True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God
Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon. Tatlong ulit siyang dinala ng mga pulis sa presinto upang tanungin, at binalaan na huwag nang manalig pa sa Diyos. Minamatyagan siya at pinupuntahan sa bahay upang takutin. Dahil sa panggigipit ng Komunistang gobyerno ng Tsina, ang kanyang asawa, anak at manugang ay sumasalungat at nagbabawal na rin sa kanya na mananalig sa Diyos. Dahil sa paghihirap na ito, sa Diyos lang siya tunay na umaasa at tumitingin, at ang Kanyang mga salita ang nagbibigay sa kanya ng pananampalataya at lakas, pinahihintulutan siyang manindigan sa gitna ng pang-uusig at kapighatian. At sa rurok ng kanyang pagdurusa kung kailan ganap na siyang walang magawa, agad siyang umiyak sa Diyos. Narinig ng Diyos ang kanyang panalangin at nagbukas ng landas para sa kanya. Isang gabi, bigla na lamang siyang nawalan ng malay at hindi siya magising. Sinasabi ng doktor na hindi na siya makaliligtas at sinabihan ang kanyang pamilya na maghanda na sa kanyang pagpanaw, pero matapos ang labing walong oras, himala siyang nagkamalay. Ang milagrong ito ng Makapangyarihang Diyos ay nakakagulat para sa nakapalibot sa kanya at nagbukas ng bagong landas para sa kanya. Pagkatapos ng karanasang ito, lubos na naunawaan ni Liu Zhen na ang buhay ng mga tao ay walang katiyakan at walang sinuman sa atin ang makakapagkontrol nito--tanging ang Diyos lang ang namamahala sa kapalaran ng mga tao at ang ating mga buhay, kamatayan, kabutihan at kasawian ay nasa Kanyang mga kamay. Naranasan din niya na tanging ang Diyos lamang ang sasagot sa atin, at palaging naroon para tulungan tayo , at tanging Siya lamang ang mapagkakatiwalaan natin at maaasahan.