· 

Sa Pananalig Lang sa Diyos Magtatamo ng Pananampalataya

Ni Cheng Cheng, Italy

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa pananampalataya mo lamang makikita ang Diyos, at kapag mayroon kang pananampalataya gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung wala kang pananampalataya, hindi Niya ito magagawa. Ipagkakaloob sa iyo ng Diyos ang anumang inaasam mong makamtan. Kung wala kang pananampalataya, hindi ka magagawang perpekto at hindi mo makikita ang mga kilos ng Diyos, lalo na ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat. Kapag nananampalataya kang makikita mo ang Kanyang mga kilos sa iyong praktikal na karanasan, magpapakita sa iyo ang Diyos, at liliwanagan at gagabayan ka Niya sa iyong kalooban. Kung wala ang pananampalatayang iyon, hindi iyan magagawa ng Diyos. Kung nawala na ang pag-asa mo sa Diyos, paano mo mararanasan ang Kanyang gawain? Kung gayon, kapag lamang mayroon kang pananampalataya at hindi ka nagkikimkim ng mga pagdududa sa Diyos, kapag lamang mayroon kang tunay na pananampalataya sa Kanya anuman ang gawin Niya, saka ka Niya liliwanagan at tatanglawan sa iyong mga karanasan, at saka mo pa lamang makikita ang Kanyang mga kilos. Nakakamtan ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Nakakamtan lamang ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagpipino, at kapag walang pagpipino, hindi magkakaroon ng pananampalataya. Ano ang tinutukoy ng salitang ‘pananampalataya’? Ang pananampalataya ay ang tunay na paniniwala at tapat na pusong dapat taglayin ng mga tao kapag hindi nila nakikita o nahahawakan ang isang bagay, kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa mga pagkaintindi ng tao, kapag hindi ito kayang abutin ng tao. Ito ang pananampalatayang binabanggit Ko” (“Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Itinuturo ng mga salita ng Diyos na ang totoong pananampalataya sa Diyos ay kritikal. Anumang mga pagsubok ang ating kaharapin o gaano katindi ang ating mga paghihirap, gusto ng Diyos na maniwala ang lahat sa Kanyang mga salita at magkaroon ng pananampalataya sa Kanya, na tunay na manalig at makipagtulungan sa Kanya. Iyon lamang ang paraan para masaksihan ang makapangyarihang pamamahala ng Diyos at ang Kanyang mga gawa. Mmm.. Salamat sa patnubay ng Diyos, naranasan ko ito nang bahagya.

 

Nobyembre 18, 2016, Nakatanggap ako ng isang mensahe online galing sa isang brother sa Italya nais niyang malaman ang karagdagang impormasyon tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nang basahin ko ito, ramdam ko ang pagmamadali sa kanyang pananabik at paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon. Nagsimula kaming magusap gamit ang isang translation app. Dismayado siya sa katiwalian at kasamaan sa loob ng Simbahang Katolika, kaya naghahanap siya ng tunay na iglesia mula pa nung 1991. Binasa niya ang mga libro ni Watchman Nee, pero kailanman hindi nagkaroon ng panustos sa espiritu. Sabi niya ang mabuhay nang walang Panginoon ay masakit, walang pag-asa, at walang kabuluhan. Nakakita siya online ng ilang video at litrato mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at siya ay naakit. Sabi niya’y mukha itong tunay na iglesia at nais niyang matutuhan ang tungkol dito. Nang makita ko kung gaano siya kasabik sa paghahanap ng katotohanan, nakadama ako ng higit na pagmamadali. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya, ngunit hindi ko kayang ipaliwanag sa Italyano. Ang salin sa Italyano ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay hindi pa nailathala. Nais kong manood siya ng mga ebanghelyong pelikula. ngunit hindi pa naipapalabas ang mga Italyanong bersyon. Wala siyang ibang alam na wika. Ang kaya ko lang gawin ay magpadala ng music video. Ang musika at sayaw ay pangkalahatan. Ngunit siya ay nabalisa matapos panoorin ito at sinabi na parang nagmamakaawa, “Sabihan mo ako agad kapag meron nang Italyanong website ang Iglesia.” Nang nakita ko iyon ay naalala ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Paano mo ipapasa ang iyong nakita at naranasan sa mga taong nakakaawa, dukha, at tapat na relihiyosong mga mananampalataya na nagugutom at nauuhaw sa katuwiran at naghihintay sa iyo na akayin sila? Anong klaseng mga tao ang naghihintay sa iyo na akayin sila? Naiisip mo ba? Alam mo ba ang pasaning nasa iyong mga balikat, ang iyong tungkulin, at ang iyong responsibilidad? Nasaan ang iyong diwa ng makasaysayang misyon? Paano ka magsisilbi nang sapat bilang isang panginoon sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang matinding diwa ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng bagay? Ito ba talaga ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na nilalang at lahat ng pisikal na bagay sa mundo? Ano ang mga plano mo para sa pagsulong ng sumunod na yugto ng gawain? Ilang tao ang naghihintay sa iyo na maging pastol nila? Mabigat ba ang iyong gawain? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nalilito, dumaraing sa kadiliman—nasaan ang daan? Lubha silang nananabik sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at itaboy ang mga puwersa ng kadiliman na nang-api sa tao sa loob ng maraming taon. Sino ang makakaalam kung gaano sila sabik na umaasa, at gaano sila nananabik, araw at gabi, para dito? Kahit sa isang araw na nagdaraan ang kumikinang na liwanag, ang mga taong ito na labis na nagdurusa ay nananatiling nakakulong sa isang madilim na piitan nang walang pag-asang mapalaya; kailan sila titigil sa pagluha? Grabe ang kasawian ng marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan, at matagal nang patuloy na nakatali sa kalagayang ito ng walang-awang mga gapos at malamig na kasaysayan. At sino na ang nakarinig sa ingay ng kanilang pagdaing? Sino na ang nakakita sa kanilang kaawa-awang kalagayan? Naisip mo na ba kung gaano kalungkot at kabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niya matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan, na nilikha ng sarili Niyang mga kamay, na nagdaranas ng gayong paghihirap?” (“Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos basahin ito, napagtanto ko na ipinagkakatiwala sa atin ng Diyos ang pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo, ngunit kahit sa mahalagang kahilingan ng Diyos, ramdam kong nakatali ang aking mga kamay. Hindi ko kayang magpatotoo sa gawain ng Diyos. ’Di ko matulungan ang brother na ’yun na naliligaw sa kadiliman, na matamo ang panustos ng mga salita ng Diyos. Sumama ang loob ko. Gusto kong umiyak habang binabasa ang kanyang mensahe, at pakiramdam ko na nasa mahirap akong sitwasyon. Kung ako ay aatras, maaantala ko ang pagsisiyasat niya ng tunay na daang kanyang hinahanap at inaasam-asam. Kung ako ay tutuloy, kakailanganin kong umasa sa hindi tumpak na translation tools. Minsan hindi sila tumpak kahit sa mga simpleng bagay, lalo na sa mga espiritwal na salita. Paano kami makakapag-usap? Para akong napipi. Mulat na mulat ang aking mga mata, ngunit wala akong magawa. Naisip kong humanap ng kapatid na marunong ng Italyano, ngunit wala din akong mahanap. Sa puntong iyon, hindi ko alam ang gagawin. Naisip ko, “Ang alam kong Italyanong salita ay ‘Kumusta’ at ‘Paalam.’ Kaya anuman ang mangyari, hindi ko magagawang magpatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw.” Ako ay nanlumo.

 

Kinaumagahan, nagpadala siya ng mensahe na nakasaad na ang unang bagay na naisip niya sa paggising ay tanungin ako tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nabahala talaga ako sa katotohanang lagi niya akong pinapadalhan ng mensahe. Agad akong nagdasal: “Mahal kong Diyos, hindi ako nakapag-aral ng Italyano at hindi ko alam kung paano ibabahagi ang ebanghelyo sa brother na ito. Diyos ko, pakiusap, gabayan Mo po ako.” Pagkatapos ko magdasal, naalala ko ang salita ng Diyos: “Dapat kang may pananampalatayang nasa kamay ng Diyos ang lahat, at na nakikipagtulungan lamang ang mga tao sa Kanya. Kung taimtim ang puso mo, makikita ito ng Diyos, at bubuksan Niya ang lahat ng mga landas para sa iyo, gagawing hindi na mahirap ang mga paghihirap. Ito ang pananampalatayang dapat mayroon ka” (“Pagpasok sa Buhay ang Pinakamahalaga sa Pananalig sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Hindi ninyo kailangang mabahala tungkol sa anumang bagay habang ginagampanan ninyo ang tungkulin ninyo, bastat ginagamit mo ang lahat ng lakas mo at ilalagay ito sa puso mo. Hindi gagawing mahirap ng Diyos ang mga bagay para sa iyo o pipilitin kang gawin ang hindi mo kaya” (“Pagpasok sa Buhay ang Pinakamahalaga sa Pananalig sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nang mabasa ko ito ay nadagdagan ang pananampalataya at lakas ng loob ko. Totoo, ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos. Lahat ng bagay ay posible sa Kanya. Ang higit na nais ng Diyos sa atin sa panahon ng ating paghihirap ay ang ating katapatan at kooperasyon, na tunay tayong magtiwala at manalig sa Kanya at gawin ang makakaya upang makipagtulungan sa Kanya. Tapos ay tutulungan tayo ng Diyos. Ngunit nang harapin ko ang ganoong klaseng problema, napagtanto ko na wala ang Diyos sa puso ko. Namumuhay ako sa sarili kong mga ideya, iniisip na dahil ’di ako nagsasalita ng Italyano, ’di ko kayang makipag-usap sa brother na iyon, kaya hindi ko kayang magpatotoo sa gawain ng Diyos. Naging negatibo at mapag-isa ako. Paano ko matatanggap ang patnubay ng Diyos at makita ang Kanyang mga gawa sa ganoong paraan? Kailangan kong tunay na manalig sa Diyos at makipagtulungan sa Kanya, at magtiwala na papatnubayan Niya ako. Sa ganoong pag-iisip, naisip ko ang mga talatang Italyano sa Bibliya na pinagsama ko tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Naisip kong magagamit ko ang mga iyon para makipag-usap kay Brother. Kaya, isang umaga ay ipinadala ko ang mga iyon sa kanya para makatulong sa pag-uusap namin. Pagkatapos, natuwa ako nang makita kong naipalabas na sa Italyano ang trailer ng Ang Hiwaga ng Kabanalan. Agad ko iyong ipinadala sa kanya. Kalaunan ay sinabi niyang naintindihan niya na ang ’pinapahayag ng pelikula ay ang mga propesiya sa bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Masaya niyang tinanong sa akin, “Nagbalik na ba ang Panginoon? Nasa China ba Siya? Ano na ang pangalan Niya ngayon?” Noong sandaling iyon, naramdaman ko na isa siyang naliligaw na tupa na biglang narinig ang pagtawag ng kanyang pastol at hinahanap niya ’to kung saan-saan. Nagpipigil ng luha, sinulat ko, “Ang pangalan Niya ay Makapangyarihang Diyos, at nakasaad Siya sa propesiya sa Pahayag, ‘Ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat’ (Pahayag 1:8).” Sa puntong ito, nakita ko kung paano umaakma ang bawat yugto ng pamamahala ng Diyos sa kasunod na yugto. Wala akong alam na Italyano bukod sa ilang simpleng pagbati, ngunit binigyan ako ng malalim na kamalayan ng karanasang ito na nakapag-usap kami nang maayos sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos, at nakakita ng mga resulta. Nakita ko na ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos, na dapat ay tunay tayong magtiwala at umasa sa Diyos at taimtim na makipagtulungan sa Kanya.

 

Humarap ako sa isa pang pagsubok pagkatapos nito. Tinatanong ako ng brother na ito kung kailan niya matatanggap ang patotoo ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sabik akong gawin iyon, ngunit nandyan pa rin ang hadlang sa wika namin at wala pa rin akong mahanap na tulong. Kung isang hindi mananampalataya ang tutulong magsalin, hindi nila maiintindihan ang mga espirituwal na termino at baka hindi nila magawa nang tama ang trabaho. Habang iniisip ang problemang ito nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko alam kung anong gagawin. At nang mga sandaling iyon, napuno ako ng pagkabalisa. Tumawag ako sa Diyos: “Oh Diyos, wala akong magawa. Hindi ko alam ang aking gagawin, at hindi ko alam kung anong matututuhan ko rito. Mangyaring buksan ang daan at gabayan Mo ako.” Matapos magdasal, naisip ko ang pagtawid ni Moises sa Dagat na Pula. Maraming hinarap na suliranin si Moises habang dinadala niya ang mga Israelita palabas ng Ehipto, pero hindi siya nawalan ng pananampalataya sa Diyos. Nagdasal siya at nakipagtulungan sa Diyos, at saksi siya sa napakaraming himala ng Diyos. Kung wala ang Dagat na Pula at ang mga humahabol sa kanila, at ang apatnapung taon niya sa disyerto, paano magkakaroon si Moises ng ganoong pananampalataya at patotoo? Kung hindi ko haharapin ang mga paghihirap na iyon sa aking tungkulin, paano ko makakamit ang tunay na pananampalataya sa Diyos? Isa pa, hindi katumbas ng pagtawid sa Dagat na Pula ang kinakaharap ko. Dahil nakilala ko ang brother na iyon online, nagbukas ang Diyos ng landas para sa akin at nasaksihan ko ang mga kamangha-mangha Niyang gawa. Alam kong dapat magkaroon ako ng mas matatag na pananampalataya at manalig sa Kanya. Sa sandaling ito, napagtanto ko na nais ng Diyos na gawing perpekto ang aking pananampalataya at pananalig sa Kanya sa pamamagitan ng mga suliraning ito upang bigyan ako ng praktikal na pagkaunawa sa makapangyarihang pamamahala ng Diyos sa pamamagitan ng mga aktwal kong karanasan. Nang maunawaan ko ang kalooban ng Diyos, wala akong alinlangan na magbubukas ang Diyos ng landas para sa akin. Nagpasya kaming magkita online, at isinaayos ng iba na maging tagapagsalin ang 15-taong-gulang na sister na nag-aral ng Italyano. Nang malaman kong 15-taong-gulang ang magsasalin, naisip ko ang aking sarili at ang batang sister na ito. Bata pa ako, bago pa ang pananampalataya at hindi pa ako nakakapangaral noon. Makabubuti ba ang pagtulong ng bata sa pangangaral ng gawaing ebanghelyo? Hindi ako sigurado. Ngunit nang marinig kong matatas niyang basahin ang mga salita ng Diyos sa Italyano at sabihin sa akin na mabilis niyang nakabisado ang mga bagong salita, nakaramdam ako ng pagkabigla at pagkahiya. Tinipon ng Diyos ang lahat ng tamang tao para sa gawaing pagpapalaganap ng ebanghelyo. Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag binibigkas ang isang panata o pangako mula sa bibig ng Diyos, ang lahat ng bagay ay kumikilos para sa katuparan nito, at minamaniobra alang-alang sa katuparan nito; ang lahat ng nilalang ay binubuo at inaayos sa ilalim ng pamamahala ng Lumikha, gumaganap ng kani-kanilang mga papel, at ginagawa ang kani-kanilang mga tungkulin. Ito ang pagpapamalas ng awtoridad ng Lumikha” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa karanasang iyon, nakita ko na papatnubayan ako ng Diyos basta’t taos-puso akong aasa sa Kanya, at makikita ko ang mga gawa Niya.

 

Matapos mahanap ang sister na ito para magsalin, sa wakas ay makakausap ko na ang brother na iyon. Gumaan ang loob ko. Hindi nagtagal, tumigil na ako sa pagnanais na umasa sa Diyos at may kinailangang gawin ang sister, kaya hindi na siya makakapagsalin. Para akong mahihimatay nung mabalitaan ko iyon. Ang dami kong gustong sabihin sa brother para maging saligan niya ang tunay na daan. Pero kung wala ang tagasalin ko, wala akong magagawa. Tapos ay nabalitaan ko ang isang tao na naghahanap ng tunay na daan na nailigaw ng CCP at ng relihiyosong komunidad, kaya hindi na siya nagpatuloy. Natakot ako na hindi na maghanap ang Italyanong brother kung hindi siya madiligan agad. Pakiramdam ko ay wala akong magawa at hindi ko talaga alam ang gagawin. Tapos, isang araw, nakita ko ang brother na nag-post sa page niya: “Mga kaibigan at kapatid, nagbalik na si Jesucristo! Magalak kayo!” Pinagpawisan ako ng malamig nang makita ko ’to. Mahigit 3,000 ang mga kaibigan niyang relihiyoso. Kung ang ilan sa kanila ay anticristo na makakapagpaligaw sa kanya, ano nang mangyayari sa kanya? Nangamba ako, kaya nanalangin ako sa Diyos. “Oh Diyos, pag walang tagasalin, hindi ko madidiligan ang brother na ito at natatakot ako na lumayo siya kapag nailigaw ng iba. Paano ko mararanasan ang Iyong mga salita at matuto sa sitwasyong ito? Patnubayan Mo po ako.” Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos pagkatapos kong magdasal: “Ginugugol ng mga tao ang karamihan sa oras nila nang namumuhay sa isang walang-ulirat na kalagayan. Hindi nila alam kung dapat ba silang umasa sa Diyos o sa mga sarili nila. Sila kung gayon ay may gawi na umasa sa mga sarili nila at sa mga kapaki-pakinabang na mga kalagayan at mga kapaligiran sa palibot nila, gayundin ang sa alinmang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na sa kalamangan nila. Ito ang kung ano pinakamagaling ang mga tao. Kung saan sila pinakamalala ay sa pag-asa sa Diyos at pagtingala sa Kanya, sapagkat pakiramdam nila na napakalaking abala ang pagtingala sa Diyos— hindi nila nakikita, hindi nila nahahawakan—at pakiramdam nila na malabo at hindi makatotohanan ang paggawa ng gayon. Kung kaya, sa ganitong aspeto ng mga aralin nila, pinakamalala ang pagganap ng mga tao, at pinakamababaw ang pagpasok nila rito. Kung hindi mo natutuhan kung paano tumingala at umasa sa Diyos, hindi mo kailanman makikitang gumawa ang Diyos sa iyo, ang gabayan ka, o ang liwanagan ka. Kung hindi mo nakikita ang mga bagay na ito, ang mga katanungang tulad ng ‘kung umiiral man ang Diyos at kung ginagabayan man Niya ang lahat-lahat sa buhay ng sangkatauhan’ ay matatapos, sa kaibuturan ng puso mo, sa isang tandang pananong sa halip na isang tuldok o tandang padamdam. ‘Ginagabayan ba ng Diyos ang lahat-lahat sa buhay ng sangkatauhan?’ ‘Nagmamasid ba ang Diyos sa kaibuturan ng puso ng tao?’ Para sa anong dahilan na ginagawa mong mga katanungan ang mga ito? Kung hindi ka tunay na aasa sa o titingala sa Diyos, hindi mo magagawang magbigay pagbangon sa totoong pananampalataya sa Kanya. Kung hindi ka magkapagbibigay pagbangon sa totoong pananampalataya sa Kanya, para sa iyo, yaong mga tandang pananong ay magiging habambuhay na naririyan, sinasamahan ang lahat-lahat ng ginagawa ng Diyos, at hindi magkakaroon ng mga tuldok” (“Ang Mga Mananampalataya ay Dapat Munang Makaaninag sa Masasamang Kalakaran ng Mundo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nagising ako sa mga salita ng Diyos at napagtanto kong nakalimutan ko na ang Diyos. Nang ilagay ako ng Diyos sa lugar kung saan wala akong magawa, kung saan hindi ko kayang makipag-usap at hindi ko alam ang aking gagawin, ang Diyos ang naging sandigan ko. Ngunit nang maayos ang sitwasyon at naroon ang mga tamang tao, umasa ako sa ibang tao dahil parang mas praktikal iyon. Nang dumating ang batang sister na iyon sa oras ng pangangailangan, alam kong gawa yun ng Diyos. Pero kalaunan, inisip ko pa rin na nakadepende sa tagasalin kung tatanggapin ng brother ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Kulang ang tunay kong pananampalataya sa Diyos. Naalala ko ang sabi ng Panginoong Jesus: “Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama” (Juan 10:29). Narinig ng tupa ng Diyos ang Kanyang tinig. Walang usap-usapan, kasinungalingan, o paghihirap ang makakaagaw mula sa Kanyang mga kamay. Ito ang awtoridad ng Diyos. Dapat paniwalaan ko ang mga salita ng Diyos, gawin ang aking tungkulin, at tuklasin ang bawat landas para magbahagi sa brother na iyon. Kung mailigaw siya ng mga usap-usapan at kasinungalingan ay ’di ako ang magpapasya.

 

Pagkatapos, nabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Libu-libong taon nang ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Nakagawa na ito ng hindi-masabing dami ng kasamaan, nakapanlinlang na ng sunud-sunod na henerasyon, at nakagawa na ng mga karumal-dumal na krimen sa mundo. Naabuso na nito ang tao, nalinlang ang tao, naakit ang tao na salungatin ang Diyos, at nakagawa na ng masasamang pagkilos na nakalito at paulit-ulit na nagpahina sa plano ng pamamahala ng Diyos. Gayunman, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, ang lahat ng bagay at buhay na nilalang ay patuloy na sumusunod sa mga patakaran at batas na itinalaga ng Diyos. Kumpara sa awtoridad ng Diyos, ang masamang kalikasan at kayabangan ni Satanas ay napakapangit, sobrang nakakadiri at kasuklam-suklam, at napakaliit at napakahina. Kahit na naglalakad si Satanas sa gitna ng lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, hindi nito kayang gumawa ng katiting na pagbabago sa mga tao, bagay, at layon na iniutos ng Diyos” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na bumitaw. Totoo na lahat ng bagay ay nasa ilalim ng pamamahala ng Diyos, at walang sinuman ang makakahadlang sa gustong gawin ng Diyos. Walang makakaagaw sa tupa ng Diyos. Kung isang impostor ang makakapasok sa bahay ng Diyos, malalantad sila at maaalis. Ito ang kapangyarihan ng Diyos. Napagtanto ko na hindi ko naunawaan ang Diyos. Ako ang buhay na halimbawa noon. Bago tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, nakinig ako sa mga kasinungalingan ng CCP at ng relihiyosong mundo. Kahit na maraming humadlang sa akin, ang mga salita ng Diyos ang naghatak sa akin na tanggapin ang gawain Niya sa mga huling araw. At ngayon, walang kahit anong maling paniniwala o kasinungalingan ang makakahadlang sa pagsunod ko sa Makapangyarihang Diyos. Tinulungan lang akong makita nang mas malinaw ang mukha ni Satanas at palakasin ang pananampalataya ko upang sundin ang Diyos. Lahat ng ito ay nagawa ng mga salita ng Diyos. Naalala ko ang halos isang buwan ng pakikipag-usap sa brother na iyon. Magkaiba kami ng lengguwahe at hindi kami makapag-usap, pero nagpatuloy kami hanggang tanggapin niya ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nabanggit niya ang pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagtatayo ng iglesia sa Italya. Magagawa ba ang alinman doon nang walang patnubay ng Diyos, nang hindi nilulupig ng salita ng Diyos ang mga tao? Kulang ako sa pag-unawa sa Diyos. Kapag ipinapalaganap ko ang ebanghelyo, sinasabi ko na ang awtoridad ng Diyos ay walang katulad at walang pwersa ang makakahadlang sa gawain Niya, pero lagi kong sinusuri ang mga bagay nang lohikal. Nang maharap ako sa hadlang sa wika, natakot ako na ang brother na iyon ay mailayo ng usap-usapan at kasinungalingan ng mga anticristo. Namumuhay ako sa kalagayang puno ng takot. Ngunit, nasa mga kamay ng Diyos kung matatanggap niya ang tunay na daan, ipinasya iyon ng Diyos. Sa halip na mag-alala, dapat kong pagbutihin ang tungkulin ko’t maging responsable. At doon, nagdasal ako sa Diyos, handang magpasakop sa Kanyang pamamahala’t kaayusan. Sa aking pagkabigla, pinadalhan ako ng mensahe ng batang sister na iyon para ipaalam sa akin na libre na siya at pwede na siyang magsalin muli. Sa wakas ay makakausap ko na siya nang malinaw.

 

Kahit na minsan ay pinanghihinaan ako ng loob at minsan ay balisang-balisa ako sa proseso ng pagbabahagi ng ebanghelyo sa brother na iyon, nang manalig ako sa Diyos, nasaksihan ko ang Kanyang patnubay at kamangha-manghang mga gawa. Napagtanto ko na ang gawain ng Diyos ay ginagawa Niya Mismo. at lumago ang pananampalataya ko sa Kanya. Ito ang biyaya at awa ng Diyos. Akala ko ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay nagliligtas sa ibang tao, pero napagtanto ko na sa prosesong iyon, nararanasan ko ang gawain at mga salita ng Diyos. Sa karanasang ito, ako, isang “mapag-alinlangang tao,” ay tunay na nakaranas ng awtoridad at katapatan ng Diyos. Tulad mismo ng sinasabi ng Diyos, “Kapag ang isang tao ay nakakasagupa ng isang napakamasalimuot na paghihirap, kapag wala silang sinumang malalapitan, at kapag nadarama nila ang lalong kawalang-pag-asa, nagtitiwala sila sa Diyos bilang kanilang tanging pag-asa. Paano sila nananalangin? Ano ang kalagayan ng kanilang pag-iisip? Sila ba ay taimtim? Mayroon bang anumang di-dalisay sa panahong iyon? Kapag nagtitiwala ka sa Diyos na parang Siya ang huling hibla na makakapitan upang iligtas ang iyong buhay, umaasang tutulungan ka Niya, na taimtim ang iyong puso. Bagama’t maaaring hindi ka gaanong nagsasalita, ang iyong puso ay naaantig na. Ibig sabihin, ibinibigay mo ang iyong taimtim na puso sa Diyos, at ang Diyos ay nakikinig. Kapag nakikinig ang Diyos, nakikita Niya ang iyong mga paghihirap, liliwanagan ka Niya, gagabayan ka, at tutulungan ka” (“Ang Mga Mananampalataya ay Dapat Munang Makaaninag sa Masasamang Kalakaran ng Mundo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang kaalaman tungkol sa Diyos ay hinihiling sa atin na isagawa at maranasan ang Kanyang mga salita sa pamamagitan ng mga bagay na nakakaharap natin sa araw-araw, at sa proseso ng paggawa ng ating tungkulin. Iyon lang ang paraan para makilala at katakutan ang Diyos. Itinuro ito sa akin ng aking karanasan. Salamat sa Diyos!

 

————————————

 

Rekomendasyon: