Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob" | Sipi 68
Pinalalaganap Ko ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Ang Aking kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob; ang Aking kalooban ay nakapaloob sa pangangalat ng mga tao, lahat ay pinakikilos ng Aking kamay at inilalatag ang mga tungkulin na Aking naiatas. Magmula ngayon, nakápások Ako sa isang bagong kapanahunan, dinadala ang lahat ng tao sa ibang mundo. Nang bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” nagsimula Ako ng isa pang bahagi ng gawain sa orihinal Kong plano, upang Ako ay higit pang makilala ng mga tao nang mas malalim. Isinasaalang-alang Ko ang sansinukob sa kabuuan nito at nakikita na ito ay isang magandang pagkakataon para sa Aking gawain, kaya’t Ako ay nagmamadaling nagpaparoon at parito, ginagawa ang Aking bagong gawain sa tao. Tutal naman, ito ay isang bagong kapanahunan, at nakapagdala Ako ng bagong gawain upang dalhin ang mas maraming mga bagong tao sa bagong kapanahunan at upang palayasin ang marami sa mga dapat Kong alisin. Sa bayan ng malaking pulang dragon, nakapagsagawa Ako ng isang yugto ng Aking gawain na hindi maaarok ng mga tao, nagsasanhi sa kanila na umindayog sa hangin, kung saan pagkatapos noon ay marami ang tahimik na naaanod kasama ng pag-ihip ng hangin. Katotohanan, ito ay ang “giikan” na malapit Ko nang linisin; ito ay ang Aking hinahangad at ito rin ay Aking plano. Sapagka’t maraming masasamang nilalang ang tahimik na nakagapang papasok habang Ako ay nasa gawain, nguni’t hindi Ako nagmamadali na sila ay palayasin. Bagkus, pangangalatin Ko sila sa tamang panahon. Pagkatapos lamang noon na Ako ay magiging bukal ng buhay, nagpapahintulot sa mga yaon na tunay na nagmamahal sa Akin na tumanggap mula sa Akin ng bunga ng puno ng igos at ng mabangong samyo ng lila. Sa lupain kung saan naninirahan nang panandalian si Satanas, ang lupain ng alikabok, wala roong nananatiling purong ginto, kundi buhangin lamang, kaya’t, kinakatagpo ang mga kalagayang ito, nagsasagawa Ako ng nasabing yugto ng gawain. Dapat mong malaman na ang Aking tinatamo ay puro, pinong ginto, hindi buhangin. Paanong mananatili ang mga masasama sa Aking bahay? Paano Kong pahihintulutan ang mga soro na maging mga dapò sa Aking paraiso? Gumagamit Ako ng bawa’t maiisip na paraan upang ang mga bagay na ito ay mapaalis. Bago mabunyag ang Aking kalooban, walang sinuman ang nakakamalay kung ano ang Aking gagawin. Kinukuha ang oportunidad na ito, pinalalayas Ko yaong mga masasama, at napipilitan silang iwan ang Aking presensya. Ito ang Aking ginagawa sa mga masama, nguni’t magkakaroon pa rin ng araw para sa kanila na maghandog ng kanilang serbisyo para sa Akin. Ang pagnanasà ng tao para sa mga pagpapala ay malabis; sa gayon ay ibinabaling ko ang Aking katawan at ipinakikita ang Aking maluwalhating mukha sa mga bayang Gentil, upang ang mga tao ay makapanirahan sa isang mundo nang sila lamang at hatulan ang kanilang mga sarili, habang patuloy Kong winiwika ang mga salita na dapat Kong sabihin, at tinutustusan ang mga tao ng kanilang pangangailangan. Kapag ang mga tao ay natauhan na, matagal Ko nang napalaganap ang Aking gawain. Ipahahayag Ko pagkatapos ang Aking kalooban sa mga tao, at sisimulan ang pangalawang bahagi ng Aking gawain sa tao, hinahayaan ang lahat ng tao na sundan Ako nang malapitan upang makiisa sa Aking gawain, at hinahayaan ang mga tao na gawin ang lahat sa abot ng kanilang makakaya upang isakatuparang kasama Ko ang gawaing marapat kong gawin.
Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
A Hymn of God’s Words
God Has Brought Man Into a New Age
I
God spreads His work among the gentile nations. His glory flashes through the universe. His will embodied in scattered men, all steered by His hand, doing tasks assigned. Now He has entered into a new era, bringing all men into another world. This is a new age after all, and God has brought new work to take more new people into the new age and cast aside those He’ll eliminate. This is a new age after all.
II
When God returned to His “homeland,” He then began another part of His plan, that man could know Him more deeply. God regards the universe completely, He sees the right time for His work to be done. He hurries here and there, doing His new work on man. This is a new age after all, and God has brought new work to take more new people into the new age and cast aside those He’ll eliminate. This is a new age after all.
III
In the nation of the great red dragon, God has done work that cannot be fathomed, causing men to waver in the wind. As it blows, many quietly drift away. This is the “threshing floor” that God will clear. This is His plan, what He longs for. This is a new age after all, and God has brought new work to take more new people into the new age and cast aside those He’ll eliminate. This is a new age after all. This is the new age, this is the new age, this is the new age after all.
from Follow the Lamb and Sing New Songs
________________________________
Ang hindi maiiwan ng mga Kristiyano sa araw-araw ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang pahina ng Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw ay inirerekomenda sa iyo. Maraming mga salita ng Diyos sa pahinang ito. Mangyaring i-click at basahin: Salita ng Diyos ngayong araw
Magrekomenda nang higit pa: Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit
Write a comment