· 

Paano Darating ang Panginoon sa Mga Huling Araw?

 

Sinabi ng Panginoong Jesus na, "Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip" (Mateo 24:44).

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng China, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay ‘panloob-na-lupain.’ Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagkat ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos nang patago. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwat walang sinuman ang nakaaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan. Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao sa panahong ito ay isang bagay na hindi posibleng mabatid ng kahit sino. Gaano man kalaki at kamakapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling palaging kalmado ang Diyos at hindi kailanman nagbibigay ng kahit ano. Maaaring may magsabi na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa langit. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat na may mga matang nakakakita, walang sinuman ang nakakakilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yugtong ito ng Kanyang gawain, aalisin ng buong sangkatauhan ang kanilang karaniwang saloobin,[1] at magigising mula sa kanilang mahabang panaginip. … Sa pagsapit ng bukang-liwayway, lingid sa napakaraming tao, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa katawang-tao. Hindi alam ng mga tao ang pagdating ng sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay ang naghihintay nang gising, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat ng maraming taong ito, wala ni isang nakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa."

 

Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, mayroon ka bang ganitong mga katanungan: Paanong ang Panginoon ay nagkatawang-tao at palihim na bumabalik? Kung ang Panginoon ay darating nang lihim, paano natin Siya sasalubungin kung gayon?

 

Huwag kang mag-alala. I-click upang basahin ang artikulong ito, at pagkatapos ay maaari mong maunawaan ang paraan ng pagbabalik ng Panginoon at mahanap ang landas sa pagtanggap sa Panginoon. 

 

2 Paraan ng Pagbalik ng Panginoon sa Mga Propesiya sa Biblia

 

 

________________________________

 

Bible Study Tagalog: we can learn more mysteries of the Lord's return, for instance, in which way the Lord will come and how we can welcome the Lord so that we can meet the Lord soon.

 

Magrekomenda nang higit pa:

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Write a comment

Comments: 0