Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin
Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos? Nakarating ka na ba kailanman sa pagkakilala sa iyong sarili sa harap ng Diyos? Nagkaroon ka na ba kailanman ng masinsinang pananalangin sa Diyos? Ang pananalangin ay unti-unting isinasagawa: Kung hindi ka karaniwang nananalangin sa bahay, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapanalangin sa iglesia, at kung hindi ka talaga nananalangin sa panahon ng maliliit na pagtitipon, kung gayon hindi mo makakayang manalangin sa panahon ng malalaking pagtitipon. Kung hindi ka normal na lumalapit sa Diyos o hindi binubulay ang mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang anumang masasabi kapag oras na ng pananalangin--at kahit na ikaw ay nananalangin, ang iyong mga labi ay kikilos lamang, hindi ka talaga nananalangin.
Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, pakiramdam na Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa. Nakapanalangin ka na ba sa gayong paraan?
At tungkol naman sa nilalaman ng mga panalangin? Dapat kang manalangin, nang dahan-dahan, alinsunod sa iyong tunay na katayuan at iyon ay gagawin ng Banal na Espiritu, at dapat kang makipagniig sa Diyos sa pagpapanatili sa kalooban ng Diyos at sa Kanyang mga kinakailangan sa tao. Kapag nagsisimula ka ng magsagawa ng mga panalangin, ibigay mo muna ang iyong puso sa Diyos. Huwag kang magtatangka na unawain ang kalooban ng Diyos; subukin mo lamang sabihin ang mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos. Kapag ikaw ay lalapit sa harap ng Diyos, salitain ang ganito: “O Diyos! Sa araw lamang na ito ko natanto na dati Kitang nasusuway. Ako ay totoong tiwali at kasuklam-suklam. Noong una, sinasayang ko lamang ang aking oras; magmula sa araw na ito mabubuhay ako para sa Iyo, isasabuhay ko ang isang buhay na mayroong kabuluhan, at palulugurin ang Iyong kalooban. Nais ko na ang Iyong Espiritu ay palaging gumagawa sa loob ko, at palaging paliliwanagin at liliwanagan ako, upang ako ay makapagdala ng malakas at malaking patotoo sa harap Mo, magbibigay-daan kay Satanas na makita ang Iyong kaluwalhatian, Iyong patotoo, at ang katibayan ng iyong tagumpay sa loob namin.” Kapag ikaw ay nanalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay ganap na mapalalaya, sa pananalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay mas magiging malapit sa Diyos, at sa pamamagitan ng madalas na pananalangin sa ganitong paraan, ang Banal na Espiritu ay karaniwan nang gagawa sa loob mo. Kung ikaw ay palaging tumatawag sa Diyos sa ganitong paraan at ginagawa ang iyong pagpapasya sa harap ng Diyos, darating ang araw na ang iyong pagpapasya ay matatanggap sa harap ng Diyos, kapag ang iyong puso at buong pagkatao ay tinatanggap ng Diyos, at ikaw sa bandang huli ay gagawing perpekto ng Diyos. Ang panalangin ay napakahalaga para sa inyo. Kapag ikaw ay nananalangin, tinatanggap mo ang gawain ng Banal na Espiritu, ang iyong puso sa gayon ay inaantig ng Diyos, at ang lakas ng pag-ibig ng Diyos sa loob mo ay lumalabas. Kung hindi ka nananalangin gamit ang iyong puso, kung hindi mo bubuksan ang iyong puso para makipagniig sa Diyos, kung gayon hindi magkakaroon ng paraan ang Diyos na makagawa sa loob mo. Kung, sa pananalangin, sinabi mo na ang lahat ng mga salita sa loob ng iyong puso at ang Espiritu ng Diyos ay hindi natinag, kung hindi naramdaman na inantig ka sa loob, kung gayon ipinakikita nito na ang iyong puso ay hindi masigasig, na ang iyong mga salita ay hindi tunay, at hindi pa rin dalisay. Kung, sa pananalangin, ikaw ay nalugod, kung gayon ang iyong mga panalangin ay tinanggap ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay gumawa sa loob mo. Bilang isang tao na naglilingkod sa harap ng Diyos, hindi ka maaaring walang mga panalangin. Kung tunay mong itinuturing ang pakikipagkaisa sa Diyos bilang isang bagay na makahulugan at mahalaga, maaari mo bang balewalain ang panalangin? Walang sinuman ang maaaring walang pakikipagniig sa Diyos. Kung walang panalangin, nabubuhay ka sa laman, nabubuhay ka sa pagka-alipin ni Satanas; kung walang tunay na panalangin, ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Umaaasa Ako na nagagawa ng mga kapatid na tunay na manalangin sa araw-araw. Ito ay hindi pagsunod sa doktrina, gayunman, ngunit isang epekto na dapat na matamo. Nakahanda ka bang ipagpaliban ang isang maigsing tulog at kaluguran, bumigkas muna ng pang-umagang mga panalangin sa bukang-liwayway at pagkatapos ay masiyahan sa mga salita ng Diyos? Kung ikaw ay mananalangin at kakain at iinom ng mga salita ng Diyos, sa ganitong paraan, gamit ang isang dalisay na puso, kung gayon lalo kang tatanggapin ng Diyos. Kung ginagawa mo araw-araw, isinasagawa ang pagbibigay ng iyong puso sa Diyos sa bawat araw at nakikipagniig sa Diyos, kung gayon ang iyong kaalaman ukol sa Diyos ay tiyak na madaragdagan, at mas mahusay mong magagawang maunawaan ang kalooban ng Diyos. Dapat mong sabihin: “O Diyos! Nais kong tuparin ang aking tungkulin. Upang mangyaring Ikaw ay maluwalhati sa amin, at mangyaring matamasa ang patotoo sa amin, ang grupo ng mga taong ito, maiaalay ko lamang ang aking buong pagkatao sa Iyo. Nakikiusap ako na gumawa ka sa loob namin, para tunay kong maibig at mapalugod Kita, at gawin Kang layunin na aking hinahangad.” Kung tinataglay mo ang ganitong pasanin, tiyak na gagawin kang perpekto ng Diyos; hindi ka lamang dapat manalangin para sa kapakanan ng iyong sarili, ngunit para din sa pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos, at para sa kapakanan ng pag-ibig sa Kanya. Ang gayon ang pinakatunay na uri ng panalangin. Nananalangin ka ba sa ikatutupad ng kalooban ng Diyos?
Noong una, hindi ninyo alam kung paano manalangin, at nakakaligtaan ang panalangin; sa kasalukuyan, dapat ninyong gawin ang inyong makakaya na sanayin ang inyong mga sarili na manalangin. Kung hindi mo magawang tawagin ang lakas sa loob mo upang ibigin ang Diyos, kung gayon paano ka makapananalangin? Dapat mong sabihin: “O Diyos! Ang aking puso ay walang kakayahan na ibigin Ka nang tunay, nais kong ibigin Ka ngunit wala akong lakas. Ano ang dapat kong gawin? Hinihiling ko sa Iyo na buksan ang mga mata ng aking espiritu, hinihiling ko sa Iyo na antigin ang aking puso, upang sa harap Mo mahuhubaran ako sa lahat ng walang kibong mga katayuan, at di-mapipigilan ng sinumang tao, pakay, o bagay; ang aking puso ay ihahayag ko sa harap Mo, anupa’t ang aking buong pagkatao ay iniaalay sa harap Mo, at maaari Mo akong subukin paano Mo man ibigin. Ngayon, hindi ako magbibigay ng anumang palagay sa aking mga inaasahan, ni ako ay nakagapos sa kamatayan. Gamit ang aking puso na umiibig sa Iyo, nais kong hangarin ang daan ng buhay. Ang lahat ng mga bagay at mga pangyayari ay nasa Iyong mga kamay, ang aking kapalaran ay nasa Iyong mga kamay, at, higit sa rito, ang aking buhay ay pinamamahalaan ng Iyong mga kamay. Ngayon, hinahangad ko ang Iyong pag-ibig, at hindi alintana kung hahayaan Mo man akong Ibigin Ka, at hindi alintana kung paano man manghimasok si Satanas, determinado ako na ibigin Ka.” Kapag nakasagupa ka ng gayong mga bagay, manalangin ka sa ganitong paraan. Kung gagawin mo iyon araw-araw, ang lakas upang ibigin ang Diyos ay unti-unting tataas.
Paano pumapasok ang isang tao sa tunay na panalangin?
Habang nananalangin, ang iyong puso ay dapat payapa sa harap ng Diyos, at ito ay dapat maging tapat. Ikaw ay tunay na nakikipagniig at nananalangin sa Diyos; hindi mo dapat linlangin ang Diyos gamit ang mga salita na magandang pakinggan. Ang panalangin ay nakasentro doon sa gustong maging ganap ng Diyos sa kasalukuyan. Hilingin sa Diyos na dalhan ka ng mas dakilang pagliliwanag at pagpapalinaw, at dalhin ang iyong totoong katayuan at mga kaligaligan sa harap ng Diyos upang manalangin, at gumawa ng pagpapasya sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi ang pagsunod sa proseso, ngunit ang paghahangad sa Diyos gamit ang iyong tunay na puso. Hilingin sa Diyos na ingatan ang iyong puso, gawin itong madalas na nagagawang maging payapa sa harap ng Diyos, gawin kang nagagawang kilalanin ang iyong sarili, at laitin ang iyong sarili, at balewalain ang iyong sarili sa kapaligirang itinakda ng Diyos para sa iyo, sa gayon ay tutulutan kang magkaroon ng isang normal na ugnayan sa Diyos at gagawin kang isang taong tunay na iniibig ang Diyos.
Ano ang kahalagahan ng panalangin?
Ang panalangin ay isa sa mga paraan kung saan nakikipagtulungan ang tao sa Diyos, ito ay isang paraan kung paano tinatawag ng tao ang Diyos, at ito ang proseso kung paano ang tao ay inaantig ng Espiritu ng Diyos. Maaaring sabihin na yaong mga walang panalangin ay mga patay na walang espiritu, katibayan na wala silang mga kakayahan upang antigin sila ng Diyos. Kung walang panalangin, hindi nila nagagawang magtamo ng isang espirituwal na buhay, lalong hindi nila magagawang sundin ang gawain ng Banal na Espiritu; kung walang panalangin, pinuputol nila ang kanilang ugnayan sa Diyos, at mga walang kakayahan na tanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pagiging isa na naniniwala sa Diyos, habang lalo kang nananalangin, lalong mas aantigin ka ng Diyos. Ang gayong mga tao ay mayroong mas malaking pagbabago at lalong mas nagagawang tanggapin ang pinakabagong pagliliwanag mula sa Diyos; bilang resulta, ang mga taong kagaya lamang nito ang maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon ng Banal na Espiritu.
Ano ang epekto na makakamtan sa pamamagitan ng panalangin?
Nagagawa ng mga tao na ipatupad ang pagsasagawa ng panalangin at maunawaan ang kahalagahan ng panalangin, ngunit ang epekto na matatamo sa pamamagitan ng panalangin ay hindi magaan na bagay. Ang panalangin ay hindi isang kaso ng pagdaan sa mga pormalidad, o pagsunod sa proseso, o pagbigkas sa mga salita ng Diyos, na ang ibig sabihin, ang panalangin ay hindi nangangahulugan ng basta na lamang pagsasalita at panggagaya sa iba. Sa panalangin, dapat mong ibigay ang iyong puso sa Diyos, pagbabahagi ng mga salita sa iyong puso sa Diyos upang mangyaring antigin ka ng Diyos. Kung magiging mabisa ang iyong mga panalangin, kung gayon ang mga ito ay dapat nakabatay sa iyong pagbabasa sa mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pananalangin sa gitna ng mga salita ng Diyos magagawa mong matanggap ang higit pang pagliliwanag at pagpapalinaw. Ang isang tunay na panalangin ay ipinakikita sa pagkakaroon ng isang pusong nasasabik para sa mga kinakailangan na ginawa ng Diyos, at sa pagiging handa na tuparin ang mga kinakailangang ito; magagawa mong kasuklaman ang lahat ng kinasusuklaman ng Diyos, sa batayang ito ka magkakaroon ng kaalaman, at malalaman at maliliwanagan tungkol sa mga katotohanang ipinaliwanag ng Diyos. Sa pagkakaroon ng pagpapasya, at pananampalataya, at kaalaman, at isang landas na isasagawa pagkatapos manalangin—ito lamang ang tunay na pananalangin, at ang panalangin lamang na kagaya nito ang maaaring maging mabisa. Ngunit ang panalangin ay dapat maitatag sa saligan ng pagtatamasa sa mga salita ng Diyos at pakikipagniig sa Diyos sa Kanyang mga salita, nagagawa ng iyong puso na hangarin ang Diyos at maging payapa sa harap ng Diyos. Ang gayong panalangin ay nakarating na sa punto ng tunay na pakikipagniig sa Diyos.
Ang pangunahing kaalaman tungkol sa pananalangin:
1. Huwag basta sabihin lamang kung ano ang maiisip. Dapat na mayroong pasanin sa loob ng iyong puso, na ang ibig sabihin, dapat kang magkaroon ng isang layunin kapag ikaw ay nananalangin.
2. Dapat nilalaman ng iyong mga panalangin ang mga salita ng Diyos; ang mga ito ay dapat nakabatay sa mga salita ng Diyos.
3. Sa pananalangin, hindi mo maaaring ulitin ang mga nasabi mo na; hindi mo dapat banggitin ang mga bagay na lipas na. Dapat mo talagang sanayin ang iyong sarili na sabihin ang totoong mga salita ng Banal na Espiritu; sa gayon ka lamang makagagawa ng isang ugnayan sa Diyos.
4. Ang sama-samang panalangin ay dapat itampok sa paligid ng isang kaibuturan, na siyang gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan.
5. Dapat matutuhan ng lahat ng mga tao kung paano manalangin para sa iba. Dapat nilang hanapin ang bahagi sa mga salita ng Diyos na gusto nilang ipanalangin, batay sa kung saan maaaring mayroon silang isang pasanin, at dahil dito dapat silang madalas manalangin. Ito ay isang pagpapakita ng pagmamalasakit para sa kalooban ng Diyos.
Ang buhay ng personal na panalangin ay batay sa pagkaunawa sa kahalagahan ng panalangin at ang pangunahing kaalaman ukol sa panalangin. Ang tao ay dapat madalas manalangin para sa kanyang mga pagkukulang sa kanyang pang-araw-araw na buhay, at dapat manalangin sa gitna ng saligan ng kaalaman ukol sa mga salita ng Diyos upang magkamit ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay. Dapat maitatag ng bawat isa ang kanilang sariling buhay panalangin, dapat silang manalangin para sa kaalaman batay sa mga salita ng Diyos, dapat silang manalangin upang hanapin ang kaalaman ukol sa gawain ng Diyos. Ilatag ang iyong totoong mga pangyayari sa harap ng Diyos, at maging praktikal, at huwag mag-ukol ng pansin sa pamamaraan; ang pinakamahalaga ay makamtan ang isang tunay na kaalaman, at maranasan nang totohanan ang mga salita ng Diyos. Ang sinuman na naghahangad ng pagpasok sa espirituwal na buhay ay dapat magawang manalangin sa maraming mga paraan. Tahimik na pananalangin, pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos, makarating sa pagkaalam sa gawain ng Diyos, at iba pa—itong inaasam na gawain ng pakikipagniig, ay upang makamtan ang pagpasok sa isang normal na espirituwal na buhay, paggawa sa iyong sariling kalagayan nang painam nang painam sa harap ng Diyos, at maging sanhi ng mas malaking pagsulong sa iyong buhay kailanman. Sa madaling sabi, lahat ng iyong gagawin—maging ito man ay pagkain o pag-inom ng mga salita ng Diyos, o pananalangin nang tahimik o pagpapahayag nang malakas—ay upang malinaw na makita ang mga salita ng Diyos, at ang Kanyang gawain, at siyang nais Niyang matamo sa iyo. Ang lalong mas mahalaga, ito ay upang maabot ang mga pamantayan na kinakailangan ng Diyos at dalhin ang iyong buhay sa susunod na antas. Ang pinakamababang antas na kinakailangan ng Diyos sa mga tao ay ang magawa nilang buksan ang kanilang mga puso sa Kanya. Kung ibibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos at sasabihin kung ano talaga ang nasa loob ng kanyang puso sa Diyos, kung gayon ang Diyos ay nakahandang gumawa sa tao; hindi gusto ng Diyos ang pilipit na puso ng tao, kundi ang kanyang dalisay at tapat na puso. Kung hindi tunay na sasabihin ng tao ang kanyang puso sa Diyos, kung gayon hindi aantigin ng Diyos ang puso ng tao, o gagawa sa loob niya. Kaya naman, ang pinakamahalagang bagay tungkol sa panalangin ay para sabihin ang mga salita ng iyong tunay na puso sa Diyos, pagsasabi sa Diyos ng iyong mga kapintasan at mapaghimagsik na disposisyon at ganap na pagbubukas ng iyong sarili sa Diyos. Sa gayon lamang magiging interesado ang Diyos sa iyong mga panalangin; kung hindi, kung gayon ay itatatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa iyo. Ang pinakamababang saligan para sa panalangin ay dapat mong mapanatiling payapa ang iyong puso sa harap ng Diyos, at hindi ito dapat lumayo mula sa Diyos. Marahil, sa panahong ito, hindi ka pa nagkamit ng mas bago at ng mas mataas na pananaw, ngunit dapat mong gamitin ang panalangin upang mapanatili ang mga bagay sa kanilang dating kalagayan—hindi ka makauurong. Ito ang pinakamababa na dapat mong matamo. Kung maging ito man ay hindi mo maisasakatuparan, kung gayon pinatutunayan nito na ang iyong espirituwal na buhay ay hindi nakapasok sa tamang landas; bilang resulta, hindi mo magawang manghawak sa iyong likas na pananaw, at nawalan ng pananampalataya sa Diyos, at ang iyong pagpapasya sa bandang huli ay nawawala. Ang iyong pagpasok sa espirituwal na buhay ay tinatandaan kung ang iyong mga panalangin ay pumasok sa tamang landas o hindi. Dapat pumasok ang lahat ng mga tao sa katotohanang ito, dapat gawin nilang lahat ang gawain ng sinasadyang pagsasanay sa kanilang mga sarili sa panalangin, hindi naghihintay lang nang walang kibo, ngunit sadyang hinahangad na maantig ng Banal na Espiritu. Sa gayon lamang sila magiging mga tao na tunay na naghahangad sa Diyos.
Kapag nagsimula ka nang manalangin, maging makatotohanan, at hindi dapat lumabis sa iyong sarili; hindi ka makagagawa ng marangyang mga kahilingan, umaasa na sa sandaling buksan mo ang iyong bibig ikaw ay aantigin ng Banal na Espiritu, liliwanagan at paliliwanagin, at pagkakalooban ng maraming biyaya. Yaon ay imposible—hindi gumagawa ang Diyos ng mga bagay na di-pangkaraniwan. Isinasakatuparan ng Diyos ang mga panalangin ng mga tao sa Kanyang sariling panahon at minsan sinusubok Niya ang iyong pananampalataya upang makita kung ikaw ay tapat sa harap Niya. Kapag ikaw ay nananalangin dapat kang magtaglay ng pananampalataya, pagtitiyaga, at pagpapasya. Kapag nagsisimula na silang magsanay na manalangin, hindi nadarama ng karamihan sa mga tao na sila ay inantig ng Banal na Espiritu kaya nawawala ang puso. Hindi ito maaari! Dapat kang magkaroon ng pagpupumilit, dapat kang magtuon sa pagdama sa pag-antig ng Banal na Espiritu, at sa paghahanap at sa pagsasaliksik. May mga pagkakataon, ang landas na iyong ginagalawan ay ang maling landas; minsan, ang iyong mga pagganyak at mga pagkaintindi ay hindi nakapaninindigan sa harap ng Diyos, at kaya hindi ka inaantig ng Espiritu ng Diyos; may mga pagkakataon din na tinitingnan ng Diyos kung ikaw ay tapat o hindi. Sa madaling sabi, dapat kang maglaan pa ng mas maraming pagsisikap sa pagsasanay sa iyong sarili. Kapag iyong natuklasan na ang landas na iyong ginagalawan ay lihis, maaari mong baguhin ang iyong paraan ng pananalangin. Hangga’t tunay kang naghahangad, at nasasabik na tumanggap, kung gayon tiyak na dadalhin ka ng Banal na Espiritu sa ganitong katotohanan. May mga pagkakataon na nananalangin ka gamit ang isang pusong tunay ngunit hindi nadarama na ikaw ay talagang inantig. Sa mga panahong kagaya ng mga ito dapat kang manangan sa iyong pananampalataya, at magtiwala na tumitingin ang Diyos sa iyong mga panalangin; dapat kang magkaroon ng pagtitiyaga sa iyong mga panalangin.
Dapat kang maging tapat, at dapat manalangin upang alisan ang iyong sarili ng katusuhan sa iyong puso. Habang ginagamit mo ang panalangin upang dalisayin ang iyong sarili kung kinakailangan, at gamitin ito upang antigin ng Espiritu ng Diyos, ang iyong disposisyon ay unti-unting magbabago. Ang tunay na buhay espirituwal ay isang buhay ng panalangin, at ito ay isang buhay na inaantig ng Banal na Espiritu. Ang proseso ng pagiging inantig ng Banal na Espiritu ay ang proseso ng pagbabago ng disposisyon ng tao. Ang buhay na hindi pa inantig ng Banal na Espiritu ay hindi isang espirituwal na buhay, ito ay relihiyosong ritwal pa rin; yaon lamang mga madalas antigin ng Banal na Espiritu, at niliwanagan at pinaliwanag ng Banal na Espiritu, ay ang mga taong pumasok sa espirituwal na buhay. Ang disposisyon ng tao ay patuloy na nagbabago habang siya ay nananalangin, at habang lalo siyang inaantig ng Banal na Espiritu, lalong mas nagiging aktibo at masunurin siya. Kaya, maging ang kanyang puso ay unti-unting dadalisayin, at sa gayon ang kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago. Ang gayon ay ang epekto ng tunay na panalangin.