Posts tagged with "Liriko"



Awit ng papuri · 16. July 2019
'Pag ang Diyos ay 'di mo batid, at likas Niya'y di mo tanto, puso mo'y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos. 'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos, ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo, at ito'y daranasin mong lubusan ng may buong pananampalataya. 'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti-unti, sa bawat araw, 'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos, pagbubuksan Siya ng iyong puso. 'Pag tunay na bukas ang 'yong puso, 'pag tunay na bukas ang 'yong puso, …
Awit ng papuri · 12. July 2019
Matapos maging tao ang Diyos, at namuhay kasama ng tao, nakita Niya kasamaan at kalagayan ng buhay nila. Sa katawang-tao'y nadama Niya ang kawalang kakayahan ng tao, na kaawa-awa, naramdaman Niya ang kanilang kalungkutan. Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao, at mas mapagmalasakit sa Kanyang mga taga-sunod dahil namuhay sa katawang-tao.
Awit ng papuri · 26. June 2019
Gumising, mga kapatid! Gumising, mga kapatid! Ang araw ng Diyos ay 'di maaantala. Ang oras ay buhay, ang pagsunggab sa oras ay nagliligtas ng buhay. Hindi malayo ang oras! Kung kayo'y kumukuha ng eksamin ngunit hindi nakapasa, maaari kayong muling sumubok at mag-aral ng mabuti. Ngunit dapat ninyong malaman na ang araw ng Diyos ay hindi maaantala. Maniwala sa Diyos, na inyong Tagapagligtas! Siya ang inyong Makapangyarihan!Manatiling nagbabantay! Ang panahong nawala ay 'di na magbabalik.
Awit ng papuri · 22. June 2019
Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita; isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos. Na walang kinikilingan; malapit na samasama, ang tamis at saya sa puso'y umaapaw. Pagsisisi sala'y iniwan natin kahapon; ngayon tayo'y nagkakaintindihan, namumuhay sa pag-ibig ng Diyos. Gaano kasaya kung tayo'y nagkakaintindihan at walang katiwalian. Mga kapatid na nagmamahal, tayo ay pamilya. Na walang kinikilingan, malapit na samasama.
Awit ng papuri · 05. June 2019
Ikaw ang buhay ko, Ikaw ang Panginoon ko. Araw-araw kasama, aninong kalapit ko. Nagtuturo kung pa'no akong maging tao't binibigyan ng katotohana't buhay. Kasama Ka buhay ko'y sumisikat sa kaningningan. Wala ang sarili kong pagpili, pamumuno Mo'y sinusunod. Maging 'sang tunay na nilalang, bumalik sa 'Yong tabi. Namumuhay sa Iyong presensya, nakikipag-usap ako sa Iyo at naririnig ang Iyong tinig. Di Ka na maghihintay sa distansyang malungkot. Kasama Mo, wala nang takot sa bagyo.