Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa, sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao'y walang alitan; hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.
Narito ang Isa, S'ya ay D'yos sa katawang-tao.
Wika't gawa N'ya, lahat katotohanan.
Dunong N'ya at pagkamat'wid ay aking mahal.
Nakita't nakamtan ko S'ya kaya ako'y mapalad.
Narito ang Isa, S'ya ay D'yos sa katawang-tao.
Makapangyarihang D’yos naging-tao, malakas kaming umaawit ng mga papuri sa iyo.Kami’y dinadala Mo tungo sa buhay pangkaharian.Kaming pangkahariang mga tao ay nasa Iyong saganang hapag,nilalasap mga salita Mo, nililinisan sa aming katiwalian.