· 

Anong Uri ng mga Tao ang Maaaring Sumalubong sa Panginoon? Narito ang Sagot

pagdating ni Jesus, Ang sampung dalaga

Ngayon kapag nagbukas tayo ng ating mga kompyuter, sa maraming mga platforms, maaari tayong makakita na mga taong nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos at na nagpapahayag Siya ng mga salita at gumagawa ng isang bagong gawain. Kapag naririnig ang balitang ito, ang ilang mga tao ay tumangging hanapin at siyasatin ito sapagkat naniniwala silang ang sinumang Panginoong Jesus na hindi dumating kasama ng mga ulap ay huwad.

 

Pero alam mo ba? Sa pamamagitan lamang ng paghahanap at pagsisiyasat makukumpirma natin kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus. Kung ang Makapangyarihang Diyos ay talagang ang nagbalik na Panginoong Jesus at hindi tayo naghanap at nag-imbestiga, hindi ba natin mapapalampas ang pagkakataon na masalubong ang Panginoon?

 

Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, "Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit" (Mateo 5:3). at nakasulat sa Biblia, "Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo" (Roma 10:17). Naniniwala kami sa Panginoon dahil nakumpirma namin, sa pamamagitan ng mapagpakumbabang paghahanap, na ang mga salita ng Panginoong Jesus ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Katulad nito, upang masalubong ang Panginoon sa mga huling araw, dapat tayong mapagkumbabang maghanap at magsiyasat, at magtuon sa pakikinig ng mga salita ni Cristo sa mga huling araw upang makita kung ang mga salitang ito ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Kung makikilala natin ang mga salitang ito bilang tinig ng Diyos, dapat nating tanggapin at sundan Siya. Sa ganitong paraan lamang natin masasalubong ang Panginoon. Tulad ng propesiya ng Aklat ng Pahayag, "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko" (Pahayag 3:20). at sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kung saan man nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos."

 

 

________________________________

 

Hindi tinutukoy ng Diyos kung tayo ay mabuti o masama ayon sa kung paano ang ating panlabas na pag-uugali, at kung gaano karami ang ating tinalikuran, ginugol, at tiniis para sa Diyos, ngunit naaayon sa kung tayo ba ay nagtataguyod ng katotohanan. Ito ang tunay na kahulugan ng "hindi lahat ng tumatawag sa Panginoon ay maliligtas" na sinabi ng Panginoong Jesus.

 

Kaibigan, nais mo bang maging isang tao na mapagkumbabang nakikinig sa tinig ng Diyos at kayang salubungin ang Panginoon? Nais mo bang siyasatin ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos at salubungin ang Panginoon? Taos-puso kaming inaanyayahan ka at ang iyong mga kaibigan na makipag-ugnayan sa amin sa Messenger. Ang aming mga kinatawan ay online 24 oras sa isang araw upang matulungang malutas ang inyong pagkalito sa pananampalataya. Patnubayan nawa tayo ng Diyos! 

 

Write a comment

Comments: 0