Wu Ming, China
Isang araw noong 2004 sinabi sa akin ng isang kaibigan: “Bawat araw gumigising ka nang maaga at buong araw na abala sa paggupit ng tela, pinapagod mo ang sarili mo, ngunit hindi ka pa rin kumikita ng pera. Ang lipunan sa panahong ito ay umaasa sa dila para kumita ng pera, gaya ng sinasabi ng kilalang kasabihan: ‘Mas maigi ang magkaroon ng matatas na dila kaysa magkaroon ng malalakas na mga braso at binti.’ Alam mo na ako ngayon ay nasa negosyong direct sales na nagbebenta ng mga makeup na produkto, hindi lang ako napapaganda nito, hindi ko rin kailangan magpakapagod bawat araw, kailangan ko lang magsalita nang kaunti sa aking mga mamimili at ibenta ang aking mga produkto para kumita ng maraming pera. Bakit hindi ka magpalit ng trabaho at dito ka magtinda ng mga makeup na produkto kasama ko?” Tinignan ko ang aking kaibigan, talagang mas maganda siya kaysa dati, at naisip ko din kung paano ako naging mananahi sa higit 10 taon, paanong hindi talaga ako kumita ng pera, at paanong hindi na ako bumabata. Kung talagang kagaya siya ng sinasabi ng aking kaibigan, kung sa paglipat sa isang trabaho kung saan ako ay magtitinda ng mga makeup na produkto ay madali akong kikita ng pera, at maaari pang magmukhang mas bata at mas maganda at tumanggap ng matataas na papuri ng ibang tao, magiging mas maigi iyon! Habang pinag-iisipan ko ito, sinabi ko sa kanya doon din mismo na handa akong maging bahagi ng kumpanya. Kinalaunan, pagkatapos ng aking pagsusuri, bumili ako ng higit 3,000 yuan na halaga ng mga produkto, at sinimulang ko ang aking trabaho sa industriya ng cosmetics bilang isang beauty consultant para sa kumpanyang ito.
Sinabi sa akin ng isang katrabaho matapos akong maging isang beauty consultant, na kung makakabuo kami ng 8 hanggang 12 na mga beauty consultant ay aangat kami sa ranggo para maging seller. Ngunit kung gusto namin maging isang seller ay dapat kaming magkaroon ng mas maraming mamimili na bibili ng mga produkto bilang isang kondisyon ng magandang performance. Pagkatapos nito, sinimulan kong pigain ang aking utak upang makaisip ng paraan para tumaas ang aking paggawa. Sumangguni ako sa ibang tao, at nag-aral ng mga pamamaraan sa marketing; madalas na inaanyayahan sa aming tindahan ang mga mamimili para subukan ang aming mga produkto, at hinihikayat silang bilhin ang mga produktong ipinakita ko sa kanila; kapag may oras ako ay magsasanay akong magsalita sa harap ng salamin para tumaas ang antas ng pananalitang ginagamit ko para ipahayag ang aking sarili, upang maging mas maganda ang aking pakikipag-ugnayan sa mga mamimili. Sa pamamagitan ng patuloy na pagtitiyaga ay unti-unti akong nakakuha ng mga mamimili. Upang patatagin ang bilang ng mga mamimili, kinailangan kong panatilihin ang mga pag-aalok sa kumpanya at tumawag sa telepono para yayain ang mga mamimili na pumunta sa aming mga workshop, kung saan maaari nilang maranasan ang bisa ng aming mga produkto, at gayundin ay maipaalam ko ang mga produkto at ang aming pabuya, mga paanunsiyo, atbp., at sa gayon ay makaakit ng mga mamimili. Madalas akong walang tigil na makikipag-usap nang higit isang oras, at hindi ako titigil hanggang ang mga mamimili ay nasiyahan na sa pagbili ng mga produkto. Ang makita ko ang pera sa aking mga kamay na mabilis kong kinita ay lubhang nagpasaya sa akin: ang pagtitiwala sa aking bibig para kumita ay talagang mas madali kaysa sa dating manu-manong trabaho, at naisip ko na hanggang nagpapatuloy ako sa pagtitiyaga, ang pagiging isang seller ay malapit nang dumating sa akin.
Isang araw isang babaeng may mga tigyawat sa mukha ay dumating sa tindahan, at inisip ko: Ito ay isang pagkakataon, kailangan kong iparamdam sa babaeng ito iyong pangangailangan niyang magmukhang maganda at ipayo sa kanya ang mga produktong mataas ang tubo, sa paraang ito hindi lang ako kikita ng maraming pera, ngunit magiging suki ko pa siya, at pagdating ng tamang panahon ay magagawa ko siyang magdala ng marami pang mamimili, na siya namang mag-aangat ng aking benta, sa gayon ay natural na tataas ang aking performance. Nakita ko na iyong mga tigyawat sa kanyang mukha ay hindi naman ganoon kalala, ngunit upang tumanggap ng matataas na tubo, sinabi ko nang labis: “Ay! Kung hindi natin gagamutin ang mga tigyawat mo sa mukha ngayon din ay lalo silang babaon sa iyong balat at sisirain ito, tapos wala nang mga produkto na makapagpapagaling pa dito, na makakaapekto rin sa iyong mukha sa hinaharap. Lulubha ito kung saan ang iyong mukha ay magiging baku-bako at tadtad ng tigyawat. Hindi lang nito maaapektuhan ang iyong itsura, magkakaroon rin ito ng epekto sa iyong hinaharap, iyon ay magiging problema!” Nang marinig ito ng babae, siya ay sobrang natakot at minadali akong bigyan siya ng kahit anong produkto na makakatulong sa kanyan. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon, agad-agad kong nilabas ang ilang produkto para mapakita sa kanya, at umuwi siya kasama ang higit 1,000 yuan na halaga ng produkto. Naisip ko sa sarili: Mukhang kung gusto kong kumita ay hindi ako maaaring maging masyadong matapat, at kailangan kong kunin ang mga kahinaan ng mamimili at palabisin ito ayon sa kanilang mga kagustuhan sapagkat iyon ang kinakailangan upang pumayag sila na bilhin ang aming mga produkto. Pagkatapos, natutunan ko kung paano gamitin ang iba’t-ibang pamamaraan sa iba’t-ibang uri ng mamimili upang mabenta ang aming mga produkto, at bilang bunga ng aking performance ay higit na lumaki ang kumpanya.
Nagsipag ako sa loob ng apat na taon, kinalaunan ay naangat sa antas ng pagiging seller, pero hindi madali ang manatili sa ganitong puwesto. Ayon sa nakaugaliang tuntunin ng kumpanya: Ang aming performance ay nakabatay lamang sa mga benta, kung gaano katas ang aming performance ay ganoon katas ang aming ranggo at ganoon karami ang mga pabuya na aming matatanggap. Upang marating ang mga hangaring ito at maabot ang aming performance bilang mga seller, gumamit kami ng isang pamamaraan sa pagbibigay ng pabuya para hikayatin ang mga beauty consultant na bumili ng mga produkto. Minsan kapag walang binibili ang mga beauty consultant, kinakailangan naming gamitin ang aming sariling pera para bumili ng mga produkto upang malalagpasan namin ang aming performance. Ito ang magpapasobra sa aming mga hawak na paninda, at matapos ang mahabang panahon na hindi sila mabebenta, ang mga produktong ito ay masisira. Upang mapanatili ang aming performance, bibigyan namin ng diskwento ang mga malapit nang masirang produkto para ibenta sa mga mamimili. Isang araw, may isa akong katrabaho na nagbenta sa isang mamimili ng isang produktong malapit nang masira, at pagkatapos ay namula ang mukha ng mamimili na parang bulaklak na namumukadkad. Nagalit iyong mamimili dahil dito at hinanap nila ang aking katrabaho para makipag-away, na siya namang sobrang takot na hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Matapos nila itong pag-usapan, napagkasunduan nila na babayaran na lamang ang mamimili para matigil na ang gulo. Nang mangyari ito, naisip ko kung paanong bawat buwan, upang maabot ko ang aking performance, ako rin ay magbebenta ng mga produktong sobra sobra sa hawak ko na malapit nang masira, at kung paanong ang mga produktong ito na malapit nang masira ay walang pananagutan ang kumpanya, kaya kung sakaling ang mamimili ay makaranas ng problema sa balat dahil sa paggamit ng isa sa mga produktong ito at hinanap ako dahil gusto niyang maghabla, ano ang magagawa ko? Lalo akong hindi mapakali dahil dito, sa takot ko ay bumilis ang tibok ng aking puso, at sinabi ko sa sarili ko na mula ngayon ay hindi na ako magbebenta ng mga produktong malapit nang masira. Ngunit pinag-isipan ko pa ulit ito: Kung hindi ko mapapaubos ang lahat ng mga produkto ay hindi ko maaabot ang aking performance, at dahil doon ay mawawala ang aking mga kwalipikasyon para maging isang seller, at mabibigla nalang ako na ako’y ibababa sa pagiging isang pangkaraniwang beauty consultant. Ibig sabihin nito ang hangaring pinaghirapan ko sa loob ng matagal na panahon na maging mayaman ay mauuwi na lamang na isang mataas na pangangarap, at lahat ng paghihirap na ginawa ko sa loob ng maraming taon ay mawawalang saysay! Habang minumuni-muni ko ang nakaraan at ang hinaharap ay napagtanto ko na upang mapanatili ko ang aking mga kwalipikasyon sa pagiging isang seller hindi ako maaaring magbago nang husto. Kung kayang gawin ng iba bakit hindi ako? Kaya nagpatuloy ako ayon sa nakaugaliang tuntunin sa trabaho.
Noong 2012 may isa akong kaibigan na naakay akong maniwala sa Makapangyarihang Diyos, at simula noon ay madalas akong nagbabasa ng salita ng Diyos, nananalangin sa Diyos at nakikibahagi kasama ang mga kapatiran. Sa mga pagtitipon, ang mga kapatiran ay hayagang nagbubukas ng kanilang mga nasa puso, nagsasabi ng kanilang nalalaman at naranasan mula sa salita ng Diyos, at tunay na naaaliw akong making sa kanila. Isang araw, nabasa ko ang salita ng Diyos na nagsasabing: “Kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. Ang Diyos ay may substansya ng katapatan, kaya’t ang Kanyang salita ay palaging napapagkatiwalaan. Higit pa, ang Kanyang mga pagkilos ay walang-kapintasan at hindi-mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos yaong mga lubos na matapat sa Kanya” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos ay natuklasan kong ang Diyos ay tapat at gusto Niya ang mga matapat na tao. Hinihiling rin tayong lahat ng Diyos na maging mga matapat na tao, na huwag magsalita ng mga kasinungalingan, huwag dayain ang iba. Naisip ko ang tungkol sa lahat ng mga kasinungalingang nasasabi ko araw-araw upang dayain ang mga mamimili habang ako’y nagtatrabaho at nagtatangkang tumubo, tubong nakamit ko sa paglinlang sa tiwala ng aking mga mamimili. Gumamit ako ng mga hindi matapat na pamamaraan upang kumita ng pera. Lahat ng iyon ay kapahayagan ng pandaraya. Kung magpapatuloy ako sa landas na ito, paano ako maiibigan ng Diyos? Ngayong naniniwala ako sa Diyos ay dapat akong tumulad sa mga kapatiran at sanaying maging isang matapat na tao at magsalita ng katotohanan. Ito ang paraan upang mapasaya ko ang Diyos at maabot ang Kanyang pagsang-ayon.
Ngunit sa totoong buhay, kapag nahaharap sa kinitang pera, ang pagsasanay na maging isang matapat na tao ay talagang hindi kasing dali ng aking naiisip. Isang araw may mamimili na lumapit sa akin na may dalang listahan ng nagkakahalagang 7,000 yuan na mga produktong makeup na gusto niya. Tinignan ko ang listahan at nakitang hindi lahat ng mga produktong gusto niya ay nasa tindahan namin, kaya nag-isip kung ano ang dapat kong gawin. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang katotohanan, o…, Naramdaman ko ang isang matinding labanan sa aking puso: Isa na akong mananampalataya sa Diyos, ang magsinungaling ay hindi ayon sa kalooban ng Diyos, hindi ako maaaring magpatuloy sa pandaraya sa mga tao gaya ng ginagawa ko dati; ngunit kung sasabihin ko ang katotohanan sa mamimiling ito ay parang sinabi na rin na hindi ako makakabenta sa kanya sa oras na ito, at siguro ay hindi na siya ulit babalik, at kung magkagayon ay mawawalan na ako ng pagkakataon na kumita sa kanya. Ang mahirap dito, ang magsinungaling ay hindi ayon sa kalooban ng Diyos, ngunit ang hindi magsinungaling ay katulad ng pagpapakawala sa mahigit dalawang libong yuan na mapapasakamay ko, na kung malalaman ng mga katrabaho ko, siguradong pagtatawanan nila ako, kaya maigi nang gawin ko sa pagkakataong ito, at sa susunod ay hindi ko na gagawin. Kaya lumapit ako sa mamimili at sinabing: “Ako ay isang espesyalista sa pag-aalaga ng balat, kung tatanggapin mo ang aking payo at gagamitin ang mga produktong irerekomenda ko ay matitiyak kong gaganda ang iyong kutis.” Umasa ako sa aking mahusay na pananalita, at nakipag-usap sa mamimili nang mahigit isang oras hanggang sa huli ay handa siyang bumili ng mga produktong inirekomenda ko. Kaya nagtipon ako ng isang bara-barang koleksyon ng matataas na kalibreng mga produktong nagkakahalagang 7,000 yuan para ibigay sa kanya. Pagkatapos niyang umalis ay tinignan ko ang pera sa aking mga kamay ngunit hindi ako nakaramdam ng kasiyahan kahit katiting. Sobra akong nahiya dahil hindi ko sinanay ang pagiging isang matapat na tao gaya ng iniutos ng Diyos. Pagkatapos ng ilang araw ay biglang tumawag iyong mamimili at hinihiling na ibalik ang mga produkto. Sinabi niyang hindi siya mapalagay sa paggamit ng mga produktong inihanda ko para sa kanya. Ginawa ko lahat ng pwede kong gawin para himukin siya, ngunit ayaw niyang magbago ng isip. Pagkatapos ng pangyayaring ito, sunod sunod ang mga mamimiling gustong ibalik ang kanilang mga produkto. Habang sinasapit ko itong serye ng kamalasan ay sinimulan kong pagbulay-bulayan ang mga bagay-bagay: Upang kumita ay lagi akong gumagamit ng mga mapanlinlang na salita para dayain ang aking mga mamimili na bumili ng mga produkto. Hindi ito sumusunod sa kalooban ng Diyos, ngunit ginawa ko siya para mapanatili ko ang aking mga kwalipikasyon bilang isang seller. Sa kabila ng pagiging lubos na may kamalayan ng katotohanan ay sinadya kong sumalungat dito at ipagpatuloy ang paggamit ng mga paraan ng pandaraya para magnegosyo. Ang Diyos ay dalisay at banal, paano Niya ako papayagang magsalita ng isang bagay at iba ang gawin? Itong mga kaganapang sinapit ko kamakailan, lahat ng ito, ay pwede ko lang isisi sa sarili ko, inaani ko ang aking itinanim. Ito ang pakikitungo at pagdisiplina ng Diyos, ito ang pagliligtas ng Diyos sa akin. Ngunit hindi ako nakaunawa sa harap ng perang kinikita ko, bakit nais kong kumilos ayon sa salita ng Diyos ngunit hindi ko magawa. Ang tangi kong nagawa ay manalangin at magsaliksik sa harapan ng Diyos.
Pagkatapos ay nakita ko sa salita ng Diyos kung saan sinasabing: “Sa sandaling mahawahan ang tao ng ganitong pandaraya, kagaya ito sa isang tao na nasangkot sa pagsusugal at pagkatapos ay naging isang sugarol. Hindi namamalayan, sinasang-ayunan niya ang kanyang mapandayang paggawi at tinatanggap ito. Hindi namamalayan, inilalagay nito ang pandaraya sa isang lehitimong paggawi sa negosyo, at ginagawa ang pandaraya na maging isang lubos na kapaki-pakinabang na paraan para siya ay mabuhay at sa kanyang buhay; iniisip niya na sa paggawa nito maaari siyang yumaman nang mabilis. Sa simula ng prosesong ito, hindi matatanggap ng mga tao ang ganitong uri ng pag-uugali, mababa ang tingin nila sa ganitong pag-uugali at sa ganitong paraan ng pagsasagawa ng mga bagay, pagkatapos personal nilang sinusubukan ang ganitong pag-uugali, at sinusubukan ito sa kanilang sariling paraan, at ang kanilang mga puso ay dahan-dahang nagbabago. Kaya ano ang pagbabagong ito? Ito ay isang pagsang-ayon at pagtanggap sa kalakarang ito, isang pagtanggap at pagsang-ayon sa uring ito ng ideya na ikinintal sa iyo ng kalakarang panlipunan. Hindi namamalayan, nadarama mo na kapag hindi ka nandaya sa negosyo kung gayon ikaw ay malulugi, na kapag hindi ka nandaya mawawalan ka kung gayon ng isang bagay. Hindi namamalayan, ang ganitong pandaraya ang nagiging pinaka-kaluluwa mo, ang pangunahing sandigan mo, at nagiging isang uri rin ng pag-uugali na lubos na kailangang patakaranng iyong buhay. Matapos tanggapin ng tao ang ganitong pag-uugali at ganitong pag-iisip, ang puso ba ng tao ay sumasailalim sa isang pagbabago? Ang iyong puso ay nagbago, kaya ang karangalan mo ba ay nagbago? Ang pagkatao mo ba ay nagbago? (Oo.) Kaya ang konsensya mo ba ay nagbago? (Oo.) Ang kabuuan ng tao ay sumasailalim sa isang de-kalidad na pagbabago mula sa kanilang puso hanggang sa kanilang mga pag-iisip, hanggang sa puntong sila ay nababago mula sa loob palabas. Ang pagbabagong ito ang lalong mas nagpapalayo sa Diyos, at ikaw ay lalong mas nagiging kaayon ni Satanas, lalong mas nagiging kapareho nito” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Isiniwalat ng mga salita ng Diyos ang palaisipan sa aking puso, naunawaan ko na kung ang sarili kong mga benepisyo ay nasa harapan ko ay hindi ko mailalagay ang mga salita ng Diyos sa pagsasanay, hindi ako makakapamuhay tulad ng klase ng matapat na tao na iniuutos ng Diyos, at ang sanhi ay ang pagkasira sa akin ng masasamang takbo ng lipunan at pagtitiwala sa lason ni Satanas para mabuhay. “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at kukunin ng diyablo ang kahuli-hulihan.” “Gagawin ng tao ang kahit anong bagay para yumaman.” “Dahil ang maliit na pag-iisip ay hindi gumagawa ng maginoo, ang isang totoong lalaki ay hindi ang walang kamandag.” Ang ganitong mga lason ni Satanas ay masyadong nang nag-ugat sa aking kalooban, na naging dahilan upang hindi ko maisagawa ang katotohanan kahit ako’y may lubos na kamalayan nito at mawala ang aking likas na pakiramdam ng tama at mali pagdating sa pagiging isang karaniwang tao, na siyang nagdadala sa akin palayo nang palayo sa Diyos. Naisip ko kung paano ako sumunod nang walang taros sa mga takbo ng lipunan ng pagpapahalaga sa pera nang higit sa lahat ng bagay, at kung paano ko naisip na ang pagiging matapat at handang magpagal ay hindi kasing buti ng paggamit ng mga paraan ng pandaraya upang mabilis na kumita ng pera, na nagdala sa akin para magpalit ng trabaho at magtinda ng mga produktong makeup kung saan mula sa simula ay sinunod ko ang kaisipan ni Satanas sa isang paraan kung saan “mas maigi ang magkaroon ng matatas na dila kaysa magkaroon ng malalakas na mga braso at binti.” Kapag ako ay nagtatrabaho ay umaasa ako sa aking mahusay na pananalita, laging gumagamit ng mga mapanlinlang na salita para lokohin ang aking mga mamimili, sinasabi ang kailangang sabihin para maabot ko ang aking mga minimithi. Sinabi ko sa aking sarili na itong gawain ng panlilinlang ay normal, na ginagawa ito ng lahat, na ako ay madedehado kung hindi ko gagawin ito, na siyang nagdala sa akin para balewalain ang aking konsensya na nagsasabi sa akin ng dapat kong gawin at para huwag sanayin ang katotohanan kahit na batid ko ito. Malinaw na ang samu’t saring lason na itinanim sa akin ni Satanas ay nakaugat nang malalim sa aking kaibuturan at naging buhay ko. Sa aking puso lahat nang ginusto kong gawin ay para sa aking sariling benepisyo, hanggat ang isang bagay ay sangkot na ako ay makikinabang ng diretso ay nagsisimula akong sumalungat sa aking konsensya at katotohanan para magsinungaling sa mga tao. Lahat ng mga kilos at pag-uugali ko ay tunay na nagdala sa Diyos na kapootan ako, at maliwanag na ang mga batas ni Satanas para mabuhay ay tahasang pagsalungat sa katotohanan, sila ay lumalaban sa katotohanan, at sila ay lumalaban sa Diyos. Ang Diyos ay naglikha ng ganitong uri ng kapaligiran upang pakitunguhan ako at disiplinahin ako upang baguhin ko ang aking masamang disposisyon, itakwil ang aking sinungaling at mapanlinlang na mga pamamaraan, makayang mamuhay tulad ng isang matapat na tao, at hindi na umasa pa sa mga batas ni Satanas para mabuhay. Ginising Niya ang aking manhid na puso at hinayaan ako para makita nang malinaw ang aking pangit na itsurang ginagawang masama ni Satanas. Ginawa niya akong may kakayahang kamuhian ang aking sarili at bumalik sa Kanya. Tunay na matuwid at banal ang Diyos! Ang Diyos ay tapat. Gusto ng Diyos ng mga matapat na tao, at pinagpapala Niya ang mga matapat na tao. Sa pamamagitan lamang ng pagsisikap na maging isang matapat na tao tayo makatatamo ng pagliligtas ng Diyos. Sa oras na maunawaan ko ang mga layunin ng Diyos ay nanalangin ako sa Kanya at gumawa ng isang pagpapasiya: Mula ngayon ay hindi na ako magsisinungaling para mandaya ng tao, at hindi na ako gagawa ng mga bagay na sumasalungat sa aking konsensya.
Isang araw isang mamimili ang tumawag sinasabing gusto niya ng isang kaha ng produktong VC na nagkakahalagang mahigit 900 yuan, at hiniling ko siyang pumunta sa tindahan para kunin iyon. Napagtanto ko na lamang noong siya ay dumating na wala pala kami sa tindahan ng mga produktong gusto niya, ngunit nangako akong kung hihintayin niya nang ilang araw ay kukunin ko ang mga produkto at ipapadala sa kanya. Makalipas ang ilang araw ay tumawag ulit siya para tanungin ang mga produkto at inisip ko: Kapag ang isang mamimili ay nagtatanong tungkol sa mga produkto ay nakasanayan kong laging ibenta sa kanila iyong mga malapit nang masira, ngunit ngayon ay hindi na ako maaaring magsinungaling para linlangin ang mga tao. Ngunit inisip ko din: Kung hindi ako makapagpapadala sa kanya nitong mga produkto agad-agad ay malamang na mawawalan ako ng isang mamimili, gayundin ng pera! Kaya ano ang dapat kong gawin? Ang magpadala ng mga produktong malapit nang masira ay mapanlinlang, at hindi magiging masaya ang Diyos. Matapos mag-alinlangan nang ilang sandali ay nanalangin ako sa Diyos at humingi sa Kanya ng gabay, na bigyan ako ng kakayahang isagawa ang katotohanan, at gawin ako na hindi na kailanman magsinungaling sa mga mamimili. Pagkatapos manalangin ay pinag-isipan ko ang patungkol sa salita ng Diyos kung saan sinasabing: “Kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Sa bawat pagkakataon na ikaw ay gumagawa o nagsasabi ng anumang bagay, dapat mong ilagay sa tama ang iyong puso, maging matuwid, at huwag pangunahan ng iyong mga damdamin, o kumilos alinsunod sa iyong sariling kalooban. Ito ang mga panuntunan kung saan iginagawi ng mga sumasampalataya ang kanilang mga sarili” (“Kumusta Ang Iyong Kaugnayan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa ilalim ng pagliliwanag at gabay ng mga salita ng Diyos ay naunawaan ko ang mga hinihingi ng Diyos. Umaasa Siyang kaya kong isagawa ang katotohanan at maging isang matapat na tao, na siyang prinsipyo na dapat kong panatilihin habang pinangangasiwaan ko ang aking sarili. Nararamdaman ko ang Diyos sa aking tabi na sinusuri ang bawat galaw ko, at sa oras na ito ay hindi ko na bibiguin muli ang Diyos, dapat kong sabihin ang katotohanan sa mamimiling ito. Kaya tumawag ako sa mamimili: “Ang mga produktong VC na hinihingi mo ay hindi pa dumating, kung kailangan mo sila agad ay may isang kaha ako ng VC sa bahay na malapit nang masira, pwede kong ibigay iyon sa iyo nang may diskwento, kung gusto mo sila ay pwede ka pumunta sa tindahan bukas para tingnan sila.” Kinabukasan ay dumating ang mamimili para tingnan iyong mga produkto, at kinuha niya iyon nang walang sabi-sabi. Dahil pinagtaksilan ko ang aking laman at sinabi ang katotohanan ay naramdaman ko ang sobrang kapayapaan at kalayaan mula sa pagkabalisa sa aking puso. Matapos kong maranasan ang pangyayaring ito ay naramdaman kong masyado akong naantig sa aking puso, nakita ko na hanggat ako’y kumikilos alinsunod sa salita ng Diyos, nakikipag-usap sa mga mamimili nang totoo ayon sa mga katunayan, at pinangangasiwaan ang aking sarili bilang isang matapat na tao ay maaari akong maging tunay na masaya, doon ko lamang makakamit ang tunay na pagpapalaya at kalayaan! Salamat sa Diyos!
Pagkatapos nito ay nabasa ko ang salita ng Diyos kung saan sinasabing: “Ang umaasal kagaya ng isang normal na tao ay ang makipag-usap nang may pagkakaugnay-ugnay. Ang ibig sabihin ng oo ay oo, ang hindi ay nangangahulugang hindi. Maging tapat sa katotohanan at magsalita nang akma. Huwag mandadaya, huwag magsinungaling” (“Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nabasa ko rin ang pakikibahagi mula sa itaas, na sinasabing: “Para mapangasiwaan mo ang iyong sarili bilang isang matapat na tao ay mayroong tatlong prinsipyo: Una, dapat na ikaw ay maging isang matapat na tao; ikalawa, huwag kang mapipilitang gamitin ang pandaraya; ikatlo, huwag kang magiging mapanlinlang. Kung gagawin mo ang tatlong bagay na ito ay magiging isa kang matapat na tao. Ang pagiging matapat tao ay ang pagiging matuwid at tapat at ang pagsasalita nang matapat at pagkilos nang taos-puso, kung saan ang isa ay isa at ang dalawa ay dalawa.” Ipinakita sa akin ng salita ng Diyos at pakikibahagi ng tao ang landas kung paano maging isang matapat na tao. Maging ito man ay sa pang-araw-araw na buhay o hanapbuhay o kung nakikisama tayo sa ibang tao, lagi nating kailangang sabihin ang ibig nating sabihin at mag-isip at kumilos nang ayon dito, na huwag manlinlang ng iba, huwag magsinungaling, at magkaroon ng ang isa ay isa at ang dalawa ay dalawa. Ang mga ito ang mga bagay na hinihingi ng Diyos na taglayin ng mga taong may normal na pagkatao. Kaya gumawa ako ng pagpapasiya sa oras ding iyon, mula sa puntong iyon, hindi alintana kung nasa piling man ng mga kapatiran o mga mamimili, ako ay mabubuhay nang umaasa sa salita ng Diyos, isinasagawa ang pagiging isang tuwid at matapat na tao at tanggapin ang pagmamasid ng Diyos.
Isang araw ay nakasalubong ko ang isang mamimili at sinabi niya sa akin: “Miss Wu, ang tuyo ng balat ko, ang mga produktong ginagamit ko nang ilang panahon na ay walang nabagong kahit ano, narinig ko na ang mga produktong tinitipon mo ay mas maigi sa pagpapaganda ng balat, maaari mo ba akong bigyan ng isang grupo ng matataas na kalidad na mga produkto? Walang problema sa pera. “Nang marinig kong sabihin niya ito ay naisip ko: Ang isang grupo ng matataas na kalidad na mga produktong nagkakahalagang 4,000-5,000 yuan ay maaaring magbigay sa akin ng kitang hihigit sa 1,000 yuan, ngunit kung magtitipon ako ng isang grupo ng mga produktong babagay para sa kanyang balat ay magkakahalaga lamang ito ng humigi-kumulang 1,000 yuan, at kikita lamang ako ng mga 400 yuan. Kung kailan hindi ako sigurado kung aling pagpipili ang gagawin ko ay naisip ko ang salita ng Diyos kung saan sinasabing: “Ngayon, iyong napapasaya ang Diyos, kung saan ikaw ay masigasig sa mga pinakamaliit na detalye, iyong pinalulugod ang Diyos sa lahat ng mga bagay, ikaw ay may isang pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, ibinibigay mo ang iyong tunay na puso sa Diyos, at bagama’t may ilang mga bagay na hindi mo maunawaan, maaari kang humarap sa Diyos upang maitama ang iyong mga motibasyon, at hanapin ang kalooban ng Diyos, at iyong gawin ang lahat na kailangan upang bigyang-kasiyahan ang Diyos” (“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ako ay matuwid, Ako ay matapát, Ako ang Diyos na sinusuri ang kaibuturan ng puso ng tao! Ibubunyag Ko agad kung sino ang totoo at kung sino ang bulaán” (“Kabanata 44” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tama iyon! Ang Diyos ay isang matuwid at tapat na Diyos, Siya rin ay isang Diyos na nagsusuri ng kaibuturan ng puso ng tao. Kinakailangan kong kumilos nang naaayon sa kalooban ng Diyos, hindi na ako maaaring gumawa ng mga bagay na nagpapahiya sa pangalan ng Diyos upang maalagaan ang aking sariling mga kapakanan. Kaya sinabi ko sa kanya: “Ang pinakamatataas na kalidad na mga produkto ay hindi bagay para sa iyong balat, magdadagdag sila ng mas mabigat na pasanin dito, ang grupo na pinaka babagay sa iyong balat na ipapayo ko ay lampas lamang ng 1,000 yuan, sisimulan nitong ayusin ang iyong balat mula sa pinakailalim, na siyang dahan-dahang magpapaganda ng iyong balat.” Nang ganito ang ginawa ko ay naging maluwag ang aking isipan. Sinabi ng mamimili sa akin: “Miss Wu, ikaw ay tunay na mabuting tao, ang sinasabi mo ay tunay na matapat, ipapakilala ko ang ibang mga mamimili na gamitin ang iyong mga produkto.” Ngumiti ako, sinabing: “Hindi dahil isa akong mabuting tao, nararapat lang na kumilos tayo bilang matatapat na tao, doon lamang tayo magkakaroon ng kapayapaan sa isipan.” Hindi nagtagal ay bumalik iyong mamimili para kunin ang mga produkto, at dinala rin niya ang ilan sa kanyang mga kaibigan para ipakilala sa akin, at nagtipon ako ng mga produkto para sa kanila na babagay sa kanilang balat. Dahan-dahan ngunit sigurado, marami sa mga mamimili ay higit na nagtiwala sa akin, silang lahat ay nagdala ng pera sa akin na hinihiling akong bilihan sila ng mga produkto, kaya walang hirap para sa akin na kumuha ng pondo para sa mga bentahang ito. Sa ganiton paraan ay pinangasiwaan ko ang aking sarili bilang isang matapat na tao, isang tao na tunay na kumikilos nang naaayon sa mga hinihingi ng Diyos, at bumuti nang bumuti ang negosyo. Alam ko na ito ay biyaya ng Diyos, hindi lang ako biniyayaan ng Diyos ng mga materyal na bagay, mas mahalaga ay tinuruan niya ako kung paano ko pangasiwaan ang aking sarili. Sa totoong mundo tunay na kahanga-hanga na pangasiwaan ang aking sarili bilang isang matapat na tao ayon sa salita ng Diyos!
Binulay-bulay ko ang aking nakaraan, kung paano ko sinunod ang mga masasamang kalakaran ni Satanas para sa aking pansariling kapakanan at nagpatuloy sa kaisipan sa buhay ni Satanas sa paraan kung saan: “mas maigi ang magkaroon ng matatas na dila kaysa magkaroon ng malalakas na mga braso at binti.” Inakala ko na hindi ko magagawa ang mga bagay-bagay nang hindi nagsisinungaling, na kung hindi ako magsisinungaling ay hindi ako kikita ng maraming pera, at bilang resulta ay pinaglaruan ako ni Satanas hanggang nabuhay ako nang hindi bilang isang tao o hayop man! Nagbago ako nang nagbago patungo sa isang walang pagkatao, isang walang konsensya at kaisipan, nawala sa akin ang katapatan at dangal na mayroon dapat ang isang tao kapag pinangangasiwaan niya ang kanyang sarili. Hindi nalugod ang Diyos, hindi ako mapagkakatiwalaan bilang isang tao, bawat araw ay kumikilos akong parang isang magnanakaw, nasa pagkatakot na isang araw ay mapapasok ako sa gulo at mahila ng isang tao sa isang kaso. Ang aking buhay ay napaka matrabaho at nakakapagod. Ngunit alam ng Diyos na ako ay lubhang ginawang masama ni Satanas, at upang maligtas ako ay nilagay Niya ako sa isang kapaligirang magdidisiplina sa akin, na may kasamang mga salita na mangunguna at gagabay sa akin, upang makikita ko nang malinaw ang kapangitan ng aking sariling kasamaan, upang kasuklaman ko ang aking sarili at lumingon patungo sa Kanya, at isagawa ang katotohanan bilang isang matapat na tao. Noong ako ay kumilos nang naaayon sa mga salita ng Diyos, noong pinangasiwaan ko ang aking sarili bilang isang matapat na tao, noong ginampanan ko ang aking tungkulin habang pinangangasiwaan ko ang aking negosyo, tinanggap ko ang paggabay at pagpapala ng Diyos. Sa karanasang ito ay nakita kong layunin ng Diyos na iligtas ako at pangunahan ako sa tamang landas ng buhay, kung saan hindi ako magpapatuloy na pinaglalaruan ni Satanas. Ako ay nagpapasalamat mula sa kaibuturan ng aking puso para sa ganitong uri ng pag-ibig at pagliligtas na ibinigay ng Diyos sa akin. Mula sa puntong ito, tiyak na pangangasiwaan ko ang aking sarili bilang isang matapat na tao na naaayon sa salita ng Diyos, nabubuhay bilang isang totoong tao upang mapasaya ang Diyos at magpatotoo ang Diyos!
Write a comment