· 

Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto | Sipi 548

 

Ang Banal na Espiritu ay may isang landas na tatahakin sa bawat tao, at binibigyan ang bawat tao ng pagkakataon na maperpekto. Sa iyong pagiging negatibo naipapaalam sa iyo ang sarili mong katiwalian, at sa pag-aalis ng pagiging negatibo ay makasusumpong ka ng landas ng pagsasagawa; lahat ito ay paraan kung saan ginagawa kang perpekto. Bukod diyan, sa patuloy na paggabay at pagpapalinaw ng ilang positibong bagay sa iyong kalooban, aktibo mong gagampanan ang iyong tungkulin, lalago sa kabatiran at makakahiwatig. Kapag maganda ang iyong mga kalagayan, mas handa kang basahin ang salita ng Diyos, at mas handa kang manalangin sa Diyos, at maiuugnay mo ang mga sermon na iyong naririnig sa iyong sariling sitwasyon. Sa gayong mga pagkakataon nililiwanagan at pinaliliwanagan ng Diyos ang iyong kalooban, kaya natatanto mo ang ilang positibong aspeto. Ganito ka pineperpekto sa positibong aspeto. Sa mga negatibong kalagayan, ikaw ay mahina at walang kibo; pakiramdam mo ay wala ang Diyos sa puso mo, subalit pinaliliwanagan ka ng Diyos, tinutulungan kang makahanap ng isang landas ng pagsasagawa. Lalabas dito ang pagtatamo ng pagkaperpekto sa negatibong aspeto. Mapeperpekto ng Diyos ang tao kapwa sa positibo at negatibong mga aspeto. Nakasalalay ito sa kung nagagawa mong makaranas, at kung hinahangad mong maperpekto ng Diyos. Kung tunay mong hinahangad na maperpekto ng Diyos, ang negatibo ay hindi ka magagawang dumanas ng kawalan, kundi maaaring maghatid sa iyo ng mga bagay na mas totoo, at magawa kang mas alam yaong wala sa iyong kalooban, mas nakauunawa sa iyong tunay na kalagayan, at nakikita na walang kahit ano ang tao, at balewala siya; kung hindi ka dumaranas ng mga pagsubok, hindi mo alam, at palagi mong madarama na nakahihigit ka sa iba at mas mahusay ka kaysa sa lahat ng iba pa. Sa lahat ng ito makikita mo na lahat ng dumating noon ay ginawa ng Diyos at protektado ng Diyos. Ang pagpasok sa mga pagsubok ay iniiwan kang walang pagmamahal o pananampalataya, kulang ka sa panalangin at hindi mo nagagawang umawit ng mga himno, at hindi mo namamalayan, sa gitna nito ay nakikilala mo ang iyong sarili. Maraming paraan ang Diyos para maperpekto ang tao. Ginagamit Niya ang lahat ng uri ng sitwasyon para pakitunguhan ang tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t ibang bagay upang ilantad ang tao; sa isang bagay, pinakikitunguhan Niya ang tao, sa isa pa ay inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ay ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang “mga hiwaga” sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng paghahayag sa marami sa kanyang mga kalagayan. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming pamamaraan—sa pamamagitan ng paghahayag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo sa tao—para malaman ng tao na ang Diyos ay praktikal.

 

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 

________________________________

 

Ang ebanghelyo ngayong araw - patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos upang makinig at pagnilayan ang mga salita ng Diyos araw-araw. Ang iyong espiritu ay makakakain at matutustusan, at ang iyong buhay ay patuloy na lalago.

 

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

 

Write a comment

Comments: 0