· 

Tagalog Christian Song | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"

 

Tagalog Christian Song | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"

 

Kung sa'n may pagpapakita ng Diyos,

may pagpapahayag ng katotohanan at ang tinig ng Diyos.

Ang mga tumatanggap lang ng katotohanan

ang makakarinig ng tinig ng Diyos 

at makakasaksi sa Kanyang pagpapakita.

Alisin ang mga pananaw na "imposible"!

Mga isipang imposible ay malamang mangyari.

Ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan.

Ang Kanyang mga isip at gawa ay

ubod ng layo sa isipan ng tao.

Mas imposible ang isang bagay, 

mas maraming katotohanang hahanapin.

Mas higit sa pagkaintindi ng tao, 

mas naglalaman ito ng kalooban ng Diyos.

Sa'n man Siya magpakita, ang Diyos ay mananatiling Diyos, 

Diyos ay mananatiling Diyos.

At ang diwa Niya kailanma'y di magbabago 

dahil sa kung sa'n Siya nagpakita.

Isantabi ang 'yong mga paniniwala, patahimikin ang 'yong puso, 

basahin ang mga salitang ito.

Kung nanaisin mo ang katotohanan, ipapaalam ng Diyos sa 'yo 

ang Kanyang kalooba't mga salita.

Ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling pareho,

sa'n man ang Kanyang mga yapak, 

Siya ang Diyos ng sangkatauhan.

Si Jesus ang Diyos ng mga Israelita, 

Diyos ng Asya, Europa, at ng buong sansinukob.

Hanapin ang kalooban ng Diyos mula sa Kanyang pagbigkas,

tuklasin ang Kanyang pagpapakita, 

sundan ang kanyang mga yapak.

Ang Diyos ay ang katotohanan, ang daan, ang buhay.

Ang mga salita Niya at pagpapakita ay sabay na umiiral.

Ang Kanyang disposisyon at mga yapak 

ay laging ipinapaalam sa tao.

Mga kapatid, umaasa Akong masasaksihan n'yo 

ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito.

Sundan Siya patungo sa bagong panahon, 

tungo sa bagong langit at lupa

na naihanda para sa lahat ng naghihintay

sa pagpapakita ng Diyos.

Isantabi ang 'yong mga paniniwala, patahimikin ang 'yong puso, 

basahin ang mga salitang ito.

Kung nanaisin mo ang katotohanan, ipapaalam ng Diyos sa 'yo 

ang Kanyang kalooba't mga salita.

 

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

 

 

Write a comment

Comments: 0