· 

Tanong 1: Pero sabi mo nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawaing paghatol.

Bible, Bible Study Tagalog

 

 

Tanong 1: Pero sabi mo nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawaing paghatol. May batayan ba ito sa Biblia, o tinutupad ang anumang mga propesiya sa biblia? Kung walang batayan sa biblia, hindi natin dapat paniwalaan ito kaagad.

 

Sagot: Anumang malalaking insidente ng gawain ng Diyos ay iprinopesiya sa Biblia, at marami-rami rin ang mga propesiyang nauugnay sa pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus at gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pero dapat nating maintindihan na sinasabi lang ng mga propesiya sa mga tao kung ano ang mangyayari. Paalala ang mga ito para maging mapagmatyag ang mga tao at maghanap at magsiyasat nang mabuti sa mga huling araw, para hindi sila abandonahin o alisin ng Diyos. Iyan lang ang magagawa ng mga propesiya. Hindi tayo matutulungan ng mga propesiya na malaman ang gawain ng Diyos, o maintindihan ang katotohanan, o tulungan tayong sumunod sa Diyos, o dagdagan ang ating pagmamahal sa Diyos. Kaya ang pinakamabuting gawin natin ay ang direktang siyasatin ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at ang ginawa Niyang gawain, at mula sa mga ito ipasya kung talagang tinig at pagpapahayag ng Diyos ang mga ito. Iyan ang pinakamahalaga at pinakamatalinong hakbang. Mas makatotohanan ito at nakakatulong kaysa sa paghahanap ng batayan sa mga propesiya sa biblia. Alam nating lahat na noong dumating ang Panginoong Jesus para magsagawa ng gawain, unti-unti lang na nakilala ng mga alagad at nananampalataya na sumunod sa Kanya, sa pamamagitan ng Kanyang gawain at mga salita, na ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Tagapagligtas na iprinopesiyang darating. Alam na alam ng mga dakilang saserdote, kalihim, at Fariseo na nakakaalam sa mga kautusan at nag-aral sa Biblia na mga katotohanan at may kapangyarihan ang mga salita ng Panginoong Jesus, pero dahil namumuhi sila sa katotohanan, hindi lang sila tumangging sundin ang Panginoong Jesus, gumamit sila ng mga sulat at patakaran sa Biblia para kontrahin at kondenahin ang Panginoong Jesus, at sa huli ay ipinako Siya sa krus. Ipinapakita nito sa atin na hindi tayo maaakay o magagabayan ng Biblia para tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon. Para sa atin na naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon, nagsisilbi lang ang Biblia bilang patunay. Hindi sinasalubong ng matatalinong dalaga ang Kasintahan gamit ang Biblia. Kapag naririnig nila ang tinig ng Kasintahan, pinatutunayan nilang tinig ito ng Diyos at lumalabas para salubungin ang Panginoon. Ang mga umaasa sa propesiya sa biblia, sa halip na hanapin ang tinig ng Diyos, at itinatanggi at kinokondena ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw—sila ang pinakahangal na mga dalaga, ang mga aabandonahin at aalisin ng Diyos.

 

Ngayon basahin natin ang isang talata mula sa Makapangyarihang Diyos: “Maaari mo bang matanggap ang gayon nang walang katanungan sa lahat ng gawain ng Banal na Espiritu? Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, sa gayon ito ay ang tamang daloy. Iyon ay dapat mong tanggapin nang walang kahit na kaunting pag-agam-agam, kaysa sa pagpulot at pagpili ng kung ano ang tatanggapin. Kung makamit mo ang kaunting kaalaman mula sa Diyos at magsanay ng kaunting pag-iingat laban sa Kanya, hindi ba ito ang tunay na pagkilos na hindi kailangan? Ang kinakailangang mong gawin ay pagtanggap ng, hindi kailangan ng anumang patunay mula sa Biblia, anumang gawain hangga’t ito ay mula sa Banal na Espiritu, dahil ikaw ay naniniwala sa Diyos upang sundan ang Diyos, hindi upang siyasatin Siya. Hindi ka dapat maghanap ng karagdagang patunay para sa Akin upang ipakita na Ako ang iyong Diyos. Sa halip, kinakailangan mong aninawin kung Ako ay kapaki-pakinabang sa iyo; iyan ang susi. Kahit na malaman ninyong maraming hindi mapabulaanan na patunay sa Biblia, hindi ito maaaring magdala sa inyo nang buo sa Aking harapan. Ikaw ay isa na namumuhay sa loob ng hangganan ng Biblia, at hindi sa harapan Ko; ang Biblia ay hindi makakatulong sa iyo na makilala Ako, ni mapalalim nito ang pagmamahal mo sa Akin” (“Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Para malaman kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, hindi tayo pwedeng umasa lamang sa katibayan sa Biblia. Ang pinakamahalagang bagay ay kung katotohanan ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, kung ang ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, kung ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay na kinakailangan natin, kung mapapawi ng mga ito ang lahat ng kalituhan natin tungkol sa paniniwala sa Diyos, kung maililigtas tayo ng mga ito mula sa masasamang malasatanas na disposisyon at malasatanas na kalikasan, at kung matutulungan tayo ng mga ito na makawala sa impluwensiya ni Satanas, makamit ang kadalisayan, at makapasok sa kaharian ng langit. Iyan ang pinakamahalagang bagay.

 

mula sa iskrip ng pelikulang Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono

 

________________________________

 

Ngayon tayo ay nasa mga huling araw na at ang Panginoon ay matagal nang naging laman upang gawin ang gawain ng paghuhukom. Bakit ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghuhukom? Ano ang kahulugan ng paghuhukom? Hangga't nauunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan at tinatanggap ang paghuhukom, magkakaroon tayo ng mga pagkakataon na malinis at makapasok sa kaharian ng langit.

 

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

 

Write a comment

Comments: 0