Posts tagged with "Ang Awtoridad ng Diyos"
Awit ng papuri · 07. March 2021
Tagalog Christian Song | "Dadakilain ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ito ang katayuan ng Diyos, at ang pagkakakilanlan ng Diyos. Para sa lahat ng bagay at sa lahat ng mayroon, ang tunay na pagkakakilanlan sa Diyos ay ang Lumikha, at ang Namumuno sa lahat ng bagay. ..."
Awit ng papuri · 09. April 2020
Sa bagong mundo, wala pa ang sangkatauhan,
inihanda ng Maylikha ang umaga at gabi.
Inihanda Niya ang kalangitan, lupa, at karagatan,
damo, halaman, inihanda Niya lahat ng puno.
Inihanda Niya mga liwanag, panahon, taon at araw
para sa bagong buhay na Kanyang nalalapit na likhain.
Awit ng papuri · 04. July 2019
Ang kapalaran ng tao at ng sansinukob
ay mahigpit na nakaugnay
sa kapangyarihan ng Manlilikha.
Ito'y 'di mahihiwalay sa Kanyang awtoridad
at lahat ng inaayos Niya.
At sa mga batas ng lahat ng bagay,
mauunawaan ng tao
ang kapangyarihan ng pamumuno Niya,
pagsasaayos ng kamay Niya,
sa lahat ng pinamumunuan at isinasaayos Niya.
Sa batas para makaligtas,
sa kapalaran ng lahat ng bagay,
alam ng tao kung paano mamuno ang Diyos sa lahat.
Binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa iba’t-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, bumibigkas Siya ng iba’t-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o nag-uulit ng parehong gawain, o nangungulila para sa mga bagay ng nakaraan; Siya ay isang Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawa’t araw ay bumibigkas Siya ng bagong mga salita.