· 

Paglapastangan sa Espiritu ang Pagtanggi sa Wakas-ng-Panahong Cristo

 

Paglapastangan sa Espiritu ang Pagtanggi sa Wakas-ng-Panahong Cristo

 

I

Si Cristo'y nagpakita sa mga huling araw,

upang ang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya

ay mabigyan ng buhay, mabigyan ng buhay.

Ang gawaing ginawa ni Cristo

ay para sa pagtatapos ng sinauna at pagdadala sa bagong panahon.

Ito ang landas na dapat tahakin

ng lahat ng papasok sa bagong panahon.

Kung hindi mo Siya makakayang tanggapin,

sa halip ikokondena, lalapastanganin o uusigin Siya,

ika'y nakatadhanang masunog magpakailanman

at 'di kailanman papasok sa kaharian ng Diyos.

Si Cristo Mismo ang pagpapahayag

ng Banal na Espiritu at ng Diyos,

ang Nag-iisang pinagtiwalaan ng Diyos

na gumawa ng Kanyang gawain sa lupa.

Kaya sinasabi ng Diyos na kung 'di mo matatanggap

ang nagawa ni Cristo ng mga huling araw,

sa gayon ay nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu.

At ang ganting pinagdusaha'y kitang-kita ng lahat.

II

Sinasabi sa iyo ng Diyos na kung kinakalaban mo't

ikinakaila si Cristo ng mga huling araw,

'di makakaya ninuman ang mga kahihinatnan,

'di ito makakaya ninuman alang-alang sa 'yo.

'Di ka na magkakaroon pa ng mga pagkakataon

na makamit ang pagsang-ayon ng Diyos

mula sa araw na ito.

Maaari mong subukang tubusin ang sarili mo,

pero 'di mo na muling makikita ang mukha ng Diyos.

Dahil ang kinakalaban mo ay 'di isang tao,

ang itinatatwa mo'y 'di isang taong mahina,

si Cristo ang iyong itinatatwa.

Batid mo ba ang kahihinatnang ito?

Si Cristo Mismo ang pagpapahayag

ng Banal na Espiritu at ng Diyos,

ang Nag-iisang pinagtiwalaan ng Diyos

na gumawa ng Kanyang gawain sa lupa.

Kaya sinasabi ng Diyos na kung 'di mo matatanggap

ang nagawa ni Cristo ng mga huling araw,

sa gayon ay nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu.

At ang ganting pinagdusaha'y kitang-kita ng lahat.

III

Nakagawa ka ng karumal-dumal na krimen,

hindi lang maliit na pagkakamali.

Kaya't huwag ilabas ang mga pangil

laban sa katotohanan

o gumawa ng walang-ingat na mga puna.

Dahil ang katotohanan lamang

ang magbibigay sa iyo ng buhay

at pahihintulutan kang muling maipanganak

at makita ang mukha ng Diyos.

Si Cristo Mismo ang pagpapahayag

ng Banal na Espiritu at ng Diyos,

ang Nag-iisang pinagtiwalaan ng Diyos

na gumawa ng Kanyang gawain sa lupa.

Kaya sinasabi ng Diyos na kung 'di mo matatanggap

ang nagawa ni Cristo ng mga huling araw,

sa gayon ay nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu.

At ang ganting pinagdusaha'y kitang-kita ng lahat.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

 

____________________________________

 

Manood ng higit pa: Tagalog Christian Songs with Lyrics

Write a comment

Comments: 0