· 

Ang Ating Dalawang Libong Taon ng Pag-asa ay Natanto: Bumalik na ang Tagapagligtas

Dalawang libong taon na ang nakalilipas, ang Panginoong Jesus ay minsang nangako: "At narito, ako'y madaling pumaparito" (Pahayag 22: 7).

 

Sa loob ng dalawang libong taon, ang lahat na tunay na naniniwala sa Panginoon ay nananabik sa pagbabalik ng Manunubos. Ngayon ang Panginoong Jesus ay bumalik, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus.

 

Noong 1991, ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagsimulang bumigkas ng mga salita sa mga bahay-iglesia at nagpahayag ng milyun-milyong mga salita, at ang karamihan ng Kanyang mga salita ay naitala sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Matapos basahin ang Kanyang mga pagbigkas, ang mga tao mula sa iba't ibang mga denominasyon, na tunay na naniniwala sa Diyos at nananabik na magpakita Siya, kinikilala na ang mga salitang ito ay tinig ng Diyos, at nagsimulang bumalik sa harap ng Makapangyarihang Diyos.

 

Ngayon, ang mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap, ipinapasa, at pinatotohanan ng papadaming bilang ng mga tao. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay mabilis na kumakalat sa bawat bansa at lugar ng mundo. Nananabik ka ba sa pagbabalik ng Panginoong Jesus? Nais mo bang makita ang pagpapakita ng Diyos at salubungin Siya?

 

 

________________________________

 

Itinala ng Bibliya ang mga propesiya sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Bukod sa mga propesiya ng pagbaba ng Panginoon nang hayagan sa mga ulap, mayroon ding mga propesiya na ang Diyos ay magiging Anak ng tao at bababa sa lihim. Kung gayon, paano matutupad ang dalawang uri ng mga propesiyang ito?

 

Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Write a comment

Comments: 0