· 

Panalangin ng pananampalataya | Walang Hangganan ang Pagmamahal ng Diyos

Panalangin sa Diyos, Karanasan sa buhay

 

Panalangin ng pananampalataya | Walang Hangganan ang Pagmamahal ng Diyos

 

Ni Zhou Qing, Lalawigan ng Shandong

Lubos ko nang naranasan ang paghihirap ng buhay na ito. Pumanaw na ang asawa ko ilang taon pa lamang pagkatapos naming ikasal, at magmula sa puntong iyon direktang napunta sa akin ang mabigat na pasanin ng pag-aalaga sa pamilya. Dahil may bata akong anak, naging mahirap ang buhay ko. Palagi akong naging target ng pangungutya at paghamak ng iba; dahil mahina ako at walang magawa, umiyak ako araw-araw, na pakiramdam ko ay sobrang hirap ng buhay sa mundong ito. Kung kailan ako nagtatampisaw sa kalaliman ng pagiging negatibo at walang pag-asa, ibinahagi sa akin ng isang kapatid na babae ang ebanghelyo ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Napuno ng init ang puso ko nang mabasa ko ang mga salitang ito mula sa Makapangyarihang Diyos: “Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras” (“Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tumawag sa akin ang Diyos gaya ng isang mapagmahal na ina at naramdaman kong sa wakas ay natagpuan ko na ang aking tahanan, natagpuan na ang aking suporta, at natagpuan na ang lugar na mapagpapahingahan ng aking espiritu. Magmula noon, binasa ko ang mga salita ng Diyos araw-araw, at nalaman na ang Diyos ang pinagmulan ng lahat ng buhay, na pinamumunuan ng Diyos ang tadhana ng bawat tao, at na ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang suporta at kaligtasan ng sangkatauhan. Upang maunawaan ko ang mas maraming katotohanan, aktibo akong dumalo sa mga pagpupulong ng iglesia at, sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nasaksihan ko ang pagiging simple at bukas sa isa’t isa ng lahat ng kapatid. Tuwing kasama ko sila ay nakaramdam ako ng ginhawa, nakaramdam ako ng malaking kalayaan sa puso ko, at tinamasa ko ang isang kasiyahan at ligaya na hindi ko pa naramdaman noon sa mundo. Kung kaya’t napuno ako ng lakas ng loob at pag-asa para sa hinaharap ko. Nagsimula akong gampanan ang tungkulin ko sa iglesia upang masuklian ang pagmamahal ng Diyos. Subali’t, ikinagulat ko na sadyang hindi pinapayagan ng pamahalaang CCP ang sinuman na manampalataya sa tunay na Diyos o sumunod sa tamang landas, at ako ay isinailalim sa brutal at di-makataong paghuli at pag-uusig sa mga kamay ng pamahalaang CCP dahil lamang sa aking pananampalataya.

 

Isang hapon noong Disyembre 2009, naglalaba ako sa bahay, nang bigla na lamang pumasok sa bakuran ko ang lima o anim na di-unipormadong pulis. Sumigaw ang isa sa kanila, “Mula kami sa Brigada ng Pulis Pang-Krimen na sadyang inatasan na hulihin ang mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos!” Bago ko pa nagawang huminahon, sinimulan nilang halughugin ang bahay ko na parang isang pangkat ng magnanakaw. Naghalungkat sila sa bahay ko, sa loob at labas, at kinumpiska ang ilang aklat tungkol sa paniniwala sa Diyos, isang DVD player, at dalawang CD player na nakita nila. Pagkatapos ay sinamahan nila ako papunta sa isang kotse ng pulis at dinala ako sa istasyon ng pulis. Papunta roon, naisip ko kung paano inilarawan ng mga kapatid kung paano sila dinakip at malupit na pinahirapan ng masasamang pulis, at lumukso ang puso ko; takot na takot ako. Sa gitna ng nakapahirap na sitwasyon, dali-dali akong nanalangin sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos! Nakakaramdam ako ng labis na panghihina sa ngayon. Lubha akong natatakot kapag naiisip ko ang pagpapahirap. Bigyan Mo nawa ako ng pananampalataya at lakas at itaboy Mo ang aking takot.” Pagkatapos manalangin, naisip ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Yaong mga nasa kapangyarihan ay maaaring mukhang masama sa panlabas, nguni’t huwag matakot, sapagka’t ito ay dahil sa may mahina kayong pananampalataya. Hangga’t lumalago ang inyong pananampalataya, walang anumang magiging napakahirap” (“Kabanata 75” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Sa lahat ng Aking mga plano, ang malaking pulang dragon ay ang Aking alalay, Aking kaaway, at Akin ding alipin; dahil dito, hindi Ko kailanman niluwagan ang Aking ‘mga kinakailangan’ dito” (“Kabanata 29” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, naisip kong natatakot ako sa malulupit na pagpapahirap ni Satanas sapagka’t wala akong tunay na pananampalataya sa Diyos. “Si Satanas ay sa katunayan isang hambingan na nagsisilbi sa gawain ng Diyos,” naisip ko. “Gaano man ito kabagsik at kalupit, nasa mga kamay pa rin ito ng Diyos, at wala itong magagawa kundi ang sumunod sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos. Bukod pa roon, habang mas mabagsik at malupit si Satanas, mas kinakailangan kong umasa sa aking pananampalataya upang magpatotoo sa Diyos. Sa mahalagang sandaling ito, ganap na hindi ako maaaring magpatakot sa mapaniil na kapangyarihan ni Satanas, nguni’t sa halip ay dapat na sumandal sa pananampalataya at lakas na ibinibigay sa akin ng Diyos upang matalo si Satanas.” Nang maisip ko ito, hindi na ako masyadong natakot.

 

Nang dumating kami sa istasyon ng pulis, walang sabi-sabi akong pinosasan ng dalawang pulis, at sinipa at tinulak nila ako papanhik sa ikalawang palapag bago ako sininghalan, “Mayroon kaming ilang ‘special treatment’ na matitikman ng mga kagaya mo!” Alam ko sa puso ko na ang “special treatment” na ito ay nangangahulugang pagpapahirap. Sa sandaling iyon, paulit-ulit akong nanalangin sa Diyos sa puso ko, at hindi ako nangahas na iwan ang Diyos kahit isang saglit, sa takot na maiwala ko ang pangangalaga at pagprotekta Niya at malinlang ng mga tusong pakana ni Satanas. Pagkapasok na pagkapasok ko sa silid ng interogasyon, sinabihan ako ng isa sa masasamang pulis na lumuhod. Nang hindi ko ginawa iyon, walang-awa niyang tinadyakan ang likod ng tuhod ko, at napaluhod ako nang malakas. Pagkatapos ay pinalibutan nila ako at nagsimulang bugbugin at tadyakan ako hanggang nahilo ako at lumabo ang paningin ko, at dumadaloy ang dugo mula sa aking ilong at bibig. Subali’t, hindi pa rin sila tapos, sapagka’t inutusan nila akong umupo sa sahig at naglagay ng upuan sa harap ko. Nagsimula ang isa sa masasamang pulis na hampasin nang malakas ang likod ko, at sa bawat hampas ay tumatama sa upuan ang mukha at ulo ko. Umuugong ang ulo ko, at hindi ko makayanan ang sakit. Ngumisi sa akin nang masama ang isa sa mga pulis at sinabi, “May nagsumbong na sa iyo. Kung hindi ka pa magsisimulang magsalita, bubugbugin ka namin hanggang mamatay ka!” Pagkasabi niya nito, buong-lakas niya akong sinuntok sa dibdib, na puminsala sa akin nang todo kung kaya’t hindi ako makahinga sa loob ng mahabang panahon. Sumigaw ang isa pang pulis, “Akala mo ba talaga na para kang si Liu Hulan? Hindi magtatagal ay mapapalabas din namin sa bugbog ang katotohanan mula sa iyo!” Ginawa ng pangkat ng masasamang pulis ang lahat ng uri ng pagpapahirap sa akin, tumigil lamang noong napagod na sila. Kung kailan iniisip kong baka payagan akong makahinga nang ilang sandali, isang pulis na mga limampung taong gulang ang dumating upang subukan akong linlangin sa pamamagitan ng pagpapanggap na isa siyang mabait na pulis. “May nagsabi na sa amin ngayon na isa kang pinuno ng iglesia. Sa tingin mo ba hindi ka namin makakasuhan ng anuman kung hindi ka magsasalita? Matagal ka na naming sinusundan, at ngayon ka lang namin dinakip dahil may sapat na kaming katibayan. Kaya magsimula ka nang magsalita!” Nagulat ako nang marinig siyang sabihin ito: “Totoo ba iyon?” naisip ko. “Kung mayroon talagang naging Judas at isinumbong ako, hindi ba alam na sana nila ang lahat tungkol sa akin? Makakalusot kaya ako kung wala akong sasabihin sa kanilang anuman? Anong dapat kong gawin?” Sa desperasyon ko, pumasok sa isip ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Iniisip mo ang lahat ng biyayang iyong nakamtan, lahat ng mga salitang iyong narinig—maaari ka bang makinig sa mga iyon nang walang kabuluhan? Sino man ang lumayo, hindi mo kaya. Ang ibang mga tao ay hindi naniniwala, nguni’t dapat ka. Tinatalikdan ng ibang tao ang Diyos, nguni’t dapat mong itaas ang Diyos at sumaksi sa Kanya. Sinisiraan ng iba ang Diyos, nguni’t hindi mo kaya. Gaano man kalupit ang Diyos sa iyo, dapat mo pa rin Siyang pakitunguhan nang tama. Dapat mong suklian ang Kanyang pag-ibig at dapat kang magkaroon ng konsiyensya, sapagka’t ang Diyos ay walang-sala. Ang pagparito Niya sa lupa mula sa langit upang gumawa sa gitna ng sangkatauhan ay isa nang matinding kahihiyan. Siya ay banal at wala kahit katiting na dumi. Ang pagparito sa lupain ng dumi—gaanong kahihiyan ang Kanyang tiniis? Ang paggawa sa inyo ay para sa inyong kapakanan” (“Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa mga Inapo ni Moab” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kumatok sa manhid kong puso ang bawat isa sa mga salita ng Diyos at labis na sinumbatan ang konsensya ko. Naisip ko kung paano ko nasunod ang Makapangyarihang Diyos sa loob ng maraming taon, kung gaano ko natamasa ang walang-hanggang pagmamahal at init mula sa Diyos, nakamit ang saganang tustos ng Diyos sa buhay, naunawaan ang mga katotohanang hindi pa nagawang maunawaan ng sinuman sa buong kasaysayan, napagtanto ang kahulugan at halaga ng buhay, at naalis sa sarili ko ang dating madilim kong buhay ng pasakit, kapanglawan at kawalan ng pag-asa. Nabigyan ako ng Diyos ng ganoong kalaking pagmamahal—paano ko magagawang makalimutan iyon? Paano ko magagawang malito at maisipan pang ipagkanulo ang Diyos pagkatapos na marinig na may ibang nagkanulo na sa Kanya? Habang iniisip ang mga ito, umiyak ako nang umiyak, at kinamuhian ang sarili ko dahil masyado akong nagkulang sa konsensya at pagkatao. Tuwing may nagpakita sa akin ng kabaitan, mag-iisip ako ng lahat ng paraan upan suklian ang kabaitang iyon. Subali’t, binigyan na ako ng Diyos ng napakaraming biyaya at napakaraming pagpapala, at nagbigay na rin sa akin ng ganoon kadakilang pagliligtas, nguni’t nanatiling manhid ang konsensya ko. Hindi lang sa hindi ko naisip na suklian ang Diyos, nguni’t sa halip ay nang malagay ako sa mahirap na sitwasyon, naisipan ko pang ipagkanulo ang Diyos. Nagbibigay ako ng napakalaking pighati sa puso ng Diyos! Sa sandaling iyon, nakaramdam ako ng matinding pagsisisi sa aking pag-aalinlangan. Kung totoong may ibang tao na nagkanulo sa Diyos, tiyak na lubhang nasasaktan at nagdadalamhati ngayon ang Diyos, at dapat kong subukan ngayong aliwin ang puso ng Diyos sa pamamagitan ng aking sariling katapatan. Subali’t ako ay naging napakamakasarili at kasuklam-suklam na hindi lang ako sa hindi tumayo katabi ng Diyos, nguni’t naisip ko pang ipagkanulo ang Diyos para lang maipagpatuloy ko ang isang buhay na kalunos-lunos at walang dangal. Naisip ko lang ang aking sarili, nang walang anumang konsensya o katinuan—nagsasanhi ako ng napakalaking dalamhati sa puso ng Diyos at ginagawa Siyang magalit sa akin nang lubos! Habang pinagagalitan ko ang aking sarili at nagsisisi, tahimik akong nanalangin sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos! Lubos akong kulang sa konsensya at pagkatao! Ang tanging naibigay Mo sa akin ay pagmamahal at mga pagpapala, nguni’t ang tanging naibigay ko sa Iyo bilang kapalit ay sakit at kirot. O Diyos! Salamat sa paggabay Mo na nagtutulot sa aking malaman kung ano ang gagawin ngayon. Nais ko na ngayong palugurin Ka kahit minsan lang gamit ang tunay na pagkilos. Gaano man ako pahirapan ni Satanas, mas gugustuhin kong mamatay kaysa mabigong tumayong saksi sa Iyo, at hindi Kita ipagkakanulo kailanman!” Nakita ng masamang pulis kung gaano ako tumatangis at naisip na malapit na akong bumigay, kaya nilapitan niya ako at sinabi nang may huwad na kahinayan, “Sabihin mo sa amin ang nais naming malaman. Sabihin mo sa amin, at pagkatapos ay maaari ka nang umuwi.” Tinitigan ko siya at galit na sinabi, “Hinding-hindi ko kailanman ipagkakanulo ang Diyos!” Lubos niyang ikinagalit ang marinig na sabihin ko ito; nagsimula siyang sampalin ako at galit na sumigaw, “Kung gayon mas pipiliin mo talaga ang hirap kaysa sarap, ha? Sinubukan kong bigyan ka ng malalabasan nang may kaunting dignidad, nguni’t itinapon mo lang pabalik sa mukha ko. Sa tingin mo ba wala kaming magagawa sa iyo? Kung hindi ka magsisimulang umayos at umamin, ikukulong ka namin sa bilangguan nang limang taon at hindi namin papayagang mag-aral ang anak mo.” Sumagot ako, “Kung mananatili ako ng limang taon sa kulungan, iyon ay isang bagay na dapat kong tiisin. Maaari ninyong pigilang mag-aral ang anak ko, nguni’t ang tadhana niya ay nananatiling tadhana niya. Magpapasakop ako sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos.” Lalo pang nagalit ang pangkat ng mga diyablo, at hinawakan ako sa kuwelyo ng isa sa kanila at kinaladkad ako papunta sa isang kongkretong plataporma. Pagkatapos ay pinaupo nila ako sa sahig nang nakaunat ang mga binti ko. Tinadyakan ng isang pulis ang isa sa mga binti ko, habang ang isa naman ay idiniin ang tuhod niya sa likod ko, habang marahas na hinihila patalikod ang mga braso ko. Agad na dumanas ng di-makakayanang sakit ang mga braso ko na para bang pareho silang nabali na, at kusang napayuko ang ulo ko at tumama sa kongkretong plataporma, na agad na nagsanhi na mabuo ang isang bukol. Kalagitnaan ng taglamig noong panahong iyon, na may nakapanginginig-butong hangin at ang bawat patak ng tubig ay nagiging yelo, nguni’t pinapahirapan ako ng masasamang pulis na ito hanggang sa puntong naliligo na ako sa pawis, na basang-basa na ng pawis ang damit ko. Nang makita nilang hindi pa rin ako sumusuko, hinubad nila ang jacket kong may padding na bulak at pinahiga akong nakatihaya sa napakalamig na sahig na suot lamang ang manipis kong panloob na mga damit, at patuloy nila akong tinanong. Nang hindi ko pa rin sinagot ang alinman sa mga tanong nila, pinagsisipa nila uli ako. Pinahirapan ako ng pangkat na ito ng mga diyablo hanggang gumabi na at lubos na pagod na silang lahat, nguni’t wala pa rin silang nakuha sa akin. Nang umalis sila upang maghapunan, pinagbantaan nila ako, na sinasabi, “Kung ipagpapatuloy mong manahimik ngayong gabi, ipoposas ka na lang namin sa isang tiger bench at hahayaan kang mamatay sa lamig!” Pagkasabi nito, galit silang umalis. Nagsimula na akong makaramdam ng takot noon, at naisip ko sa sarili ko: “Ano pang ibang pagpapahirap ang ipaparanas sa akin ng masasamang pulis na ito? Makakayanan ko ba?” Noong naisip ko ang mababagsik nilang mukha at mga eksena ng pagpapahirap nila sa akin, lalo akong nakadama ng pagkabalisa at kawalan ng magagawa. Natakot ako na baka hindi ko makayanan ang malupit na pagpapahirap at na maipagkanulo ko ang Diyos, kung kaya patuloy akong nanalangin sa Diyos. Sa sandaling iyon, binigyan ako ng paalaala ng mga salita ng Diyos: “Kung ang tao ay mayroong mga isipang nag-aalala at natatakot, sila ay nililinlang ni Satanas, Natatakot ito na makatatawid tayo sa tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos” (“Kabanata 6” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pinalinaw ng mga salita ng Diyos ang isip ko at nalaman ko noon na ang takot ko ay dahil nalinlang ako ni Satanas, kung kaya’t nawalan ako ng pananampalataya sa Diyos. Natanto ko rin na kailangan ko talagang dumanas ng ganitong klase ng sitwasyon upang mapatibay at mapabuti, kung hindi ay magpakailaman kong hindi magagawang magkaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos. Bukod pa roon, natanto kong hindi ako mag-isang lumalaban sa paghihirap na ito, sa halip ay kasama ko ang Makapangyarihang Diyos bilang aking matatag na suporta. Naisip ko pagkatapos ang panahong ang mga Israelita ay ginagabayan palabas ng Ehipto at tinutugis ng mga sundalong Egipcio hanggang sa Dagat na Pula. Sa puntong iyon, hindi na sila maaaring bumalik, at sinunod nila ang salita ng Diyos at umasa sa pananampalataya nila upang makatawid sa Dagat na Pula. Nagulat sila nang hinati ng Diyos ang Dagat na Pula at ginawa itong tuyong lupa; ligtas silang dumaan at natakasan ang panganib, at sa gayon ay naiwasang mahabol at mapatay ng mga sundalong Egipcio. Ang pagharap ko ngayon sa malupit na pagpapahirap ng mga pulis ng CCP ay ganoon din. Hangga’t may pananampalataya ako at umaasa sa Diyos, tiyak na matatalo ko si Satanas! Kung kaya, bumalik ang lakas sa puso ko at hindi ko na naramdaman ang labis na hiya o takot. Nanalangin ako sa Diyos sa puso ko: “O Makapangyarihang Diyos! Nais kong labanan si Satanas habang umaasa sa Iyo at hindi na kailanman pang muling matakot sa malupit na kapangyarihan ng masasamang pulis! Tatayo akong saksi sa Iyo!” Sa panahong ito ng panganib, hindi lang naging matatag kong suporta ang Makapangyarihang Diyos, nguni’t nagpakita rin Siya ng awa at habag sa aking kahinaan. Hindi bumalik ang mga pulis noong gabing iyon upang tanungin akong muli, at naging ligtas ako buong gabi.

 

Maaga ng sumunod na umaga, dumating ang ilang pulis na mukhang papatay ng tao at sinimulan akong takutin, na sinasabi, “Kung hindi ka makikipagtulungan, pagbabayaran mo iyon! Patitikimin ka namin ng kamatayan! Hindi ka maililigtas ngayon ng Makapangyarihang Diyos mo. Hindi mo ito malalampasan kahit pa naging si Liu Hulan ka! Kung hindi ka magsisimulang magsalita, huwag kang umasa na makakalabas ka rito nang buhay.” Pagkatapos ay pinahubad nila muli ang jacket kong may padding na bulak at pinahiga uli ako sa napakalamig na sahig habang tinatanong nila ako. Sa pagkakita ko sa bawat isa sa kanila na nakatitig sa akin, puno ng kasamaan, ang tanging nagawa ko ay desperadong tumawag sa Diyos at hingin sa Kanyang tulungan akong tumayong matatag sa aking patotoo. Nang makita nilang nananatili akong tahimik, nagalit sila sa pagkahiya. Nagsimula ang isa sa mga pulis na hampasin ako ng isang folder sa ulo hanggang sa mahilo at malula ako. Minura at pinagbantaan niya ako habang hinahampas ako, na sinasabi, “Patikimin talaga natin siya ng kamatayan ngayon. Saan ba nag-aaral ang anak niya? Sabihan ang punong-guro at dalhin ang anak niya rito. Gagawin nating gugustuhin na niyang mamatay.” Pagkatapos ay tinanong nila ako tungkol sa mga bagay na nakita nila sa tahanan ko, subali’t dahil hindi ako sumagot nang nakasiya sa kanila, nagsimula silang ihampas ang folder sa bibig ko hanggang dumaloy ang dugo mula sa mga sulok ng mga labi ko. Pagkatapos ay marahas nilang binugbog ang buong katawan ko, tumigil lang noong napagod na sila. Sa sandaling iyon, pumasok sa silid ang isang pulis at nakitang hindi pa ako umamin, sumunod ay apat o lima sa kanila ang lumapit sa akin at kinalas ang posas ko, pagkatapos ay pinosas uli ang mga kamay ko sa likuran ko. Pinaupo nila ako sa harap ng isang malaking mesa, nang pantay ang ulo ko sa gilid ng mesa at nakaunat ang mga binti ko. Kapag sa tingin nila ay hindi sapat na tuwid ang mga binti ko, tatadyakan nila ang mga iyon at didiinan nila ang mga balikat ko. Sa loob ng mahabang panahon, hinawakan nila nang nakataas sa likuran ko ang mga braso at posas ko at pinilit akong manatiling lubos na di-gumagalaw sa posisyong inutos nila sa akin. Kung gagalaw ako pasulong, tatama ang ulo ko sa mesa, kung gagalaw ako pakaliwa, pakanan o paurong, malubha akong parurusahan. Ang kasuklam-suklam na taktika nilang ito ay nagbigay sa akin ng matinding sakit na gusto ko na lang na mamatay na at sunud-sunod akong sumigaw ng nakapangingilabot na mga sigaw. Noon lamang nakita nilang malapit na akong mamatay saka nila ako pinakawalan at hinayaang humiga nang patag sa sahig. Pagkaraan ng ilang sandali, nagsimula uli ang pangkat na iyon ng mga di-makataong diyablo na pahirapan at pinsalain na naman ako. Apat o limang masasamang pulis ang tumuntong sa mga binti at braso ko upang hindi ako makagalaw, pagkatapos ay hinawakan nila ang ilong ko at pinisil ang mga pisngi ko upang mapilitan akong ibuka ang bibig ko habang binubuhusan nila ito ng walang-patid na daloy ng malamig na tubig. Dahil hindi ako makahinga, desperado akong lumalaban, nguni’t hindi pa rin nila ako pinakawalan, at dahan-dahan akong nawalan ng malay. Hindi ko alam kung gaano katagal akong walang malay, nguni’t bigla akong nagising, nasasamid sa tubig, at nagsimulang umubo nang malakas. Lumabas ang tubig mula sa bibig, ilong, at mga tainga ko at masakit ang dibdib ko. Ang tanging nadama ko ay ang ganap na kadiliman sa paligid ko at na parang lumuluwa ang mga mata ko mula sa kanilang kinalalagyan. Sa sobrang pagkasamid ko ay kaya ko lamang huminga palabas at hindi papasok. Blangko ang mga mata ko, at pakiramdam ko ay tila malapit nang dumating ang kamatayan ko. Habang nasa bingit ako ng kamatayan, bigla uli akong inubo nang malakas at nangisay, at nagawa kong isuka ang kaunting tubig. Medyo bumuti ang pakiramdam ko pagkatapos noon. Pagkatapos ay hinila ako sa pamamagitan ng aking buhok ng isa sa masasamang pulis, papunta sa isang paupong posisyon at marahas na hinila ang posas ko. Pagkatapos ay inutusan niya ang isa sa mga tauhan niya na kumuha ng panguryenteng batuta na gagamitin sa akin. Nagulat ako nang bumalik ang tauhan at sinabi, “Apat lang ang nakita ko. Hindi gumagana ang dalawa sa kanila at ang dalawa pa ay kailangan pang i-charge.” Nang marinig ito, umatungal sa galit ang opisyal, “Napakatanga mo para gumawa ng kahit ano! Magdala ka ng tubig na may sili!” Walang tigil akong nagdasal sa Diyos sa puso ko, hinihiling sa Kanya na protektahan ako upang malampasan ko ang lahat ng malupit na pagpapahirap na ipinaranas sa akin ng masasaming pulis na iyon. Sa sandaling iyon, nangyari ang isang bagay na hindi inaasahan: Sa katunayan sinabi ng isa sa mga pulis na, “Sobra na iyan. Pinahirapan na natin siya nang matindi. Huwag mo nang gawin iyan.” Nang marinig ito ng pulis na ito, ang tanging nagawa niya ay tumigil. Tunay kong nadama sa saglit na iyon ang kataas-taasang kapangyarihan at pamumuno ng Diyos sa lahat ng bagay, dahil ang Diyos ang nangangalaga sa akin at nagbibigay sa akin ng palugit na ito. Gayuman, hindi pa ako handang pakawalan ng masasamang pulis na ito. Ipinosas uli nila ang mga kamay ko sa likuran ko, tinuntungan ang mga binti ko at hinila pataas ang nakaposas kong mga kamay nang buong lakas nila. Ang tanging naramdaman ko ay ang di-makakayanang sakit na para bang nababali na ang mga braso ko, at walang-tigil akong sumigaw. Sa puso ko, paulit-ulit kong tinawag ang Makapangyarihang Diyos, at nasambit ko nang di ko napapansin, “Makapang …” Nguni’t bigla kong hininaan ang boses ko at sinabi lang na, “Ang lahat ng alam ko … sasabihin ko sa inyo ang lahat ng alam ko.” Akala ng pangkat na iyon na gusto ko talagang sabihin sa kanila ang lahat, kung kaya binitawan nila ako at sumigaw, “Lahat kami ay mga propesyonal na imbestigador ng mga kaso. Ni huwag mong isipin na lokohin kami. Kapag hindi ka nagpakabait at sinabi sa amin ang lahat ngayon, kalimutan mo na ang mabuhay pa nang mas mahaba o makaalis pa sa lugar na ito. Bibigyan ka namin ng kaunting panahon para pag-isipan iyan!” Labis akong balisa sa harap ng kanilang pagpapahirap at mga pagbabanta, at naisip ko sa sarili ko: “Ayaw kong mamatay dito, nguni’t talagang hindi ko gusto na ipagkanulo ang Diyos o pagtaksilan ang iglesia. Anong dapat kong gawin? Ano kaya kung sabihin ko sa kanila ang tungkol sa isang kapatid lang?” Nguni’t bigla kong natanto na hindi ko magagawa ito kailanman, at ang magsabi sa kanila ng anuman ay pagkakanulo sa Diyos, at gagawin akong isang Judas. Sa gitna ng sakit, nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos! Anong dapat kong gawin? Liwanagan at gabayan Mo nawa ako, at bigyan Mo nawa ako ng lakas!” Pagkatapos manalangin ay naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabi, “Ang iglesia ang Aking puso at ito ang Aking sukdulang layunin” “Dapat ninyong isakripisyo ang lahat ng bagay upang pangalagaan ang Aking patotoo. Ito ang magiging layunin ng inyong mga pagkilos, huwag kalimutan ito” (“Kabanata 41” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Oo,” naisip ko. “Ang iglesia ang puso ng Diyos. Ang isumbong ang isang kapatid ay ang magsanhi ng pagkawasak sa iglesia, at iyon ang bagay na pinakanagpapadalamhati sa Diyos. Hindi ako dapat gumawa ng anumang makakapinsala sa iglesia. Dumating ang Diyos sa lupa mula sa langit upang gumawa upang iligtas tayo, at nakapako sa ating mga hinirang ng Diyos ang mga ganid na mata ni Satanas, walang saysay na umaasa na mahuli tayong lahat nang isang bagsakan at sirain ang iglesia ng Diyos. Kung isusumbong ko ang aking mga kapatid, hindi ba hahayaan kong magtagumpay ang tusong pakana ni Satanas? Napakabuti ng Diyos at lahat ng ginagawa Niya sa tao ay ginagawa Niya dahil sa pagmamahal. Hindi ko dapat saktan ang puso ng Diyos. Wala akong magagawa para sa Diyos ngayon, kaya hinihiling ko lamang na magawang tumayong saksi upang suklian ang pagmamahal ng Diyos—ito lang ang tanging magagawa ko.” Nang maunawaan ko ang kalooban ng Diyos, nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos! Hindi ko alam kung anong uri ng pagpapahirap ang gagawin pa nila sa akin. Alam Mong napakababa ng aking tayog at na madalas akong nahihiya at natatakot. Subali’t nananalig akong hawak Mo sa mga kamay Mo ang lahat ng bagay, at hinihiling kong magpasya sa piling Mo na tumayong saksi para sa Iyo, kahit buhay ko pa ang maging kabayaran.” Sa sandaling iyon, galit akong sinigawan ng isa sa masasamang pulis, “Napag-isipan mo na ba? Kung hindi ka magpapakabait at sasabihin sa amin ang lahat ay sisiguraduhin kong mamamatay ka rito ngayon ding araw na ito! Hindi ka maililigtas kahit ng makapangyarihang Diyos!” Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at, habang nakakapit sa kapasyahan kong tumayong saksi kahit ikamatay ko pa, wala akong sinabing anuman. Nagngalit ang mga ngipin ng mga pulis sa galit nila, sinugod nila ako, ipinapahiya at pinahihirapan nang walang tigil gaya ng dati, sa pamamagitan ng pagtadyak at pagbugbog sa akin. Marahas nila akong hinampas sa ulo hanggang nagsimula itong umikot. Nagdilim ang lahat sa paningin ko at pakiramdam ko ay para bang nabiyak na ang ulo ko. Dahan-dahang nagsimula kong maramdaman na hindi ko na kayang maigalaw ang mga mata ko, na naging manhid na ang katawan ko sa sakit, at na wala na akong marinig nang malinaw. Ang tanging nahiwatigan ko ay ang mga tinig nila na tila ba nanggagaling mula sa malayong lugar. Subali’t, napakalinaw ng isip ko, at patuloy kong tahimik na inuulit ang mga salitang ito: “Hindi ako isang Judas. Mamamatay muna ako bago ako maging isang Judas….” Hindi ko alam kung gaano kahabang panahon ang lumipas, nguni’t nang magising ako, nakita kong nakababad ako sa tubig, at apat o limang masasamang pulis ang nakatingkayad habang nakapalibot sa akin, na tila ba tinitingnan kung buhay pa ba ako o patay na. Habang tinitingnan ko ang pangkat na ito ng mga opisyal na walang pinagkaiba sa mga hayop, naramdaman kong sumibol ang malaking galit sa kalooban ko: Ang mga ito ba ang “Kapulisan ng mga Tao” na “minahal ang mga tao gaya ng sarili nilang mga anak”? Ang mga ito ba ang mga tagapagpatupad ng batas na “nagtaguyod sa katarungan, nagparusa sa masasama at tumulong sa mabubuti”? Lahat sila ay pawang mga demonyo at halimaw ng impiyerno! Sa sandaling iyon, naisip ko ang isang sipi mula sa isang sermon: “Pinakamabangis at pinakamabagsik na kinakalaban at sinasalakay ng malaking pulang dragon ang Diyos, at pinakamalupit at pinakamasamang pinipinsala nito ang hinirang na bayan ng Diyos—katotohanan ang mga ito. Inuusig at pinipilit ng malaking pulang dragon ang hinirang na bayan ng Diyos, at ano ang layunin nito sa paggawa nito? Ninanais nito na lubusang puksain ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at puksain ang pagbabalik ng Diyos. Ito ang masamang hangarin ng malaking pulang dragon, at ito ang tusong pakana ni Satanas” (Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay). Habang tinitingnan ang mga katotohanan sa paligid ko nang isinasaisip ang mga salitang ito, napakalinaw kong nakita na ang pamahalaang CCP ay ang sagisag ni Satanas at na ito ang yaong masama na tumutol na sa Diyos mula pa noong simula. Ito ay dahil ang diyablong Satanas lamang ang namumuhi sa katotohanan at natatakot sa tunay na liwanag, at nagnanais na itaboy ang pagdating ng tunay na Diyos, sapagka’t tanging ito ang kayang malupit na saktan at pahirapan nang sobrang di-makatao ang mga sumusunod sa Diyos at naglalakad sa tamang landas. Naging katawang-tao na ngayon ang Diyos at dumating na upang gumawa sa loob ng pugad nito, at isinaayos Niya na sumailalim ako sa isang ganoong sitwasyon upang maaaring matanto ko, gaano man ako kalalim na nalinlang na nito, na ang diyablong si Satanas ang pumipinsala at lumalamon sa mga tao, na may liwanag sa labas ng madilim nitong pamumuno, at na may tunay na Diyos na nagbabantay sa atin at nagtutustos sa atin araw at gabi. Ang pagdating ng Makapangyarihang Diyos ay nagdala ng katotohanan at liwanag sa akin, at nagtulot sa aking makita sa wakas ang mala-demonyong mukha ng pamahalaang CCP na pinangangalandakan ang sarili nito bawat araw bilang “dakila, marangal, at tama,” na pumupukaw ng mapait kong pagkamuhi sa pamahalaang CCP. Natulutan din ako ng pagdating Niya na matanto ang kahulugan at halaga ng paghahanap sa katotohanan, at makita ang landas ng liwanag sa buhay. Habang mas iniisip ko ito ay mas naunawaan ko ito, at nakaramdam ako ng pag-usbong ng lakas sa loob ko, na tumulong sa akin na harapin ang malupit na pagpapahirap ng mga opisyal. Nabawasan din ang pisikal na sakit na nararamdaman ko, at alam ko sa kaibuturan ko na ito ay ang pagprotekta sa akin ng Diyos at pagtulong sa akin na malampasan ang mga pagtatangka ng mga pulis na kunin ang mga pag-amin ko sa pamamagitan ng pagpapahirap.

 

Sa huli, nakita ng mga pulis na wala silang makukuha sa akin, kaya kinasuhan nila ako ng “panggagambala sa pampublikong kaayusan” at sinamahan ako papunta sa bahay-detensyon. Pinagtratrabaho ng pamahalaang CCP ang mga bilanggo na parang mga makina sa mga ganoong lugar, pinipilit silang walang-tigil na magtrabaho buong araw. Ni hindi ako makatulog nang limang oras man lang bawat gabi, at lubusan akong napapagod bawat araw na pakiramdam ko ay nauupos na ang buong katawan ko. Gayunman, hindi ako kailanman hinayaan ng mga bantay sa kulungan na kumain nang sapat. Tuwing kakain ay binigyan lang ako ng dalawang maliit na siopao at kaunting gulay na wala ni isang patak na mantika. Sa panahong ginugol ko na nakakulong doon, ilang beses na dumating ang masasamang pulis upang tanungin ako. Noong huling beses na tinanong nila ako, sinabi nilang hahatulan nila ako ng dalawang taong reporma sa pamamagitan ng pagtratrabaho. Matapang kong tinanong sa kanila, “Hindi ba may probisyon ang batas ng estado para sa kalayaan sa pananampalataya? Bakit ako hahatulan ng dalawang taong reporma sa pamamagitan ng pagtratrabaho? May sakit ako. Kung mamatay ako, anong gagawin ng anak at mga magulang ko? Kung walang mag-aalaga sa kanila, magugutom sila.” Matigas na sinabi ng isang pulis na bandang limampung taong gulang, “Hahatulan ka dahil nilabag mo ang batas ng estado, at hindi mapapasinungalingan ang katunayan!” Sumagot ako, “Ang manalig sa Diyos ay isang mabuting bagay. Hindi ako pumapatay ng tao, hindi ako nanununog, hindi ako gumagawa ng anumang masama. Hinahangad ko lang na maging isang mabuting tao. Kaya bakit hindi ninyo ako hayaang magkaroon ng aking pananampalataya?” Nagalit sila sa pagkahiya sa sagot ko, at lumapit sa akin ang isa sa kanila at sinampal ako, na nagpabagsak sa akin sa sahig. Pagkatapos ay pinilit nila akong humiga nang patag. Diniinan ng isa sa kanila ang mga balikat ko habang diniinan ng isa pa ang mga binti ko. Malakas akong tinadyakan sa mukha ng isa pa gamit ang balat niyang mga sapatos, at walang-hiyang nagpahayag, “Nagkataong mayroong bukas na palengke ngayon. Huhubaran ka namin at ipaparada paikot ng palengke. Pagkasabi niya nito, malakas niyang tinadyakan ang ibabang bahagi ng katawan ko at ang dibdib ko. Tumuntong siya sa dibdib ko gamit ang isang paa at nananakot na itinaas ang isa pang paa, at pagkatapos ay paulit-ulit itong ginawa, minsan-minsan ay tinatadyakan ako sa mga hita. Napunit na ang pantalon ko dahil sa sobrang pagkakatapak at nasira na rin ang pundilyo. Sobra akong napahiya kung kaya walang tigil na bumuhos ang luha mula sa mga mata ko, at pakiramdam ko ay bibigay na ako. Talagang hindi ko na kayang pahiyain ng mga diyablong iyon sa ganitong paraan. Pakiramdam ko ay sadyang sobrang hirap nang mabuhay nang ganito, at na mas gusto ko pang mamatay na lang. Kung kailan ko nararamdaman ang masaklap na pagkabalisang ito, naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabi: “Dumating na ang panahon upang suklian natin ang pag-ibig ng Diyos. Bagaman tayo ay dumaranas ng hindi kakaunting pang-aalipusta, paninira, at pang-uusig dahil tinatahak natin ang landas ng paniniwala sa Diyos, Ako ay naniniwala na ito ay isang makahulugang bagay. Ito ay isang bagay ng kaluwalhatian, hindi kahihiyan, at kung anuman, ang mga pagpapalang ating tinatamasa ay hindi kailanman kakaunti” (“Ang Landas … (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran” (Mateo 5:10). Agad na binuhay ng mga salita ng Diyos ang aking alaala. “Oo,” naisip ko. “Ang sakit at kahihiyang dinaranas ko ngayon ay may sukdulang kahulugan at halaga. Pinagdurusahan ko ito dahil nananalig ako sa Diyos at lumalakad sa tamang landas, at pinagdurusahan ito alang-alang sa pagkamit ng katotohanan at pagkamit ng buhay. Ang pagdurusang ito ay hindi kahiya-hiya, nguni’t sa halip ay isang pagpapala mula sa Diyos. Hindi ko lang nauunawaan ang kalooban ng Diyos, at kapag nagdurusa ako ng sakit at kahihiyang ito, gusto kong mamatay upang matapos na ito, at ganap kong hindi makita ang pagmamahal o mga pagpapala ng Diyos. Paanong hindi ko nabibigyan ng dalamhati ang Diyos?” Habang iniisip ang mga bagay na ito, nakadama ako ng labis na pagkakautang sa Diyos, at tahimik akong gumawa ng pagpapasya: “Gaano man ako ipahiya at pahirapan ng mga diyablong ito, hindi ako yuyuko kay Satanas kailanman. Kahit isang hininga na lang ang natitira sa akin, gugugulin ko pa rin iyon nang mabuti at magpapatotoo sa Diyos, at lubos na hindi bibiguin ang Diyos.” Pagkatapos nila akong pahirapan sa loob ng dalawang araw at gabi, wala pa rin silang nakuha sa akin, at kung kaya ipinadala nila ako sa Bahay-Detensyon ng Munisipyo.

 

Sa bahay-detensyon, naisip ko ang lahat ng naranasan ko sa mga nakaraang araw at, dahan-dahan, naunawaan kong ang pagdanas ng ganoong pag-uusig at paghihirap ay ang mas malamim na pagmamahal at pagliligtas sa akin ng Diyos. Ninais ng Diyos na gamitin ang sitwasyong ito upang patibayin ang aking kalooban at aking pagpapasyang magdusa at upang itanim ang tunay na pananampalataya at pagmamahal sa loob ko nang sa gayon ay matutuhan kong maging masunurin sa ganoong mahirap na sitwasyon at magawang tumayong saksi sa Kanya. Sa harap ng pagmamahal ng Diyos, naalala ko kung paano ako naging paulit-ulit na mahina at mapanghimagsik habang malupit akong pinapahirapan, at kung kaya humarap ako sa Diyos nang may malalim na pagsisisi: “O Makapangyarihang Diyos! Napakabulag at ignorante ko. Hindi ko nakilala ang pagmamahal at mga pagpapala Mo, nguni’t palaging inisip na isang masamang bagay ang pisikal na pagdurusa. Ngayon ay nakikita ko na ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon ay pagpapala Mo. Bagama’t ang pagpapalang ito ay salungat sa aking mga sariling pagkaunawa, at maaaring sa labas ay tila bang ang laman ko ay dumaranas ng sakit at kahihiyan, ang totoo ay ito ang pagkakaloob Mo sa akin ng pinakamahalagang kayamanan sa buhay, isa itong patotoo ng tagumpay Mo laban kay Satanas, at bukod pa roon, ito ay pagpapakita Mo sa akin ng pinakatotoo at pinakatunay na pagmamahal. O Diyos! Wala akong maisusukli sa Iyo para sa pagmamahal at pagliligtas Mo. Ang tanging magagawa ko lang ay ibigay sa Iyo ang puso ko at pagdusahan ang lahat ng sakit at kahihiyang ito upang tumayong saksi sa Iyo!”

 

Ang ganap na nakakagulat ay na, kung kailan naihanda ko na ang sarili ko na makulong at naging determinadong palugurin ang Diyos, nagbukas ang Diyos ng isang labasan para sa akin. Sa ikalabintatlong araw ko sa bahay-detensyon, ipinadala ng Diyos ang aking bayaw upang imbitahan sa labas ang mga pulis at bigyan sila ng ilang regalo, na nagpagastos sa kanya ng 3,000 yuan. Nagbigay rin siya ng 5,000 yuan na piyansa sa mga pulis upang palayain nila ako habang hinihintay ang paglilitis. Nang makauwi na ako, nakita kong nabulok na ang laman sa mga binti ko dahil sa kung gaano ako pinagtatadyakan ng masasamang pulis. Naging matigas at maitim na ito at inabot ng tatlong buwan bago ako gumaling. Nagsanhi rin ng matinding pinsala sa utak at puso ko ang pagpapahirap na ginawa sa akin ng mga pulis, at nag-iwan sa akin ng mga masamang epekto. Tinitiis ko pa rin ang pagpapahirap ng sakit na ito hanggang sa araw na ito. Kung hindi dahil sa pagprotekta ng Diyos, baka naparalisa na ako at nakaratay na sa kama, at ang katunayan na kaya ko na ngayong mamuhay ng isang normal na buhay ay lahat dahil sa dakilang pagmamahal at pagprotekta ng Diyos.

 

Matapos maranasan ang pag-uusig at paghihirap na ito, tunay kong nakita ang lumalaban sa Diyos at mala-demonyong diwa ng pamahalaang CCP. Malinaw ko ring nakita na ito ay ang yaong masama at ang di-mapagkakasundong kaaway ng Diyos. Nagkikimkim ako ng walang-kamatayang galit para rito sa kaibuturan ng puso ko. Kasabay nito, nakatamo rin ako ng mas malalim na pag-unawa sa pagmamahal ng Diyos kaysa noon, at naunawaan kong ang lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa mga tao ay ginagawa upang iligtas sila at ginagawa dahil sa pagmamahal sa kanila. Hindi lang ipinapakita ng Diyos ang pagmamahal Niya sa atin sa pamamagitan ng biyaya at mga pagpapala nguni’t, higit pa roon, ipinapakita Niya ito sa pamamagitan ng pagdurusa at paghihirap. Nang magawa kong tumayong matatag sa gitna ng malupit na pagpapahirap at mga insultong ipinaranas sa akin ng mga pulis, at magawang maglakad palabas ng pugad ng mga demonyo, tunay kong napahalagahan ang katotohanang ang lahat ng ito ay dahil sa pagbibigay sa akin ng pananampalataya at lakas ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Higit pa roon, ito ay dahil pinukaw ako ng pagmamahal ng Makapangyarihang Diyos, na nagbigay sa akin ng kakayahang mapagtagumpayan si Satanas nang paisa-isang hakbang at maglakad nang malaya mula sa pugad ng mga demonyo. Salamat sa Diyos sa pagmamahal at pagliligtas sa akin, at luwalhatiin at purihin ang Makapangyarihang Diyos!

 

________________________________

 

Magrekomenda nang higit pa: Nauunawaan Mo Ba ang 4 na Prinsipyo ng Mabisang Panalangin?

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

 

Write a comment

Comments: 0