Sa loob ng dalawang libong taon, ang mga Kristiyano ay palaging nanalangin at tumatawag sa pangalan ng Panginoong Jesus, na naniniwala na ang pangalan ng Diyos ay Jesus lamang. Ibinabatay nila ang pananaw na ito sa sumusunod na talata:
“Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). Ngunit ito nga ba ang katotohanan? Ang lahat ng bihasa sa Bibliya ay alam na sinabi ng Diyos na Jehova sa Lumang Tipan na: “Jehovah ...ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15). Kung Jehova ang pangalan ng Diyos magpakailanman, papaanong naging Jesus ang Kanyang pangalan sa Panahon ng biyaya? Kung ang pangalan ni Jehova ay maaaring mabago kay Jesus, hindi ba mababago muli ang pangalan ng Diyos kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw?
Sa pamamagitan ng maingat na pag-aaral ng Bibliya, madaling makita na ito ay prinopesiya sa Aklat ng Pahayag, kabanata 3, talata 12, na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw: “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ... at ang Aking sariling bagong pangalan.” Kaya ano ang magiging bagong pangalan ng Diyos? Sa totoo lang, maraming lugar sa Bibliya na nagpropropesiya na ang bagong pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay ang Makapangyarihan sa lahat, iyon ay, ang Makapangyarihang Diyos, tulad ng Pahayag 1:8: “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.”
Ito rin ay nakapropesiya sa Pahayag 11:17, 4:8, 15:3, 16:7, 19:6, atbp.
Kaya anong pag-uugali ang dapat nating itaguyod sa bagong pangalan ng Diyos at paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Isipin muli ang mga Pariseo. Naniwala sila na si Jehoa lang ang kanilang Diyos, kanilang Tagapagligtas dahil sa paglipas ng mga panahon napanatili nila na si Jehova lang ang Diyos, at walang ibang Tagapagligtas kundi si Jehova. Bilang resulta, nang binago ng Diyos ang Kanyang pangalan at dumating para gawin ang pagtubos gamit ang pangalang "Jesus," buong kabaliwan nilang kinondena at kinalaban ang Panginoong Jesus. Sa huli, ipinako nila Siya sa krus, ginawa ang karumal-dumal na krimen, at dumanas ng kaparusahan ng Diyos.
Ngayon sa mga huling araw, kung magagawa nating ipursige ang katotohanan at tanggapin ang bagong pangalan ng Diyos, maiiwasan natin ang mapunta sa landas ng mga Pariseo at makakamit ang papuri ng Diyos at ang mga pagpapala upang makapasok sa Kaharian ng Langit.
_________________________________________________
Rekomendasyon: Ang Tatlong Yugto ng Gawain
Write a comment