Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Tumakas Mula sa Impluwensiya ng Kadiliman at Makakamit Ka Ng Diyos
Ano ba ang impluwensiya ng kadiliman? Ang sinasabing impluwensiya ng kadiliman ay ang gapos ni Satanas, ang impluwensiya ni Satanas, at ito ang impluwensiya na nagtataglay ng aura ng kamatayan.
Pagkatapos mong manalangin nang taos sa Diyos, ibaling mo ang iyong puso sa Diyos nang buo, sa puntong ito, ang iyong puso ay pinakikilos ng Espiritu ng Diyos, nais mong ibigay ang iyong sarili nang buo, at sa sandaling ito, nakatakas ka mula sa impluwensiya ng kadiliman. Kung ang lahat ng ginagawa ng tao ay nakalulugod sa Diyos at tumutugon sa mga hinihingi ng Diyos, kung gayon siya ay isa na namumuhay sa loob ng mga salita ng Diyos, siya ay isa na namumuhay sa ilalim ng pagmamasid at pangangalaga ng Diyos. Kung hindi kayang isagawa ng mga tao ang mga salita ng Diyos, laging nililinlang ang Diyos at kumikilos sa paraang wala-sa-puso para sa Diyos, hindi naniniwalang mayroong Diyos, ang mga ganitong tao ay namumuhay lahat sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Ang mga tao na hindi nakatanggap ng pagliligtas ng Diyos ay namumuhay lahat sa ilalim ng pagkasakop ni Satanas, ibig sabihin, lahat sila ay namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Sila na hindi naniniwala sa Diyos ay namumuhay sa ilalim ng pagkasakop ni Satanas. Kahit sila na naniniwala na mayroong Diyos ay hindi nangangahulugan na namumuhay sa liwanag ng Diyos, dahil sila na naniniwala sa Diyos ay hindi nangangahulugang namumuhay sa loob ng mga salita ng Diyos, at sila ay hindi nangangahulugang mga taong kayang sumunod sa Diyos. Ang tao ay naniniwala lamang sa Diyos, at dahil sa kabiguan ng tao na kilalanin ang Diyos, namumuhay pa rin siya sa ilalim ng mga lumang panuntunan, namumuhay sa loob ng mga patay na salita, namumuhay sa isang buhay na madilim at walang-katiyakan, hindi lubos na napadalisay ng Diyos, hindi lubos na nabawi ng Diyos. Samakatuwid, kahit ‘di man sabihin na sila na hindi naniniwala sa Diyos ay namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman, kahit sila na naniniwala sa Diyos ay maari ding namumuhay pa rin sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman, dahil hindi pa nakaganap ng gawain sa kanila ang Banal na Espiritu. Sila na hindi pa nakatanggap ng biyaya ng Diyos o ng habag ng Diyos, na hindi nakakita ng gawaing ginaganap ng Banal na Espiritu, lahat sila ay namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman; sila na tinatamasa lamang ang biyaya ng Diyos subali’t hindi nakikilala ang Diyos, sila ay namumuhay rin sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman, kalimitan. Kung ang isang tao ay naniniwala sa Diyos subali’t ginugugol ang malaking bahagi ng kanyang buhay sa pamumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman, ang pananatili ng taong ito ay nawalan na ng kabuluhan, bukod pa sa kanila na hindi naniniwala sa pag-iral ng Diyos.
Lahat sila na hindi makatanggap sa gawain ng Diyos at sa gayon ay hindi makatugon sa mga hinihingi ng Diyos, sila ay namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman; sila na naghahanap ng katotohanan at kayang tumugon sa mga hinihingi ng Diyos ay makatatanggap ng mga pagpapala mula sa Diyos, at sila ay tatakas mula sa impluwensiya ng kadiliman. Ang mga tao na hindi napalaya, laging kontrolado ng mga bagay-bagay, hindi maibigay ang kanilang puso sa Diyos, ang mga ito ang mga tao na nasa ilalim ng gapos ni Satanas, at sila ay namumuhay sa ilalim ng lambong ng kamatayan. Sila na hindi tapat sa kanilang mga sariling tungkulin, silang hindi tapat sa pagsusugo ng Diyos, sila na hindi gumaganap ng kanilang tungkulin sa iglesya, sila ay namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Sila na sinasadyang gambalain ang buhay ng iglesya, sila na sinasadyang wasakin ang kaugnayan sa pagitan ng mga kapatid na lalaki at babae, sila na nagtitipon ng kanilang sariling mga tiwaling-pangkat, sila ay namumuhay nang higit pang malalim sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman, sila ay namumuhay sa loob ng gapos ni Satanas. Sila na nagkakaroon ng abnormal na kaugnayan sa Diyos, sila na laging may maluhong mga pagnanasa, sila na laging nais na makinabang sa bawa’t sitwasyon, sila na kailanman ay hindi naghanap ng pagbabago sa kanilang disposisyon, ang gaya nila ay mga taong namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Sila na laging pabáyâ, hindi seryoso sa kanilang pagsasagawa ng katotohanan, hindi naghahanap na makatugon sa mga naisin ng Diyos, sila na binibigyang-kasiyahan lamang ang kanilang sariling laman, ang mga ito ay mga tao na namumuhay rin sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman, at sila ay nalalambungan ng kamatayan. Sila na gumagamit ng panlilinlang at pandaraya kapag gumaganap ng gawain para sa Diyos, nakikisama sa Diyos sa isang paraang wala-sa-puso, dinadaya ang Diyos, laging nag-iisip para sa kanilang mga sarili, ang mga taong ganito ay namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Lahat sila na hindi taos-pusong maibig ang Diyos, sila na hindi naghahanap sa katotohanan, sila na hindi tumutuon sa pagbabago ng kanilang disposisyon, sila ay namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman.
Kung nais mo na mapapurihan ng Diyos, kailangan mo munang tumakas mula sa impluwensiya ng kadiliman ni Satanas, buksan ang iyong puso sa Diyos, at ibaling ito sa Diyos nang buo. Ang mga bagay ba na ginagawa mo sa ngayon ay pinupuri ng Diyos? Naibaling mo na ba ang iyong puso sa Diyos? Ang mga bagay ba na nagáwâ mo na, ang mga iyon ba ay ang mga hiningi sa iyo ng Diyos? Naaayon ba ang mga iyon sa katotohanan? Kailangan mong laging suriin ang iyong sarili, tumutok sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, ilatag ang iyong puso sa harapan ng Diyos, ibigin ang Diyos nang may katausan, at gumugol para sa Diyos nang may katapatan. Ang mga ganitong tao ay tiyak na tatanggap ng papuri ng Diyos.
Sila na hindi namumuhay nang may katapatan, nagpapanggap na sila ay yaong hindi naman sila kapag nasa harap ng iba, nagpapakita ng anyô ng kapakumbabaan, katiyagaan at pag-ibig, subali’t sa katunayan sila ay palíhím na nanlilinlang, tuso at walang katapatan sa Diyos, ang mga ganitong tao ay ang mga tipong huwaran nila na namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman, sila ay bagong usbong na mga ulupong. Sila na ang paniniwala sa Diyos ay palaging para sa kanilang sariling mga pakinabang, sila na mga makasarili at mayayabang, sila na ipinangangalandakan ang kanilang mga sarili, laging pinangangalagaan ang kanilang sariling katayuan, ang mga ito ay mga taong umiibig kay Satanas at sumasalungat sa katotohanan, nilalabanan nila ang Diyos at lubusang nabibilang kay Satanas. Sila na hindi nakatuon ang pansin sa mga pasanin ng Diyos, hindi naglilingkod sa Diyos nang buong-puso, laging nagmamalasakit sa kanilang mga sariling interes at sa interes ng kanilang pamilya, hindi kayang iwanan ang lahat upang gumugol para sa Diyos, kailanman ay hindi namuhay nang naaayon sa mga salita ng Diyos, sila ay namumuhay sa labas ng mga salita ng Diyos. Ang mga ganitong tao ay hindi tatanggap ng papuri ng Diyos.
Noong likhain ng Diyos ang mga tao, ito ay upang tamasahin ng mga tao ang Kanyang kayamanan, upang ibigin Siya nang tapat ng mga tao, at sa ganitong paraan, nabubuhay ang tao sa Kanyang liwanag. Ngayon, lahat sila na hindi kayang umibig sa Diyos, hindi nakatuon ang pansin sa mga pasanin ng Diyos, hindi kayang ibigay nang buo ang kanilang puso sa Diyos, hindi kayang damahin ang puso ng Diyos na parang kanila, hindi kayang balikatin ang mga pasanin ng Diyos na parang kanila, ang liwanag ng Diyos ay hindi sumisikat sa ganitong mga tao, samakatuwid lahat sila ay namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Ang mga ganitong tao ay nasa landas na sumasalungat sa kalooban ng Diyos, ang lahat ng kanilang ginagawa ay walang bahid ng katotohanan, sila ay kasabwat ni Satanas, at ang mga ganitong tao ay namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Kung lagi kang makakakain at makakainom ng mga salita ng Diyos at laging makapagtutuon ng pansin sa kalooban ng Diyos at makagaganap ng mga salita ng Diyos, kung gayon ikaw ay kabilang sa Diyos, kung gayon ikaw ay isa na namumuhay sa loob ng mga salita ng Diyos. Nais mo ba na tumakas mula sa pagkasakop ni Satanas at mamuhay sa liwanag ng Diyos? Kung nabubuhay ka sa loob ng mga salita ng Diyos, kung gayon ang Banal na Espiritu ay magkakaroon ng pagkakataon upang gampanan ang Kanyang gawain; kung nabubuhay ka sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, kung gayon ang Banal na Espiritu ay hindi magkakaroon ng pagkakataon na ganapin ang anumang gawain. Ang gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao, ang liwanag na Kanyang pinasisikat sa mga tao, ang tiwala na ibinibigay Niya sa mga tao ay tumatagal lamang nang isang saglit; kung ang mga tao ay hindi maingat at hindi nag-uukol ng pansin, malalampasan sila ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu. Kung ang mga tao ay namumuhay sa loob ng mga salita ng Diyos, kung gayon ang Banal na Espiritu ay sasakanila at gaganap ng gawain sa kanila; kung ang mga tao ay hindi namumuhay sa loob ng mga salita ng Diyos, kung gayon sila ay namumuhay sa loob ng gapos ni Satanas. Ang mga tao na namumuhay sa isang tiwaling disposisyon ay hindi nagtataglay ng presensiya ng Banal na Espiritu at hindi gumaganap ang Banal na Espiritu ng gawain sa kanila. Kung ikaw ay namumuhay nang naaayon sa mga salita ng Diyos, kung ikaw ay namumuhay sa sitwasyon na hinihingi ng Diyos, kung gayon ay nabibilang ka sa Diyos, at ang gawain ng Diyos ay gaganapin sa iyo; kung ikaw ay hindi namumuhay nang naaayon sa mga hinihingi ng Diyos, sa halip ay namumuhay sa ilalim ng pagkasakop ni Satanas, kung gayon ay tiyak na namumuhay ka sa ilalim ng katiwalian ni Satanas. Tangi lamang sa pamumuhay sa loob ng mga salita ng Diyos, sa pagbibigay ng iyong puso sa Diyos, iyong matutugunan ang mga hinihingi ng Diyos; kailangan mong gawin kung ano ang sinasabi ng Diyos, kailangan mong gawin ang mga salita ng Diyos na pundasyon ng iyong pananatili at ang realidad ng iyong buhay, sa gayon ka lamang mapapabilang sa Diyos. Kung ikaw ay taos na gaganap nang naaayon sa kalooban ng Diyos, kung gayon ang Diyos ay gaganap ng gawain sa iyo, at sa gayon ay mabubuhay ka sa ilalim ng mga pagpapala ng Diyos, mabubuhay ka sa liwanag ng mukha ng Diyos, makakaya mo ring tarukin ang gawain na ginaganap ng Banal na Espiritu, at iyong madarama ang kagalakan ng presensiya ng Diyos.
Upang tumakas mula sa impluwensiya ng kadiliman, kailangan mo munang maging tapat sa Diyos at magkaroon ng pananabik na hanapin ang katotohanan, sa gayon ka lamang magkakaroon ng tamang sitwasyon. Ang pamumuhay sa tamang sitwasyon ay kailangan para sa pagtakas mula sa impluwensiya ng kadiliman. Ang hindi pagkakaroon ng tamang sitwasyon ay nangangahulugan na hindi ka tapat sa Diyos at wala kang pananabik na hanapin ang katotohanan, sa gayon ay hindi na tatakas mula sa impluwensiya ng kadiliman. Ang pagtakas ng tao mula sa impluwensiya ng kadiliman ay batay sa Aking mga salita, at kung ang tao ay hindi makagaganap nang naaayon sa Aking mga salita, ang tao ay hindi makatatakas mula sa gapos ng impluwensiya ng kadiliman. Ang mamuhay sa tamang sitwasyon ay ang mamuhay sa ilalim ng paggabay ng mga salita ng Diyos, ang mamuhay sa sitwasyon ng pagiging tapat sa Diyos, ang mamuhay sa sitwasyon ng paghahanap sa katotohanan, ang mamuhay sa realidad ng taos na paggugol para sa Diyos, ang mamuhay sa sitwasyon ng tunay na pagmamahal sa Diyos. Sila na namumuhay sa mga ganitong sitwasyon at sa loob ng ganitong realidad ay dahan-dahang mababago, habang pumapasok sila nang higit na malalim sa katotohanan, at sila ay mababago kasabay ng paglalim ng gawain ng Diyos, hanggang humantong sila sa tiyak na pagkabawi ng Diyos, at magáwâ nila na ibigin ang Diyos nang tunay. Sila na nakatakas na mula sa impluwensiya ng kadiliman ay unti-unting makatatarok sa kalooban ng Diyos, unti-unting makauunawa sa puso ng Diyos, at hahantong sa pagiging malápít sa Diyos; hindi lamang sila mawawalan ng maling paniniwala sa Diyos, mawawalan ng pagrerebelde laban sa Diyos, higit pa nilang aayawan ang mga dati nilang maling paniniwala at pagrerebelde sa Diyos, madarama ang tunay na pag-ibig sa Diyos sa kanilang puso. Sila na hindi makatakas mula sa impluwensiya ng kadiliman ay punô ng kanilang laman, at sila ay punô ng pagrerebelde; ang kanilang puso ay punô ng mga paniniwala ng tao at pilosopiya ng buhay, gayon din ng kanilang sariling mga hangarin at pangangatwiran. Hinihingi ng Diyos ang tanging pag-ibig ng tao, hinihingi ng Diyos na ang tao ay lubos na mapuno ng Kanyang mga salita at ng pag-ibig ng tao para sa Kanya. Ang mamuhay sa loob ng mga salita ng Diyos, ang matuklasan yaong hinahanap ng tao sa loob ng mga salita ng Diyos, ang ibigin ang Diyos bilang bunga ng mga salita ng Diyos, ang kumilos sa araw-araw bilang bunga ng mga salita ng Diyos, ang mabuhay bilang bunga ng mga salita ng Diyos, ito ang mga bagay na dapat makamit ng tao. Ang lahat ay dapat na naítáyô sa mga salita ng Diyos, at sa gayon lamang matutugunan ng tao ang mga hinihingi ng Diyos. Kung ang tao ay hindi nasasangkapan ng mga salita ng Diyos, ang tao ay isa lamang langaw na naaangkin ni Satanas. Timbangin mo ito sa iyong sariling puso, ilang salita ng Diyos na ang nag-ugat sa loob mo? Sa anong mga bagay ka namumuhay nang naaayon sa mga salita ng Diyos? Sa anong mga bagay ka hindi namumuhay nang naaayon sa mga salita ng Diyos? Kung hindi ka lubos na napuno ng mga salita ng Diyos, kung gayon ay hanggang saan ka lubos na napuno? Sa iyong pang-araw-araw na buhay, ikaw ba ay nakokontrol ni Satanas, o ikaw ba ay ginagabayan ng mga salita ng Diyos? Ang iyo bang mga panalangin ay bunsod ng mga salita ng Diyos? Ikaw ba ay lumabas sa iyong mga negatibong sitwasyon dahil sa kaliwanagan ng mga salita ng Diyos? Ang gawin ang mga salita ng Diyos bilang pundasyon ng iyong pananatili, ito ang dapat na mapasok ng bawa’t isa. Kung wala ang mga salita ng Diyos sa iyong buhay, kung gayon ikaw ay namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman, ikaw ay mapagrebelde sa Diyos, nilalabanan mo ang Diyos, hindi mo pinararangalan ang ngalan ng Diyos, at ang paniniwala ng mga ganitong tao sa Diyos ay pangguló lamang, isang paggambalà. Gaano sa iyong buhay ang ginugugol nang naaayon sa mga salita ng Diyos? Gaano sa iyong buhay ang hindi ginugugol nang naaayon sa mga salita ng Diyos? Sa mga hinihingi ng mga salita ng Diyos sa iyo, gaano na rito ang natupad na sa iyo? Gaano na ang nawala sa iyo? Nasuri mo na ba nang malapitan ang mga ganitong bagay?
Upang tumakas mula sa impluwensiya ng kadiliman, sa isang banda, ay nangangailangan ng gawain na magampanan ng Banal na Espiritu, habang sa kabilang banda nangangailangan ito ng nakaalay na pakikipagtulungan mula sa tao. Bakit ko sinasabi na ang tao ay wala sa tamang landas? Kung ang isang tao ay nasa tamang landas, una, makakaya niyang ibigay ang kanyang puso sa Diyos, at ito ay isang takdang-gawain na nangangailangan ng mahabang panahon upang mapasok, sapagka’t nakasanayan na ng sangkatauhan na mamuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman, nasa ilalim na ng gapos ni Satanas sa loob ng libu-libong taon, samakatuwid ang pagpasok na ito ay hindi kayang gawin sa loob ng isa o dalawang araw. Binanggit ko ang usaping ito ngayon upang ang mga tao ay makatarok ng kanilang sariling sitwasyon; hinggil sa kung ano ang impluwensiya ng kadiliman at kung ano itong mamuhay sa loob ng liwanag, ang pagpasok ay nagiging posible kung makakaya ng tao na maarok ang mga bagay na ito. Sapagka’t kailangan mong malaman kung ano ang impluwensiya ni Satanas bago ka makatakas mula sa impluwensiya ni Satanas, at sa gayon ka lamang makatatahak sa landas ng unti-unting pag-aalis nito sa iyong sarili. Hinggil sa kung ano ang gagawin pagkatapos, iyan ay nasa sarili na ng isang tao. Kailangan mong laging pumasok mula sa positibo, hindi ka kailanman dapat basta naghihintay na lamang, at ganito kung paano ka makakamit ng Diyos.
Write a comment