· 

Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan

Salita ng Diyos|Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan

 

Sa simula, ang Diyos ay nagpahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagawa ang Diyos kahit ano pa mang gawain. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang tiwali. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa katiwalian ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang sangkatauhan, na naging tiwali na, ang Diyos ay hindi kailanman muling makapapasok sa kapahingahan. Tulad na ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang namamalagi sa di-pagkamakatuwiran. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa kalabang mga puwersa). Ang pagtitiwali ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, walang di-pagkamakatuwiran ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at walang pagsalakay ng anumang kalabang mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong dako; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas na pagkatapos na nagáwáng tiwali ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalang-kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati-rating hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, o nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong masasamang tao na sumasapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng puwersang laban sa Diyos ay tumitigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; wala na ang pagtiwali ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na di-matuwid. Ang sangkatauhan ay mamumuhay nang normal sa lupa, at mamumuhay sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas na at si Satanas ay nawasak na, ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay lubusang natapos na. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawat tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi rin magagawang mamuhay kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong dako; sa halip, kapwa sila may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Isa na siyang gumagabay sa buong sangkatauhan, habang ang buong sangkatauhan ay ang pagbubuu-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay siyang inaakay; ukol sa kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi tulad ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagpapahinga ay ang pagbalik sa orihinal na lugar ng isa. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay bumabalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap ng sangkatauhan habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng normal na buhay. Ang mga tao ay hindi na susuway o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay nina Adan at Eva. Ito ang kani-kanyang buhay at hantungan ng Diyos at ng sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang di-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos na gawing ganap ang Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan at pagpasok sa kapahingahan ng tao ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang sumasamba ang tao sa Diyos sa kapahingahan, mamumuhay siya sa lupa, at habang inaakay ng Diyos ang natitirang bahagi ng sangkatauhang nasa kapahingahan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay magiging ang Espiritu pa rin, habang ang tao ay magiging sa laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at magpapakita sa gitna ng tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay aakayin ng Diyos upang dumalaw sa langit at upang masiyahan din sa buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, yaong masasamang tao ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong masasamang indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga masuwayin sa Kanya sa lupa ay mawawasak; sila ay mawawasak sa pamamagitan ng malalaking sakuna ng mga huling araw. Pagkatapos na yaong masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling mababatid ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan.

 

Ang nalalapit na katapusan ng lahat ng bagay ay nagpapahiwatig ng katapusan ng gawain ng Diyos at nagpapahiwatig ng katapusan ng pag-unlad ng sangkatauhan. Nangangahulugan ito na ang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas ay nakarating na sa katapusan ng kanilang pag-unlad, at na ang mga inapo nina Adan at Eva ay nagparami na sa kani-kanilang mga katapusan, at ito rin ay nangangahulugan na imposible para sa gayong sangkatauhan, na nagawang tiwali na ni Satanas, ang magpatuloy na umunlad. Ang Adan at Eva sa simula ay hindi nagawang tiwali, ngunit ang Adan at Eva na itinaboy mula sa Hardin ng Eden ay ginawang tiwali ni Satanas. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, sina Adan at Eva—na itinaboy mula sa Hardin ng Eden—at ang kanilang mga inapo ay darating sa isang pagtatapos; ang sangkatauhan ng hinaharap ay bubuuin pa rin ng mga inapo nina Adan at Eva, ngunit hindi sila mga tao na namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Sa halip, sila ay mga tao na nailigtas at nadalisay na. Ito ay magiging isang sangkatauhan na nahatulan at nakastigo na, at isa na banal. Ang mga taong ito ay hindi tulad ng sangkatauhan ayon sa pagiging orihinal nito; maaaring sabihin ng sinuman na ang mga ito ay isang ganap na ibang uri ng tao mula sa orihinal na Adan at Eva. Ang mga taong ito ay pipiliin mula sa lahat ng taong ginawang tiwali ni Satanas, at sila ang magiging mga taong sa bandang huli ay nakatayo nang matatag sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos; sila ay ang huling natitirang grupo ng mga tao sa gitna ng tiwaling sangkatauhan. Tanging ang grupong ito ng mga tao ang makakapasok sa huling kapahingahan kasama ang Diyos. Ang mga taong nakakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay lahat nakawala na sa impluwensya ni Satanas at natamo na ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo na ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o makapapasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamakatuwiran, at tanging ang Kanyang gawain ng pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga masuwaying bagay sa sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na dako ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, hindi na papayagang manatiling buhay sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng mga tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng kaparusahan at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao. Sila ay minsan nang tinubos, at sila rin ay hinatulan at kinastigo; sila ay minsan ding naglingkod sa Diyos, ngunit pagdating ng huling araw, sila pa rin ay aalisin at wawasakin dahil sa kanilang sariling kasamaan at dahil sa kanilang sariling pagsuway at pagka-di-matutubos. Sila ay hindi na iiral sa mundo ng hinaharap, at sila ay hindi na iiral sa gitna ng mga lahi ng tao sa hinaharap. Sinuman at lahat ng gumagawa ng kasamaan at sinuman at lahat na hindi na nailigtas ay wawasakin kapag ang banal sa gitna ng sangkatauhan ay pumasok sa kapahingahan; hindi alintana kung ang mga ito ay mga espiritu ng patay o ang mga nabubuhay pa rin sa laman. Hindi alintana kung sa anong panahon kabilang ang mga espiritung gumagawa ng masama at mga taong gumagawa ng masama, o mga espiritu ng mga taong matuwid at mga taong gumagawa ng pagkamakatuwiran, sinumang gumagawa ng kasamaan ay lilipulin, at ang sinumang tao na matuwid ay mabubuhay. Maging ang isang tao o espiritu na tumatanggap ng kaligtasan ay hindi ganap na pinagpapasyahan batay sa gawain ng huling kapanahunan, ngunit sa halip ay natutukoy batay sa kung sila ay nakipaglaban na o naging suwail sa Diyos. Kung ang mga tao sa nakaraang panahon ay gumawa ng masama at hindi maaaring mailigtas, sila ay walang alinlangan na mga puntirya para sa kaparusahan. Kung ang mga tao sa panahon na ito ay gumagawa ng kasamaan at hindi maaaring mailigtas, sila rin ay tiyak na mga puntirya para sa kaparusahan. Ang mga tao ay pinaghihiwalay batay sa mabuti at masama, hindi batay sa panahon. Minsang ihiwalay batay sa mabuti at masama, ang mga tao ay hindi agad pinaparusahan o ginagantimpalaan; sa halip, isasagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti matapos Niyang isagawa ang Kanyang gawaing panlulupig sa mga huling araw. Sa totoo lang, nagamit na Niya ang mabuti at masama upang paghiwalayin ang sangkatauhan mula pa noong nagsimula Siyang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Gagantimpalaan lang Niya ang matuwid at parusahan ang masama sa sandaling maging ganap ang Kanyang gawain, sa halip na paghiwalayin ang masasama at matutuwid sa sandaling magawang ganap ang Kanyang gawain sa katapusan at pagkatapos ay agad na itatakda ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti. Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa masama at paggantimpala sa mabuti ay ganap na natatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinakamaselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pinababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting dako. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamuhay ang Diyos sa kapahingahan.

 

Ang mga tao ngayon ay hindi nahihiwalay sa mga bagay ng laman; hindi nila maiiwanan ang kasiyahan ng laman, ni hindi maiiwanan ang mundo, salapi, o ang kanilang tiwaling disposisyon. Karamihan sa mga tao ay patuloy sa kanilang pagsisikap sa isang walang interes na paraan. Sa katunayan, wala talaga ang Diyos sa puso ng mga taong ito; higit pa, hindi sila takot sa Diyos. Wala ang Diyos sa kanilang mga puso, kung kaya hindi nila mauunawaan ang lahat ng ginagawa ng Diyos, at mas hindi kayang makapaniwala sa mga salita na Kanyang sinasabi mula sa Kanyang bibig. Ang mga taong ito ay masyadong hayok sa laman; masyadong malalim ang katiwalian at kulang sa anumang katotohanan kahit ano pa man, idagdag pa, hindi sila naniniwala na ang Diyos ay maaaring maging tao. Sinumang hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—iyon ay, ang sinumang hindi naniniwala sa gawain at salita ng nakikitang Diyos at hindi naniniwala sa nakikitang Diyos nguni’t sa halip ay sumasamba sa di-nakikitang Diyos sa langit—ay walang Diyos sa kanyang puso. Sila ang mga taong masuwayin sa at nilalabanan ang Diyos. Ang mga taong ito ay may kakulangan sa pagkatao at katwiran, bukod pa sa katotohanan. Para sa mga taong ito, ang nakikita at nahahawakang Diyos ay lalong hindi maaaring paniwalaan, nguni’t ang hindi nakikita at hindi nahahawakang Diyos ay ang pinakakapani-paniwala at ang pinakanakatutuwa rin sa kanilang mga puso. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang katotohanan ng realidad, ni hindi rin ito ang tunay na kakanyahan ng buhay, higit na hindi ang mga intensyon ng Diyos; sa halip, itinataguyod nila ang katuwaan. Alinmang mga bagay ang pinaka-may-kakayahang nagpapahintulot na kanilang makamit ang kanilang sariling mga pagnanasa ay, walang duda, ang kanilang mga paniniwala at paghahangad. Sila lang ay naniniwala sa Diyos upang masiyahan ang kanilang sariling mga pagnanasa, hindi upang hanapin ang katotohanan. Ang mga tao bang ito ay hindi mga manggagawa ng kasamaan? Sila ay lubos na may tiwala sa sarili, at hindi sila naniniwala na wawasakin sila ng Diyos sa langit, ang “mabubuting tao” na ito. Sa halip, naniniwala sila na pahihintulutan sila ng Diyos na manatili at, higit pa rito, ay gagantimpalaan ang mga ito nang sulit na sulit, sapagka’t marami silang mga bagay na nagawa na para sa Diyos at nagpakita ng isang mahusay na pakikitungo ng “katapatan” sa Kanya. Kung hinangad nila ang nakikitang Diyos, sila ay agad na mag-aalsa laban sa Diyos o magwawala sa sandaling ang kanilang mga kagustuhan ay hindi napagbigyan. Ito ang mga napakasamang taong naghahanap na masiyahan ang kanilang mga sariling pagnanasa; hindi sila mga taong may integridad sa paghangad ng katotohanan. Ang ganitong uri ng mga tao ay ang tinatawag na masasamang tao na sumusunod kay Cristo. Yaong mga tao na hindi naghahanap ng katotohanan ay hindi maaaring maniwala sa katotohanan. Silang lahat ang higit na hindi mahiwatigan ang hinaharap na kalalabasan ng sangkatauhan, sapagka’t hindi sila naniniwala sa kahit anong gawain o pagsasalita ng nakikitang Diyos, at hindi sila makakapaniwala sa hinaharap na hantungan ng sangkatauhan. Samakatuwid, kahit na sumusunod sila sa nakikitang Diyos, gumagawa pa rin sila ng masama at hindi hinahanap ang katotohanan, at hindi rin nila isinasagawa ang katotohanan na kinakailangan Ko. Yaong mga tao na hindi naniniwala na sila ay wawasakin ay sa kabaligtaran ang mga mismong indibidwal na wawasakin. Lahat sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili na napakatalino, at naniniwala sila na sila mismo ang siyang nagsasagawa sa katotohanan. Isinasaalang-alang nila ang kanilang masasamang pag-uugali bilang katotohanan at sa gayon itinatangi ito. Ang masasamang taong ito ay labis na tiwala sa sarili; tinitingnan nila ang katotohanan bilang doktrina, at ipinagpapalagay ang masasama nilang gawain bilang katotohanan, at sa katapusan ay maaari lang nilang anihin kung ano ang kanilang naihasik na. Higit na mas malaki ang tiwala sa sarili ng mga tao at mas higit ang pagkamataas nila, mas higit na hindi nila maaaring matamo ang katotohanan; mas higit na naniniwala ang tao sa makalangit na Diyos, mas higit na nilalabanan nila ang Diyos. Ito ang mga taong parurusahan. Bago pumasok sa kapahingahan ang sangkatauhan, kung ang bawat uri ng tao ay pinaparusahan o ginagantimpalaan ay mapagpapasyahan ayon sa kung hinahanap nila ang katotohanan, kung kilala nila ang Diyos, kung magagawa nilang sundin ang nakikitang Diyos. Yaong mga nag-ukol na ng paglilingkod sa nakikitang Diyos ngunit hindi nakikilala o hindi sumusunod sa Kanya ay kulang sa katotohanan. Ang mga taong ito ay mga gumagawa ng kasamaan, at ang mga gumagawa ng kasamaan ay walang dudang parurusahan; at saka, sila’y parurusahan ayon sa kanilang masamang pag-uugali. Ang Diyos ay para sa tao na paniwalaan, at Siya rin ay nararapat sa pagsunod ng tao. Yaong nanampalataya lamang sa malabo at di-nakikitang Diyos ay ang mga hindi naniniwala sa Diyos; at saka, hindi nila nagagawang sumunod sa Diyos. Kung ang mga tao na ito ay hindi pa rin magagawang maniwala sa nakikitang Diyos sa panahon na matapos ang Kanyang gawaing panlulupig, at ayaw ring tumigil sa pagiging suwail at nilalabanan ang Diyos na nakikita sa katawang-tao, ang mga taong di-malinaw na ito, walang duda, ay wawasakin. Ito ay katulad sa inyo—sinuman na nagsasabing kinikilala ang Diyos na nagkatawang-tao ngunit hindi magagawang isagawa ang katotohanan ng pagsunod sa Diyos na nagkatawang-tao ay ganap na aalisin at wawasakin, at sinuman na nagsasabing kinikilala ang nakikitang Diyos at kumakain at umiinom din ng katotohanan na ipinahayag ng nakikitang Diyos ngunit hinahanap ang malabo at di-nakikitang Diyos ay lalong higit na wawasakin sa hinaharap. Wala sa mga taong ito ang maaaring manatili hanggang sa panahon ng kapahingahan makaraang natapos na ang gawain ng Diyos; wala ni isa ang maaaring maging tulad ng mga taong ito na mananatili hanggang sa oras ng kapahingahan. Ang mga mala-demonyong tao ay ang mga hindi isinasagawa ang katotohanan; ang kanilang kakanyahan ay isang pagkalaban at pagiging suwail sa Diyos, at wala silang kahit na katiting na intensyon ng pagsunod sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay wawasaking lahat. Maging kung ikaw ay nagtataglay ng katotohanan o kung ikaw ay lumalaban sa Diyos ay pinagpapasyahan sa iyong kakanyahan, hindi ayon sa iyong anyo o sa iyong paminsan-minsang pananalita at pag-uugali. Ang kakanyahan ng bawat tao ang nagpapasya kung sila ay wawasakin; ito ay pinagpapasyahan ayon sa kakanyahan na ibinunyag sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali at ng kanilang paghangad ng katotohanan. Sa mga taong magkakatulad na gumagawa ng gawain at gumagawa din ng magkatulad na dami ng gawain, yaong mabubuti ang makataong kakanyahan at nagtataglay ng katotohanan ay ang mga tao na maaaring manatili, ngunit yaong mga masasama ang kakanyahang pantao at sumusuway sa nakikitang Diyos ay yaong wawasakin. Alinman sa gawain o mga salita ng Diyos na ipinatungkol sa hantungan ng sangkatauhan ay pinakikitunguhan nang wasto ang sangkatauhan ayon sa kakanyahan ng bawat tao; hindi magkakaroon ng mga aksidente, at tiyak na walang magiging kahit katiting na pagkakamali. Tanging kapag ang isang tao ay nagsasakatuparan ng gawain may mapapahalong pantaong emosyon o pakahulugan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay ang pinaka-angkop; Siya ay lubusang hindi magpaparatang nang mali laban sa anumang nilalang. Maraming tao ngayon ang hindi nahihiwatigan ang hinaharap na hantungan ng sangkatauhan at hindi rin naniniwala sa mga salita na sinasabi Ko; lahat ng hindi naniniwala, kasama ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, ay mga demonyo!

 

Ang mga naghahanap at ang mga hindi naghahanap ay dalawang magkaibang uri ng mga tao ngayon, at sila ay dalawang uri ng mga tao na may dalawang magkaibang hantungan. Yaong mga taong nagpapatuloy sa kaalaman ng katotohanan at isinasagawa ang katotohanan ay ang mga tao na ililigtas ng Diyos. Ang mga hindi nakakaalam sa tunay na daan ay mga demonyo at mga kaaway; sila ang mga inapo ng arkanghel at wawasakin. Kahit na ang mga taimtim na mananampalataya ng isang malabong Diyos—hindi ba mga demonyo rin sila? Ang mga taong nagtataglay ng mabubuting konsensya ngunit hindi tinatanggap ang tunay na daan ay mga demonyo; ang kanilang kakanyahan ay isang pagkalaban sa Diyos. Ang mga hindi tumatanggap sa tunay na daan ay ang mga lumalaban sa Diyos, at kahit na ang mga taong ito ay nagtitiis ng maraming paghihirap, sila pa rin ay wawasakin. Yaong mga ayaw lisanin ang mundo, na hindi kayang mahiwalay sa kanilang mga magulang, na hindi makayang alisin ang kanilang sarili sa kanilang sariling mga kasiyahan ng laman ay lahat suwail sa Diyos at lahat ay wawasakin. Sinuman na hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ay mala-demonyo; higit pa, sila ay wawasakin. Yaong mga naniniwala ngunit hindi isinasagawa ang katotohanan, yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao, at ang mga hindi man lang naniniwala sa pag-iral ng Diyos ay wawasakin. Sinuman na nakakayang manatili ay isang tao na napasailalim na sa kapaitan ng kapinuhan at nanindigang matatag; ito ay isang tao na tunay na napasailalim na sa mga pagsubok. Sinuman na hindi kumikilala sa Diyos ay isang kaaway; iyon ay, ang sinuman sa loob o labas ng agos na ito na hindi kumikilala sa Diyos na nagkatawang-tao ay isang anticristo! Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kung hindi ang mga kumakalabang hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila ang mga tao na suwail sa Diyos? Hindi ba sila ang mga tao na nagsasabing naniniwala ngunit kulang sa katotohanan? Hindi ba sila ang mga tao na naghahangad lamang ng mga pagpapala ngunit hindi magagawang sumaksi sa Diyos? Maaari ka pa ring makipag-mabutihan sa mga demonyong iyan ngayon at bigyang-diin ng konsensya at pag-ibig sa mga demonyong ito; hindi ba ito itinuturing na pagpapalawak ng magagandang intensyon para kay Satanas? Hindi ba ito itinuturing na pakikipag-ugnay sa mga demonyo? Kung ang mga tao ay hindi pa rin nakikilala ang kaibahan ng mabuti at masama ngayon, at pikit-mata pa ring nagbibigay-diin ng pag-ibig at awa na walang anumang paraang umaasa na hanapin ang kalooban ng Diyos, at hindi magagawa sa anumang paraan na tanggapin ang puso ng Diyos bilang kanilang sarili, ang katapusan nilang lahat ay mas kahabag-habag. Sinuman na hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao ay kaaway ng Diyos. Kung ikaw ay magbibigay-diin ng konsensya at pag-ibig sa kaaway, hindi ka ba kulang sa katinuan sa pagkamalatuwiran? Kung ikaw ay kaayon sa mga iyon na kinamuhian Ko at hindi sinasang-ayunan, at nagbibigay-diin pa rin ng pag-ibig o sariling mga damdamin sa kanila, hindi ba ikaw ay suwail? Hindi mo ba sinasadyang nilalabanan ang Diyos? Ang isang tao ba na tulad nito ay nagtataglay ng katotohanan? Kung ang mga tao ay nagbibigay-diin ng konsensya sa mga kaaway, nagbibigay-diin ng pag-ibig sa mga demonyo at nagbibigay-diin ng awa kay Satanas, hindi kaya nila sinasadyang inaabala ang gawain ng Diyos? Yaong mga tao na naniniwala lang kay Jesus at hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw at yaong mga nagsasabi na naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ngunit gumagawa ng masama ay lahat anticristo, lalo na ang mga tao na hindi naniniwala sa Diyos. Ang mga taong ito ay wawasaking lahat. Ang pamantayan kung saan ang tao ay hinahatulan ang tao ay batay sa kanyang pag-uugali; ang isa na may mabuting pag-uugali ay isang matuwid na tao, at ang isa na ang pag-uugali ay karumal-dumal ay masama. Ang pamantayan kung saan hinahatulan ng Diyos ang tao ay batay sa kung ang kakanyahan ng isa ay sumusunod sa Kanya; ang isang sumusunod sa Diyos ay isang matuwid na tao, at ang hindi sumusunod sa Diyos ay isang kaaway at isang masamang tao, hindi alintana kung ang pag-uugali ng taong ito ay mabuti o masama, at hindi alintana kung ang pagsasalita ng taong ito ay tama o mali. May ilang taong nais gumamit ng mabubuting gawa upang magtamo ng magandang hantungan ng hinaharap, at may ilang tao ang nais na gumamit ng mahusay na pananalita upang makakuha ng mabuting hantungan. Maling pinaniniwalaan ng mga tao na pinagpapasyahan ng Diyos ang kalalabasan ng tao ayon sa kanyang pag-uugali o pananalita, at sa gayon maraming tao ang maghahanap na gamitin ito upang makakuha ng pansamantalang pabor sa pamamagitan ng panlilinlang. Ang mga tao na makakaligtas kinalaunan sa pamamagitan ng kapahingahan ay lahat mapagtitiisan ang araw ng pagdurusa at makasasaksi rin para sa Diyos; sila ay ang mga taong nakatapos na ng kanilang tungkulin at hinahangad na makasunod sa Diyos. Yaong mga nais lang gamitin ang pagkakataon na gumawa ng serbisyo upang maiwasan ang pagsasagawa ng katotohanan ang hindi makakayang manatili. Ang Diyos ay may naaangkop na mga pamantayan para sa pag-aayos ng mga kalalabasan ng lahat ng tao; hindi lang Niya ginagawa ang mga desisyon na ito ayon sa mga salita at pag-uugali ng isang tao, hindi rin Niya ito ginagawa ayon sa kanilang pag-uugali sa isang yugto ng panahon. Siya ay lubusang hindi magiging maluwag sa lahat ng masasamang pag-uugali dahil sa nakaraang paglilingkod ng isang tao sa Diyos, at hindi rin Niya patatawarin ang isa sa kamatayan dahil sa isang beses na paggugol sa Diyos. Walang sinuman ang makakaiwas sa paghihiganti para sa kanilang kasamaan, at walang sinuman ang mapagtatakpan ang kanilang masasamang pag-uugali at sa gayong paraan ay iniiwasan ang paghihirap ng pagkawasak. Kung totohanang magagawa ninuman ang kanyang sariling tungkulin, kung gayon nangangahulugan ito na sila ay walang hanggang tapat sa Diyos at hindi naghahanap ng mga gantimpala, hindi alintana kung tumatanggap sila ng mga biyaya o nagdurusa ng kasawian. Kung ang mga tao ay tapat sa Diyos kapag nakikita nila ang mga biyaya ngunit nawawala ang kanilang katapatan kapag hindi sila makakakita ng mga biyaya at sa katapusan ay hindi nagagawang sumaksi sa Diyos at hindi pa rin nagagawa ang kanilang tungkulin ayon sa nararapat, ang mga taong ito na minsang naglingkod sa Diyos nang tapat ay wawasakin pa rin. Sa madaling salita, ang masasamang tao ay hindi makakaligtas tungo sa walang-hanggan, at hindi rin sila makakapasok sa kapahingahan; tanging ang mga matuwid lang ang mga panginoon ng kapahingahan. Pagkatapos pumasok ng sangkatauhan sa tamang landas, ang mga tao ay magkakaroon ng normal na pamumuhay ng tao. Lahat sila ay gagawa ng kani-kanilang sariling kaukulang tungkulin at nagiging ganap na tapat sa Diyos. Lubos nilang bibitawan ang kanilang pagsuway at ang kanilang tiwaling disposisyon, at mabubuhay sila para sa Diyos at dahil sa Diyos. Mawawalan sila ng pagsuway at paglaban. Magagawa nilang lubos na sumunod sa Diyos. Ito ang buhay ng Diyos at tao at ang buhay ng kaharian, at ito ang buhay ng kapahingahan.

 

Yaong mga nagdadala sa kanilang lubos na di-sumasampalatayang mga anak at kamag-anak sa iglesia ay masyadong makasarili at ipinakikita ang kanilang kabaitan. Ang mga taong ito ay pinagdidiinan lang ang pag-ibig, na walang pagsasaalang-alang sa kung sila ay naniniwala o kung ito ay kalooban ng Diyos. Ang ilan ay dinadala ang kanilang mga asawa sa harap ng Diyos, o dinadala ang kanilang mga magulang sa harap ng Diyos, at hindi alintana kung ang Banal na Espiritu ay sumasang-ayon o ginagampanan ang Kanyang gawain, sila ay pikit-matang “kumupkop ng talentadong tao” para sa Diyos. Anong pakinabang ang makakamit mula sa pagpapalawak ng kagandahang-loob na ito sa mga tao na hindi naniniwala? Kahit na ang mga di-mananampalataya na ito na walang presensya ng Banal na Espiritu ay nagpupumilit na sumunod sa Diyos, sila ay hindi pa rin maaaring mailigtas na tulad ng pinaniniwalaan ng isa. Yaong mga tumatanggap ng kaligtasan ay hindi talagang ganoon kadaling matamo. Yaong hindi pa napasailalim sa gawain at mga pagsubok ng Banal na Espiritu at hindi pa nagawang perpekto ng Diyos na nagkatawang-tao ay hindi kailanman maaaring gawing ganap. Samakatuwid, ang mga taong ito ay kulang sa presensiya ng Banal na Espiritu mula sa sandaling simulan nila ang naturingang pagsunod sa Diyos. Ayon sa kanilang mga kondisyon at aktuwal na mga kalagayan, sila ay sadyang hindi maaaring gawing ganap. Kaya, ang Banal na Espiritu ay hindi nagpapasya na gumugol ng mas maraming enerhiya sa kanila, at hindi rin Siya nagbibigay ng anumang kaliwanagan o gabayan sila sa anumang paraan; pinahihintulutan lang Niya sila na sumunod at sa huli ay ibinubunyag ang kanilang mga kalalabasan—ito ay sapat. Ang sigasig at mga intensyon ng tao ay galing kay Satanas, at walang paraan upang magagawa nilang gawing ganap ang gawain ng Banal na Espiritu. Anuman ang uri ng isang tao, siya ay dapat magtaglay ng gawain ng Banal na Espiritu—magagawa bang gawing ganap ng isang tao ang isang tao? Bakit iniibig ng isang lalaki ang kanyang asawa? At bakit iniibig ng isang babae ang kanyang asawa? Bakit masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang? At bakit ang mga magulang ay nahuhumaling sa kanilang mga anak? Anong mga uri ng mga intensyon ang talagang tinataglay ng mga tao? Hindi ba ito upang masiyahan sa sariling mga plano at makasariling mga hangarin? Ito ba’y talagang para sa plano sa pamamahala ng Diyos? Ito ba’y para sa gawain ng Diyos? Ito ba’y upang tuparin ang tungkulin ng isang nilalang? Yaong mga dating naniwala sa Diyos at hindi matatamo ang presensya ng Banal na Espiritu ay hindi kailanman magtatamo ng gawain ng Banal na Espiritu; napagpasyahan na ang mga taong ito’y wawasakin. Gaano man ang pag-ibig na mayroon ang isa para sa kanila, hindi nito maaaring palitan ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang sigasig at pag-ibig ng tao ay kumakatawan sa mga intensyon ng tao, ngunit hindi maaaring kumatawan sa mga intensyon ng Diyos at hindi maaaring pumalit sa gawain ng Diyos. Palawigin man ng isang tao ang katumbas ng pinakadakilang pag-ibig o awa na posible tungo sa mga tao na naturingang naniniwala sa Diyos at magpanggap na sumusunod sa Kanya ngunit hindi alam kung paano ang maniwala sa Diyos, hindi pa rin nila matatamo ang simpatiya ng Diyos o matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kahit na ang mga taong taos-pusong sumusunod sa Diyos ay mahina ang kakayahan at hindi mauunawaan ang maraming mga katotohanan, maaari pa rin nilang paminsan-minsang matamo ang mga gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ang matataas ang kakayahan gayunma’y hindi taos-puso ang paniniwala ay hindi maaaring matamo ang presensya ng Banal na Espiritu. Talagang walang anumang posibilidad para sa kaligtasan ang mga taong ito. Kahit na binabasa nila ang salita ng Diyos o paminsan-minsang nakikinig sa mga mensahe o umaawit ng mga papuri sa Diyos, sa katapusan ay hindi nila magagawang manatili sa oras ng kapahingahan. Maging ang taos-pusong paghahanap ay hindi pinagpapasyahan kung paano sila hinahatulan ng iba o kung paano sila tinitingnan ng mga tao sa paligid nila, ngunit kung paano kumikilos ang Banal na Espiritu sa kanila at kung mayroon silang presensya ng Banal na Espiritu, at ito lahat ay mas pinagpapasyahan kung ang kanilang disposisyon ay nagbabago at kung mayroon silang kaalaman sa Diyos matapos sumailalim sa gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng isang tiyak na panahon; kung ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa isang tao, ang disposisyon ng taong ito ay unti-unting magbabago, at ang kanilang pananaw sa paniniwala sa Diyos ay unti-unting magiging mas dalisay. Hindi alintana kung gaano katagal nang sumusunod ang isang tao sa Diyos, basta’t sila’y nagbago na, ito’y nangangahulugan na ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa kanila. Kung hindi sila nagbago, ito’y nangangahulugan na ang Banal na Espiritu ay hindi kumikilos sa kanila. Kahit na ang mga taong ito ay nagbibigay ng ilang paglilingkod, sila ay inuudyukan ng kanilang mga intensyon na magtamo ng magandang kapalaran. Ang paminsan-minsang paglilingkod ay hindi maaaring pumalit sa pagbabago ng kanilang disposisyon. Sa bandang huli ay wawasakin pa rin sila, sapagka’t hindi kinakailangan ang mga nag-uukol ng paglilingkod sa loob ng kaharian, at hindi rin kailangan para sa sinuman na hindi nagbago ang disposisyon na maglingkod sa mga tao na nagawang perpekto na at silang mga tapat sa Diyos. Ang mga salitang iyon mula sa nakaraan, “Kapag ang sinuman ay naniniwala sa Panginoon, ang pagpapala ay dadaloy sa kanyang buong pamilya,” ay angkop para sa Kapanahunan ng Biyaya ngunit walang kaugnayan sa hantungan ng tao. Ang mga ito ay angkop lang para sa isang yugto noong Kapanahunan ng Biyaya. Ang nilalayon na kahulugan ng mga salitang ito ay nakadirekta sa kapayapaan at materyal na mga pagpapala na tinatamasa ng mga tao; hindi nito ibig sabihin na ang buong pamilya ng isang taong naniniwala sa Panginoon ay maililigtas, at hindi rin nito ibig sabihin na kung ang isa ay nagtatamo ng magandang kapalaran, ang kanyang buong pamilya ay madadala rin sa kapahingahan. Kahit nakatatanggap ang sinuman ng mga pagpapala o dumaranas ng kasawian ito’y pinagpapasyahan ayon sa sariling kakanyahan, at hindi pinagpapasyahan ayon sa mga karaniwang kakanyahan na kapareho ng iba. Ang kaharian ay talagang walang ganitong uri ng kasabihan o ganitong uri ng patakaran. Kung magagawa ninuman na makaligtas sa huli, ito’y dahil nakaabot na siya sa mga kinakailangan ng Diyos, at kung sa huli sinuman ay hindi nagagawang manatili sa oras ng kapahingahan, ito’y dahil ang taong ito ay suwail sa Diyos at hindi natugunan ang mga kinakailangan ng Diyos. Ang bawat isa ay may naaangkop na hantungan. Ang mga hantungang ito ay pinagpapasyahan ayon sa kakanyahan ng bawat tao at ito ay ganap na walang-kaugnayan sa iba. Ang napakasamang pag-uugali ng isang bata ay hindi maaaring ilipat sa kanyang mga magulang, at ang pagkamakatuwiran ng isang bata ay hindi maaaring ibahagi sa kanyang mga magulang. Ang napakasamang pag-uugali ng magulang ay hindi maaaring ilipat sa kanyang mga anak, at ang pagkamakatuwiran ng magulang ay hindi maaaring ibahagi sa kanyang mga anak. Ang bawat isa ay dinadala ang kanyang kaukulang mga kasalanan, at tinatamasa ng bawat isa ang kanyang kaukulang kapalaran. Walang sinuman ang maaaring pumalit para sa iba. Ito ang pagkamatkatuwiran. Sa pananaw ng tao, kung ang mga magulang ay makakuha ng magandang kapalaran, ganyan din ang kanilang mga anak, at kung ang anak ay gumawa ng masama, ang kanilang mga magulang ay dapat magbayad-sala para sa kanilang mga kasalanan. Ito ang pananaw ng tao at paraan ng tao sa paggawa ng mga bagay. Hindi ito pananaw ng Diyos. Ang kalalabasan ng bawat isa ay pinagpapasyahan ayon sa kakanyahan na nanggagaling mula sa kanilang pag-uugali, at ito ay palaging pinagpapasyahan nang naaangkop. Walang sinuman ang maaaring magdala sa mga kasalanan ng iba: at higit pa, walang sinuman ang maaaring tumanggap ng kaparusahan na kahalili ng iba. Ito ay tiyak. Ang haling na haling na pangangalaga ng magulang para sa kanyang mga anak ay hindi nangangahulugan na maaari silang magsagawa ng matuwid na mga gawa na kahalili ng kanilang mga anak, ni ang masunuring pagmamahal ng isang bata sa kanyang mga magulang ay nangangahulugan na maaari silang magsagawa ng matuwid na mga gawa na kahalili ng kanilang mga magulang. Ito ang tunay na kahulugan sa likod ng mga salita, “Kung magkagayo’y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan: Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan.” Walang sinuman ang maaaring dalhin ang kanilang mga anak na gumagawa ng kasamaan sa kapahingahan batay sa kanilang malalim na pag-ibig para sa kanilang mga anak, at ni maaaring dalhin ng sinuman ang kanyang asawang babae (o lalaki) sa kapahingahan batay sa kanilang sariling matuwid na pag-uugali. Ito ay isang administratibong patakaran; walang maaaring mga eksepsiyon para sa sinuman. Ang gumagawa ng pagkamakatuwiran ay gumagawa ng pagkamakatuwiran, at ang gumagawa ng kasamaan ay gumagawa ng kasamaan. Ang mga gumagawa ng pagkamakatuwiran ay makakayang makaligtas, at ang mga gumagawa ng kasamaan ay wawasakin. Ang banal ay banal; hindi sila marumi. Ang marumi ay marumi, at hindi sila nagtataglay ng kahit na anumang bahaging banal. Lahat ng masasamang tao ay wawasakin, at lahat ng taong matuwid ay makaliligtas, kahit na ang mga anak nang gumagawa ng masama ay gumawa ng matutuwid na gawa, at kahit na ang mga magulang ng isang matuwid na tao ay gumawa ng masasamang gawa. Walang relasyon sa pagitan ng isang nananampalatayang asawang lalaki at ng asawang babaeng di-sumasampalataya, at walang relasyon sa pagitan ng nananampalatayang mga anak at di-nananampalatayang magulang. Sila ay dalawang di-magkaayong uri. Bago pumasok sa kapahingahan, ang isa ay may pisikal na mga kamag-anak, ngunit sa sandaling ang sinuman ay nakapasok na sa kapahingahan, siya ay wala nang anumang pisikal na mga kamag-anak na masasabi. Yaong mga ginagawa ang kanilang tungkulin at ang mga hindi ay magkaaway; ang mga umiibig sa Diyos at ang mga namumuhi sa Diyos ay magkasalungat sa isa’t isa. Ang mga pumasok sa kapahingahan at ang mga taong nawasak na ay dalawang magkaibang uri ng mga nilalang. Ang mga nilalang na tumutupad sa kanilang tungkulin ay makakaligtas, at ang mga nilalang na hindi nakakatupad ng kanilang mga tungkulin ay wawasakin; higit pa rito, ito’y mananatili sa walang-hanggan. Minamahal mo ba ang iyong asawang lalaki upang tuparin ang iyong tungkulin bilang nilalang? Minamahal mo ba ang iyong asawang babae upang tuparin ang iyong tungkulin bilang nilalang? Ikaw ba’y masunurin sa iyong di-sumasampalatayang mga magulang upang tuparin ang iyong tungkulin bilang nilalang? Ang pananaw ba ng tao sa paniniwala sa Diyos ay tama o hindi? Bakit ka naniniwala sa Diyos? Ano ang iyong nais matamo? Paano mo mahal ang Diyos? Yaong mga hindi makakatupad sa kanilang tungkulin bilang mga nilalang at hindi makagagawa ng buong pagsisikap ay wawasakin. Ang mga tao ngayon ay may pisikal na relasyon sa isa’t isa, pati na rin ang mga ugnayan sa pamamagitan ng dugo, ngunit sa maglaon lahat ng ito’y madudurog. Ang mga mananampalataya at hindi naniniwala ay hindi kaayon ngunit sa halip ay salungat sa isa’t isa. Yaong mga nasa kapahingahan ay naniniwala na mayroong Diyos at masunurin sa Diyos. Ang mga suwail sa Diyos ay wawasakin lahat. Ang mga pamilya ay hindi na iiral pa sa lupa; paano maaaring magkaroon ng mga magulang o mga anak o mga relasyon sa pagitan ng mag-asawa? Ang mismong di-pagkaayon sa paniniwala at kawalan ng pananampalataya ang magpapatid sa mga pisikal na relasyong ito!

 

Noong una ay walang mga pamilya sa gitna ng sangkatauhan, lalaki at babae lang, dalawang uri ng tao. Walang mga bayan, bukod pa sa mga pamilya, na dahil sa katiwalian ng tao, lahat ng uri ng mga tao ay isinaayos ang kanilang mga sarili sa indibidwal na mga angkan, nang tumagal ay nabuo ang mga bayan at mga bansa. Ang mga bayan at mga bansa na ito ay binuo ng maliliit na indibidwal na pamilya, at sa ganitong paraan ang lahat ng uri ng mga tao ay nangalat sa pagitan ng iba’t ibang mga lahi ayon sa mga pagkakaiba sa wika at naghahating mga hangganan. Sa katunayan, hindi alintana kung gaano karaming mga lahi ang nasa mundo, ang sangkatauhan ay mayroon lang isang ninuno. Sa simula, may dalawang uri lang ng tao, at ang dalawang uri na ito ay lalaki at babae. Gayunpaman, dahil sa pagsulong ng gawain ng Diyos, paglipas ng kasaysayan at heograpikal na mga pagbabago, sa iba’t ibang antas ang dalawang uri ng taong ito ay bumuo ng higit pang mga uri ng tao. Kung tutuusin, gaano man karami ang mga lahi na bumubuo sa sangkatauhan, ang lahat ng sangkatauhan ay nilikha pa rin ng Diyos. Hindi alintana kung anong lahi kabilang ang mga tao, silang lahat ay Kanyang mga nilikha; silang lahat ay mga inapo nina Adan at Eba. Kahit na sila ay hindi ginawa ng mga kamay ng Diyos, sila ay mga inapo nina Adan at Eba, na personal na nilikha ng Diyos. Hindi alintana kung sa aling uri kabilang ang mga tao, silang lahat ay Kanyang mga nilikha; at dahil nabibilang sila sa sangkatauhan, na nilikha ng Diyos, ang kanilang hantungan ay kung saan dapat ang sangkatauhan, at sila ay nahahati ayon sa mga panuntunan na bumuo sa sangkatauhan. Ibig sabihin, ang mga gumagawa ng kasamaan at ang mga matuwid ay, kung tutuusin, mga nilalang. Ang mga nilalang na gumawa ng masama ay wawasakin sa bandang huli, at ang mga nilalang na gumanap ng matuwid na gawa ay makakaligtas. Ito ang pinaka-angkop na kaayusan para sa dalawang uri ng nilalang na ito. Hindi maaaring itanggi ng mga gumagawa ng kasamaan, na dahil sa kanilang pagsuway, na sila ay mga nilikha ng Diyos ngunit nilooban na sila ni Satanas kung kaya hindi sila maililigtas. Ang mga nilalang na may matuwid na pag-uugali ay hindi maaaring umasa sa katunayan na sila ay makakaligtas sa pagtanggi na sila ay nilikha na ng Diyos ngunit natanggap na ang kaligtasan pagkatapos nagawang tiwali na ni Satanas. Ang mga gumagawa ng kasamaan ay mga nilalang na mga suwail sa Diyos; sila ay ang mga nilalang na hindi maaaring mailigtas at ganap nang nilooban ni Satanas. Ang mga taong gumagawa ng masama ay mga tao rin; sila ay mga taong ganap na inagawang tiwali na at mga tao na hindi maaaring mailigtas. Dahil sila ay mga nilalang din, ang mga taong matuwid ang pag-uugali ay naging tiwali na rin, ngunit sila ay mga tao na nais kumawala sa kanilang tiwaling disposisyon at may kakayahang sumunod sa Diyos. Ang mga taong matuwid ang pag-uugali ay hindi umaapaw sa pagkamakatuwiran; sa halip, sila ay nakatanggap na ng kaligtasan at naging malaya sa kanilang tiwaling disposisyon upang sundin ang Diyos; sila ay maninindigan hanggang sa katapusan, ngunit hindi ibig sabihin na hindi sila nagawang tiwali na ni Satanas. Kapag natapos na ang gawain ng Diyos, sa gitna ng lahat ng Kanyang mga nilikha, magkakaroon ng mga wawasakin at ang mga makakaligtas. Ito ay isang pangyayari na di-maiiwasan sa Kanyang gawaing pamamahala. Hindi ito maikakaila ninuman. Ang mga gumagawa ng kasamaan ay hindi makakaligtas; yaong mga tumatalima at sumusunod sa Kanya hanggang katapusan ay tiyak na makakaligtas. At dahil sa ang gawaing ito ay sa pamamahala ng sangkatauhan, mayroong mga mananatili at yaong mga aalisin. Ang mga ito ay iba’t ibang mga kalalabasan ng iba’t ibang uri ng mga tao, at ito ang mga pinaka-angkop na mga kaayusan para sa Kanyang mga nilikha. Ang pangwakas na kaayusan ng Diyos para sa sangkatauhan ay upang hatiin sa pamamagitan ng pagwawatak-watak sa mga pamilya, pagwawatak-watak sa mga bansa at pagwawatak-watak sa mga pambansang hangganan. Ito’y isa na walang mga pamilya at pambansang hangganan, sapagkat ang tao ay, kung tutuusin, may isang ninuno at nilikha ng Diyos. Sa madaling sabi, ang mga nilalang na gumagawa ng masama ay wawasakin, at ang mga nilalang na sumusunod sa Diyos ay makakaligtas. Sa ganitong paraan, walang mga pamilya, walang mga bayan at lalong walang mga bansa sa kapahingahan ng hinaharap; ang ganitong uri ng sangkatauhan ay ang pinakabanal na uri ng sangkatauhan. Sina Adan at Eba ay nilikha upang maaaring pangalagaan ng tao ang lahat ng bagay sa lupa; ang tao ay ang orihinal na panginoon ng lahat ng bagay. Ang intensyon ni Jehova sa paglalang sa tao ay upang payagan ang tao na umiral sa lupa at mangalaga rin sa lahat ng bagay na nasa ibabaw nito, dahil ang tao ay hindi naman orihinal na nagawang tiwali at hindi rin kayang gumawa ng kasamaan. Gayunpaman, pagkatapos gawing tiwali ang tao, hindi na siya ang tagapag-alaga sa lahat ng bagay. At ang layunin ng pagliligtas ng Diyos ay upang maibalik ang tungkulin na ito ng tao, upang maibalik ang orihinal na dahilan ng tao at ang kanyang orihinal na pagkamasunurin; ang sangkatauhan sa kapahingahan ay ang larawan mismo ng resulta sa inaasahang makamit ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Kahit hindi na ito ang buhay na kagaya sa Hardin ng Eden, ang diwa nito ay pareho lang; ang sangkatauhan ay hindi na magiging kagaya ng dating sarili na hindi tiwali, ngunit sa halip ay isang sangkatauhan na ginawang tiwali at pagkatapos ay tumanggap ng kaligtasan. Ang mga taong ito na nakatanggap na ng kaligtasan ay sa bandang huli (iyon ay, kapag ang Kanyang gawain ay nagtapos na) papasok sa kapahingahan. Gayundin, ang mga kahihinatnan ng mga taong naparusahan na ay lubos ding mabubunyag sa katapusan, at sila ay wawasakin lang pagkatapos ng Kanyang gawain. Ibig sabihin nito na pagkatapos ng Kanyang gawain, ang lahat ng gumagawa ng kasamaan at ang mga taong nailigtas na ay mabubunyag, dahil sa gawain ng pagbunyag ng lahat ng uri ng mga tao (maging sila man ay gumagawa ng masama o ang nailigtas) ay isasagawa sa lahat ng tao nang sabay-sabay. Ang mga gumagawa ng masama ay aalisin, at yaong mga magagawang manatili ay sabay-sabay na ibubunyag. Samakatuwid, ang kahihinatnan ng lahat ng uri ng mga tao ay ibubunyag nang sabay-sabay. Hindi muna Niya hahayaan ang isang grupo ng mga tao na mga nailigtas na pumasok sa kapahingahan bago ang pagbubukod sa mga gumagawa ng kasamaan at paghuhusga o pagpaparusa sa mga ito nang paunti-unti; ang katotohanan ay hindi talagang ganito. Kapag nawawasak ang mga gumagawa ng masama at yaong mga makakaligtas ay pumasok na sa kapahingahan; ang Kanyang gawain sa buong sansinukob ay magtatapos. Walang mauuna o mahuhuli sa mga tatanggap ng mga pagpapala at mga magdurusa sa kasawian; ang mga tumatanggap ng mga pagpapala ay mabubuhay nang walang hanggan, at ang mga nagdurusa ng kasawian ay mamamatay nang walang hanggan. Ang dalawang hakbang na ito ng gawain ay gagawing ganap nang sabay-sabay. Ito ay sa kadahilanang may mga suwail na tao kaya ang pagkamakkatuwiran ng mga masunuring tao ay maibubunyag, at ito'y sa kadahilanang may mga taong nakatanggap na ng mga pagpapala kaya ang kasawian na dinanas ng mga gumagawa ng kasamaan dahil sa kanilang masasamang pag-uugali ay maibubunyag. Kung hindi ibubunyag ng Diyos ang mga gumagawa ng kasamaan, yaong mga taong tapat na sumusunod sa Diyos ay hindi kailanman makikita ang araw; kung hindi dadalhin ng Diyos ang mga sumusunod sa Kanya sa isang angkop na hantungan, yaong mga taong suwail sa Diyos ay hindi matatanggap ang nararapat na ganti sa kanila. Ito ay ang proseso ng Kanyang gawain. Kung hindi Niya isasagawa itong gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti, ang Kanyang mga nilikha ay hindi kailanman makakayang pumasok sa kani-kanilang mga hantungan. Kapag ang sangkatauhan ay nakapasok na sa kapahingahan, ang mga gumagawa ng kasamaan ay wawasakin, ang lahat ng sangkatauhan ay papasok sa tamang landas, at ang bawat uri ng tao ay magiging nasa kanilang sariling uri alinsunod sa mga tungkulin na dapat nilang isagawa. Tanging ito lang ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at ang hindi maiiwasang kalakaran para sa pag-unlad ng sangkatauhan, at tanging kapag pumasok ang sangkatauhan sa kapahingahan na ang dakila at huling katuparan ng Diyos ay doon pa lang magiging ganap; ito ang magiging konklusyon ng Kanyang gawain. Ang gawain na ito ang tatapos ng lahat ng namumulok na pisikal na buhay ng sangkatauhan, at ito ang tatapos sa buhay ng tiwaling sangkatauhan. Mula rito ang sangkatauhan ay makakapasok sa isang bagong dako. Bagaman ang tao ay namumuhay ng pisikal na pag-iral, may mga makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng kakanyahan ng kanyang buhay at ang kakanyahan ng buhay ng tiwaling sangkatauhan. Ang kahulugan ng kanyang pag-iral at ang kahulugan ng pag-iral ng tiwaling sangkatauhan ay naiiba rin. Kahit na ito ay hindi ang buhay ng isang bagong uri ng tao, maaari itong sabihin na buhay ng isang sangkatauhan na nakatanggap na ng kaligtasan at isang buhay na nabawi ang pagkatao at dahilan. Ito ang mga tao na minsan ay naging suwail sa Diyos, at minsan nang nalupig ng Diyos at pagkatapos ay iniligtas Niya; ito ay mga taong nagpahiya sa Diyos at kalaunan ay sumaksi sa Kanya. Ang kanilang pag-iral, pagkatapos sumasailalim at makalampas sa Kanyang pagsubok, ay ang pinaka-makabuluhang pag-iral; sila ay mga tao na sumaksi sa Diyos sa harap ni Satanas; sila ay mga tao na nararapat mabuhay. Ang mga wawasakin ay ang mga tao na hindi maaaring maging saksi sa Diyos at hindi nararapat mabuhay. Ang kanilang pagkawasak ay dahil sa kanilang masamang pag-uugali, at pagkawasak ang kanilang pinakamainam na hantungan. Kapag ang tao kinalaunan ay pumasok sa mabuting dako, mawawala ang mga relasyon sa pagitan ng mag-asawa, sa pagitan ng ama at anak na babae o sa pagitan ng ina at anak na inaakala ng tao na mahahanap niya. Sa panahong iyon, ang tao ay susunod sa kanyang sariling uri, at ang pamilya ay maaaring magkawatak na. Dahil sa ganap na pagkabigo, si Satanas ay hindi na muling manggagambala sa sangkatauhan, at ang tao ay hindi na magkaroon ng tiwaling mala-satanas na disposisyon. Ang suwail na mga tao ay wawasakin na, at tanging ang mga masunuring tao na lang ang makakaligtas. At kaya napaka-kaunting mga pamilya ang mananatiling buo; paano pa muling iiral ang pisikal na mga relasyon? Ang nakalipas na pisikal na buhay ng tao ay lubos nang ipagbabawal; paano maaaring umiral ang pisikal na mga relasyon sa pagitan ng mga tao? Dahil walang tiwaling mala-satanas na disposisyon, ang buhay ng mga tao ay hindi na ang lumang buhay ng nakaraan, ngunit sa halip ay isang bagong buhay. Mawawalan ang mga magulang ng mga anak, at ang mga anak ay mawawalan ng mga magulang. Mawawalan ng mga asawang lalaki ang mga asawang babae, mawawalan ng mga asawang babae ang mga asawang lalaki. Ang mga tao ngayon ay may pisikal na mga relasyon sa isa’t isa. Kapag silang lahat ay pumasok sa kapahingahan mawawala na ang pisikal na mga relasyon. Tanging ang gayong sangkatauhan ang magkakaroon ng pagkamakatuwiran at kabanalan, tanging ang gayong sangkatauhan ay magiging isang sumasamba sa Diyos.

 

Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang napangunahan na hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang orihinal na larawan at sa kanyang orihinal na wangis. Itatatag Niya ang Kanyang kaharian at ibabalik ang orihinal na wangis ng tao, ibig sabihin na ibabalik Niya ang Kanyang awtoridad sa lupa at ibabalik ang Kanyang awtoridad sa gitna ng buong sangnilikha. Nawalan ng takot ang tao sa Diyos matapos siyang gawing tiwali ni Satanas at nawalan ng silbi na dapat taglayin ng isa sa mga nilalang ng Diyos, naging isang kaaway na suwail sa Diyos. Namuhay ang tao sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at sumunod sa mga utos ni Satanas; kaya, walang paraan ang Diyos para kumilos sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at lalo pang hindi nagagawang magkaroon ng takot ang Kanyang mga nilikha. Ang tao ay nilikha ng Diyos, at kailangang sumamba sa Diyos, ngunit ang tao ay talagang tumalikod sa Diyos at sumamba kay Satanas. Naging idolo si Satanas sa puso ng tao. Kaya nawalan ng lugar ang Diyos sa puso ng tao, na ibig sabihin ay nawalan ng kahulugan ang Kanyang paglikha sa tao, kaya upang maibalik ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao kailangan Niyang ibalik ang tao sa orihinal wangis ng tao at alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon. Upang mabawi ang tao mula kay Satanas, kailangan Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Sa ganitong paraan lamang Niya unti-unting maibabalik ang orihinal na wangis ng tao at ang orihinal na silbi ng tao, at sa huli ay maipanumbalik ang Kanyang kaharian. Ang panghuling pagwasak sa suwail na mga anak na iyon ay isasakatuparan din upang tulutan ang tao na mas sambahin ang Diyos at mamuhay nang mas maayos sa mundo. Yamang nilikha ng Diyos ang tao, hihikayatin Niyang sambahin Siya ng tao; dahil ibig Niyang ibalik ang orihinal na silbi ng tao, ipanunumbalik Niya ito nang lubusan, at nang walang anumang halo. Ang kahulugan ng pagpapanumbalik ng Kanyang awtoridad ay hikayatin ang tao na sambahin at sundin Siya; ibig sabihin ay bubuhayin Niya ang tao dahil sa Kanya at papatayin Niya ang Kanyang mga kaaway dahil sa Kanyang awtoridad; ibig sabihin ay pamamalagiin Niya ang bawat huling bahagi Niya sa sangkatauhan at nang walang anumang pagtutol ng tao. Ang kahariang nais Niyang itatag ay ang Kanyang sariling kaharian. Ang sangkatauhang inaasam Niya ay yaong sumasamba sa Kanya, yaong ganap na sumusunod sa Kanya at taglay ang Kanyang kaluwalhatian. Kung hindi Niya ililigtas ang tiwaling sangkatauhan, mawawalan ng saysay ang Kanyang paglikha sa tao; mawawalan Siya ng awtoridad sa tao, at ang Kanyang kaharian ay hindi na iiral sa lupa. Kung hindi Niya pupuksain ang mga kaaway na iyon na masuwayin sa Kanya, hindi Niya matatamo ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, ni hindi rin Niya maitatatag ang Kanyang kaharian sa lupa. Ito ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na mapuksa yaong mga kasama sa sangkatauhan na suwail sa Kanya, at madala sa kapahingahan yaong mga nagawa nang ganap. Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag makakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng plano ng Diyos, matatamo na ng Diyos ang isang grupo ng mga tao sa lupa na sumasamba sa Kanya, at maitatatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at yaong mga kumokontra sa Kanya ay malilipol sa buong kawalang-hanggan. Ipanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; ipanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng bagay, at ipanunumbalik din nito ang Kanyang awtoridad sa lupa, ang Kanyang awtoridad sa lahat ng bagay at ang Kanyang awtoridad sa Kanyang mga kaaway. Ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula ngayon papasok ang sangkatauhan sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay maglalaho, gayundin ang pananaghoy sa lupa. Lahat ng nasa lupa na kumokontra sa Diyos ay hindi iiral. Diyos lamang at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lamang ang mananatili.