng ibang iglesia para patago kong iangat ang sarili ko at ibaba sila. Pero nakikita ng Diyos ang puso’t isip natin, at dahil mali ang motibo ko sa tungkulin, tinago ng Diyos ang sarili Niya mula sa’kin. Nung panahong ‘yon, kahit lagi akong abala, wala ’kong napala sa gawain ko. Tinubuan ako ng mga singaw sa bibig ko, at kahit na ang pag-inom ay masakit. Talagang nagdusa ako at naisip kong mula nang dumating ako ro’n, wala pa ’kong nalulutas at yung gawain ko, wala pa ring nakakamit na resulta. Ano na’ng magiging tingin sa’kin ng mga lider kapag naisip nila na hindi pala ako mahusay? Papa’no pala kung matanggal ako bago pa ang halalan? Napakalaki no’ng kahihiyan. Nang maisip ko ’yon, talagang gusto ko nang malutas agad ang lahat ng mga problema, pero kahit anong pagbabahagi ko, patuloy pa rin na nagtagal ang lahat kagaya ng dati. Talagang nahirapan ako, kaya lumapit ako sa Diyos at nanalangin sa Kanya. “Diyos ko! Nahulog ako sa kadiliman at wala ’kong maunawaang poblema. Diyos ko, nilabanan siguro Kita, kaya hinihiling kong gabayan Mo ’ko. Nakahanda akong magnilay sa sarili at magsisi.”

 

Kalaunan, may nabasa akong salita ng Diyos: “Mayroon kayong dila at mga ngipin ng mga taong di-matuwid sa inyong mga bibig. Ang inyong mga salita at gawa ay katulad niyaong sa ahas na tumukso kay Eva na magkasala. Hinihingi ninyo sa isa’t isa ang mata para sa mata at ngipin para sa ngipin, at nagtutunggali kayo sa Aking presensya para mag-agawan ng puwesto, katanyagan, at pakinabang para sa inyong mga sarili, nguni’t hindi ninyo nalalaman na palihim Kong pinagmamasdan ang inyong mga salita at gawa. Bago pa man kayo makarating sa Aking presensya, natunugan Ko na ang kaibuturan ng inyong mga puso. Ang tao ay palaging nag-aasam na tumakas sa pagkakahawak ng Aking kamay at iwasan ang pagmamasid ng Aking mga mata, nguni’t hindi Ako kailanman umilag sa kanyang mga salita o gawa. Sa halip, sadya Kong hinahayaan ang mga salita at gawang yaon na makita ng Aking mga mata, upang maaari Kong kastiguhin ang kasamaan ng tao at ipatupad ang paghatol sa kanyang paghihimagsik. Kaya nga, ang lihim na mga salita at gawa ng tao ay laging nananatili sa harapan ng Aking luklukan ng paghatol, at ang Aking paghatol ay hindi kailanman naalis sa tao, sapagka’t labis ang kanyang paghihimagsik” (“Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Lubha natakot ako dahil sa salita ng paghatol at pagbubunyag ng Diyos. Inalala ko kung papa’no ba yung naging pagkilos at pag-iisip ko dati. Para masiguro ang posisyon ko bilang lider at tingalain ako ng mas maraming tao, nagkunwari akong nilulutas ang mga problema sa pamamagitan ng pagbabahagi para patunayan ang sarili ko’t kunin ang loob nila, inangat ko’ng sarili ko at ibinaba’ng iba. Trinato ko’ng mga kapatid na mga kakompetisyon ko, gumamit ng nga taktika’t pandaraya. Wala akong wangis ng isang mananampalataya, wala akong kabaitan. Ano’ng kaibahan ko sa isang hayop na nakikipag-away para lang sa kapirasong pagkain? Napakasakim ko at kasuklam-suklam. Gumawa ako ng kasamaan at nilabanan ang Diyos sa mga kilos ko at nagkasala sa disposisyon Niya. Yung paghihirap ko sa mga singaw at yung hindi ko pagkamit ng anuman sa gawain pagkastigo’t pagdisiplina sa’kin ng Diyos ‘yon. Kalooban Niya na magnilay ako sa sarili, magsisi at magbago. Insip ko kung bakit lagi akong naghahangad ng kasikatan at katayuan, kung bakit ba ‘yon ang inuuna ko sa lahat. Dahil ‘yon sa nilinlang ako at ginawang tiwali ni Satanas. Ginamit niya ang edukasyon at impluwensyang panlipunan para ibabad ang puso ko sa mga lason at pilosopiyang ito, gaya ng “Pinamumunuan ng may utak ang may lakas ng katawan” at yung “pagkikila sa sarili’t pagbibigay dangal sa mga ninuno.” Malalim na nag-ugat sa puso ko ang mga satanikong pilosopiyang ito at naging kalikasan ko na. Namuhay ako sa mga lasong ito, at naging mas mayabang at mas palalo habang tumatagal, sinasamba ko’ng katanyagan at katayuan, sinusubok na mauna at maging mas magaling sa iba. Dahil sa wala ako sa tamang landas, sa halip ay namumuhay sa tiwali’t satanikong disposisyong ito, nabulag ako’t ‘di makita’ng ugat ng problema, di ko rin malutas ang mga problema ng iba’t naantala ko’ng gawain ng iglesia. ‘Di ko ginagawa ang tungkulin ko, ang ginagawa ko’y kasamaan. Nagpatirapa ako sa harap ng Diyos at nagsisi: “Diyos ko, pinabayaan ko’ng tungkulin ko paral sa pangalan at pakinabang, sinubukan Kitang linlangin. Dapat akong isumpa. Diyos ko, ayoko nang maging ganito. Gusto ko nang magsisi sa Iyo.” Tapos nabasa ko’ng mga salitas ng Diyos: “Dahil kayo ay mga nilalang ng Diyos, kailangan ninyong gampanan ang tungkulin ng isang nilalang. Wala nang iba pang mga hinihiling sa inyo. Ganito kayo dapat manalangin: ‘Diyos ko! May katayuan man ako o wala, nauunawaan ko na ngayon ang aking sarili. Kung mataas ang katayuan ko iyon ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung ito ay mababa iyon ay dahil sa Iyong pagtatalaga. Lahat ay nasa Iyong mga kamay. Wala akong anumang mga pagpipilian, ni anumang mga reklamo. … Hindi ko iniisip ang katayuan; matapos ang lahat, isa lamang akong nilalang. Kung ilalagay Mo ako sa walang-hanggang kalaliman, sa lawa ng apoy at asupre, isa lamang akong nilalang. Kung kakasangkapanin Mo ako, isa lamang akong nilalang. Kung gagawin Mo akong perpekto, isa pa rin akong nilalang. Kung hindi Mo ako gagawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil isa lamang akong nilalang” (“Bakit Ayaw Mong Maging Hambingan?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Binigyan ako ng landas ng pagsasabuhay ng salita ng Diyos. Pinalitan man ako o nagkaro’n ng katayuan, kailangan ko pa ring hanapin ang katotohanan at maayos na gawin ang tungkulin, at isabuhay ang katotohanan at iwaksi ang satanikong disposisyon ko. Matapos ’yon, itinama ko’ng mga motibo ko sa tungkulin ko at nagtuon sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagdarasal. Ipinagpasa-Diyos ko ang mga problema ng iglesia’t tumingin sa Kanya. at hinanap ko’ng katotohanan kasama’ng mga kapatid. Napakabilis na nalutas ang mga problemang ’yon sa iglesia. Napuno ako ng pasasalamat sa Diyos. Tunay ang Diyos at kaibig-ibig, at nasa tabi ko Siya, inaayos ang mga bagay para dalisayin at baguhin ako. Natanto ko rin kung ga’no kahalaga sa pananalig ko’ng paghahanap sa katotohanan at pagbabago.

 

Matapos ang anim na buwan, pinahawakan sa’kin ang gawain ng ilang simbahan. Dahil alam kong malakas ang paghahangad ko sa katayuan, at kung ga’no ‘ko kayabang, taimtim akong nagdasal sa Diyos para maitama ko ang mga motibo ko at mapagbuti ang tungkulin ko. Nung panahong ’yon, ipinares ako kay Sister Wang, na may malinaw na pananaw sa mga problema’t mature na sa paghawak ng suliranin. Madalas akong humingi ng payo sa kanya’t natuto ako sa mga kalakasan niya. Matapos ang ilang buwan na gano’n, malaki ang naging pag-unlad ko sa pagbabahagi ng katotohanan at paglutas ng mga problema’t paggawa ng iba pang gawain. Tiningala rin ako ng mga kapatid. Hindi ko napansin, nagsimula na naman akong matuwa sa sarili ko, iniisip kong kahit medyo bago lang ako sa pananampalataya, kasinggaling na ’ko ni Sister Wang sa pagbabahagi at mas may kakayahan na ’kong humawak ng mga problema. Akala ko, lumago na ang tayog ko. Hindi ko natanto na nagpapakita ang kayabangan ko sa lahat ng pagkakataon at bumalik ang pagnanasa ko sa pangala’t katayuan. Ang gusto ko, makinig sa’kin si Sister Wang sa lahat ng bagay. ’Di ko gusto at ’di ko matagalan ‘pag nakikita kong inaayunan ng iba’ng pagbabahagi niya o na siya ang nangunguna sa mga bagay sa iglesia. Pakiramdam ko, nakapagsanay na naman ako at marami na akong karanasan, na hindi na ’ko isang baguhang walang muwang, at pantay na’ng kakayahan ko sa kakayahan niya. Pareho kaming lider, kaya ba’t siya ang laging nangunguna? Ba’t ako makikinig sa kanya? Kung magpapatuloy ’yon, hindi ba magiging lider na lang ako sa pangalan? Mas sinipagan ko’ng pag-aaral ng salita ng Diyos para malampasan ko siya, at sa talakayan ng mga gawain sa iglesia, ’pag nagpahayag siya ng opinyon niya, sadya kong binusisi ang mga ’yon at hinanapan ng mali. At saka ko ibabahagi ang ideya ko, para ibaba siya at umangat ako. Tapos kalaunan, habang nag-uusap tungkol sa gawain, nagustuhan ang ideya ko ng ilan naming kasamahan at nagsimula silang lumapit sa’kin pag may problema at nakikinig sa mga suhestiyon ko. Gustung-gusto ko na nakikita silang lahat na nagtitipun-tipon at nakapalibot sa’kin. Kalaunan, hindi makalabas para gumawa ng tungkulin si Sister Wang dahil sinusundan siya ng CCP, kaya pansamantalang ako ang pumasan sa gawain. pero ‘di ako nahirapan sa gawain, sa halip, maluwag ang pakiramdam ko, naisip ko, sa wakas ako na ang masusunod sa lahat. Nung panahong ’yon, natanto kong mali ang pag-iisip ko, pero hindi ko ’yon sineryoso o hindi ako nagnilay sa sarili.

 

Isang araw, pinadadalo ako ng lider sa isang pagtitipon sa ibang lugar, mga sampu lang daw ang napipiling dumalo ro’n kahit na malaking lugar ang sakop no’n. Narinig ko rin na tumaas ang posisyon ko. Tumaas talaga ang tingin ko sa sarili ko, na ako na ang pinakamagaling sa buong rehiyon namin. Masaya akong sumakay sa tren kasama ang apat pang mga sister, pero may nangyaring ’di inaasahan habang nagbibiyahe kami. Sinundan kami at inaresto ng pulis ng CCP. Walang nangyari sa pagtatanong nila, kaya sinintensyahan ako ng dalawang taong hard labor dahil sa “paggamit ng xie jiao organization para sirain ang pagpapatupad ng batas.” Nahirapan ako matapos ang naging sentensya ko. Nabuo sa puso ko ang pag-aalinlangan sa Diyos: “Bakit ako inaresto at kinulong kung kailan itataas na’ng ranggo ko? ’Di ba pagpipigil ’yon ng Diyos, paggamit nito para ilantad at alisin ako? Nawalan na ba ’ko ng pagkakataong gumawa ng tungkulin at maligtas?” Hirap na hirap ako no’n, ’di ko alam ang gagawin. Ilang beses akong umiyak at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, hindi ko ngayon maunawaan ang kalooban Mo. Pakiramdam ko, para bang ayaw Mo na sa’kin. Liwanagan Mo ko’t gabayan para maunawaan ang kalooban Mo, para malaman ko kung pa’no pumasok sa katotohanan sa sitwasyong ’to.” Salamat sa Diyos na dininig Niya ang panalangin ko. Isang araw, isang kapatid ang pumunta sa kulungan palihim siyang nagbigay sa’kin ng isang note na may nakasulat na salita ng Diyos na kinopya niya. Ang nakalagay sa note: “Para sa lahat ng mga tao, ang pagpipino ay napakasakit, at napakahirap tanggapin—nguni’t sa panahon ng pagpipino ginagawang payak ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga hinihingi para sa tao, at nagbibigay ng mas maraming kaliwanagan, at mas maraming pagtatabas at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at sa katotohanan, binibigyan Niya ang tao ng higit na kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at binibigyan ang tao ng higit na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Iyon ang mga layunin ng Diyos sa pagpapatupad ng pagpipino. Lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ay may sariling mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni hindi Siya gumagawa ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang pagpipino ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, at ni nangangahulugan ng pagwasak sa kanila sa impiyerno. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng pagpipino, pagbabago sa kanyang mga intensyon, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang pagpipino ay isang totoong pagsubok sa tao, at isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng pagpipino magagampanan ng kanyang pag-ibig ang likas nitong tungkulin” (“Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Agad-agad na nagliwanag ang puso ko. Ang sitwasyong ’to ay pagsubok ng Diyos sa’kin. Hindi Niya kalooban na alisin ako, kundi para mas makapagnilay ako sa sarili’t makapasok sa katotohanan. Alam kong hindi na ‘ko pwedeng maging mahina, at ’di dapat tumingin sa sarili kong pagkaunawa’t pag-isipan ang kalooban Niya. Sa halip, dapat kong hanapin ang katotohanan, at pagnilayan at kilalanin ang sarili.

 

Isang gabi, hindi ako makatulog, at kahit na hindi ko gusto, inisip ko kung ba’t hinayaan ng Diyos na mangyari ’yon. Naisip ko’ng salita ng Diyos: “Talaga bang namumuhi kayo sa malaking pulang dragon? Talaga bang tunay ninyong kinamumuhian ito? Bakit ba napakaraming beses Ko na kayong natanong? Bakit Ko ba palaging itinatanong sa inyo ang bagay na ito, nang paulit-ulit?” (“Kabanata 28” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko: “Talaga bang namumuhi ako sa malaking pulang dragon? Talaga bang tunay ang pagkamuhi ko ro’n?” Tapos naisip ko’ng siping ito mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay: “Sabi ng ilan, ’Tinalikuran ko na’ng pulang dragon. Inaapi ako no’n at kinamumuhian ko na ‘yon ngayon.’ Maaari mo ’yong talikuran sa salita, ngunit hindi pagdating sa ’yong puso. Maaari ngang kinamumuhian mo ’yon sa’yong puso, ngunit ang ’yong pag-uugali at kalikasan ay kontrolado pa rin nito. ’Yon ay dahil ang mga lason ng malaking pulang dragon, mga kaisipan, mga pananaw, mga pilosopiya, mga palagay sa buhay ay humahawak pa rin sa’yong puso. Ang pagtingin mo sa mga bagay ay ang paraan pa rin ng pagtingin no’n sa mga bagay. Ang mga saloobin mo, pananaw sa buhay, at sa lahat ng bagay ay pareho sa saloobi’t pananaw no’n. Lahat ’yon ay sa malaking pulang dragon, kaya nasa ilalim ka pa rin ng kapangyarihan no’n. … Kung talagang nais mong tumakas sa impluwensya ni Satanas, kinakailangang lubos mong malinis ang lahat ng mga satanikong lasong nasa loob mo.” Dahil sa mga salitang ’to, natanto kong kinamumuhian ko lang ang malaking pulang dragon dahil sa pang-uusig no’n sa mga kapatid, at panggagambala sa gawain ng Diyos, pero hindi ’yon tunay na pagkamuhi at pagtalikod do’n. Ang tunay na pagkamuhi’t pag-abandona ay magmumula lamang sa lubos na pagkakita ng masamang kalikasan nito, kaya totoong kamumuhian natin ’yon nang sagad sa buto, at itatakwil ang mga lason no’n na nasa loob natin. Sa pagdanas ng panghuhuli, pang-uusig at pagpapahirap ng malaking pulang dragon, at pwersahang pagtuturo ng doktrina, talagang nakita kong isa ’yong demonyong namumuhi sa katotohanan at sa Diyos. Nakita ko ang pangit na mukha no’n bilang isang manlilinlang at taga-tiwali ng tao. Sinusuportahan no’n ang ateismo at materyalismo, determinado sa pagtanggi sa pag-iral ng Diyos, at ginagawa’ng lahat para magpasikat bilang “dakila, maluwalhati at tama.” Itinatanghal nito ang sarili niya bilang tagapagligtas ng mga tao’t gusto niyang paniwalaan ng lahat na Diyos siya, umaasang mapalitan ang Diyos sa puso ng mga tao. Napakasama at kasuklam-suklam ang malaking pulang dragon. At natanto kong halos kapantay ng diwa ko ang diwa no’n. Halos walang pinagkaiba. Itinaas ako ng Diyos, hinayaan akong magsagawa bilang lider, at matutong lumutas sa pamamagitan ng pagbabahagi para makilala ng iba’ng Diyos, pero ginamit ko ang pagkakataong ’yon para makapagpasikat, gusto ko lang na tingalain ako ng iba’t gawin ang gusto ko. ’Di ba nilalabanan ko’ng Diyos dahil do’n? Nainggit ako kay Sister Wang at initsa-puwera ko siya, laging hinahanap ang mga kamalian niya at minamaliit siya. Gustung-gusto ko pa nga na matanggal siya para ako na lang ang masusunod sa iglesia. Hindi ba para akong diktador? ’Di ba kinontrol ako ng lason ng pulang dragon, gaya ng, “Isa lang ang maaaring maging dominante” at “sarili ko’ng susundin ko sa langit at lupa”? Sabi ng atas administratibo ng Diyos, “Hindi dapat ipagmalaki ng tao ang kanyang sarili, ni itaas ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos” (“Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng mga Taong Hinirang ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kung titingnan ang lahat ng pinakita ko, pa’no ’yon naging paggawa ng tungkulin? Paggawa ’yon ng masama’t paglaban sa Diyos! Matagal ko nang nalabag ang atas administratibo ng Diyos, at kung hindi ako dinisiplina ng Diyos, kung ’di Niya ginamit ang sitwasyong ’yon para pigilan ako sa kasamaan ko, kung nagpatuloy ako ayon sa kalikasan at ambisyon ko, tiyak na gagawin ko’ng lahat para sa kasikatan at katayuan hanggang sa makagawa ako ng malaking kasamaan at maparusahan ng Diyos. Napagtanto kong isa ’tong seryosong panggigising sa’kin. Umabot ako sa gano’ng kadelikadong punto, pero wala ’kong kaalam-alam. Sa wakas napilitan akong magnilay sa sarili dahil sa pagkahuli sa’kin. Kung wala ang diyablong ’yon, ang malaking pulang dragon bilang hambingan, malamang hindi ko makikita kung ga’no karaming lason no’n ang nasa loob ko, na kauri talaga ako no’n. Talagang hindi ko magagawang talikuran ’yon at mapalaya ang sarili ko sa mga lason no’n. Nakita kong ang lahat ng ginawa ng Diyos ay para linisin ako at pinasalamatan ko Siya sa pagliligtas Niya sa’kin.

 

Maraming beses akong nagnilay sa sarili habang nakakulong at nagsisi ako na ’di ko pinahalagahan ang pagkakataon kong gumawa ng tungkulin. Sa halip, naghanap ako ng katayua’t katanyagan at ’pinamuhay ang lason ni Satanas. Marami akong ginawang laban sa katotohanan, na nakasakit sa mga kapatid, at pinigil at ginambala ko ang gawain ng iglesia. Masyado kong nasaktan ang Diyos, napakalaki ng utang ko at napuno ako ng pagsisisi. Do’n lang ako nagnasang hanapin ang katotohanan at danasin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos para mawala na sa’kin ang mga lasong ’yon at maging kawangis ng tao. Pagkalaya ko, pinagpatuloy ko ang tungkulin, at nang mahalal akong maging lider uli ng iglesia, hindi na ’ko naging kasing-kampante at mataas ang tingin sa sarili gaya ng dati. Ramdam kong malaki ’yong responsibilidad, utos ’yon ng Diyos na dapat kong pahalagahan, at dapat kong gawin ang makakaya ko para hanapin ang katotohana’t gawin ang tungkulin ko. Dahil sa paulit-ulit na pagkastigo’t pagdisiplina, sa wakas nagising na rin ang kaluluwa kong nadaya ni Satanas. Ang paghahanap lang ng katotohanan, pagbabago ng disposisyon, at mabuting paggawa sa tungkulin ng nilikhang nilalang ang mga tamang gawain. ’Di na kasing-lakas ng dati ang pagnanasa ko ng katanyagan at pabawas na nang pabawas ang kayabangan ko. Kaya ko nang makatrabaho nang mabuti ang iba’t gawin ng tama’ng tungkulin ko, ngayon may kaunti na ‘kong wangis ng tao. Labis kong nararamdaman na yung kaunti kong pagbabago, hindi madaling nakuha. Nakamit ang lahat ng ito sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa’kin!

 

________________________________

 

Did you know what salvation is? How can we gain God’s salvation? Click and read salvation meaning in Tagalog, and then you can find the answer.

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Write a comment

Comments: 0