Isinilang si Jie Jing sa isang pamilya ng mga Kristiyano—ang pananampalataya ng kanyang pamilya sa Panginoon ay nagmula pa sa tatlong henerasyon—at tuloy-tuloy siyang naglilingkod sa Panginoon sa iglesia matapos siyang lumaki. Pero unti-unti, natuklasan niyang nagiging mas mapanglaw na ang iglesia at parehong mga lumang bagay na lang ang ipinapangaral ng pastor. Bukod doon, lumalaban sa kalooban ng Diyos ang pag-uugali nila. Hindi niya magawang magkamit ng anumang panustos para sa buhay niya at mas lalong nagiging tigang at madilim ang kanyang espiritu. Sa kanyang paghihirap, madalas niyang tinatawag ang Panginoon, inaasam na magbalik na Siya sa lalong madaling panahon. Pagkatapos isang araw, habang naghahanap siya online ng impormasyon tungkol sa pagdating ng Panginoon, may nakita siyang isang video ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Niyanig ng mga salitang ito ang kanyang kaluluwa—ramdam niyang puno iyon ng kapangyarihan at awtoridad, at tila tinig iyon ng Diyos. Sinimulan niyang hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadiligan at nabigyan ng sustansya ang tigang niyang espiritu, at naunawaan niya ang ugat ng kapanglawan ng relihiyosong mundo. Labis ang pasasalamat niya sa Diyos sa pagpatnubay sa kanya na makasabay sa mga yapak ng Kordero.
________________________________
Dapat mong basahin ang mga salita ng Diyos upang gumawa ng daily devotion in tagalog na tutulong sa iyo na sundan ang mga yapak ng Kordero at makibahagi sa masaganang pagkakaloob ng buhay.
Magrekomenda nang higit pa:
- Ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit
- Daily Gospel in Tagalog: Magandang Balita ng Pagbabalik ng Panginoon
Write a comment