· 

Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy

Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy

 

Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit?

 

Ang Kristiyanong si Song Enze ay inaresto at ikinulong ng Chinese Communist Party nang pitong taon dahil naniwala siya sa Diyos at nangaral ng ebanghelyo ng Diyos. Nang makalaya na siya, nagpilit siyang magpatuloy sa paggugol para sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Pakiramdam niya, sa pagtalikod sa kanyang tahanan at propesyon, pagpapagod, at pagtatrabaho, ginagawa niya ang kalooban ng Diyos, at na siguradong matatamo niya ang pagsang-ayon ng Diyos at dadalhin siya ng Diyos sa kaharian ng langit. Kalaunan, nagkasakit nang malubha ang anak na lalaki ni Song Enze, at nanganib ang buhay, na ikinasama ng loob ni Song Enze sa Diyos, tinangka niyang makipagtalo sa Diyos, at nawalan siya ng hangaring gawin ang kanyang mga tungkulin. Sa pamamagitan ng ipinakita sa kanyang mga totoong pangyayari sa kanyang sitwasyon at ng mga paghahayag sa salita ng Diyos, natanto ni Song Enze na ang maraming taon ng pagtalikod at paggugol niya para sa Diyos ay dating pagtatangka niyang ipalit iyon sa biyaya at mga pagpapala ng Diyos, at na hindi siya isang taong masunurin sa Diyos. Sa huli, sa pamamagitan ng paghahanap, natutuhan din niya sa wakas kung paano sikaping makawala sa kanyang mga tiwaling disposisyon, maging tunay na masunurin sa Diyos, at maligtas ng Diyos.

 

_________________________________________________

 

Rekomendasyon: hindi lahat ng tumatawag sa panginoon ay maliligtas

Write a comment

Comments: 0