· 

Ang Paggising ng Isang Nalinlang na Espiritu

Buhay sa Iglesia

 

 Ni Yuan Zhi, Brazil

 

Ipinanganak ako sa isang maliit na lungsod sa Northern China at noong 2010, sumunod ako sa mga kamag-anak ko sa Brazil. Dito sa Brazil, may nakaibigan akong isang Kristiyano na isinama ako sa iglesia upang makinig ng ilang sermon, pagkaraan ng tatlong pagbisita ay wala pa rin akong natutuhan. Naging abala talaga ako sa trabaho pagkatapos niyon, kaya hindi na ako bumalik ulit sa iglesia hanggang sa isang araw noong Hunyo 2015, minsan pa akong isinama ng kaibigan ko sa iglesia. Sa pagkakataong ito, nagtamo rin ako sa wakas ng kaunting pagkaunawa sa Panginoong Jesus bilang Manunubos sa pamamagitan ng ibinahagi ng mga kapatid. Lalo na noong una kong mabasa ang Genesis, napagtanto ko na ang tao ay talagang nilikha ng Diyos, na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at nadama ko na ang Lumikha ay tunay na kamangha-mangha. Noong nag-aaral pa ako, natutuhan ko mula sa lahat ng textbook na ang tao ay nagmula sa mga unggoy, at lahat ng bagay sa mundo ay likas na nabuo—lumabas na nalinlang ako sa loob ng mahigit dalawampung taon. Pagkatapos kong mabasa ang Biblia, saka lamang ako lubos na nagising, at mula noon, sumampalataya na ako sa Panginoong Jesus.

 

Noong mga huling buwan ng 2015, bumalik ako sa Brazil pagkaraan ng limang buwan sa China. Sa pagkakataong ito, nagpasiya akong maghanap ng matatag na trabaho at ayusin ang aking kalagayan. Gayunman, hindi palaging umaayon sa plano ang mga bagay-bagay. Hindi naging maayos ang lahat sa trabaho o sa aking personal na buhay, at labis akong nabagabag at nabalisa. Isang gabi, tinawagan ko ang kaibigan kong Kristiyano para magreklamo, at sinabi niya sa akin, “Payapain mo ang sarili mo at manalangin ka sa Diyos at makikita mo kung paano isinasaayos ng Panginoon ang lahat para sa iyo.” Kaya, pinayapa ko ang puso ko at nanalangin ako sa Panginoon, “Panginoong Jesus! Nagdaranas ako ng ilang problema sa trabaho na hindi ko alam kung paano harapin. Panginoon, nawa’y makatanggap ako ng kaunting tulong mula sa Iyo.” Sa gulat ko, pagkaraan ng apat na araw, tumawag ang amo ko at pinabalik ako sa trabaho. Masayang-masaya ako at nagpasalamat ako na dininig ng Panginoong Jesus ang aking mga panalangin. Nakatanggap ako ng iba pang biyaya ng Panginoon pagkatapos niyon, kaya nagsimula akong dumalo sa mga pagtitipon linggu-linggo upang gantihan ang Kanyang pagmamahal, kahit kinailangan kong lumiban sa trabaho.

 

Mula noong Hunyo 2016, hindi lang ako dumalo sa mga pagtitipon sa iglesia, kundi nagbahagi rin ako ng mga talata sa Biblia sa mga kaibigan ko sa Facebook, at nagsasaliksik ako ng mga nilalaman sa Facebook para magkaroon ako ng higit na pagkaunawa tungkol sa Panginoon. Nagdagdag ako ng maraming kaibigan magbabahaging lahat ng mga talata sa Biblia sa akin kapag nagkaroon sila ng oras. Napakalaking tulong nito para sa akin. Isang araw habang nagsasaliksik ako sa Facebook, nakita ko ang isang video na may deskripsyon na “Bumababa ang Diyos nang may Paghatol”—agad nitong nakuha ang aking pansin. Buong pag-uusisang nag-klik ako roon. Nasiyahan ako dahil napakagaling ng pagkagawa niyon. Sa madaling salita, nakamamangha iyon! Nabighani ako sa malalim at makapangyarihang pagkanta, sa mga titik na umantig sa puso ko, at sa kasigasigan ng lahat sa pagtatanghal. Nang pagtuunan ko itong lalo, nakita ko na ang video ay nagmula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Naisip ko: “Ibinubuhos talaga ng lahat ng nagtatanghal ang kanilang sarili rito—parang kumakanta sila para marinig ito ng Diyos. Mukhang wala namang masama sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang tungkol sa kanila; kung magkakaroon ako ng pagkakataon, dapat ko silang kontakin.”

 

Isang araw, ipinadala ko ang link ng video sa isang kaibigan ko sa Facebook, si Sister Yang, na nakausap ko nang madalas tungkol sa Biblia. Talagang nagustuhan niya rin ito, at interesado raw siyang malaman ang iba pa tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nadama niya na ang iglesiang ito ay talagang napakaespesyal at na ito’y puspos ng gawain ng Banal na Espiritu. Pagkatapos ay ibinahagi ko ang video sa Facebook page ko, pero sa gulat ko, pinanood ito ng isa sa mga kaibigan ko at sinabi sa akin na hindi maganda ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pinadalhan niya ako ng lahat ng uri ng negatibong bagay tungkol dito. Talagang natakot ako nang makita ko ang lahat ng materyal na ito na naglapastangan sa Makapangyarihang Diyos at tumuligsa sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at naisip ko: “Mukha namang okey ang iglesiang ito—paano magkakaproblema sa kanila ang sinuman?” Nang muli kong panoorin ang video, bigla kong naalala ang sinabi ng aking pastor noong minsan sa isang sermon, na maglilitawan ang mga bulaang Cristo sa mga huling araw. Kung lilihis ako mula sa landas ng Panginoong Jesus, hindi ba matatapos na ang lahat para sa akin? Alam ko na isang bagay iyan na hindi maaaring basta balewalain, kaya nagpasiya ako na huwag na muna itong panooring muli noon. Agad kong kinausap si Sister Yang at ipinaliwanag ko ang sitwasyon sa kanya. Ang sagot niya ay, “Hindi tayo maaaring umasa na lamang sa isang panig ng kuwento upang alamin kung ito ay totoo o hindi. Hindi ito naaayon sa mga turo ng Panginoon. Lahat tayo na mga mananampalataya sa Panginoon ay naghihintay sa Kanyang pagbalik, at sa ngayon, may ilang taong nagsasabi na dumating na Siya. Kailangan nating siyasatin ito. Hindi tayo maaaring basta na lang sumunod sa madla, at pikit-matang husgahan at tuligsain ito. Humanap tayo ng ilang tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at suriin natin ito. Makikita natin ang tunay na kulay nila—walang totoo na magagawang huwad, at walang huwad na magagawang totoo.” Naisip ko: “Tama si Sister Yang. Ito nga ang unang pagkakataon na narinig ko ang sinuman na mangaral ng ebanghelyo na nagbalik na ang Panginoon, at wala akong ideya kung totoo o hindi ang bagay na iyon sa Internet na tumutuligsa sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikita ko na ang mga video at pelikulang ito na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay medyo maganda. Dapat kong alamin ang tungkol sa mga iyon—iyon lamang ang makatwirang paraan ng pag-alam kung nagbalik na nga ang Panginoon.” Kaya nga, pumayag akong siyasatin namin ni Sister Yang ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

 

Nakipag-ugnayan si Sister Yang sa pamamagitan ng mga detalye ng kontak na iniwan sa bandang huli ng video at humantong siya sa pagkontak kay Brother Zhang ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa North America. Nang makontak namin siya online, itinanong namin ni Sister Yang ang bagay na iyon: “Alam namin pareho na babalik ang Panginoon sa mga huling araw; gayunman, sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang’ (Mateo 24:23–24). Brother Zhang, ano ang palagay mo sa isyung ito tungkol sa mga bulaang Cristo na maglilitawan sa mga huling araw upang linlangin ang mga tao?”

 

Sabi ni Brother Zhang: “Sinabi ng Panginoong Jesus ang mga bagay na ito upang balaan tayo: Pagbalik Niya sa mga huling araw, maglilitawan din ang mga bulaang Cristo. Ang kalooban ng Panginoon ay magkaroon tayo ng pagkahiwatig para hindi tayo malinlang ng mga bulaang Cristo. Gayunman, hindi Niya ito sinabi para basta na lang natin tanggihang lahat ang sinumang nagsasabi na nagbalik na ang Panginoon, o husgahan at tuligsain pa natin sila. Ito ang ating maling pagkaunawa sa mga salita ng Panginoong Jesus. Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus kung ano ang mga bulaang Cristo: ‘Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang’ (Mateo 24:24). Ang malilinaw na palatandaan ng mga bulaang Cristo ay na ginagaya nila ang gawain ng Panginoong Jesus, nagpapakita ng mga tanda, nagsasagawa ng mga himala, nagpapagaling ng mga karamdaman at nagpapalayas ng mga demonyo. Dito pinakamatindi ang katusuhan at kasamaan ng mga bulaang Cristo, at ito ang kanilang mga pangunahing katangian. Mas tiyak at matalim ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos hinggil sa mga pagpapakita at palatandaan ng mga bulaang Cristo. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang taong lalabas na kayang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, magtaboy ng mga demonyo, magpagaling ng mga may sakit, at gumawa ng maraming himala, at kung ang taong ito ay inangking siya si Jesus na dumating, isa itong huwad na ginawa ng mga masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang magkaparehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling pangangasiwaan ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. … Kung, sa mga huling araw, nagpapakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtataboy pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling ng mga may sakit—kung gagawin Niya ang eksaktong ginawa ni Jesus—uulitin ng Diyos ang kaparehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Kaya naman, isinasakatuparan ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng gawain Niya, agad itong ginagaya ng mga masasamang espiritu, at pagkatapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, lumilipat ang Diyos tungo sa ibang kaparaanan. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng gawain Niya, ginagaya ito ng mga masasamang espiritu. Dapat malinaw kayo tungkol dito’ (“Pagbabatid sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Alam nating lahat na lahat ng bulaan ay maaari lamang sumandig sa totoo at gayahin ito. Gayon din ang mga bulaang Cristo. Sila ay masasamang espiritu at wala ng diwa ni Cristo. Hindi nila kayang gawin ang gawain ni Cristo, hindi nila magawang ihayag ang katotohanan, at hindi nila magawang ihayag ang disposisyon ng Diyos o lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos. Hindi nila maihatid sa tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Samakatwid, maaari lamang gayahin ng mga bulaang Cristo ang gawaing nagawa na ng Panginoong Jesus; ang magagawa lamang nila ay magsagawa ng ilang tanda at kababalaghan upang linlangin ang mga taong mangmang at walang alam. May ilang tao na sinapian ng masasamang espiritu, na nangangahas na magpahayag na sila ang nagbalik na Panginoong Jesus, at ginagaya nila ang Panginoong Jesus sa paggawa ng mga bagay tulad ng pagpapagaling ng mga sakit at pagpapalayas ng mga demonyo, pagsasagawa ng mga himala, at pagtuturo ng daan tungo sa pagsisisi at pagpapatawad. Walang alinlangan na sila ang mga bulaang Cristo na nanlilinlang sa mga tao. Ang gawain ng Diyos ay palaging bago at hindi naluluma kailanman, palaging umuunlad nang pasulong. Hindi Niya inuulit kailanman ang dating gawaing nagawa na Niya noon. Katulad lang ito noong pumarito ang Panginoong Jesus upang gumawa; winakasan Niya ang Kapanahunan ng Kautusan at pinasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya. Hindi Niya inulit ang gawaing naisagawa ng Diyos na si Jehova na maglabas ng batas para gabayan ang mga tao sa kanilang buhay, kundi sa halip, ginampanan Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos mula sa pundasyon ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Inihatid ng Panginoong Jesus ang daan tungo sa pagsisisi at pagpapatawad sa sangkatauhan; basta’t lumapit tayo sa Kanyang harapan, nangumpisal, at nagsisi, patatawarin ng Panginoon ang ating mga kasalanan at kalilimutan ang ating mga paglabag, para akma nating matamasa ang saganang biyaya at mga pagpapalang ipinagkakaloob ng Panginoon sa sangkatauhan. Lahat ng gawaing iyan ay bago, at hindi ito maaaring gawin ng anumang masasamang espiritu o ni Satanas. Ganito rin ang nangyari sa nagbalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw—winakasan ng Makapangyarihang Diyos ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Hindi inulit ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus—hindi Siya nagpapalayas ng mga demonyo, nagpapagaling ng mga maysakit, o nagsasagawa ng mga himala para sa tao. Sa halip, ipinapahayag Niya ang katotohanan at isinasagawa ang yugto ng gawain ng paghatol at paglilinis sa tao sa pundasyon ng gawain ng pagtubos. Ganap Niyang inililigtas ang sangkatauhan mula sa teritoryo ni Satanas at dinadala tayo sa kaharian ng Diyos. Puro bago ang gawaing ito mula sa Diyos na hindi pa Niya nagawa kahit kailan at hindi maisasagawa ng sinuman at anupamang bulaang Cristo. Basta’t alam natin na ang gawain ng Diyos ay palaging bago at hindi naluluma, at nauunawaan natin ang mga prinsipyo ng paghiwatig sa tunay na Cristo mula sa mga bulaang Cristo, natural nating matutukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng pagpapakita at gawain ng Diyos at ng panlilinlang ng mga bulaang Cristo.”

 

Marami akong natutuhan sa pakikipag-usap kay Brother Zhang; napakalinaw ng kanyang pagbabahagi. Ang mga bulaang Cristo ay maaari lamang ulitin at gayahin ang ilan sa gawaing nagawa ng Diyos noon, ngunit hindi nila maisasagawa kailanman ang anumang bagong gawain, ni hindi sila makapagbibigay ng bagong landas para sa sangkatauhan. Sa puntong ito, naunawaan ko ang tunay na kahulugan sa likod ng mga salita ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24). Sinabi rin ni Sister Yang na marami rin siyang napulot mula rito, kaya nagpasiya kaming makipagkita kay Brother Zhang kinabukasan ng gabi upang maipagpatuloy namin ang pakikinig sa kanyang pagbabahagi.

 

Nadama ko na ang kinailangang ibahagi ni Brother Zhang mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay kamangha-mangha at talagang makakabuti sa akin. Gayunman, nang maisip ko ang lahat ng tsismis online, medyo nag-alala pa rin ako. Matapos akong bumalik sa aking iglesia, tinanong ko ang isa sa nakatatandang kalalakihan kung may alam siya tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi niya sa akin na sinabi na ng pastor na hindi kami dapat magkaroon ng kaugnayan sa kanila; sinabi rin niya sa akin ang ilang bagay na sinabi ng ilang pastor, na humuhusga, umaatake, at tumutuligsa sa Makapangyarihang Diyos. Nang marinig ko ito, medyo nag-alangan ako. Agad kong ipinaalam kay Sister Yang ang negatibong impormasyong ito at iminungkahi ko na putulin niya ang pakikipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Gayunman, mukhang determinado si Sister Yang na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sinabi niya sa akin, “Saanman ako akayin ng mga yapak ng Cordero, susunod ako. Kamakailan, naunawaan ko ang ilang katotohanan sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos online at panonood sa lahat ng uri ng video at pelikula tungkol sa ebanghelyo mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Maraming pagkalito at paghihirap na humadlang sa akin noong araw ang nalutas. Pakiramdam ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan. Gaano man tuligsain ng iba ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, susuriin ko hanggang sa malinawan ko ito nang husto.” Hindi ko nahikayat si Sister Yang, kaya pareho ko silang ibinlock ni Brother Zhang sa Facebook at hindi na ako nangahas na kontakin silang muli.

 

Gayunman, wala pa ngang dalawang araw ang nakalipas bago ako nagsimulang mawalan ng gana sa trabaho. Araw-araw, wala akong nagawa kundi magluto ng pagkain sa bahay. Dahil wala akong ginagawa, binuksan ko ang YouTube at nanood ako ng ilang pelikula, pero ang nakakapagtaka, sa bawat pagkakataon, lumalabas ang mga pelikula, music video, at mga gawang pangkoro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Napag-isip-isip ko: “Ang bilis namang magpalabas ng mga video at pelikula ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kahanga-hanga! Anumang nagmumula sa Diyos ay kailangang sadyang lumago, kaya nagmumula nga kaya sa Diyos ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Lahat ng binanggit ni Brother Zhang nitong huli ay nakaayon sa katotohanan. Siguro dapat kong subukang minsan pa na unawain ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring basta na lang ako tumangging siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw dahil lang sa sinasabi ng ibang mga tao.” Gayunman, nang maisip ko ang nakita ko online na tumutuligsa sa Makapangyarihang Diyos pati na ang babala ng aking pastor na huwag makipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naisip ko na marahil ay hindi na ako dapat pang magpatuloy. Kaya, nagpasiya akong maghanap ng iba pang mga video sa YouTube. Gayunman, saanman ako maghanap, may mga video mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at unti-unti akong nanlumo. Sa huli, nanaig ang pagiging mausisa ko at naisip ko: “Hindi mahalaga kung mabuti o hindi ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Panonoorin ko lang nang mabilis ang mga video nila, at kung talagang hindi mabuti ang mga iyon, magiging aral iyon sa pagkakaroon ng pagkahiwatig.” Pagkatapos ay nag-klik ako sa isang video na tinatawag na “Gospel Choir 9th Performance.” Naakit ng videong ito ang aking interes dahil tunay na pagpapakita ito ng kasalukuyang lipunan na talagang nakakaugnay ako. Ipinakita nito ang buhay ng tao nang napakalinaw, makatotohanan, at tunay na tunay. Napaiyak at natawa ako roon; naantig nang husto ang puso ko, at napuspos ako ng sigla. Naudyukan ako na panoorin kaagad ang bawat isang video na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos niyon araw-araw na akong nanood ng mga video mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sa loob ng isang linggo ay napanood ko na ang lahat ng 17 episode ng mga video ng korong Chinese. Nang lalo kong panoorin ang mga ito, lalo akong nakaugnay sa mga ito. Para bang puwersa sa puso ko na nagtutulak sa akin na manood at magsuri sa lalong madaling panahon. Naisip ko: “Napakarami ko nang napanood na video ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos; at bawat isa ay naging malaking tulong sa akin, at wala ni isa mang negatibong salita sa alinman sa mga ito: Lahat ay positibo. Ang ilan sa mga ito ay naglalantad ng kadiliman ng mundo, ang ilan ay nagpapatotoo sa Diyos, at ang ilan ay gumagabay sa tao pabalik sa harap ng Diyos. Walang halong kamunduhan sa mga ito. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay puno ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi iyon katulad man lang ng sinasabi sa mga tsismis. Mahalaga talagang suriin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw!”

 

Isang araw habang nagba-browse ako sa Facebook, nabasa ko ang karanasan at patotoo ng isang tao na may pamagat na “Nakasumpong Ako ng Kaligtasan sa mga Huling Araw sa Facebook.” Binuksan ko ito at nabasa ko na pareho kami ng mga karanasan ng babaeng ito. Nang una siyang makipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pinadalhan siya ng mga kaibigan niya online ng ilang tsismis tungkol dito sa iglesia na talagang nakahadlang sa kanya. Nagmamadaling binasa ko iyon, sabik na malaman kung ano ang nangyari sa huli. Nabasa ko na matapos manalangin at hilingin ng babaeng ito sa Panginoon na gabayan siya, nadama niya na hindi siya maaaring mamili ng pakikinggan at paniniwalaan, kundi kailangan niyang siyasatin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa praktikal na paraan upang mahiwatigan kung ito ay totoo o hindi. Hindi makatwiran na pikit-matang makinig sa mga tsismis at tumangging siyasatin ang ikalawang pagparito ng Panginoon, kaya nadama niya na kailangan niyang alamin ang katotohanan tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Talagang umalingawngaw ang mga salitang ito sa akin. Ang pagbabalik ng Panginoon ay isang mahalagang bagay at kailangan itong tratuhin ng isang tao nang maingat. Hindi tayo maaaring basta sumunod na lamang sa karamihan; hindi natin maaaring pikit-matang tanggihan at labanan ito. Patuloy kong binasa ang artikulo at nakita ko kung ano ang naunawaan ng babaeng ito. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lubos na kaiba sa mga sinasabi sa kanya ng kanyang mga kaibigan online. Personal din niyang pinapasok ang ilang bumibisitang babae mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbahagi sa kanya tungkol sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at tinulungan at pinagmalasakitan siya. Nalaman ko mula sa mga tunay na karanasan sa buhay na ikinuwento sa akin ng babaeng ito na hindi na ako maaaring patuloy na magpalinlang sa mga tsismis na ito, ni hindi ako maaaring patangay sa tsismis, na tumatangging siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kung hindi, mas malamang na mawala sa akin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Alam ko na kailangan kong makipag-ugnayang muli sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para magsiyasat pa!

 

Noong gabing iyon habang papihit-pihit ako sa higaan, naisip ko, “Kailangan kong makita ulit si Sister Yang, kahit ibinlock ko na siya. Kung matagpuan ko siya, tiyak na matatagpuan ko si Brother Zhang mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Si Sister Yang ay isang tunay na mananampalataya at noon pa man ay sinisiyasat na niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Malamang ay marami na siyang naunawaan sa ngayon. Talagang kailangan ko siyang kumustahin tungkol sa kanyang pagsisiyasat.” Hindi madaling gawin iyon, ngunit sa tulong ng ilang kaibigan, natagpuan ko ang Facebook account ni Sister Yang pagkaraan ng ilang araw. Natuwa ako talaga na hindi siya nagalit sa akin sa pag-block ko sa kanya. Nang kontakin ko siya, sinabi niya sa akin na nalinawan na siya sa pamamagitan ng kanyang pagsisiyasat, at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masayang-masaya rin niya akong ipinakausap kay Brother Zhang. Nang magkakonekta kaming tatlo online, sinabi ko sa kanila, “Dahil sa karanasan ko kamakailan, nakikita ko na ginagabayan ako ng Panginoon. Handa rin akong hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ngunit, napakarami kong tanong sa inyong dalawa na gusto kong ibahagi ninyo. Ang isang bagay na talagang hindi ko maunawaan ay na si Jesus ay nagkatawang-tao bilang isang lalaki upang gawin ang Kanyang gawain, kaya paano Siya ngayon babalik sa katawan bilang isang babae upang gawin ang Kanyang gawain. Ito ay isang hiwaga. Brother Zhang, maaari mo bang ipaliwanag ito sa akin?”

 

Bilang tugon sa aking tanong, sumagot si Brother Zhang, “Oo. May mga hiwaga sa loob ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos—malawak at malalim ang kabuluhan, at isang bagay ito na hindi natin maaarok. Samakatwid, kailangan tayong magkaroon ng pusong mapitagan hinggil sa pagbabalik ng Panginoon. Kahit hindi malayong nakaayon ang gawain ng Diyos sa ating mga pagkaintindi, kailangan tayong mag-ingat sa ating mga sinasabi. Hindi natin dapat husgahan ang bagay na ito nang hindi nag-iisip. Sa matinong salita, ang di-makatwirang paghusga sa gawain ng Diyos ay paglapastangan sa Diyos, at ang kalapastanganan ay isang kasalanang hindi mapapatawad sa buhay na ito o sa kabilang buhay. Naparito ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at inilantad ang lahat ng hiwaga. Lubos nitong tinutupad ang propesiya ni Jesus na: ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ (Juan 16:12–13). Sama-samang nating basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos para maunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Noon, nang pumarito si Jesus, lalaki Siya, at nang dumating ang Diyos sa pagkakataong ito, babae Siya. Mula rito, makikita mo na nilikha ng Diyos kapwa ang lalaki at ang babae para sa kapakanan ng Kanyang gawain, at para sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Siyang magbihis ng anumang katawang-taong gusto Niya, at maaari Siyang katawanin ng katawang-taong iyon; lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos basta’t ito ang Kanyang nagkatawang-taong laman. Kung nagpakita si Jesus bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, naipaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, makukumpleto pa rin ang yugtong iyon ng gawain. Kung nagkagayon, kakailanganing kumpletuhin ng isang lalaki ang kasalukuyang yugto ng gawain, ngunit makukumpleto pa rin ang gawain. Ang gawaing ginawa sa alinmang yugto ay pantay ang kabuluhan; hindi naulit ang alinmang yugto ng gawain, ni hindi ito magkasalungat. Sa panahong iyon, si Jesus, sa paggawa ng Kanyang gawain, ay tinawag na bugtong na Anak, at ang “Anak” ay nagpapahiwatig ng kasariang lalaki. Bakit hindi binanggit ang bugtong na Anak sa kasalukuyang yugtong ito? Dahil ang mga kinakailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago ng kasarian na naiiba sa kay Jesus. Para sa Diyos walang pagkakaiba ang kasarian. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa Kanyang kagustuhan, at sa paggawa ng Kanyang gawain ay hindi Siya sumasailalim sa anumang mga paghihigpit, kundi malayang-malaya. Subalit bawat yugto ng gawain ay may sariling praktikal na kabuluhan. Dalawang beses na naging tao ang Diyos, at maliwanag na ang Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ang huling pagkakataon. Naparito Siya upang ipahayag ang lahat ng Kanyang gawa. Kung hindi Siya naging tao sa yugtong ito upang personal na gumawa para masaksihan ng tao, kumapit sana ang tao magpakailanman sa palagay na ang Diyos ay lalaki lamang, hindi babae. … Sa simula, nang likhain ni Jehova ang sangkatauhan, gumawa Siya ng dalawang klaseng tao, kapwa lalaki at babae; kaya nga hiwalay ang lalaki at babae sa Kanyang mga nagkatawang-taong laman. Hindi Niya ipinasiya ang Kanyang gawain batay sa mga salitang sinabi Niya kina Adan at Eba. Ang dalawang beses na naging tao Siya ay natukoy nang lubusan ayon sa Kanyang iniisip noong una Niyang likhain ang sangkatauhan; ibig sabihin, nakumpleto Niya ang gawain ng Kanyang dalawang pagkakatawang-tao batay sa lalaki at babae bago sila nagawang tiwali’ (“Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). ‘Sa kasarian, ang isa ay lalaki at ang isa pa ay babae, kaya nakukumpleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at naiwawaksi ang mga palagay ng tao tungkol sa Diyos: Ang Diyos ay maaaring maging kapwa lalaki at babae, at sa totoo lang, ang Diyos ay walang kasarian. Nilikha Niya kapwa ang lalaki at babae, at para sa kanya, walang pagkakahati ng kasarian’ (“Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).”

 

Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, ibinahagi ito ni Brother Zhang, “Ang prinsipyo ng paggawa ng Diyos ay gaya ng sumusunod: Talagang hindi nakikibahagi ang Diyos sa mga gawang walang kabuluhan. Anumang gawin ng Diyos ay may kabuluhan. Sabi sa Biblia: ‘At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae’ (Genesis 1:27). Makikita natin mula rito na sa simula, nilikha ng Diyos ang lalaki at babae sa Kanyang larawan. Maaaring magkatawang-tao ang Diyos bilang isang lalaki, at maaari din Siyang magkatawang-tao bilang isang babae. Sa Diyos, walang pagkakaiba sa pagitan ng mga kasarian; maging isang lalaki man siya o isang babae, taglay Niya ang diwa ng Diyos at nagagawa ang sariling gawain ng Diyos. Ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa dalawang magkaibang kasarian noong dalawang beses Siyang nagkatawang-tao ay upang buuin ang kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao at palisin ang maling paniniwala ng tao na ang Diyos ay maaari lamang magkatawang-tao bilang isang lalaki, na hindi Siya maaaring magkatawang-tao bilang isang babae. Ipinatatanto nito sa tao na hindi lamang kayang katawanin ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang identidad ng isang lalaki, kundi maaari ding katawanin nito ang identidad ng isang babae. Ipinapakita nito sa tao na makapangyarihan nga ang Diyos, na hindi natin dapat husgahan o limitahan ang Diyos nang wala sa katwiran. Bukod pa riyan, ang diwa ng Diyos ay sa espiritu, at hindi nagkakaiba ang kasarian sa mga espiritu. Ang kasarian ay angkop lamang sa nilikhang sangkatauhan. Dalawang beses naging tao ang Diyos upang iligtas at tubusin ang sangkatauhan, samakatwid, ang kasarian ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay nakasalalay lamang sa panahon kung kailan Niya ginagawa ang Kanyang gawain sa laman. Kapag nagwakas na ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa lupa, babalik Siya sa espirituwal na mundo at sa panahong iyon, wala nang anumang pagkakaiba ayon sa kasarian. Samakatwid, kung ililimita natin ang Diyos sa isang kasarian, ito ay isang malaking kalapastanganan!”

 

Sa pakikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pagbabahagi ni Brother Zhang, bigla akong nagkaroon ng ideya. Sa wakas ay naunawaan ko rin kung bakit gumamit ng ibang kasarian ang Diyos sa bawat isa sa Kanyang mga pagkakatawang-tao. Napagtanto ko na naroon ang kalooban ng Diyos mula pa nang una Niyang likhain ang sangkatauhan gayon din ang Kanyang mabubuting intensyon. Kung pumarito ang Diyos para gumawa bilang isang lalaki para sa dalawa Niyang pagkakatawang-tao, paniniwalaan natin magpasawalang-hanggan na ang Diyos ay isang lalaki at magkakamali tayo sa paniniwala na ang kasarian ng lalaki ay nakahihigit at nakatataas ang katayuan kaysa sa babae. Ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw bilang isang babae ay pagkakatawan sa katarungan at katuwiran ng Diyos, at ipinakikita nito sa akin ang kamangha-manghang kabuluhan ng pagkakatawang-tao at paggawa ng Diyos bilang isang babae sa pagkakataong ito! Kung hindi, hindi tayo magkakaroon kailanman ng pag-unawa tungkol sa Diyos, at ang ating mga pagkaintindi at paglimita sa Diyos ay hindi kailanman mawawala at bukod diyan, sasaktan nito ang disposisyon ng Diyos. Sa unang pagkakataon na nagkatawang-tao ang Diyos, nagpakita Siya bilang isang lalaki, at sa mga huling araw, nagpakita Siya bilang isang babae. Ang dalawang pagkakatawang-taong ito ng Diyos, ay talagang nagpapakita sa atin ng buong kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos; nabigyan ako ng mga ito ng mas tumpak at mas tunay na pagkaunawa sa Diyos. Salamat sa Diyos! Talagang matalino ang gawain ng Diyos!

 

Pagkatapos makinig nina Sister Yang at Brother Zhang sa aking pagkaunawa at kaalaman sa mga salita ng Diyos, natuwa sila na naunawaan ko na ang kalooban ng Diyos at naiwaksi ko ang aking mga pagkaintindi at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos. Napaiyak sila dahil sa gawain ng pagliligtas na nagawa ng Diyos sa akin. Tatlong beses pa kami nagsama-sama para magbahaginan. Salamat sa patnubay ng Diyos. Mas lalo kong naunawaan ang katotohanan, natututuhan ko ang hiwaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at natututuhan ko ang hiwaga ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Natutuhan ko ang mga pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao, ang mga pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at ng gawain ni Satanas, at ang iba pang mga aspeto ng katotohanan. Talagang nadarama ko na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus at na Siya ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Noong Sabado ng gabing iyon, pinadalhan ako ni Sister Yang ng isang bagong music video na may pamagat na “Pag-ibig ng Diyos Pumapaligid sa Puso Ko,” “Kalooban ng Diyos nabunyag—upang gawing ganap ang mga nagmamahal sa Diyos. Bayang masigla’t inosente, mag-alay ng mga papuri sa Diyos, sama-samang sumayaw nang maganda paikot sa tunay na Diyos. Lahat pinatawag ng tinig ng Diyos sa iba’t ibang dako. Kanyang mga salita ng buhay ’binigay sa ’tin. Pinaging-dalisay tayo sa paghatol ng salita ng Diyos.” Labis na nagpalakas ng loob ko ang kantang ito kaya napaiyak ako. Tinawagan ko si Sister Yang sa telepono, ngunit labis akong nadala ng aking emosyon kaya hindi ako makapagsalita. Ang tanging nagawa ko ay paulit-ulit na sabihing, “Salamat, Diyos ko! Salamat …”

 

Nang humupa ang tindi ng aking damdamin, noong gabi ring iyon nagkaroon ako ng taos-pusong pakikipag-usap sa aking kapatid. Nagpasalamat ako na hindi isinuko ng Makapangyarihang Diyos ang aking kaligtasan habang nangyayari ito at na hindi Niya ako pinarusahan ayon sa aking paghihimagsik at paglaban. Sa halip, palagi Niya akong sinamahan. Ginamit Niya ang mga pelikula at video tungkol sa ebanghelyo, at ang mga artikulo ng mga kapatid tungkol sa sarili nilang mga karanasan upang gabayan at pakilusin ako nang paunti-unti pabalik sa Kanyang sambahayan, at dinala ako sa Kanyang harapan. Mula sa kaibuturan ng aking puso, sinabi ko sa aking mga kapatid: “Naranasan ko na ang pag-ibig ng Diyos at naunawaan ko na rin ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Hindi na ako muling maniniwala kailanman sa mga sabi-sabi o tsismis. Lubos kong tinatanggap ang Makapangyarihang Diyos bilang aking Tagapagligtas at aking Diyos. Sapagkat natukoy ko nang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus—Siya ang Diyos na nagbigay sa akin ng napakaraming biyaya, at Siya ang Manunubos ng sangkatauhan.”

 

Kapag ginugunita ko kung paano ako nakinig sa mga tsismis noong araw, kung paano ako napuno ng pagkalito tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at sumambit pa ako ng ilang salita ng panghuhusga laban sa Diyos, kung paano ako naging mapaghimagsik, napakalaki ng pagkakautang ko sa Diyos—lungkot na lungkot ako at puno ako ng pagsisisi. Gayunman, sinabi sa akin ni Sister Yang: “Kapag hindi natin kilala ang Diyos, bilang mga tao madali tayong malinlang ng mga kasinungalingan. Basta’t tunay tayong nagsisisi, hindi magtatala ang Diyos. Sabi sa mga salita ng Diyos, ‘Ang Diyos ay hindi naparito sa panahong ito upang pabagsakin ang mga tao, ngunit sa halip ay upang iligtas ang mga tao sa pinakamalaking lawak na posible. Sino ang lubos na walang pagkakamali? Kung pinatay ang lahat ng tao, paano ito matatawag na “pagliligtas”? Ang ilang pagkakasala ay ginagawa nang sadya samantalang ang iba ay ginagawa nang hindi sinasadya. Sa mga bagay na hindi sinasadya, kung maaari kang magbago matapos mong aminin ang mga yaon, papatayin ka kaya ng Diyos bago ka nagbago? Kaya bang iligtas ng Diyos ang mga tao sa gayong paraan? Hindi Siya ganyan kumilos! Hindi alintana kung ikaw ay nagkakasala nang hindi sinasadya o dahil sa suwail na kalikasan, kailangan mong tandaan: Pagkatapos, kailangan mong magmadali at gumising ka sa realidad, at sumulong; anumang sitwasyon ang dumarating, kailangan kang sumulong. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay ang pagliligtas, at hindi Niya basta-basta papatayin ang mga taong nais Niyang iligtas’” (“Ang Kalooban ng Diyos ay Iligtas ang Mga Tao Hangga’t Maaari” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Napanatag ako ng mga salita ng Diyos at natulutan akong makita na ang Diyos ay puno ng awa at pagpapatawad. Kaydakila ng pag-ibig ng Diyos! Hindi ko mapigilan ang pasasalamat ko sa Diyos sa puso ko. Sa loob ng sumunod na panahon, sa pamamagitan ng mga pakikipag-ugnayan ko sa mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nakikita ko na ang iglesia ay hindi kagaya ng ipinahihiwatig ng mga tsismis. Ang totoo, lubos na kabaligtaran ito. Ito ang lugar para mahanap natin ang katotohanan at makilala ang Diyos. Kapag nagtitipon kami sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang nagsasalita tungkol sa pagkain, pag-inom, at pagsasaya; walang nagsasalita tungkol sa mga sasakyan, pera o bahay; walang nagsasalita tungkol sa marumi, mahalay, at masasamang bagay sa mundo. Sama-sama kaming nagbabasang lahat ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nagbabahaginan ng aming karanasan at kaalaman tungkol sa mga salita ng Diyos. Isinasagawa at sinusunod namin ang mga salita ng Diyos. Nakikita ko na sa loob ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, may kapangyarihan ang mga salita ng Diyos, may kapangyarihan ang katotohanan, at may kapangyarihan si Cristo. Ito ay isang lugar na puno ng pagkamakatarungan at katuwiran. Pakiramdam ko parang nakakatikim ako ng isang magandang buhay sa isang bagong langit at lupa! Ngayon kapag ginugunita ko ang mga tsismis na iyon, natatanto ko na wala itong ibang ginagawa kundi bitagin at saktan ang mga tao, at dahil sa mga tsismis na iyon kaya muntik nang mawala sa akin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Nagpapasalamat ako at iniligtas ako ng Makapangyarihang Diyos at tinulutan akong magkaroon ng kaunting pagkaunawa tungkol sa gawain ng Diyos. Napukaw ang aking espiritu, nakaalpas ako mula sa sala-salabid na mga tsismis ni Satanas, at lumapit ako sa harap ng luklukan ng Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagliligtas sa akin!

 

________________________________

 

Disasters are now more and more and the signs of the Lord's return have appeared. Many believers have a premonition that the Lord is likely to be back already. So, how should we welcome the Lord's return and gain the Lord's salvation of the last days? Please click the Tagalog Sermons.

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Write a comment

Comments: 0