· 

Mga Kanta ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao

 

Tagalog Christian Songs | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao

 

I

Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao

ang nagpapakita sa mga huling araw sa Silangan,

tulad ng matuwid na araw na sumisilay; 

nakita ng sangkatauhang lumitaw ang tunay na liwanag.

Ang matuwid at marilag, mapagmahal at maawaing Diyos

mapagkumbabang nagkakanlong sa mga tao,

naghahayag ng katotohanan, nagsasalita at gumagawa.

Kaharap natin ang Makapangyarihang Diyos.

Ang Diyos na ikinauhaw mo, ang Diyos na hinintay ko,

nagpapakita sa atin ngayon sa totoo.

Hinanap natin ang katotohanan, hinangad natin ang pagkamatuwid;

dumating ang katotohanan at pagkamatuwid sa mga tao.

Mahal mo ang Diyos, mahal ko ang Diyos;

ang sangkatauhan ay umaapaw sa panibagong pag-asa.

Sumusunod ang mga tao, sumasamba ang mga bansa

sa totoong Diyos na nagkatawang-tao.

II

Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at nagdadala ng paghatol,

ibinubunyag ang matuwid na disposisyon ng Diyos.

Sa paghatol, pagkastigo at pagsubok ng mga salita,

Sinasakop at pineperpekto Niya ang isang grupo ng mga mananaig.

Mga salita ng Diyos, nagngangalit at marilag,

humahatol at lumilinis sa kawalang katuwiran ng sangkatauhan,

lubusang winawasak ang kapanahunan ng kadiliman.

Katotohanan at pagkamatuwid ang naghahari sa daigdig.

Nagbubunyi ang buong mundo, nagdiriwang ang lahat ng tao;

Dumarating ang tabernakulo ng Diyos sa mga tao.

Gumigising ang sansinukob at sumasamba ang mga bansa,

naisagawa ang kagustuhan ng Diyos sa mundo.

Nagbubunyi ang buong mundo, nagdiriwang ang lahat ng tao;

Dumarating ang tabernakulo ng Diyos sa mga tao.

Gumigising ang sansinukob at sumasamba ang mga bansa,

naisagawa ang kagustuhan ng Diyos sa mundo.

Natatanto ang kaharian ni Cristo sa mga tao.

 

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

 

Write a comment

Comments: 0