· 

Nahanap Mo na Ba ang Daan upang Makamit ang Tunay na Pagsisisi?

2,000 taon na ang nakalilipas, sinabi ng Panginoong Jesus, "Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit" (Mateo 4:17). Sinabi sa atin ng Panginoon na sa pamamagitan lamang ng tunay na pagsisisi ay maliligtas tayo at makakapasok sa makalangit na kaharian. Ang ilang mga tao ay nagsasabi, "Kami ay madalas na lumapit sa harap ng Panginoon at nagdarasal ng may luha upang aminin ang aming mga kasalanan pagkatapos naming makagawa ng kasalanan. Ito ay tunay na pagsisisi, kaya't makakapasok kami sa makalangit na kaharian sa pagbabalik ng Panginoon." Ganito nga ba talaga? Bagaman nananalangin tayo at nangungumpisal sa Panginoon, madalas pa rin tayong gumawa ng kasalanan at lumalaban sa Diyos sa kabila ng ating sarili. Paano ito magiging totoong pagsisisi? Paano tayo maging karapat-dapat na pumasok sa makalangit na kaharian? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man" (Juan 8:34-35). Mula rito, makikita natin na ang mga gumagawa ng kasalanan ay mga alipin ng kasalanan at hindi kailanman pinahintulutan ng Diyos yaong mga taong nagkasala na pumasok sa Kanyang kaharian, na tinukoy ng kanyang matuwid na disposisyon. Gayunpaman, madalas pa rin tayong nagkakasala matapos tayong manalangin at mangumpisal sa Panginoon. Malinaw, hindi ito tunay na pagsisisi.

 

Kaya paano natin mapupuksa ang pagkaalipin sa kasalanan at makamit ang totoong pagsisisi? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."

 

mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"

 

Ngayon ang Panginoon ay bumalik na bilang nagkatawang-taong Anak ng tao—ang Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng mga katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol sa pundasyon ng gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus upang hatulan at linisin ang ating makasalanang kalikasan at tiwaling disposisyon at gawing ganap tayong malaya mula sa pagkaalipin ng kasalanan at makamit ng Diyos. Tanging kung mararanasan natin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay maaari nating itakwil ang mga tiwaling disposisyon, makamit ang tunay na pagsisisi, maging tao na sumusunod sa Diyos at sumasamba sa Diyos, at sa katapusan ay madala sa kaharian ng Diyos. Ito ang tanging paraan para makuha natin ang proteksyon ng Diyos sa gitna ng mga sakuna at pumasok sa makalangit na kaharian.

 

Ano ang Pagsisisi? Paano Natin Makakamit ang Tunay na Pagsisisi?

 

________________________________

 

Ang totoong katiyakan ng kaligtasan ay: Naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, na tanging nangangahulugang naligtas tayo ng biyaya at napatawad na tayo sa ating kasalanan, ngunit hindi ito ang tunay na kaligtasan. Kung mararanasan lamang natin ang huling paghuhukom na gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maaari tayong ganap na maligtas at makapasok sa kaharian ng Diyos!

 

 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

 

Write a comment

Comments: 0