Bawat araw na pinagdaraanan ninyo ngayon ay lubhang maselan at mahalaga sa inyong hantungan at inyong kapalaran, kaya’t dapat ninyong pakamahalin ang lahat ng inyong mga pag-aari at bawat minutong lumilipas. Maging matalino sa paggamit ng inyong panahon upang bigyan ang inyong mga sarili ng pinaka-malalaking matatamo, nang sa gayon ay hindi mawalan ng saysay ang inyong buhay. Marahil nalilito kayo kung bakit sinasabi Ko ang mga ito.