· 

Kapighatian sa mga Naniniwala Lamang Kapag Napagmasdan Nila ang Diyos na Nagpakita sa Publiko!

 

Maraming mga tao sa Internet ang nagpapatotoo ngayon na ang Panginoon ay bumalik na at Siya ay ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Tinanggap mo na ba ang Panginoon? Marahil ay sasabihin mo: "Tanging kapag nakikita kong dumarating ang Panginoon na kasama ng mga ulap, ay maniniwala ako; Kung hindi, hindi ako maniniwala." Alam mo ba kung ano ang mangyayari kung panghahawakan mo ang pananaw na ito? Sabi sa Pahayag: "Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya" (Pahayag 1:7).

 

Pag-isipan natin ito: Nakikita ang Panginoon na dumarating kasama ng mga ulap, bakit ang lahat ng mga tao ay mananangis?

 

Sapagkat bago pa man magpakita ang Panginoon sa publiko, una Siyang nagkatawang-tao at bumaba nang lihim, gumagawa ng isang yugto ng gawain upang gawing perpekto ang mga mananagumpay sa gitna ng mga tao. Ang mga kumokondena, kumakalaban, at tumatanggi sa Diyos sa panahon ng lihim na gawain ng Diyos ay mahuhulog sa sakuna at mananaghoy at magngangalit ng kanilang mga ngipin kapag nakita nila ang Diyos na nagpakita sa publiko.

 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap."

 

________________________________

 

Inaasam nating lahat na masalubong ang Panginoon at dumalo sa piging ng Kordero. Gayunpaman, paano natin sasalubungin ang pagdating ng panginoon?

 

Mangyaring i-click ang link upang mahanap ang sagot. Inirerekomenda: Ang Pagdating ng Panginoong Jesus: Dumating ang Panginoon; Paano natin Siya Sasalubungin?

Write a comment

Comments: 0