Pumarito si Cristo upang ilabas ang katotohanan, ngunit mas gusto pa nilang paalisin Siya sa gitna ng mga tao upang makapasok sa langit at tumanggap ng biyaya.
Lahat kayo ay nagagalak na tumanggap ng mga gantimpala sa harap ng Diyos at maging layon ng Kanyang pabor sa Kanyang mga mata. Ito ang inaasam ng bawa’t isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagka’t ang tao ay buong-pusong nagsisikap para sa mas mataas na mga bagay at walang sinuman ang handang mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao.
Ang “paghatol” sa mga salitang nasabi na dati—ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos—ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni kagaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, …