Ang buhay iglesia ay isang uri lamang ng pamumuhay kung saan ang mga tao ay nagtitipun-tipon upang namnamin ang mga salita ng Diyos, at ito ay bumubuo lamang sa maliit na hibla ng buhay ng tao. Kung ang tunay na pamumuhay ng mga tao ay maaari ding maging katulad ng kanilang buhay iglesia—kabilang na ang isang normal na espirituwal na buhay, na normal na ninanamnam ang mga salita ng Diyos, normal na nagdarasal at nagiging malapit sa Diyos, namumuhay ng isang tunay na pamumuhay kung saan lahat ay isinasagawa alinsunod sa kalooban ng Diyos, namumuhay ng isang tunay na pamumuhay kung saan lahat ay isinasagawa alinsunod sa katotohanan, namumuhay ng isang tunay na pamumuhay ng pagsasanay na manalangin at maging tahimik sa harap ng Diyos, ng pagsasanay na umawit ng mga himno at magsayaw—ito lamang ang klase ng buhay na maghahatid sa kanila sa pamumuhay ng mga salita ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay nakatuon lamang sa ilang oras ng kanilang buhay iglesia nang walang “pag-aalala” sa kanilang buhay maliban sa mga oras na iyon, na para bang hindi nag-aalala sa mga iyon. Maraming tao rin na pumapasok lamang sa buhay ng mga santo kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, umaawit ng mga himno, o nagdarasal, at pagkatapos ay nanunumbalik sila sa dati nilang pag-uugali pagkaraan noon. Hindi mababago ng ganitong pamumuhay ang mga tao, lalo nang hindi nila makikila ang Diyos. Sa paniniwala sa Diyos, kung nais ng mga tao na baguhin ang kanilang disposisyon, hindi nila dapat ihiwalay ang kanilang sarili mula sa tunay na pamumuhay. Sa tunay na pamumuhay, kailangan mong kilalanin ang iyong sarili, talikuran ang iyong sarili, isagawa ang katotohanan, at matutuhan din ang mga prinsipyo, sentido kumon, at mga panuntunan ng sariling pag-uugali sa lahat ng bagay bago mo magawang unti-unting magbago. Kung pagtutuunan mo lamang ang teoretikal na kaalaman at mabubuhay ka lamang sa mga relihiyosong seremonya nang hindi inaarok nang malalim ang realidad, nang hindi pumapasok sa tunay na pamumuhay, hindi mo kailanman mapapasok ang realidad, hindi mo kailanman makikilala ang iyong sarili, ang katotohanan, o ang Diyos, at magiging bulag at mangmang ka magpakailanman. Ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa mga tao ay hindi upang tulutan silang mamuhay nang normal pagkaraan ng maikling panahon, ni hindi para baguhin ang kanilang mga maling pagkaintindi at doktrina. Sa halip, ang Kanyang layunin ay baguhin ang dati nilang mga disposisyon, baguhin nang ganap ang dati nilang paraan ng pamumuhay, at baguhin ang lahat ng makalumang paraan ng kanilang pag-iisip at pananaw. Ang pagtutuon lamang sa buhay iglesia ay hindi mababago ang mga dating gawi ng mga tao sa buhay o mababago ang mga pamamaraan ng pamumuhay na nakasanayan nila sa mahabang panahon. Anuman ang mangyari, hindi dapat mahiwalay ang mga tao mula sa tunay na pamumuhay. Hinihiling ng Diyos na mamuhay nang normal bilang tao ang mga tao sa tunay na pamumuhay, hindi lamang sa buhay iglesia; na isabuhay nila ang katotohanan sa tunay na pamumuhay, hindi lamang sa buhay iglesia; at na tuparin nila ang kanilang mga tungkulin sa tunay na pamumuhay, hindi lamang sa buhay iglesia. Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na pamumuhay. Kung, sa paniniwala sa Diyos, hindi makilala ng mga tao ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpasok sa tunay na pamumuhay, at kung hindi sila makapamuhay nang normal bilang tao sa tunay na pamumuhay, mabibigo sila. Yaong mga sumusuway sa Diyos ay pawang mga taong hindi makakapasok sa tunay na pamumuhay. Sila ay pawang mga taong nagsasalita tungkol sa pagiging makatao, ngunit isinasabuhay ang likas na pagkatao ng mga demonyo. Sila ay pawang mga taong nagsasalita tungkol sa katotohanan, ngunit sa halip ay isinasabuhay ang mga doktrina. Yaong mga hindi makayang isabuhay ang katotohanan sa tunay na pamumuhay ay yaong mga naniniwala sa Diyos, ngunit kinasusuklaman at inaayawan Niya. Kailangan mong isagawa ang iyong pagpasok sa tunay na pamumuhay, alamin ang iyong mga kakulangan, pagsuway, at kamangmangan, at alamin ang iyong abnormal na pagkatao at mga kahinaan. Sa gayong paraan, ang iyong kaalaman ay mapag-iisa sa iyong aktwal na kalagayan at mga paghihirap. Ang klaseng ito lamang ng kaalaman ang tunay at maaaring magtulot sa iyo na tunay na maunawaan ang iyong sariling kalagayan at mabago ang iyong disposisyon.
Ngayong ang pagpeperpekto sa sangkatauhan ay pormal nang nagsimula, kailangan mong pumasok sa tunay na pamumuhay. Samakatuwid, upang magtamo ng pagbabago, kailangan mong magsimula sa pagpasok sa tunay na pamumuhay, at unti-unting magbago. Kung iniiwasan mo ang normal na buhay ng tao at magsasalita ka lamang tungkol sa mga espirituwal na bagay, nagiging nakakabagot at walang kuwenta ang mga bagay-bagay; hindi nagiging makatotohanan ang mga ito, at sa gayon ay paano maaaring magbago ang mga tao? Ngayon ay sinabihan kang pumasok sa tunay na pamumuhay upang magsagawa, upang magtatag ng isang pundasyon sa pagpasok sa tunay na karanasan. Ito ay isang aspeto ng kailangang gawin ng mga tao. Ang gawain ng Banal na Espiritu higit sa lahat ay gumabay, samantalang ang iba pa ay nakasalalay sa pagsasagawa at pagpasok ng mga tao. Lahat ay maaaring makapasok sa tunay na pamumuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang landas, nang sa gayon ay maisama nila ang Diyos sa tunay na pamumuhay, at maisabuhay ang tunay na normal na pagkatao. Ito lamang ang klase ng buhay na may kahulugan!
Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
________________________________
Magrekomenda nang higit pa: Nauunawaan Mo Ba ang 4 na Prinsipyo ng Mabisang Panalangin?
Write a comment