Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Bilang buod, ang pagtahak sa landas ni Pedro sa pananampalataya ng isang tao ay nangangahulugan ng paglakad sa landas ng paghahabol sa katotohanan, na siya ring landas para tunay niyang makilala ang kanyang sarili at mabago ang kanyang disposisyon. Sa pamamagitan lamang ng paglakad sa landas ni Pedro mapupunta ang isang tao sa landas ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos. Dapat maging malinaw sa isang tao kung paano ba talaga lumakad sa landas ni Pedro, gayundin kung paano ito isagawa. Una, dapat munang isantabi ng isang tao ang kanyang mga sariling layunin, mga di-wastong paghahangad, at maging ang kanyang pamilya at lahat ng bagay na para sa kanyang sariling laman. Dapat buong-pusong mag-ukol ang isang tao, na ang ibig sabihin, kailangang ganap niyang ilaan ang kanyang sarili sa salita ng Diyos, magtuon sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, tumutok sa paghahanap sa katotohanan at sa paghahanap sa mga hangarin ng Diyos sa Kanyang mga salita, at subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang pinakapangunahin at ang pinakamahalagang paraan ng pagsasagawa. Ito ang ginawa ni Pedro pagkatapos niyang makita si Jesus, at sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa sa ganitong paraan nakakamit ng isa ang pinakamahusay na mga resulta. Ang buong-pusong pagtatalaga sa mga salita ng Diyos ay pangunahing nangangahulugan ng paghahanap sa katotohanan, paghahanap sa hangarin ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, pagtutuon ng pansin sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pag-unawa at pagkakamit ng mas maraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Kapag binabasa ang Kanyang mga salita, hindi nakatuon si Pedro sa pag-unawa sa mga doktrina at siya ay lalo pang hindi nakatuon sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya; sa halip, siya ay nakatuon sa pag-unawa sa katotohanan at pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagtatamo ng pagkaunawa ng Kanyang disposisyon at ng Kanyang pagiging kaibig-ibig. Sinubukan din niyang unawain ang iba’t ibang tiwaling mga kalagayan ng tao mula sa mga salita ng Diyos, at unawain ang tiwaling kalikasan ng tao at ang tunay na mga pagkukulang ng tao, tinatamo ang lahat ng aspeto ng mga hinihiling ng Diyos sa tao upang mapalugod Siya. Nagkaroon siya ng napakaraming wastong mga pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos; ito ay halos naaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na pakikipagtulungan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos. Habang dumaranas ng daan-daang pagsubok ng Diyos, mahigpit niyang sinuri ang kanyang sarili ayon sa bawat salita ng paghatol ng Diyos sa tao, bawat salita ng paghahayag Niya sa tao, at bawat salita ng Kanyang mga kahilingan sa tao, at sinikap na unawain ang kahulugan ng mga pagbikas na iyon. Masigasig niyang pinagnilayan at isinaulo ang bawat salitang sinabi sa kanya ni Jesus, at napakaganda ng nakamtan niyang mga resulta. Sa ganitong paraan ng pagsasagawa, naunawaan niya ang kanyang sarili mula sa mga salita ng Diyos, at hindi lang ang iba’t ibang tiwaling kalagayan ng tao ang naunawaan niya, kundi pati na ang diwa, likas na pagkatao, at ang iba’t ibang pagkukulang ng tao. Ito ang kahulugan ng tunay na maunawaan ang sarili. Mula sa mga salita ng Diyos, hindi lamang niya natamo ang tunay na pagkaunawa ukol sa sarili niya, kundi mula sa mga bagay na ipinapahayag sa mga pagbigkas ng Diyos—ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang kalooban ng Diyos para sa Kanyang gawain, ang Kanyang mga hinihingi sa sangkatauhan—mula sa mga salitang ito nakarating siya sa lubos na pagkakilala sa Diyos. Nakarating siya sa pagkakilala sa disposisyon ng Diyos, at sa Kanyang diwa; nakilala at naunawaan niya kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos at mga hinihingi ng Diyos para sa tao. Bagama’t ang Diyos ay hindi gaanong nagsalita noong panahong iyon kagaya ng Kanyang ginagawa sa kasalukuyan, nagkaroon ng bunga kay Pedro sa mga aspetong ito. Ito ay isang bihira at napakahalagang bagay. Dumaan si Pedro sa daan-daang pagsubok, subalit hindi nagdusa nang walang-saysay. Hindi lamang niya naunawaan ang kanyang sarili mula sa mga salita at sa gawa ng Diyos, kundi nakilala rin niya ang Diyos. Dagdag pa riyan, sa mga pagbigkas ng Diyos, nagtuon siya lalo na sa mga hinihiling ng Diyos sa sangkatauhan sa loob ng Kanyang mga salita. Sa alinmang mga aspeto dapat bigyang-kasiyahan ng tao ang Diyos upang makaayon sa kalooban ng Diyos, nagawang magsikap nang husto ni Pedro sa mga aspetong ito at nakamtan ang buong kalinawan; lubhang kapaki-pakinabang patungkol sa sarili niyang pagpasok. Anuman ang pinatungkulan ng Diyos, basta’t ang mga salitang iyon ay maaaring maging kanyang buhay at nabibilang ang mga ito sa katotohanan, nakaya ni Pedro na iukit ang mga ito sa kanyang puso upang madalas na pagbulayan at pahalagahan ang mga ito. Matapos mapakinggan ang mga salita ni Jesus nakaya niyang isapuso ang mga ito, na nagpapakita na siya ay espesyal na nakatuon sa mga salita ng Diyos, at tunay na nakamtan niya ang mga resulta sa huli. Ibig sabihin, nakaya niyang malayang isagawa ang mga salita ng Diyos, tumpak na isagawa ang katotohanan at mapahanay sa kalooban ng Diyos, kumilos nang lubusang naaayon sa intensiyon ng Diyos, at isuko ang kanyang sariling personal na mga opinyon at imahinasyon. Sa ganitong paraan, pumasok si Pedro sa realidad ng mga salita ng Diyos. Ang serbisyo ni Pedro ay kahanay sa kalooban ng Diyos pangunahing dahil ginawa niya ito.
Hinango mula sa “Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Upang hangaring maperpekto ng Diyos, kailangan munang maunawaan ng isang tao kung ano ang ibig sabihin ng maperpekto Niya, gayundin kung anong mga kundisyon ang kailangan niyang tugunan upang maperpekto. Kapag nauunawaan na niya ang gayong mga bagay, kailangan niyang maghanap ng isang landas ng pagsasagawa. Upang maperpekto, kailangan siyang magkaroon ng isang katangian. Maraming tao ang hindi likas na may sapat na katangian, sa ganoong kaso kailangan mong magbayad ng halaga at magsikap nang husto. Kapag mas masahol ang iyong katangian, mas kailangan mong magsikap nang husto. Kapag mas nauunawaan mo ang mga salita ng Diyos at mas isinasagawa mo ang mga iyon, mas mabilis kang makakatahak sa landas ng pagiging perpekto. Sa pamamagitan ng pagdarasal, maaari ka ring maperpekto patungkol sa pagdarasal; maaari ka ring maperpekto sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pag-unawa sa diwa ng mga ito, at pagsasabuhay ng realidad ng mga ito. Sa pagdanas ng mga salita ng Diyos araw-araw, dapat mong malaman kung ano ang kulang sa iyo; bukod pa riyan, dapat mong makilala ang iyong depekto na ikapapamahak mo at ang iyong mga kahinaan, at manalangin at magsumamo sa Diyos. Sa paggawa nito, unti-unti kang mapeperpekto. Ang landas tungo sa pagiging perpekto ay: pagdarasal; pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos; pag-unawa sa diwa ng mga salita ng Diyos; pagpasok sa karanasan ng mga salita ng Diyos; pag-alam kung ano ang kulang sa iyo; pagpapasakop sa gawain ng Diyos; pagsasaisip sa pasanin ng Diyos at pagtalikod sa tawag ng laman sa pamamagitan ng iyong pagmamahal sa Diyos; at pagsali sa malimit na pakikibahagi sa iyong mga kapatid, na maaaring magpayaman sa iyong mga karanasan. Buhay mo man ito sa komunidad o iyong personal na buhay, at malalaking pulong man ito o maliliit, lahat ay maaaring magtulot sa iyo na magkaroon ng karanasan at tumanggap ng pagsasanay upang ang puso mo ay matahimik sa harap ng Diyos at makabalik sa Kanya. Lahat ng ito ay bahagi ng proseso ng pagpeperpekto. Ang pagdaranas ng mga salita ng Diyos, gaya ng binanggit kanina, ay nangangahulugan ng tunay na pagtikim sa mga ito at pagtutulot sa sarili mo na isabuhay ang mga ito, upang magkaroon ka ng mas matinding pananampalataya at pagmamahal sa Diyos. Sa ganitong paraan, unti-unti mong maiwawaksi ang iyong tiwali at napakasamang disposisyon; mapapalaya ang sarili mo sa di-wastong mga motibo; at maisasabuhay ang wangis ng isang normal na tao. Kapag mas matindi ang pagmamahal mo sa Diyos sa iyong kalooban—ibig sabihin, mas malaking bahagi mo ang naperpekto ng Diyos—mas hindi ka malulukuban ng katiwalian ni Satanas. Sa pamamagitan ng iyong mga praktikal na karanasan, unti-unti kang makakatahak sa landas ng pagiging perpekto. Sa gayon, kung nais mong maperpekto, napakahalagang isaisip ang kalooban ng Diyos at maranasan ang Kanyang mga salita.
Hinango mula sa “Isaisip ang Kalooban ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung naniniwala ka sa pamumuno ng Diyos, kung gayon dapat maniwala ka na ang mga bagay na nangyayari araw-araw, maging mabuti o masama, ay hindi basta nagaganap. Hindi ito dahil may isang sadyang nagpapahirap sa iyo o pumupuntirya sa iyo; sa katunayan lahat ito ay ipinlano ng Diyos. Para sa ano isinasaayos ng Diyos ang mga bagay na ito? Hindi ito para ibunyag ang iyong mga pagkukulang o para ilantad ka; ang paglalantad sa iyo ay hindi ang panghuling layunin. Ang panghuling layunin ay gawin kang ganap at iligtas ka. Paano ginagawa iyan ng Diyos? Una, ipinababatid Niya sa iyo ang iyong sariling tiwaling disposisyon, ang iyong kalikasan at diwa, ang iyong mga pagkukulang, at kung ano ang wala ka. Kapag nalaman at naunawaan mo ang mga bagay na ito sa puso mo, saka mo lamang maaaring pagsikapang matamo ang katotohanan at unti-unting iwaksi ang iyong tiwaling disposisyon. Ito ang pagkakaloob sa iyo ng Diyos ng pagkakataon. Dapat mong alamin kung paano sasamantalahin itong pagkakataon, at huwag makipagtalo sa Diyos. Lalo na kapag napaharap sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na isinasaayos ng Diyos sa paligid mo, huwag laging isipin na hindi ayon sa nais mo ang mga bagay-bagay, laging patakas, laging sinisisi at hindi inuunawa ang Diyos. Hindi iyan pagpapasailalim sa gawain ng Diyos, at lubha kang pahihirapan niyan na makapasok sa realidad ng katotohanan. Anuman ang bagay na hindi mo lubusang mauunawaan, kapag may mga paghihirap ka, dapat matuto kang magpasakop. Dapat lumapit ka sa Diyos at manalangin pa. Sa ganoong paraan, bago mo mamalayan magkakaroon ng pagbabago sa iyong panloob na kalagayan at mahahanap mo ang katotohanan para malutas ang iyong problema—makakaya mong maranasan ang gawain ng Diyos. Sa panahong ito, nabubuo sa loob mo ang realidad ng katotohanan, at ito naman ang kung paano ka susulong at paanong mangyayari ang isang pagbabago sa kalagayan ng iyong buhay. Sa sandaling napapagdaanan mo na ang pagbabagong ito at nagkakaroon ng ganitong uri ng realidad ng katotohanan, magtataglay ka naman ng pagtaas sa tayog, at kasama ng tayog ang buhay. Kung ang isa’y laging nabubuhay batay sa isang tiwaling mala-satanas na disposisyon, kung gayon gaano man kalaking kasiglahan at kalakasan mayroon sila, hindi pa rin sila maituturing na may tayog, o buhay. Gumagawa ang Diyos sa bawat isang tao, at kung anuman ang Kanyang pamamaraan, anong klase ng mga tao, bagay at materyal ang ginagamit Niya para maglingkod, o anumang uri ng tono mayroon ang mga salita Niya, isa lamang ang Kanyang panghuling layunin: Bago ka Niya iligtas, kailangan ka Niyang baguhin, kaya paanong hindi ka magdurusa nang kaunti? Kakailanganing magdusa ka. Ang pagdurusang ito’y maaaring kapalooban ng maraming bagay. Kung minsa’y ibinabangon ng Diyos ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay sa paligid mo para makilala mo ang sarili mo, o kaya ay tuwiran kang naharap, natabasan, at nailantad. Katulad lamang ng isang nasa mesang pang-operasyon—kailangang dumaan ka sa kaunting kirot para sa mabuting kalalabasan. Kung sa tuwing ikaw ay tinatabasan at hinaharap, at tuwing ibinabangon Niya ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay, pinupukaw nito ang iyong damdamin at pinalalakas ka, kung gayon ay tama ito, at magkakaroon ka ng tayog at makakapasok sa realidad ng katotohanan.
Hinango mula sa “Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka mula sa mga Tao, mga Pangyayari, at mga Bagay sa Paligid Mo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, hinanap ni Pedro na mapasaya ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinanap na sundin ang lahat ng nagmula sa Diyos. Nang wala ni katiting na reklamo, kinaya niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, pati na rin ang pagpipino, kapighatian at kakulangan sa kanyang buhay, kung saan wala sa mga nabanggit ang makapagbabago ng kanyang pag-ibig para sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pag-ibig para sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Sa pagkastigo, paghatol, o kapighatian, laging may kakayahan kang makamit ang pagsunod hanggang kamatayan, at ito ang dapat na makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang kadalisayan ng pagmamahal para sa Diyos. Kung kaya ng tao na magkamit ng ganito kahigit, kung gayon siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at walang mas makapagpapasaya sa kalooban ng Lumikha.
Hinango mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung nais ng mga tao na maging buhay na nilalang, at magpatotoo sa Diyos, at sang-ayunan ng Diyos, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, dapat silang magpasakop nang malugod sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at dapat nilang tanggapin nang malugod ang pagtatabas at pakikitungo ng Diyos. Saka lamang nila magagawang isagawa ang lahat ng katotohanang hiningi ng Diyos, at saka lamang nila makakamtan ang pagliligtas ng Diyos, at magiging tunay na mga buhay na nilalang.
Hinango mula sa “Ikaw Ba ay Isang Taong Nabuhay na?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Silang mga walang kahit kaunting pagtalima sa Diyos, na kumikilala lamang sa pangalan ng Diyos, at may kaunting pakiramdam sa pagmamahal at pagiging kaibig-ibig ng Diyos gayunman ay hindi sumasabay sa mga yapak ng Banal na Espiritu, at hindi tumatalima sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Banal na Espiritu—ang ganyang mga tao ay nabubuhay sa gitna ng awa ng Diyos, at hindi makakamit at magagawang perpekto ng Diyos. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pagtalima, sa pamamagitan ng kanilang pagkain, pag-inom, at kasiyahan sa mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng mga pagdurusa at pagpipino sa kanilang mga buhay. Sa pamamagitan lamang ng pananampalatayang gaya nito mababago ang disposisyon ng mga tao, at saka lamang nila makakamit ang tunay na karunungan sa Diyos. Ang hindi pagiging kuntento sa pamumuhay sa gitna ng mga biyaya ng Diyos, pagiging laging nauuhaw para sa katotohanan, at paghahanap para sa katotohanan, at paghahabol na maging pag-aari ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng maingat na pagtalima sa Diyos: ito ang eksaktong uri ng pananampalatayang gusto ng Diyos.
Hinango mula sa “Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
________________________________
Rekomendasyon:
- Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos
- Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos
Ano ang kaligtasan? Ano ang ganap na kaligtasan? Paano natin makakamit ang ganap na kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit? Ang kasagutan ay nasa artikulong ito.
Write a comment